Pananaw ni Lesley
TUMINGIN ako sa salamin habang suot-suot ko ang baro’t saya na pinasuot sa akin ni Aling Melinda. Hindi raw katanggap-tanggap ang kasuotan ko. Naka-skirt kasi na hanggang tuhod ang haba at blouse dahil iyun ang uniform ko sa BSU biling tourism student.
Wala naman kasi akong idea na mapupunta kami sa lugar na ito, kung alam ko lang sana ay naghanda ako. Muntik pa kaming mapatay dahil lang sa kakaibang kasuotan namin, pero sa panahon namin mas kakaiba pa ang suot na ito.
Nagpaypay ako sa sarili ko dahil mainit na ang suot kong baro’t saya. Hindi ko alam kung bakit nila natitiis ang ganitong kasuotan sa mainit na panahon, pero hindi naman kasing init sa panahon namin.
Mas okay ang klima nila kaysa sa panahon namin ni Cridd.
Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin, napangiti ako na maganda ang design nito at masasabi ko na bagay nga talaga sa akin, kaso mainit nga lang.
Matutuwa kaya si Cridd pag nakita n'ya na ganito ang suot ko, ay hindi mali. Ano bang paki-alam ko sa kan'ya, wala akong panahon para sa manlolokong iyun at wala na dapat akong panahon para maisip ang bwisit na lalaking iyon.
Sa dami-dami kasing makakasama sa panahon na ito ay bakit ang lalaking manloloko pa.
"Nagustuhan mo ba ang iyung kasuotan?"
Napalingon ako sa kanan ng marinig ko ang boses ni Aling Melinda na tinanong ako. Binigyan ko s'ya ng isang magandang ngiti sabay tango.
"Sobrang ganda po ng pinasuot n'yo sa akin na damit," sagot ko sa kan'ya.
Lumapit ito sa akin. "Bagay na bagay sa iyo," puri n'yang sabi sa akin kaya hindi ko napigilang ngumiti.
"Kung tapus ka ng ayusan ang iyong sarili ay bumaba ka na para makakain na tayo ng pananghalian," paalala ni Aling Melinda.
Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. Sinundan ko s'ya ng tumalikod ito sa akin sabay lakad palabas ng kwarto. Tinignan ko muli ang sarili ko. Wala kasing make-up dito kaya hindi ko na lagyan ang sarili ko para lalong bumagay sa akin ang suot na ito.
"Sa tingin ko ay mabait naman si Binibining Lesley," rinig ko mula sa labas.
Naglakad ako papunta sa binta at binuksan ko iyon para tignan kung sino ang nagsalita na iyon. Sumalubong sa akin ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Tanaw ko ang mga puno ng buko dito, mga nagliliparang ibon, nakita ko rin ang mga tubo na nakatanim malapit sa tabing ilog.
Sobrang ganda ng paligid, at sigurado akong madalang na lang ang ganitong tanawin sa panahon namin.
Mayroong puno ng manga sa harapan ng bahay nila Macario kaya medyo malilim ang lugar nila. Tumingin ako sa ibaba. Mayroong terrace ang bahay nila Macario na masasabi na mayroon silang kaya. Hindi ito ang nakikita kong mga bahay sa sinasabing panahon na ito.
Hindi moderno ang pagkakagawa, pero sobrang ganda na papangarapin mo na lang din tumira sa ganitong lugar dahil sa payapang nagaganap dito.
"Mabait talaga ako," sabat ko sa pag-uusap ni Cridd at Macario.
Nakakagulat na napunta kami sa panahon na ito, pero buti na lang mabait sila Macario at si Aling Melinda na ina ni Macario.
Tumingin sa akin si Macario at Cridd. Pareho silang napangiti ng makita ako, siguro dahil sa kasuotan ko na rin. Nalipat ang tingin ko kay Cridd na nakatitig sa akin.
Tinakip ko ang hawak kong pamaypay sa mukha ko dahil naiilang ako sa titig ni Cridd.
Lesley, wag kang magpapalinlang sa mga tingin ng lalaking iyan.
"Isang magandang binibini," nakangiting sabi ni Ginoong Macario sa akin.
Napangiti naman ako ng marinig ko mula kay Macario iyon. Nalipat ang tingin ni Cridd kay Macario. Humangin ng malakas kaya nagugulo ang buhok ko. Sinarado ko na ang bintana dahil sobrang hirap mag-ayos ng buhok lalo na at wala namang sapat na kagamitan sa panahon na ito.
Nilibot ko na lang ang paningin ko sa palibot ng bahay. Mayroon itong dalawang kwarto sa taas, gawa ito sa kahoy, pero mukhang matibay naman. Sa kwarto kung nasaan ako naroroon ay mayroon itong dalawang bintana na malaki. Ang bintana pa nito ay parang mayroon pang pabox-box ang design.
Kung hahanapin mo ang ganitong design na binta sa taong twenty-twenty ay siguradong malaking ang magagastos mo. Lagayan ng damit at ibang gamit lang ang makikita sa loob dito.
Isang malaking kama na sa tingin ko ay ito ang kwarto ng Ina at Tatay ni Macario. Hinawakan ko ang suot kong saya para makapaglakad na ako papuntang baba.
Binuksan ko ang pinto at napaatras ako ng konti sa gulat ng makita ko si Cridd na nakatayo sa may pintuan at todo ang ngiti sa akin.
Tinignan ko ang suot n'ya na nakabarong tagalog na rin ito at itim na pang-ibaba.
"Pogi na ba?" tanong nito sa akin.
Hindi ko s'ya pinansin at maglalakad na sana ako para lagpasan s'ya ng humarang ito sa dadaanan ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin, pero ang loko ay nilahad ang kamay n'ya sa harapan ko.
"Tumigil ka," masungit kong sabi sa kan'ya.
Hindi porket gumawa s'ya ng kalokohan noong taong twenty-twenty ay kakalimutan ko na lahat ng ginawa n'ya sa akin sa panahong eighteen ninety six, kahit anong gawin n'ya hindi na iyon mabubura sa akin.
"Nangako ako na proprotekhan kita, hindi ba?" sabi nito sa akin.
Tinignan ko ang kamay n'ya. Dati gusto ko laging hinahawakan ang malambot n'yang kamay, pero ngayon ay hindi na. Hinampas ko iyon ng hawak kong pamaypay.
"Ahh!" daing nito dahil mukhang kahoy pa ang tumama sa kamay n'ya.
"Sorry," sabi ko sa kan'ya sabay lakad para lagpasan ito.
Wala akong paki-alam kung umiyak pa s'ya sa harapan ko. Humawak sa kahoy na harang dito sa gilid ng hagdan para hindi ako mahulog.
"Binibini!" tawag sa akin ni Macario ng makita ako.
Agad itong tumakbo palapit sa akin at inilahad nito ang kamay n'ya para alalayan ako. Ngumiti naman ako sa kan'ya at agad ko iyun na tinanggap.
Masyado naman s’yang gentleman.
"Salamat," nakangiti kong sabi kay Macario.
"Paumanhin kung nahawakan ko ang iyong magandang kamay, nais ko lang na hindi ka mahulog sa aming hagdanan," paliwanag ni Macario.
Napatingin ako sa kamay ko, ganoon ba ka koserbadibo ang mga tao sa panahon na ito, sa panahon namin ay magyakapan man o maghalikan ay wala ng pakialam, pero s'ya hinawakan lang ang kamay ko nag-sorry agad s'ya sa akin.
"Ayos lang," sabi ko sa kan'ya.
Sobrang bait ni Macario, hindi katulad ng kasama kong napunta dito. Manloloko na gago pa.
"Sweet."
Napatingin ako sa hagdanan at nakita ko si Cridd na pababa na kaya nagsimula na ulit akong maglakad patungo sa kusina. Gawa rin sa kahoy ang kusina nila, pero maayos ang pagkakagawa.
Nakita ko si Aling Melinda na nag-aayos ng lamesa kaya agad akong pumunta sa kan'ya para tulungan.
"Tulungan ko na po kayo," magalang kong sabi.
"Salamat, Ija," nakangiti nitong sabi sa akin.
Habang inaayos ko ang lamesa ay hindi ko mapigilan na hindi mapatingin kay Aling Melinda. Mayroon na itong edad, pero mahahalata mo na maganda itong noong panahong bata pa s'ya, sobrang mahinahon magsalita na masasabi mo talagang dalagang pilipina.
Inilapag ni aling Melinda ang ulam na niluto n'ya at sa unang tingin ko pala saka sa amoy ay adobong manok ito.
"Macario, halina't tayo ay mananghalian na," tawag ni Aling Melinda kay Macario.
Magkasunod na dumating si Macario at Cridd. Tumabi sa akin si Macario kaya napangiti na lang ako ng hindi ko alam ang dahilan.
"Matanong ko lang sa inyo, saan ba kayo nakatira at bakit kayo napadpad sa aming lugar?" tanong ni Aling Melinda sa amin.
Napatingin ako kay Cridd na mukhang walang ganang kumain dahil nakatitig lang ito sa pagkain n'ya.
Nagkakamay kami ngayon, dahil wala rin naman binigay na kutsara at tinidor sila sa amin. Ayoko naman mag-inarte dahil hindi naman namin ito bahay.
"Taga Calumpit po ako," sagot ko sa kanila.
Ako taga calumpit at si Cridd naman ay sa malolos ang tirahan n'ya.
"Ano ang iyong baryo, Ija?" tanong sa akin ni Aling Melinda.
"San Marcos po," sagot ko sa tanong sa akin.
"Kailangan mo pang sumakay ng bangka para makapunta sa baryo n'yo," sabi sa akin ni Aling Melinda.
"Hindi na kailangan ina, mayroon na pong ginawang tulay para nakapunta sa kabilang ilog," paliwanag ni Macario.
"Ganoon ba? Hindi na kasi ako nakakapunta doon kaya hindi ko mawari na ang mga bagong gawa sa ating lugar," sagot ni Aling Melinda.
"Nakita ko pong pinagawa iyon ng alkalde ng ating lunsod para po na madaling ng makatawid sa ilog at hindi na kailangan na gumamit ng bangka," paliwanag pa ni Macario sa kaniyang ina.
Mukhang maraming alam si Macario sa nangyayari sa paligid n'ya.
"Oo nga pala anak, tapos mo na bang ihatid ang mga sulat?" tanong ni Aling Melinda sa anak.
Umiwas ng tingin si Macario at nalipat sa pagkain n'ya. Ako naman ay tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan ng mag-ina.
"Hindi pa po Ina, mayroon pa po akong isang sulat na hindi pa naihahatid," sagot ni Macario.
Biglang tumahimik na naman ang paligid namin, muli kong sinilip si Cridd na konti lang ang kinakain.
"Ginoo, hindi ba masarap ang akin luto kaya hindi ka makakain ng ayos?" tanong ni Aling Melinda kay Cridd.
Hindi ko alam kung ano ang iniinarte ng isang ito. Alam ko naman na mayroong pagkaselan si Cridd kaya baka ayaw n'yang nakakamay na kumain, pero ano ang choice n'ya. Wag na lang s’yang kumain kung choosy pa s’ya.
"Masarap po ang pagkain, kaso hindi pa ho kasi ako nagugutom kaya hindi rin ako makakain," paliwanag ni Cridd sabay tingin sa akin.
Umiwas naman ako ng tingin sa kan'ya.
"Binibini, nais mo bang matikman ang mangga mula sa puno sa aming labas?" tanong sa akin ni Macario.
Napangiti ako sa tanong ni Macario. Tuwing summer ay ang mangga ang inaabangan ko dahil doon iyon namumunga talaga, lalo na ang indian mango na hindi masyadong hinog. Sobrang sarap noon, walang tatalo.
Agad akong ngumiti at tumango bilang sagot sa kan'ya.
"Pagkatapos kong ihatid ang isang sulat ay ipapanguha kita ng mangga," sabi ni Macario sa akin.
"Anak, kaninong sulat ba ang iyong ibibigay?" tanong ni Aling Melinda kay Macario.
"Kay Tala po ina, pinapaabot ni Miguel para sa kan'ya," sagot ni Macario.
Pansin ko ang paglungkot ng boses ni Macario, hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko ay mayroon iyong kinalaman sa sulat na ibibigay n'ya.
"Tapos na po ako," sabi ni Cridd.
Napatingin kami sa kan'ya ng tumayo ito sabay lakad paalis.
"Pasensya na po kayo sa inasal ng kasama ko, baka po kasi masama ang pakiramdam n'ya," paliwanag ko sa kanila.
Sa panahon na ito ay sobrang bastos ang ginawa ni Cridd na iyun.
"Baka sobrang napagod si Ginoong Cridd dahil sa pagtakbo?" tanong ni Macario.
"Bakit naman s'ya tumatakbo?" tanong ni Aling Melinda.
Hindi ko rin alam kung bakit kami tumatakbo dahil bigla na lang mayroong humabol sa amin kanina, buti na lang at nakita namin si Macario para tulungan kaming makatakas.
"Hinahabol po sila ng isang gwardya sibil na sa tingin ko po dahil sa kanilang mga kasuotan," paliwanag ni Macario.
"Mabuti naman at hindi kayo napahamak, sobrang delikado na ang panahon ngayon dahil sa humihigpit na pagbabantay ng mga gwardya sibil," sabi ni Aling Melinda.
"Tinulungan po kasi kami ni Macario," sagot ko.
"Balitang-balita ngayon na mayroong isang grupo na nagbabalak na labanan ang mga kastila para makawala tayo sa kanila," paliwanag pa ni Aling Melinda.
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Aling Melinda. Hindi ako magaling sa history ng pilipinas, pero sa tingin ko si Cridd ay mayroong alam, kaso paano ko kakausapin ang isang iyon.
"Ija, puntahan mo muna ang iyong kasamahan na si Ginoong Cridd, baka masama talaga ang pakiramdam n'ya," sabi sa akin ni Aling Melinda.
"Sabihin mo lang sa akin kung ano ang nararamdaman n'ya para magamot natin," dagdag pang sabi sa akin ni Aling Melinda.
"Sige po, pero saan po ba ako maghuhugas ng kamay?" tanong ko sa kanila.
"Sasamahan na kita binibini," sabi ni Macario sa akin.
Naglakad si Macario kaya sumunod ako sa kan'ya sa labas. Pumunta ito at nakita ko ang isang balon na mayroong tubig doon. Ibig sabihin ay doon nanggaling ang tubig na ginagamit nila.
Sumalok si Macario para sa panghugas ng kamay ko. Malinaw at mukha namang malinis ang tubig na iyon, dahil siguro sa panahon na ito ay wala pang masyadong matitigas ang ulo na nagtatapon ng mga kung anu-ano sa ilog.
"Salamat," sabi ko kay Macario ng buhusan n'ya ang kamay ko ng tubig.
"Puntahan mo na si Ginoong Cridd, baka talagang masama ang pakiramdam n'ya kaya hindi ito nakakain ng ayos," sabi sa akin ni Macario.
Tumango naman ako sa kan'ya. Muli itong sumalok ng tubig sa balon.
"Maiwan na muna kita at ibibigay ko lang ito kay Ina," paalam sa akin ni Macario.
Naglakad na si Macario paalis kaya nagsimula na rin akong maglakad-lakad sa palibot ng bakuran nila, para na rin hanapin si Cridd.