Pananaw ni Lesley
NASA loob ako ng classroom ngayon, nakatingin kay Janette dahil bigla itong nag-iba ng upuan, pag pasok ko kanina ay iba na ang upuan n’ya, hindi ko alam kung bakit, dahil wala naman kaming ibang pinagtalunan na dalawa. Sanay naman na ako na mabilis silang lumalayo sa akin.
Binalik ko ang tingin sa teacher naming nagtuturo ng Risk Management as Applied to Safety, Security, and Sanitation na subject; wala naman akong ganang makinig ngayon.
Nasa third floor kami, tabi lang ako ng bintana kaya hindi ko maiwasan na tumingin mula sa labas para pagmasdan ang mga tao na nasa baba at mga paligid.. Marami na ang nag bago ng maghiwalay kami ni Cridd. Minahal ko talaga ang lalaking 'yon, gusto ko s'yang patawarin, pero pag naiisip ko ang ginawa n'ya ay wag na lang.
Napatingin ako sa langit ng dumidilim na, hapon na kasi ang klase namin. Nakatunganga lang ako sa bintana habang abala ang teacher namin sa pagtuturo. Medyo matanda na kasi ang teacher namin kaya wala na itong paki-alam kung mayroon bang nakikinig sa kan'ya o wala na.
"Ipagpapatuloy na lang natin ito next week," paalam na sabi ni Professor.
Nalipat ang tingin ko sa kan'ya na nag-aayos na ng gamit n'ya. Tinignan ko si Janette na nag-aayos na rin ng gamit n’ya para lumabas na ng classroom. Nagmadali akong nag-ayos ng gamit para puntahan si Janette. Ayos naman kami noong isang araw; hindi ko lang alam bakit s'ya lumayo sa akin bigla ngayon.
Pagkaayos ko ng gamit ay muli kong tinignan si Janette na naglalakad na ito palabas ng room. Sinuot ko ang bag ko, at tumakbo para habulin si Janette.
"Janette!" sigaw kong tawag sa kan'ya.
Hindi lumilingon sa akin si Janette kaya binilisan ko pa ang takbo ko. Nang maabutan ko s'ya ay humarang ako sa harapan n'ya para pigilan itong sa paglalakad n'ya.
Tinignan ko ang mukha n'ya. Naghahabol naman ako ng hininga dahil sa pagtakbo ko para habulin si Janette. Seryoso ang mukha nito, at malamig ang tingin n'ya sa akin.
Hahawakan ko sana ang braso n'ya, pero umiwas s'ya doon.
Taka kong tinignan si Janette, at napakunot ako ng noo. "Mayroon bang problema?" walang idea kong tanong sa kan'ya.
Tinignan n'ya ako sa mata ng diretso. "Ikaw ang problema," sagot n'ya sa akin.
Napataas ang kilay ko sa sagot n'ya sa akin. "Anong ginawa ko?" tanong ko pa.
Iniisip ko kung mayroon ba akong mali na ikinagalit n'ya, pero wala talaga.
"Hindi kita gustong kaibigan, mag-bestfriend kami ni Jamie at s'ya lang ang bagay sa akin na maging kaibigan kaysa sa ‘yo," paliwanag ni Janette sa akin.
Nilagpasan n'ya ako. Sinundan ko naman s'ya ng tingin habang naglalakad s'ya palayo sa akin.
Sanay na ako kaya wala ng epekto sa akin na umaalis sila. Mas mabuting nalaman ko na hindi s'ya totoong kaibigan, hindi na naging malapit sa akin. Kung best friend n’ya si Jamie bakit kailangan n’ya pang lumapit sa akin para makipag kaibigan? Mukhang tanga lang? Mana-mana sa best friend n’ya.
Tumalikod ako sa kan'ya, iniba ko ang tingin ko at hindi na ako nag sayang ng oras para kumbinsihin si Jamie na bumalik sa akin, hindi naman ako uhaw sa kaibigan. Marami ng nag-uuwian na estudyante dahil mag gagabi na rin.
Pinatong ko ang dalawa kong braso sa barricade na nagsisilbing harang sa hallway ng third floor.
Tumingin ako sa baba, at pinapanuod ko ang mga mag-aaral na naglalakad. Busy sila makipagkwentuhan sa mga kaibigan nila.
Pag ganitong oras sinusundo na ako ni Cridd para magkwentuhan o ihatid n'ya ako sa bahay namin kung busy ang isa sa amin.
Ilang minuto rin akong tumambay doon sa hallway hanggang sa tuluyan ng dumilim. Nakapag desisyon ko ng umalis, ako na lang kasi ang tao sa hallway.
Naglalakad ako pababa ng hagdan ng nakaramdam ako na para bang mayroong nakamasid sa likuran ko. Agad kong binaling ang ulo ko sa likuran kung mayroon bang tao doon.
Wala naman kaya baka guni-guni ko lang iyun. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makababa ako. Sa gate two ako dumaan, pakiramdam ko kasi mas’yadong maraming ang sumasakay sa main gate ng school namin.
Muli akong tumigil sa paglalakad ng makaramdam na naman ako ng mayroong nakatingin sa akin. Hindi lang isa ang pakiramdam ko na ito kung hindi marami.
Lumingon ako para tingnan ang paligid. Inikot ko pa ang mata ko para makasigurado; wala naman akong nakikita.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko, pero ganoon pa rin. Pakiramdam ko ay bawat isang hakbang na ginagawa ko ay isang hakbang din ang ginagawa nila.
Hindi ko na lang iyun pinansin. Ilang hakbang na lang ay makakalabas na rin ako sa gate two ng school. Walang nagbabantay dito dahil sa main gate talaga sila mahigpit.
Napansin ko sa gate two ay mayroong mga estudyanteng nakatambay. Tahimik lang kasi dito kaya masarap tambayan, nakakatakot lang dahil hindi madalas na pinupuntahan ng iba, masyadong tahimik.
Pagpunta ko doon ay hindi ko na pinansin ang mga taong nakatambay doon. Diretso lang akong naglalakad.
"Hi... Lesley!"
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Lilingonin ko na sana iyun ng magulat ako ng mayroong yumakap mula sa likod ko.
"Anong ginagawa m..." Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang mayroong panyo ang itinakip sa ilong sakop ang bibig ko.
Nagpupumiglas ako para makawala sa pagkakahawak ng tao sa likuran ko, pero masyado s’yang malakas kay kaysa sa akin. Pinipigilan ko ang paghinga ko dahil baka mayroong pampatulog na inilagay sa panyo.
"Sumama ka na lang sa amin," bulong ng isang lalaki sa tenga ko.
Lalaki ito dahil sa boses n'ya.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa takot ko.
"Dalhin n'yo na iyan," utos ng isang babae.
Hindi ko makita ang babae dahil hindi naman ito nagpapakita sa amin, boses lang ang narinig ko kaya ko nalaman na babae ito. Nagpupumiglas pa rin ako para makawala sa pagkakahawak ng lalaki, pero mas malakas s'ya kaysa sa akin kaya kahit na anong gawin ko ay para ding nangyayari.
Mayroong humintong pulang kotse sa harapan namin at pilit akong pinapasakay doon. Pilit nila akong pinasakay sa loob ng pulang kotse. Hindi ako makasigaw dahil sa panyo na nakatakip sa bibig ko.
"Ilagay mo sa kan'ya ito."
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jamie na nakasakay sa passenger seat. Mayroon s'yang hinagis na packing tape sa lalaking nakahawak sa akin.
Lalaki rin ang nasa driver seat. Tinanggal ng lalaki ang pagkakatakip sa bibig ko.
"Tulong!" sigaw ko.
Narinig kong tumawa si Jamie ng malakas na para bang loka-loka. "Sayangin mo lakas mo kakasigaw," mataray n'yang sabi sa akin, sabay irap sa akin.
Nalipat ang tingin ko sa lalaking katabi ko. "Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kan'ya.
Si Jamie lang ang kilala ko dito, ang mga kasama n'ya ay hindi ako pamilyar.
"Tumahimik ka! sa kamay mo ko ito itatali, pero pag ako napikon dahil sa ka-ingayan mo baka sa leeg mo na ito itali," pananakot n'ya sa akin.
"Isusumbong ko kayo sa Papa k--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla n'ya akong nilagyan ng packaging tape sa bibig.
"Kung makikita ka pa n'ya," sabi ni Jamie sa passenger seat.
Tinalian ang kamay ko gamit ang panyo n’ya. Nagsimula ng umandar ang kotse, hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Nakatingin ako ng masama kay Jamie kahit na hindi s'ya nakatingin sa akin.
S'ya ang babaeng nakita ko na kahalikan ni Cridd noon. Hindi ko alam kung bakit n'ya pa sa akin ginagawa ang bagay na ito, hindi pa ba s’ya masaya na inagaw n’ya si Cridd sa akin?
"Alam mo ba Lesley..." sabi sa akin ni Jamie. Tumingin s'ya sa akin mayroong pang-iinis na ngisi sa labi n'ya. "Hindi ko na malapitan si Cridd dahil ikaw lang ang laging bukang bibig n'ya," inis na sabi sa akin ni Jamie.
Gusto kong sumagot sa kan'ya kaso may takip ang bibig ko. Masamang tingin na lang ang binigay ko sa kan'ya.
"Madalas ka kasi n'yang nakikita kaya s'ya lapit ng lapit sayo..." Sumama ang tingin n'ya sa akin. "Kung wala ka na, ako na lang ang makikita n'ya," pagpapatuloy n'ya sa walang kwenta n'yang sinasabi.
Kung gusto n'ya si Cridd, sa kan'ya na. Magsama na silang dalawa o magpakasal na sila kung iyon ang ikakasaya ng buhay n'ya, wala na akong paki-alam sa lalaking iyun.
Bumalik sa pwesto si Jamie sa passenger seat. Naging tahimik ang loob ng kotse. Hindi ko maiwasan na tignan ang lalaking katabi ko.
Umiwas ako ng tingin sa kan'ya ng lumipat ang tingin nito sa akin.
Pinagplanuhan ba nila ako? Tinignan ko ang dinadaanan namin. Mapuno na ito at hindi ko na alam kung anong lugar. Hindi ko rin alam kung nasa Bulacan pa ba kami o wala na. Pumasok ang kotse sa masukal at mapuno na lugar.
Nagpupumiglas ulit ako, at pilit na tinatanggal ang pagkakatali sa kamay ko na nasa likuran ko.
Huminto ang kotse sa isang madilim na lugar. Nagsilabasan sila kaya kinabahan ako. Bumukas ang pinto sa side ko at hinila ako ng lalaki palabas ng kotse. Nawala naman ako sa balance dahilan para matumba ako sa lupa na puno ng mga tuyong dahon.
Hinila ng kung sino ang bag ko para itayo ako, hawak-hawak ako ng isang lalaki. Ang driver naman pati si Jamie ay nasa harapan ko.
Nakatayo, at naka cross arm sa akin na mayroong masamang tingin sa akin si Jamie. "Pagtinititigan ko ang mukha mo umiinit ang dugo ko!" galit na sabi sa akin ni Jamie.
"Iwan na natin ito dito, wag na tayong magsayang ng oras para kausapin ang babaeng iyan," sabi ng lalaking nag drive ng pulang kotse.
Kumunot ang noo ko at lalong kinabahan. Iiwan nila ako sa nakakatakot na lugar na ito? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ba ako o paano ako makakaalis sa lugar na ito.
"See you at school... Lesley Dominguez," nakangising sabi ni Jamie sa akin.
Tumalikod sila sa akin. Nagsimula ng maglakad pasakay sa kotse. Tumakbo ako sa kanila at nagmamakaawa na wag nila akong iwan dito.
Tinulak ako ni Jamie dahilan ng pagka tumba ko sa lupa. "Mayroon ka naman makakasamang mababangis na hayop dito, kaya wag ka ng matakot pa," sabi sa akin ni Jamie na akala mo namang nakatulong para gumaan o mawala ang takot ko.
Sumakay na s'ya sa kotse kasama ang mga lalaking kasama n'ya. Tatayo dapat ako para pigilan sila, pero natumba at napadapa ako dahil sa kawalan ng balanse.
Pinaandar na ang pulang kotse at iniwan akong nag-iisa dito sa lugar kung saan hindi ko naman alam kung anong lugar ba ito. Pinanood ko na lang silang umalis palayo sa akin.
Naiyak ako dahil sa hindi ko malaman ang gagawin ko ngayon. Umupo ako at tinignan ang paligid ko. Wala akong makita kung hindi matataas na puno, madilim na paligid, masukal na sahig; at malamig na paligid.
Patuloy ang pag-iyak ko dahil sa takot. Pinipilit kong tumayo, pero nahihirapan ako dahil sa kamay kong nakatali sa likuran ko. Napako ako sa pwesto ko ng mayroon akong narinig ng kaluskos sa likuran ko.
Dumoble ang kaba ko ngayon. Naalala ko ang sinabi ni Jamie bago s'ya umalis tungkol sa mababangis na hayop. Tinignan ko ang likuran ko baka mamaya mayroong lion na lumabas dito at kainin na lang ako ng buhay.
Pinipilit kong tanggalin ang pagkakatali sa kamay ko, pero sumasakit lang iyun dahil lalong humigipit pag gumagalaw ang kamay ko.
"Mukhang magiging tagapagligtas mo pa ako?"
Tumingin ako sa likuran ko ng mayroon ang narinig na nagsalita mula doon. Kumunot ang noo ko ng makita si Cridd na preskong nakatayo sa gilid ng isa sa mga puno dito sa lugar na hindi ko alam kung saan, nakasandal s'ya doon at nakatingin sa akin.
Hindi naman ako makasagot sa kan'ya dahil sa takip ng bibig ko. Anong ginagawa n'ya dito?
"Kung hindi lang kita mahal, hindi kita susundan," sabi n'ya sa akin. Naglakad ito palapit sa lugar ko.
Sinusundan ko lang s'ya ng tingin na naglalakad palapit sa akin at akala mo na madalas s’ya sa lugar na ito. Tama, dahil baka madalas sila ni Jamie dito.
In the same time ay naging panatag ang loob ko ng kaunti ng makita ko si Cridd na nandito dahil ay hindi na ako nag-iisa. Umupo s'ya sa harapan ko at nginitian ako na parang ang lapit lang ng bahay namin dito, na hindi na madilim, or hindi kami napapaligiran ng mga matataas na puno.
Napapikit ako sa sakit ng dahan-dahan n'yang tinatanggal ang pagkakatakip ng packaging tape sa bibig ko.
"Tanggalin mo ang tali sa kamay ko," utos ko sa kan'ya.
Ngumiti naman s'ya sa akin. "Papatawarin mo na ba ako?" tanong n'ya sa akin.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Tanggalin mo na," inis na utos ko ulit.
"Wala akong balak magpatawad ng manloloko," seryoso kong sagot ko.
"Okay..." tugon n'ya sa akin, "Babalik na lang ako pag napatawad mo na ako," nakangisi n'yang dagdag na sabi.
Tumayo si Cridd, at tumalikod sa akin na mukhang aalis na.
"Tawagan mo na lang ang Kuya ko!" inis kong sigaw sa kan'ya.
Humarap s'ya sa akin. Nilagay n'ya ang kamay n'ya sa baba n'ya na para bang nag-iisip pa. "Galit sa akin ang Kuya mo, hindi ba?" tanong n'ya sa akin. “And, I don’t think so, kung sasagutin n’ya ang tawag ko.”
"Sira-ulo ka kasi!" inis kong sabi sa kan'ya.
Pag nakikita ko pagmumukha ng lalaking ito, umiinit talaga ang ulo ko sa kan'ya.
"Sakit mo naman magsalita," sabi n'ya sa akin.
"Totoo naman," mabilis kong sabi.
Lumapit s'ya sa akin. Masama ang tingin ko sa kan'ya. Pumunta s'ya sa likuran ko.
"Nagsisisi naman ako," mahinahon n'yang sabi sa akin.
Naramdaman ko ang pagtanggal n'ya ng tali sa kamay ko. Hindi na ako nagsalita pa, ayoko rin naman s'yang makausap pa. Pagkatanggal n'ya sa tali sa kamay ko ay agad kong hinilot iyun dahil sa hapdi sa higpit ng pagkakatali.
"Sira-ulong kabit mo, dinala ako dito," inis kong sabi sa kan'ya.
Pipili lang kasi na magiging kabit may sira pa sa kokote.
"Hindi ko s'ya kabit," sabi sa akin ni Cridd.
Tinaasan ko s'ya ng kilay at tinignan ng diretso. Naka-civilian ito siguro hindi s'ya pumasok.
"Ano mo lang? Side chix?" sarcastic kong tanong.
"Ikaw lang ang gusto ko," seryoso n'yang sabi sa akin.
"Wag na tayong maglokohan dito," wika ko. Tumalikod ako mula sa kan'ya, tinignan ko ang paligid kung saan ang daan pabalik.
Puno lang ang nakikita ko at mga halaman sa paligid. Pagtingin ko sa taas ay bilog na bilog ang buwan. "Saan tayo dadaan?" tanong ko kay Cridd.
Tumingin ako kay Cridd ng hindi ito nagsasalita. Tumaas ang kilay ko sa kan'ya. Wag n'yang sabihin hindi n'ya alam ang daan.
"Sumunod lang ako sa kotse na nagdala sa ‘yo dito," sagot n'ya sa akin.
Nakatingin pa rin ako sa kan'ya, naghihintay ng ibang sagot.
"Hindi ko na alam kung saan ang pabalik," dagdag n'ya sa akin.
Napakamot naman ako ulo ko. Paano na kami makakalabas dito kung pareho naming hindi alam ang daan palabas ng gubat na ito?
"Baka nakatadhana tayong magkita dito," masayang sabi ni Cridd.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. Wala akong panahon para makipag lokohan sa kan'ya.
"Kung gusto mong maiwan dito, maiwan ka," inis kong wika sa kan'ya.
"Malay mo naman tadhana na ang gumagawa ng paraan para magka-ayos tayo," sambit ni Cridd.
"Oh? talaga?" sarcastic kong sabi.
"Baka ang magiging daan natin pabalik ang pagpapatawad mo sa akin," nakangisi n'yang sabi sa akin.
"Papatawarin kita kung maibabalik mo ang nakaraan," hamon ko sa kan'ya.
Napakamot na lang ito ng ulo. "Napakumplikado naman ng gusto mo," reklamo n'ya.
Tumalikod ako sa kan'ya at nagsimulang mag lakad-lakad.
"Awoooooo!"
Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ang alulong ng isang aso or kung ano mang hayop iyun.
"Awoooo!"
Napatakbo ako palapit kay Cridd ng marinig ko na naman na umulit. "Mauna ka kaya," sabi ko kay Cridd.
Tinutulak ko s'ya para maglakad na.
"Maski ang mga hayop dito sa gubat pinaglalapit tayo," natatawa aniya ni Cridd.
Napairap na lang ako sa ere. Hindi na nga namin alam kung saan kami dadaan na gagawa n'ya pang magbiro.
Makalabas lang talaga ko dito, hindi na ako didikit sa kan'ya o magpapakita man lang. S'ya naman ang dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na ito.
Makakaganti din ako sa babaeng Jamie na iyun. Gusto kong ihampas sa kan'ya si Cridd kung doon s'ya liligaya.
"Awooooo!"
Humarap sa akin si Cridd. Tinignan ko ang mokong sabay ngiti sa akin. "Maghintay na lang tayo na magliwanag," sabi n'ya sa akin.