KABANATA LIMA

2108 Words
"CRIDD! Saan mo ako dinala?” nalilitong tanong ni Lesley kay Cridd habang nililibot ang tingin sa paligid nila na hindi rin alam kung anong lugar kung nasaan sila. "Bakit ako sinisisi mo? Ikaw ang humila sa akin kaya ako nakasama sa ‘yo dito," sumbat ni Cridd kay Lesley na nagpa-panic na ang itsura. Sinamaan ng tingin ni Lesley si Cridd. Kumuha ng maliit na bato si Lesley saka iyon binato kay Cridd na agad naman n'yang iniwasan. "Inaano ka ba d'yan?!" inis na tanong ni Cridd. "Manloloko ka kasi kaya napunta tayo dito!" sigaw ni Lesley. Napakunot naman ang noo ni Cridd sa sigaw ni Lesley at hindi nito maunawaan kung ano ang connection ng isang pagkakamali n'ya sa lugar kung nasaan sila ngayon. "Malas ka talaga sa buhay ko!" mangiyak-ngiyak na saad ni Lesley. Si Cridd naman ay nalipat ang tingin sa 'di kalayuan sa likuran ni Lesley. "Anong tinitingin-tingi—" Hindi na tuloy ang sasabihin ni Lesley ng tumakbo palapit si Cridd sa kan'ya sabay hablot sa kamay nito. Hinila ni Cridd si Lesley sa likod ng puno ng mangga para magtago. "Anong ginagawa m—" Tinakpan ni Cridd ang bibig ni Lesley habang nagtatago sila sa puno ng mangga. "Shhh! Wag kang maingay," sabi ni Cridd kay Lesley sa mahinang boses nito. Sumilip si Cridd sa puno para tignan ang nakita n'ya sa hindi kalayuan na paparating na mga tao. Napakunot ang noo ni Cridd ng makita ang sampung mga tao na nakasakay sa kabayo, mayroong mga itak at baril na nakasabit sa mga bewang nito na akala mong mga sundalo. Muling napatago si Cridd sa puno ng isang lalaki ang tumingin sa gawi nila. Kinabahan si Cridd na baka nakita sila ng mga iyon. Hinigpitan ni Cridd ang pagkakayakap n'ya kay Lesley, sa tingin n'ya sa mga nakita n'ya ay baka delikado sila pag nakita sila ng mga iyon. Tinignan ni Cridd si Lesley na masama ang tingin sa kan'ya. Tinanggal ni Cridd ang pagkakahawak sa bibig ni Lesley at umiwas ng tingin. Sumilip ulit si Cridd mula sa puno para tingnan ang mga lalaki. Nakahinga ito ng maluwag ng makaalis na ang mga iyon. "Bitawan mo nga ako!" inis na singhal ni Lesley kay Cridd. Agad na lumuwag ang pagkakayakap ni Cridd kay Lesley ng hampasin ni Lesley si Cridd sa dibdib. "Wag mo na ulit akong hahawakan," inis na sabi ni Lesley sabay irap nito kay Cridd. "Ikaw na nga lang ang inaalala, ikaw pa nag-iinarte d'yan," medyo pikon na rin na sagot ni Cridd. Nagtitimpi na lang si Cridd kay Lesley dahil sa kaartehan nito, pero hindi mapatulan ni Cridd dahil mahal n'ya ito, kaya lahat ng kasungitan at kaartehan ni Lesley ay tinitiis n'ya, bukod doon ay mayroon s'yang kasalanan kaya wala rin s'yang choice. "Hindi kita kailangan!" sabi ni Lesley sabay alis. "Hindi nga natin alam kung nasaan tayo, tapos gan'yan pa ugali mo," sabi ni Cridd kay Lesley. Sumunod si Cridd kay Lesley na naglalakad na palayo sa kan'ya. "Wag kang sumunod sa akin!" iritang pigil na sabi ni Lesley sa binata. "Hahanapin ko ang daan pabalik sa bahay namin, kaya hanapin mo rin ang daan pabalik sa bahay n'yo at landiin mo na si Jamie!" iritang paliwanag ni Lesley. Biglang napangiti si Cridd kay Lesley. "Anong nakakatawa?!" inis na tanong ni Lesley. "Nagseselos ka ba kay Jamie?" tanong ni Cridd sa dalaga na mayroong halong biro sa boses nito. "Naiinis ako sa inyong dalawa!" iritang tugon ni Lesley. "Sorry na nga, ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako?" mahinahon na tanong ni Cridd kay Lesley. Tinignan ni Cridd sa mata ang galit na si Lesley. "Wala kang kailangan gawin, dahil walang kapatawaran ang binigay mong sakit sa akin," mahinahon na paliwanag ni Lesley. Mayroong isang patak ng luha ang tumulo sa isang mata ni Lesley na agad na pinunasan ni Lesley sabay talikod kay Cridd. Masyadong mahal ni Lesley si Cridd kaya masyado itong nasaktan sa nakita n'ya noong gabing nasa engineering building silang tatlo. "Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako napapatawad," kalmadong wika ni Cridd na mababakas mo ang pagsisisi sa boses n'ya na maski ito ay nasasaktan sa nakikita n'yang umiiyak si Lesley ng dahil sa kagagawan n'ya. Huminga ng malalim si Cridd, tinignan n'ya ang malawak na kapaligiran. Hindi n'ya alam kung anong lugar ba ito, muling bumalik ang tingin n'ya sa babaeng nakatalikod sa kan'ya. "Tatanggapin ko kung hindi ka na babalik sa akin, pero sana wag kang lumayo sa akin hanggang hindi pa natin nahahanap ang daan pauwi," paliwanag ni Cridd kay Lesley. Walang kibo si Lesley doon, pero nakikinig ito sa sinasabi ni Cridd. "Gusto kong ligtas kang makakabalik, ayoko na kitang saktan ulit," dagdag na sabi ni Cridd. Hindi nagsalita si Lesley, nagsimula itong maglakad na agad namang sinundan ni Cridd. Nauunang maglakad si Cridd ay ilang metro ang layo ni Cridd kay Lesley, pero sinisigurado ni Cridd na hindi mawawala sa paningin n'ya si Lesley. "Ouch!" daing ni Lesley. Biglang nataranta si Cridd at agad na tumakbo palapit kay Lesley. "Okay ka lang?!" nag-aalalang tanong ni Cridd. Tinignan n'ya ang paa ni Lesley na maraming langgam. Agad n'ya iyong hinila at tinulungan na tanggalin ang mga langgam sa paa nito. "The hell!" sabi ni Cridd ng maski s'ya ay kagatin ng langgam. Habang abala ang dalawa sa pagtanggal sa mga langgam na kumakagat sa balat nila ay mayroong isang lalaking paparating mula sa gawi nila Cridd at Lesley. Napansin ng lalaki sila Cridd at Lesley kaya agad n'ya itong nilapitan. Hindi iyon napansin nila Cridd dahil busy ang mga ito sa mga langgam. "Mayroon bang problema ginoo at binibini?" tanong ng lalaki sa dalawa. Agad na napatingin si Cridd at Lesley sa lalaki. Nagulat ang dalawa sa nakita nito na nakasuot ito ng barong tagalog, mayroong bitbit na bayong na mayroong mga laman na gulay. Agad na nilagay ni Cridd sa likuran n'ya si Lesley dahil sa hindi nila kilala ang lalaking nasa harapan nila. "Sino ka?" tanong ni Cridd sa lalaki. Pinagmasdan n'ya ang lalaki mula ulo hanggang paa at nagtataka ito kung bakit ganoon ang suot ng lalaking iyun, tirik ang araw at nakasuot ito ng barong tagalog. "Paumanhin kung hindi ko naipakilala ang aking sarili, ako si Macario Burgos taga kabilang bayan ako at napansin ko na parang mayroon kayong problema kaya ako lumapit sa iyon na baka mayroon akong maaring maitulong," mahabang paliwanag ni Macario sa dalawa. Ang tingin ni Cridd ay nagtataka ito kung bakit ganoon ang suot ni Macario kahit na mainit, si Macario naman ay nagtataka rin ito sa suot ng dalawa, ang binibining nakikita n'ya ay masyadong maikli ang suot para sa normal na kasuotan ng isang binibini. Ang ginoo naman ay hindi n'ya malaman kung anong istilo ang suot nito. Ang disenyo ng damit na suot nila ay hindi pa n'ya nakikita sa kahit na sinong sa lugar nila. "Tama, mayroon kaming problema," tugon ni Lesley kay Macario. Nilipat ang tingin ni Macario kay Lesley at hinihintay na magsalita ito. "Nasaan kaming lugar?" tanong ni Lesley. Tumango si Macario na inaakala nitong naliligaw lang ang dalawa, iniisip n'ya na baka taga ibang bayan o lungsod ang mga taong kaharap n'ya. "Nasa bayan kayo ng calumpit," tugon ni Macario kay Lesley. Agad na nagkatinginan ang dalawa. Si Cridd ay nilibot ulit ang paningin n'ya, natawa ito dahil sa akala n'ya na niloloko s'ya ng lalaking kaharap nito. "Baliw ka ba?" tanong ni Cridd doon. "Paumanhin, pero hindi ako baliw," mahinahon na sagot ni Macario. "Anong baranggay ito?" tanong ulit ni Lesley kay Macario. "Iba O'este," sagot ni Macario. Napatingin si Lesley sa ilog kung saan mayroon mayroon ding malawak na kabukiran sa kabila noon. "Iyon ang Iba este?" turo ni Lesley. Napakunot naman ang noo ni Cridd at tumingin din sa tinuro ni Lesley. "Tama ka binibini," sagot ni Macario. Tinignan ni Lesley ang kabilang ilog at hindi n'ya maipaliwanag kung bakit nawala ang kabahayan doon. Alam ni Lesley ang lugar kung saan s'ya nakatayo, pero ang hindi n'ya alam kung bakit ganito ang itsura nito. Nilapitan ni Cridd si Lesley. "Umalis na tayo dito, mukhang nasisiraan ng ulo itong lalaking ito," sabi n'ya kay Lesley at tukoy n'ya kay Macario. Kinuha ni Cridd ang kamay ni Lesley para maglakad na palayo sa lalaking iyun. Si Macario naman ay naguguluhan sa kilos ng dalawa, pero dahil lumayo na ito sa kan'ya ay nagsimula na rin itong maglakad pabalik sa kanilang tahanan. "Paanong naging calumpit ito?" takang tanong ni Lesley. Si Cridd naman ay hindi na rinig ang sinabi ni Lesley dahil nakatingin ito sa kamay nila ni Lesley na magkahawak ang kamay. Hindi iyon na papansin ni Lesley dahil abala ito sa pag-iisip sa sinabi ni Macario. Napansin ni Lesley na tahimik si Cridd kaya nilingon n'ya ito. Napatingin si Lesley sa kamay nila kaya agad n'ya itong tinggal sa pagkakahawak ni Cridd. "Wag mong sabihin na naniniwala ka sa baliw na iyun," sabi ni Cridd kay Lesley. Naglalakad ang dalawa, maraming puno malawak na kabukiran ang nakikita nila at madalang na kabahayan ang napapansin nila. "Mas mukha ka pang baliw kaysa sa lalaking iyun," sagot ni Lesley kay Cridd. Habang naglalakad sila ay nakarating ang dalawa sa palengke ng Calumpit. Maraming nagtitinda, maraming tao ang nandoon na abala sa pagbili at paninda. Napahinto ang dalawa sa paglalakad dahil sa nakikita nila. "Bakit naka saya silang lahat at barong tagalog?" takang tanong ni Cridd. Napansin ni Cridd na mayroong armado ang nakatingin sa kanila. Ito iyung nakita n'ya kanina. "Umalis na tayo dito," sabi ni Cridd ng makita n'yang naglalakad ang sundalo papunta sa kanila. Muling hinawakan ni Cridd ang kamay ni Lesley. "Detener! (Tigil!)" sigaw ng kastilang sibil sa dalawa ng bigla itong tumalikod at umalis. "B-bakit?" takang tanong ni Lesley. Tumingin ito sa likuran n'ya at nakita nito ang kastilang sibil na papunta sa kanila. "Makakatakbo ka ba?" tanong ni Cridd kay Lesley. Agad na tumango si Lesley bilang sagot kay Cridd. Hinigpitan ni Cridd ang pagkakahawak kay Lesley. "Walang katapusan na pagtakbo," sabi ni Cridd, nagsimula ng tumakbo ang dalawa. "¡Oye! ¡deja de correr! (Hoy! tumigil kayo sa pagtakbo!)" muling sigaw ng kastila sa dalawa para pahintuin ito. "Lolo mo oye!" sabi ni Cridd habang tumatakbo. "Ahh!" sigaw ni Lesley sa gulat ng magpaputok ng baril ang kastilang sibil. "Ano bang ginawa mo?" takang tanong ni Lesley kay Cridd. "Wala akong ginagawa," agad na sagot ni Cridd. Habang tumatakbo ang dalawa ay muli silang napadpad kung saan sila ng galing kanina. "Bakit tayo hinahabol ng lalaking iyon?" tanong ulit ni Lesley. "Ewan ko, baliw yata iyun!" sagit ni Cridd. "Hoy!" sigaw ni Cridd ng makita n'ya ulit si Macario na naglalakad. Naabutan nila si Macario na takang nakatingin sa kanila dahil hingal na hingal ang mga ito. "Tulungan mo kaming magtago!" sabi ni Cridd kay Macario. "Bakit?" takang tanong ni Macario. "Mayroong humahabol sa amin na mayroong baril," sagot ni Lesley. Tinignan ni Macario kung saan ng galing ang dalawa. "Ano bang kasalanan ang ginawa n'yo?" tanong nito muli. "Mamaya ka na magtanong!" sigaw ni Cridd. Nagulat si Macario dahil sa asal ni Cridd, pero dahil na nangangailangan ng tulong ang dalawa ay agad itong nag-isip. "Sumunod kayo sa akin," sabi ni Macario. Naglakad si Macario na agad naman sinundan ng dalawa. Nakita ng dalawa na sumuot sa tubohan si Macario, hindi na nagdalawang isip ang dalawa ay sumunod na lang kay Macario. Habang naglalakad ang tatlo ay kumuha pa ng tubo si Cridd para ibigay kay Lesley. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Cridd kay Macario. "Sa tahanan namin," sagot ni Macario. Ilang minutong paglalakad ay nakarating sila sa isang malaking bahay. Makalumang disenyo ang bahay na iyun, magkahalo ang bato at kahoy sa pagbuo ng bahay, pero ang ganda ng pagkakadesign noon. "Ito ang bahay n'yo?" tanong ni Lesley kay Macario. "Tama ka doon binibini," sagot ni Macario. "Kung mabait kayong tao ay maari kayong pumasok sa aming tahanan, pero kung mayroon kayong ginawa na hindi maganda ay ipagpaumanhin n'yo na natulungan ko na kayong makatakas sa humahabol sa inyo kaya maari na kayong umalis," habang paliwanag ni Macario. "Hindi kami masamang tao, nagtataka lang kami kung nasaan ba talaga kami at bakit gan'yan ang kasuotan n'yo," tanong ni Lesley kay Macario. "Binibini, kami dapat ang magtaka kung bakit gan'yan ang kasuotan n'yo, sa taong isang libo walong daan siyamnapu't anim ay hindi ko mawari kung ano ang nasa-isipan ninyo at ganiyan ang suot n'yo," mahabang paliwanag na naman ni Macario. "Wait, anong taon?" takang tanong ni Cridd. "Isang libo walong daan siyamnapu't anim."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD