"ISANG libo’t walong daan siyamnapu't anim," pag-uulit ni Macario.
Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Lesley, at gulat na tumingin kay Macario.
"S-seryoso ka?" puno ng pagkabigla na tanong ni Lesley sa lalaking kaharap nila.
Tinignan ni Macario si Lesley. "Binibini, paumanhin sa iyo, subalit ako ay walang oras para makipagbiruan sa mga istranghero," kalmado ang sagot nito kay Lesley.
Batay sa katayuan, at tingin ni Lesley at Cridd ay iniisip nito na niloloko lang sila ng lalaking na sa harapan nila. Paanong mangyayari ang pag balik nila sa panahon na maski ang magulang nila ay hindi naman sa panahon iyon.
"Macario, sino ang mga iyan? Iyo bang mga panauhin?"
Isang babae ang lumabas mula sa isang malaking bahay na sinasabi na bahay ni Macario.
Nalipat ang tingin nilang tatlo sa babaeng nagsalita. Medyo mayroon ng edad ang ginang, nakasuot ito ng saya at mayroong hawak na pamaypay na dahan-dahan ang pag wasiwas nito upang mabigyan ng sapat na hangin ang kaniyang mukha.. Naglakad ang ginang papunta sa pwesto ng tatlo bata para makita sila.
Tinignan ng ginang si Lesley at Cridd, nilipat nito ang tingin sa kan'yang anak na si Macario.
"Mga kaibigan mo ba iyan?" tanong ni Melinda Burgos sa anak nitong si Macario.
"Hindi po Ina, naliligaw lang po sila at nagtatanong ng daa—"
"Pwede po bang makiinom ng tubig?" biglang singit ni Cridd.
Napunta sa kan'ya ang tingin ng lahat dahil sa pag singit nito. Si Lesley ay binigyan ng masamang tingin si Cridd sa ginawa.
"Napagod kasi ako kakatakbo," dagdag na sabi ni Cridd. Napakamot pa ito sa kaniyang ulo na dahil medyo na hiya na rin ng konti.
"Tumigil ka nga, nakakahiya ka Cridd!" saway ni Lesley sa kan'ya.
"Ija, walang problema," nakangiting sabi ni Melinda kay Lesley. "Tara Ijo, tuloy ka sa aming munting tahanan," aya ni Melinda kay Cridd.
Naglakad si Melinda papasok sa loob ng bahay na agad namang sumunod si Cridd.
“Kapal talaga ng mukha ng isang ito,” singhal ni Lesley habang pinapanuod ang dating kasintahan na naglalakad papasok sa loob ng bahay.
"Nais mo rin bang uminom ng tubig, Binibini?" alok ni Macario kay Lesley.
Narinig ni Cridd ang alok na ginawa ni Macario. Agad itong napahinto sa paglalakad at binaling ang tingin sa dalawa, naglakad si Cridd pa balik kila Lesley.
"Samahan mo ako, baka maligaw ako sa bahay n'yo," sabi ni Cridd kay Macario.
Hinila ni Cridd si Macario para samahan itong pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok nila sa loob ay maluwag at sobrang aliwalas ng loob.
Halos ang mga gamit ay gawa sa kahoy, upuan, lamesa at iba pang gamit sa bahay na sa tingin ni Cridd ay mga mamahalin ito kung ibebenta n’ya.
"Maupo muna kayo, ikukuha ko kayo ng maiinom," sabi ni Macario.
Si Lesley at Cridd naman ay manghang-mangha sa nakikita nila sa loob ng pamamahay. Bato ang sahig nito, pero ang kalahati ng bahay ay kahoy na, second floor ay sa kahoy na gawa.
"Les, adobe pa ang gamit nila," mangha sabi ni Cridd.
"Cridd, umayos ka nga, nakakahiya ka na," pigil ni Lesley kay Cridd.
"Les, naniniwala ka ba kay Macario na nasa nineteenth century tayo?" tanong ni Cridd kay Lesley.
Napaisip din doon si Lesley dahil maski ito ay hindi n'ya alam kung maniniwala ba ito o hindi.
"Ang paligid na nating ang ibedensya," sagot ni Lesley sa binata.
Bumalik sa pagkakaupo si Cridd ng makita n'yang papalapit ang Ina ni Macario na si Melinda na mayroon itong dalang pinggan na mayroong laman na nilagang saging at kamote.
"Ipagpaumanhin n'yo muna ang aming pagkain dahil hindi pa ako nakakaluto ng aming pananghalian," sabi ni Melinda sa dalawa.
Inilapag iyon sa maliit na table na mayroong nakapatong na vase sa gitna.
"Thank you po," sabi ni Lesley.
Napatingin sa kan'ya si Melinda dahil sa salitang sinabi ni Lesley, pero mukhang hindi iyon napansin ni Lesley dahil sa abala itong samaan ng tingin si Cridd.
"Ito na ang inyong tubig," sabi ni Macario na mayroong dalang dalawang baso ng tubig para kay Lesley at Cridd.
"Maaari ko bang malaman ang iyong mga ngalan?" tanong ni Melinda sa dalawa.
Si Cridd ay kinuha ang baso na binigay ni Macario na mayroong laman na tubig.
"Ako po si Lesley Dominguez at ang kasama ko namang si Cridd Francis—"
Hindi na tuloy ang sasabihin ni Lesley ng biglang naibuga ni Cridd ang tubig na iniinom nito.
"Diyos ko po! Ginoo, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Melinda kay Cridd na nauubo pa.
"Cridd, ano bang nangyayari sa ‘yo?" tanong ni Lesley sa kan'ya.
Binaba ni Cridd ang basong hawak n'ya. "Hindi mineral ang tubig," sabi ni Cridd kay Lesley.
Nakatanggap ng hampas si Cridd mula kay Lesley. "Umayos ka nga!" inis na sabi ni Lesley.
"Pasyensya na po kayo sa kasama ko," paghingi ng paumanhin ni Lesley sa mag-ina.
"Macario, ipag-init mo sila ng tubig, mukhang mahina ang tiyan ng ating panauhin," utos ni Melinda sa anak.
"Masusunod po ina," sagot ni Macario sa utos ng ina n'yang si Melinda.
"Hindi na po, nag-iinarte lang po si Cridd," pigil ni Lesley.
"Hindi ako nag-iinarte," sabat naman ni Cridd.
Muli itong nakatikim ng masamang tingin kay Lesley kaya napa-iwas ito ng tingin. Napangiti naman si Melinda dahil sa inaasal ng dalawa.
"Kayo ba ay magnobyo?" mahinhin na tanong ng ginang sa dalawa.
Biglang sumigla ang mukha ni Cridd at napatayo ito sa kinauupuan n'ya para lapitan ang ginang.
"Sa tingin n'yo po ba bagay kami?" pamagbirong tanong ni Cridd kay Melinda, inakbayan n'ya ang ginang kaya napatingin ito sa kamay ni Cridd na nakaakbay sa balikat ni Melinda.
"Ouch!" daing ni Cridd ng hampasin ni Melinda ang kamay nitong nakaakbay sa kan'ya.
"Masyado kang pilyo para sa magandang binibini na ito at sa tingin ko ay iyo lang papaluhain ang mapungay at kumikinang na mga mata nito," paliwanag ni Melinda kay Cridd.
Natawa si Lesley sa opinyon na sinabi ni Melinda kay Cridd na nakapagpasama naman ng mukha ni Cridd.
"Biro lang, sa tingin ko naman ay bagay kayong dalawa," dagdag na sabi ni Melinda na nakapagpabago ng awra ng mukha ni Cridd.
"Ngunit maitanong ko lang na bakit ganiyan ang inyong mga kasuotan?" tanong ni Melinda sa dalawa habang tinitignan ang mga suot nito.
Napatingin ang dalawa sa suot nila at sa suot ni Melinda na malayo nga ang pagkakatulad noon.
"Masyadong nakikita ang balat mo binibini, baka pag mayroong nakakitang ibang tao sa ‘yo ay isipin na bayarang babae ka," paliwanag ni Melinda na ikinagulat ni Lesley.
Umiling ito at hindi alam kung paano sasabihin na galing sila sa panahong twenty first century kaya ganoon ang kanilang mga suot na damit.
"Kung bayaran si Lesley, sana matagal ko ng binayaran iyan kaso kahit anong gawin ko hindi ko makuha," kumento naman ni Cridd.
Muling masamang tingin ang binigay ni Lesley sa kan'ya.
"Palabiro ka talaga ginoong Cridd, mahirap talagang makuha ang pag-ibig ng isang babae, kaya kung iniirog mo ang binibining nasa ating harapan ay dapat na iyon paghirapan at pagsumikapan para makuha ang kan'yang puso," mahabang payo ni Melinda.
"Paano po kung mayroong ibang binibini na umeksena?" tanong ni Lesley kay Melinda.
Naglakad si Melinda para tabihan ang dalaga na nagtanong na iyon sa kan'ya. Binuksan nito ang hawak n'yang pamaypay, tinignan n'ya si Lesley sabay ngiti.
"Wag ng babalikan ang ginoong sinugatan ang puso ng isang binibini," sagot ni Melinda sabay tingin kay Cridd.
"Pinagsisihan ko naman po ang lahat," depensa ni Cridd kay Melinda.
Isang mahinhin na tawa ang pinakawalan ni Melinda dahil sa reaksyon ng binata sa sinabi n'ya. Alam nito na ang tinutukoy ni Lesley ay si Cridd, ang tingin n'ya sa binata ay habulin talaga ng mga babae.
"Inaamin mo ba na mayroon kang ibang kalaguyo habang nasa iyo ang puso ng maganda binibini?" tanong ni Melinda kay Cridd.
"Hindi lang po pagkakaunawaan ang lahat," sagot ni Cridd.
"Kung iyan ang nais mong sabihin ay iyan ang iyung panindigan." Tumayo si Melinda, naglakad papunta kay Cridd. "Sa tingin ko ay mahihirapan kang makuha muli ang iyung irog," nakangiting sabi ni Melinda.
Muling naglakad si Melinda patungo sa bintana at tinignan ang labas.
Dumating si Ginoong Macario dalang baso na mayroong laman na pinakuluang tubig para kay Cridd. "Ginoong Cridd, ito na ang iyong maiinom," sabi ni Ginoong Macario.
"Salamat," sagot ni Cridd.
"Pero ang maganda sa ‘yo na kaya mong ipaglaban ang iyong minamahal," pagpapatuloy na sabi ni Ginang Melinda sabay harap sa kan'yang anak na si Ginoong Macario.
Napaiwas naman ng tingin si Ginoong Macario ng makita na tingnan s'ya ng kan'yang ina. Napansin ni Cridd ang tinginan ng mag-ina kaya nagtaka ito at napaisip na baka mayroong ibig na iparating si Ginang Melinda sa anak nitong si Macario.
"Oh s’ya, ako ay magluluto ng ating pananghalian, bawal tumanggi sa grasya kaya dito na kayo kumain," sabi ni Ginang Melinda.
"Tulungan ko na po kayo ina," sabi ni Ginoong Macario.
"Paano ang mga panauhin?" tanong ni Ginang Melinda sa kan'yang anak.
Hindi na nagsalita si Macario kaya umalis na si Ginang Melinda papunta sa kanilang kusina upang magluto ng kanilang pagkain mamayang tanghalian.
Biglang tumahimik ang paligid nila dahil walang balak na magsalita. Si Lesley at Ginoong Macario ay mukhang nahihiya pa sila sa isa't isa, si Cridd naman ay abala ito sa pag-ihip ng kan'yang tubig para lumamig.
"Ang ganda ng bahay n'yo," nakangiting sabi ni Lesley habang nililibot ang tingin sa paligid ng bahay.
"Salamat, binibining Lesley," nakangiting sagot ni Ginoong Macario. "Gusto mo ay ilibot kita sa buong bahay?" paanyaya ni Ginoong Macario.
"Sige," masayang sagot ni Lesley kay Ginoong Macario.
"Macario, nasaan ang banyo n'yo?" tanong ni Cridd. "Pwede mo ba akong samahan?" dagdag ni Cridd.
"Papansin," mahinang sabi ni Lesley.
Ngumiti naman si Cridd kay Lesley sabay kindat. Inirapan ni Lesley si Cridd kaya natawa na lang si Ginoong Macario ng makita ang dalawa na akala mong aso't pusa na nag-aaway.
"Ginoong Cridd, sumunod ka sa akin para madala kita sa palikuran ng aming bahay," sabi ni Ginoong Macario.
"Hintayin mo ang aking pagbabalik aking binibini," nakangiting sabi ni Cridd kay Lesley bago ito maglakad para sumunod kay Ginoong Macario.
"Ginoo, kasintahan mo ba si binibining Lesley?" tanong ni Ginoong Macario kay Cridd habang naglalakad sila patungo sa palikuran.
"Dati," sagot ni Cridd.
"Pumasok ka na," sabi ni Ginoong Macario turo sa palikuran nila.
"Hindi talaga ako gagamit," sabi ni Cridd kay Ginoong Macario.
Napatingin si Cridd sa malawak na labas ng bahay nila Ginoong Macario. Mayroong itong malaking puno sa harapan ng bahay na nagpapalilim sa paligid.
Walang masyadong malapit na bahay sa kanila at ang taming tubo sa paligid, mayroong matataas na puno ng buko sa kalapit.
"Mayroon bang problema, Ginoo?" tanong ni Ginoong Macario kay Cridd na tahimik na pinagmamasdan ang paligid.
Payapa, walang polusyon at maganda sa paningin ang paligid. Malayo sa kinalakihan nila.
"Wala naman," sagot ni Cridd.
"Nag-iisang anak ka lang ba?" tanong ni Cridd kay Ginoong Macario.
Umiling si Ginoong Macario bilang sagot sa tanong ni Cridd. "Walo kaming magkakapatid, ako ang bunso at lahat sila ay babae at mayroong na silang mga pamilya," sagot ni Ginoong Macario.
"May nobya ka ba?" tanong ni Cridd.
Muling umuling si Ginoong Macario. Napansin ni Cridd na lumungkot ang itsura ni Ginoong Macario kaya napaiwas ng tingin si Cridd.
Bigla nitong naalala ang sinabi ng ina ni Ginoong Macario. "Nawala?" tanong ni Cridd.
"Siguro hindi s'ya para sa akin," sagot ni Ginoong Macario.
"Ikaw? Bakit kayo nagkahiwalay ni Binibining Lesley?" tanong ni Ginoong Macario kay Cridd.
"Masyadong daw kasi akong gwapo para sa kan'ya," biro ni Cridd kay Ginoong Macario.
"Sa tingin ko ay mabait naman si Binibining Lesley," sabi pa ni Ginoong Macario.
"Mabait talaga ako," sabat ni Lesley na nanggaling sa itaas ng bahay.
Napatingala ang dalawa, napangiti si Ginoong Macario ng makita si Lesley at si Cridd naman ay hindi maalis ang tingin kay Lesley na makita nitong nakasuot ito ng saya na mayroong hawak na abaniko sa kanang kamay nito.
"Isang magandang binibini," nakangiting sabi ni Ginoong Macario.
Biglang sinamaan ni Cridd ng tingin si Ginoong Macario na agad na napaiwas ng tingin si Macario.
"Akin iyan, humanap ka ng sa ‘yo," banta ni Cridd kay Macario.
"Ginoong Cridd, hindi ko nais na agawin ang iyong irog," natatawa na sabi ni Ginoong Macario.
"Mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo," sagot ni Cridd. Muli n'yang nilipat ang tingin sa itaas, pero wala na doon si Lesley nakasarado na rin ang bintana kaya nawala ang ngiti sa labi ni Cridd.
"Mas mabuti pang pati ikaw ay magpalit ng iyong kasuotan Ginoong Cridd," sabi ni Ginoong Macario kay Cridd.
"Para maging bagay na kami ni Lesley?" nakangiting tanong ni Cridd.
"Hindi, mahigpit ang mga gwardya sibil ngayon at dahil sa inyong mga kasuotan ang mapagkamalan kayong mga rebelde, delikado ito lalo na sa inyong kasama na binibini," paliwanag ni Macario kay Cridd.
"Sige," sagot ni Cridd kay Macario.