"LUMAYO ka nga sa akin Cridd!" iritang saad ni Lesley sa dating nobyong si Cridd.
Nasa gitna sila ng gubat at hindi alam kung paano sila makakalabas doon. Nakarating si Cridd kung saan sila naroroon dahil sa sumunod lang ito sa mga nagdala kay Lesley sa gubat, ngayon ay hindi nila malaman kung saan pupunta dahil pareho silang walang alam sa lugar na iyon.
"Nilalamig ka yata? Yakapin kita," mahinahong tanong ni Cridd kay Lesley na yakap-yakap ang sarili.
Nasa madilim, malamig at masukal na gubat sila, walang kahit na anong dala na gamit kung hindi ang mga sarili nila.
Sinamaan ni Lesley ng tingin si Cridd sa sinabi ng binata. "Lumayo ka nga, baka mangati pa ako sa ‘yo," iritang taboy ni Lesley sabay tulak kay Cridd na mahinahon itong kinakausap.
"Kasalanan mo lahat ng ito eh!" inis na sabi ni Lesley kay Cridd.
Naglakad si Lesley palayo kay Cridd papunta sa isang puno at umupo sa tabi noon. Ayaw n'ya lang talagang makatabi si Cridd dahil naalala nito ang ginawang panloloko ng binata sa kan'ya.
Si Cridd ay sinundan ng tingin si Lesley. Kahit na napakasungit sa kan'ya ni Lesley ay pinipigilan pa rin nito ang sarili n'ya na wag patulan, dahil una sa lahat ay alam n'yang kasalanan rin naman n'ya kung bakit nagkakaganito si Lesley sa kan’ya.
Hinubad ni Cridd ang suot n'yang jacket, nilapitan n'ya si Lesley tinakip n'ya iyon kay Lesley na alam naman n'ya na nilalamig na. Hindi ganoong ka kapal ang suot na uniform ni Lesley kaya madali itong lamigin sa lugar kung nasaan sila.
Tinignan s'ya ni Lesley sa ginawa nito, pero si Cridd ay lumayo na lang ng konti para wala ng masabi sa kan'ya si Lesley.
Pinagsisihan naman n'ya ang nagawa n'ya kay Lesley, ang totoo ay mahal na mahal n'ya pa rin ang dalaga kaya nagtitiis ito na suyuin si Lesley kahit na hindi s'ya nito pinapansin at pilit na tinataboy.
"Ang baho ng jacket mo, amoy manloloko," singhal ni Lesley.
Tinapon ni Lesley sa hindi kalayuan ang jacket ni Cridd. Ayaw n'yang madikitan ng kahit anong gamit ni Cridd o maamoy man lang ang pabango nito.
Huminga ng malalim si Cridd, tumayo ito at naglakad papunta sa jacket n'ya na tinapon ni Lesley, sinuot ni Cridd ang jacket n'ya sabay lapit kay Lesley na naka-upo sa ugat ng puno.
"Kung ayaw mong suotin ang jacket ko..." Huminto ito sa pagsasalita at tinignan ng diretso si Lesley sa mata.
Naniniwala pa rin si Cridd na babalik sa dati ang pagsasama nila ni Lesley kaya hindi ito tumitigil sa pagsuyo sa malatigreng si Lesley.
"Yakapin mo na lang ako," pagpapatuloy na wika ni Cridd.
Umupo ito sa tabi ni Lesley. Balak na umalis ni Lesley sa kinauupuan n'ya ay biglang hinablot ni Cridd ang braso ni Lesley para hindi ito makaalis.
Inakbayan ni Cridd si Lesley. "Tayong dalawa lang dito," bulong ni Cridd sa dating kasintahan.
"Anong gagawin mo?!" inis na tanong ni Lesley na pilit tinatanggal ang pagkakaakbay ng dating kasintahan.
Tinignan s'ya ni Cridd na seryoso ang mukha. Biglang kinabahan si Lesley ng makita n'yang seryoso ang lalaking kaharap n'ya.
"Kung ano mang balak mo sa akin, binabalaan kita! Pulis ang papa ko!" bantang paalala ni Lesley kay Cridd.
Ngumiti si Cridd sa kan'ya ng bahagya ng pinagtaka ng mukha ni Lesley.
"That's why, you must stay with me, dahil kung mayroong mangyayaring hindi maganda sa ‘yo, ako ang sisisihin nila," paliwanag ni Cridd sa kan'ya.
Lalong nilapit ni Cridd si Lesley palapit sa kan'ya. Gusto pa rin na umalis ni Lesley sa pagkakaakbay ni Cridd, pero lalo lang hinihigpitan ni Cridd ang pagkakaabay sa kan'ya.
"Bwisit ka!" inis na singhal ni Lesley ng hindi na talaga ito makawala.
Isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi ni Cridd ng hindi na nagpupumilit na umalis si Lesley sa tabi n'ya. Nagtagal sila sa ganoong position ng makatulog si Lesley sa balikat ni Cridd.
Hinubad ni Cridd ang jacket n'ya para ikumot kay Lesley. Pinagmasdan ni Cridd ang mukha ni Lesley, nakakunot pa ano noo nito kaya agad n'ya iyong inalis gamit ang kamay n'ya.
Inayos ni Cridd ang ulo ni Lesley para hindi ito mahirapan sa pagtulog, hinawi ni Cridd ang buhok na kumakalat sa mukha ni Lesley. Sumandal sa puno si Cridd at tumingin ito sa langit na puno ng bituin.
Pumikit si Cridd para matulog na rin, hihintayin lang nilang mag liwanag para makaalis sa gubat kung nasaan silang dalawa. Mahirap maglakad-lakad ng madilim dahil hindi nila alam kung saan sila pupunta.
Ilang minuto pa lang nakapikit si Cridd ng mayroon itong maramdaman na kumakaluskos sa paligid nila. Napa dilat si Cridd para tingnan n'ya ang paligid.
Nanlaki ang mata ni Cridd ng isang hayop ang nakita nito sa hindi kalayuan sa pwesto nila.
"Les!" gising na tawag ni Cridd kay Lesley na malalim na ang tulog.
Hindi pa rin na gigising si Lesley ng tuluyang lumabas ang hayop na nakita ni Cridd. Mapupula ang mata, itim na balahibo at mukhang aso ito na malaki ang katawan.
"Lesley, wake up!" sabi ni Cridd habang kinakabahan na sa nakikita nito na kakaibang hayop na papalapit sa kanila.
Humanap ng bato si Cridd sa paligid n'ya para ipangbato doon sa nilalang na hindi nila alam kung ano.
"Ang gulo m-"
Tinakpan ni Cridd ang bibig ni Lesley para hindi ito makalikha ng ingay. Nanlaki ang mata ni Lesley sa gulat ng makita ang malaking aso na papalapit sa kanila.
Dahan-dahan lang itong naglalakad palapit sa kanila. Bakas na ang takot sa mukha ng dalawa dahil sa asong kaharap nila, pero si Cridd ay pinapakita nito na kaya n'yang protektahan si Lesley.
Nakita ni Cridd na aware na si Lesley sa paligid at sa kaharap nilang kakaibang nilalang ay agad nitong tinanggal ang pagkakahawak n'ya sa bibig ni Lesley.
"A-ano iyan?" kinakabahang mahinang tanong ni Lesley sa katabi n'ya.
"Hindi ko rin alam," mahinang sagot ni Cridd.
Dahan-dahan na tumayo si Cridd, bawat galaw nito ay maingat para hindi makagawa ng kahit ano ingay na makaka-distract sa hayop sa harap nila.
"Dahan-dahan ka lang tumayo," sabi ni Cridd kay Lesley.
Inalalayan ni Cridd si Lesley na tumayo. Hindi naman maalis ang tingin nila sa hayop na nasa harap nila.
"Ano na ang gagawin natin?" mahinang tanong ni Lesley kay Cridd.
"Mauna kang maglakad palayo," sagot ni Cridd.
Tumango si Lesley, nagsimulang gumalaw ni Lesley, sobrang limitado ang galaw na ginagawa ni Lesley para makalayo doon dahil baka maling galaw lang nila ay kainin na sila ng asong nasaharapan nila.
"Wahhh!" sigaw ni Lesley sa gulat ng tumahol ng malakas ang aso.
Naging pula ang mata noon at naging mukha agresibo ang tindig.
"Takbo!" sigaw ni Cridd.
Kinuha ni Cridd ang kamay ni Lesley sabay takbo palayo. Agad namang sumunod ang agresibo na aso sa kanila. Mapuno at madilim ang dinadaanan nilang dalawa, bukod doon ay hindi nila alam kung saan sila pupunta, basta takbo lang sila ng takbo para matakasan ang asong humahabol sa kanila.
Mabilis ang pagtakbo ni Cridd at halos nadadala n'ya lang si Lesley. Tumitingin sila sa likuran kung sumusunod pa ba ang aso sa kanila, lalo nila binilasan ang takbo ng makitang papalapit na ito sa kanila.
"Ahhh!/s**t!" sabay na saad ni Lesley at Cridd ng madapa si Lesley at mabitawan ni Cridd ang pagkakahawak kay Lesley.
Agad na binalikan ni Cridd si Lesley para tulungan na tumayo.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Cridd.
Agad na tinayo ni Cridd si Lesley, pero huli na ang lahat kung tatakbo pa sila dahil isang hakbang na lang ng malaking aso ay pwede na silang sakmalin.
"Anong gagawin natin?" natatakot na tanong ni Lesley.
Maski si Cridd ay natatakot na rin. Kakaiba ang itsura ng aso na nasa harapan nila, malayong-malayo sa asong nakikita nila madalas.
Nilagay ni Cridd si Lesley sa likuran n'ya. "Umalis ka! Shoo!" taboy ni Cridd sa aso.
"Wahhh!" sigaw ni Lesley ng umalulong ang aso.
"Wag kang maingay!" mahinang saway ni Cridd kay Lesley.
"Gumawa ka ng paraan!" utos ni Lesley kay Cridd na kinakabahan na rin dahil sa takot.
"Iligtas mo ang sarili mo," sabi ni Cridd.
Tinignan ng mabuti ni Cridd ang aso sa harapan n'ya at nag-iisip kung ano ang gagawin n'ya.
"Anong gagawin mo?" takang tanong ni Lesley.
"Sabi mo gumawa ako ng paraan," sagot ni Cridd sa kan'ya. "Pagsinabi kong takbo, tumakbo ka na," sabi pa ulit ni Cridd na hindi inaalis ang tingin sa aso.
"Cridd, anong balak mo?" kinakabahan na tanong ni Lesley dahil sa iniisip nitong balak ni Cridd.
"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka na!" sabi ni Cridd.
"Ayoko, natatakot ako!" wika ni Lesley.
"Ayaw mo na sa akin, hindi ba? kaya iligtas mo na ang sarili mo!" sabi pa ni Cridd.
Tinignan ni Lesley si Cridd kahit na hindi nito nakikita ang mukha ni Cridd ay nararamdaman n'ya na natatakot din ito.
"Ayokong umalis mag-isa!" pag pupumilit ni Lesley.
"Isa..."
Pagsisimula ng bilang ni Cridd. Humawak si Lesley sa damit ni Cridd dahil sa takot nito at hindi alam kung susunod ba s'ya sa sinasabi ni Cridd.
Kahit naman na manloloko si Cridd ay ayaw pa rin n'yang mapahamak ito.
"Ayoko, hindi ko alam ang daan," sabi ni Lesley.
"Tumakbo ka lang ng tumakbo hanggang sa matakasan mo ito," paliwanag ni Cridd sa kan'ya.
"Dalawa..." muling bilang ni Cridd.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Lesley sa damit ni Cridd.
Napansin nilang hindi kumikilos ang aso kaya dahan-dahan silang umatras. Napalunok si Lesley at naghihintay na lang ito ng bilang ni Cridd na pangatlo.
Humihingi na ito ng sorry kay Cridd sa isip n'ya dahil sa gagawin nitong pag-iwan sa kan'ya.
"Awooooooo!" muling alulong ng aso kaya biglang nataranta si Lesley na nasalikuran ni Cridd.
Napaatras ito sa takot ng biglang tumakbo ang galit na galit na aso papalapit sa kanila.
"Tatlo!" sigaw ni Cridd.
Tatakbo na sana si Lesley ng kanang paa ay nahakbang n'ya paatras dahil sa takot sa hayop na papunta na sa kanila na handa na silang sakmalin.
Hindi napansin ni Lesley na mayroong isang butas sa likuran n'ya at nadausdos s'ya doon.
"Cridd!" sigaw ni Lesley ng mahuhulog na ito mula sa balon sa likuran n'ya. Humarap si Cridd kay Lesley, agad itong tumabok kay Lesley para sagipin, pero pagkalapit ni Cridd kay Lesley ay nahawakan ni Lesley ang damit ni Cridd.
Walang mahawakan si Cridd para pigilan ang paglaglag nila sa balon. Pareho silang nalaglag sa balon.
Napapikit na lang si Lesley at hinihintay na bumagsak sila sa kung ano man ang laman ng balon na iyon.
Naramdaman ni Lesley ang pagbaksan ng katawan n'ya sa lupa, pero hindi gaanong kasakit ang pagbasak na iyon. Agad na dinilat ni Lesley ang mata n'ya ng maramdaman nitong mayroong mabigat sa ibabaw n'ya.
"s**t!" rinig nito mula sa gilid ng tenga n'ya.
Nanlaki ang mata ni Lesley ng makita nitong nakapatong si Cridd sa kan'ya. Agad n'ya itong tinulak sa ibabaw n'ya para paalisin.
"Sira-ulo ka ba!" gulat na sabi ni Lesley kay Cridd.
Napakunot naman ang noo ni Cridd dahil sa sinabi ni Lesley sa kan'ya. Nakita pa nitong niyakap ni Lesley ang sarili nito na akala mong pinagnanasahan n'ya ang katawan ni Lesley.
"Malay ko bang sa ‘yo ako mahuhulog!" sagot ni Cridd sa kan'ya.
"Isusumbong kita kay Papa!" sigaw ni Lesley.
Hindi naman na pinapansin ni Cridd ang kaartehan ng dating kasintahan ng mapansin nitong bilang lumiwanag ang paligid. Ang pagkakatanda n'ya ay madilim pa ang paligid.
Bigla itong napatayo ng mayroon s'yang nakitang kabukiran at ilog naman sa kabila.
"Hindi ka lang manloloko, bastos ka pa!" sigaw ni Lesley.
Si Cridd naman ay nililibot ang paningin sa paligid. Hindi n'ya alam kung anong lugar ito, bago sila mahulog sa balon ay gubat pa ang pinagmulan nila ngayon ay kabukiran na.
"Les, nasaan tayo?" takang tanong ni Cridd.
Napatingin naman sa paligid si Lesley, agad itong napatayo ng magulat din ito sa nakikita n'ya.
"Ano ito?" takang tanong ni Lesley.
Pareho ang dalawa na hindi makapaniwala sa nakikita nila at iniisip kung nasaan ba silang dalawa. Walang masyadong kabahayan, malawak na kabukiran at malinis na ilog na kitang-kita pa ang ilalim noon dahil sa linis.