KABANATA WALO

2229 Words
Pananaw ni Cridd "MACARIO," banggit ko sa pangalan ni Macario, ang lalaking tumulong sa amin ni Cridd para takasan namin ang hinayupak na lalaking bigla na lang kaming hinabol. Kumuha ako ng patpat na napulot ko sa tabi-tabi at pinaghahampas ang mga halaman sa gilid ko. "Pangalan ko pa lang masmaganda na kaysa sa Macario na 'yun," inis kong bulong sa sarili ko. Pero si Lesley, mangga lang ang inalok sa kan’ya ay kinikilig na agad. Iyon lang pala gusto n'ya sana pinagtanim ko s'ya ng puno sa harapan ng bahay nila para mapatawad n'ya ako, dagdagan ko pa ng santol para lalo s’yang sumaya. Ang gabing nakita kami ni Les ay susunduin ko dapat s'ya dahil masyado na akong nag-aalala para sa kan'ya, gabi na at bigla-bigla pang umuulan, pero hindi ko naman inakala na si Jamie ang makikita ko sa building na iyon, na inakala ko na s'ya. At ang halikan namin ni Jamie ay hindi ko iyun ginusto, bigla na lang akong hinalikan ni Jamie ng hindi ko namalayan, saktong pagdating ni Les ay nakita kami sa ganoong situation. Wala sa dugo ko ang maging manloloko. Mali lang s’ya ng nakita. Ang tagal ko ng gustong magpaliwanag sa kan'ya, pero lagi na lang n'ya akong iniiwasan. Ilang beses na akong pumunta sa bahay nila para humingi ng sorry sa kan'ya, pero hindi man lang n’ya ako pansinin. Kaya n'ya akong tiisin. Kung hindi ko lang s’ya mahal, bakit ko pagtyatyagaan na mabaliwala n’ya. Kung sana si Jamie ang gusto ko, bakit ko pa s’ya liligawan. Mas madali ngang makuha si Jamie kaysa sa kan’ya, pero s’ya talaga eh. Naglakad-lakad ako sa lugar na ito. Tama, makaluma nga ang paligid, pero sa tingin ng Macario na iyon ay maloloko n'ya ako. “Eighteen ninety six?” tanong ko sa sarili ko. “Pss! Kalokohan. Paano naman kami mapupunta ni Lesley sa taong iyun? Ano iyun magic?” Tinignan ko ang maraming tubo. Isang hilera ito at hindi abot ng mata mo kung hanggang saan ang tapos nito. Marami ding saging sa paligid. Masasabi ko na mayaman sa mga prutas ang lugar na ito. Lumusot ako sa mga tanim na iyun. Mamaya na lang ako kukuha para kumain ng mga iyon. Bumungad sa akin ang malinis at payapang ilog. Napangisi ako at hindi ako makapaniwala na mayroon pa palang ganitong kalinis na ilog. Tumigin ako sa lupa na inaapakan ko na mayroong mga maliliit na bato.Kumuha ako ng bato para ihagis sa ilog. Makikita mo ang buhangin sa ilalim ng ilog dahil sa linaw nito. Mukhang na alagaan ng mabuti ang ilog na ito, alam ni Lesley ang lugar na ito kaya baka alam n'ya rin kung paano kami makakabalik sa lugar namin, o baka gusto n'ya na lang na makasama ang Macario na iyun. Mas gwapo pa rin ako kaysa doon. Napatingin ako sa kaliwa ko ng mayroon akong narinig na mga boses na nag-uusap.. Napaharap ako sa mga babaeng mayroong dalang mga damit, tatlong mga babae itong nag-uusap-usap. Gaya ng suot ngayon ni Lesley ay nakasuot din ito ng baro’t saya. Ako ang naiinitan para sa kanila dahil sa mga suot ng mga ito,, pero hindi naman sobrang init dito, maraming puno na nagsisilbing panangga sa sikat ng araw at medyo malakas din ang hangin sa paligid. "Wahh!" sigaw ng mga babae ng matalisod ang kasamahan nilang isang babae. Agad akong tumakbo para sapuhin ang babae. Hinawakan ko sa likuran sa bandang bewang ang babae. Bigla itong napakapit sa suot ko dahil sa takot na bumagsak ito sa lupa. "Ano ka ba naman, Tala! Hindi ka naging maingat sa iyong paglalakad," sabi ng isang babae na mukhang kaibigan ng babaeng hawak ko ngayon. Ngumiti ako sa babaeng nag ngangalang na Tala. Umiwas s'ya ng tingin sa akin kaya inalalayan ko na ito para makatayo s'ya ng ayos. Kinuha ko ang mga damit na nahulog sa lupa sabay abot sa kan'ya. "Ayos ka lang ba ang iyong lagay, Tala?" tanong pa ng isa n'yang kasamahan. Ako lang ba o sadyang malalim lang talaga silang magsalita? Pare-parehong light brown ang kulay ng mga damit nila, nakalugay ang mga buhok at wala itong mga palamuti sa katawan. Kayumanggi ang kulay ng dalawang kasamahan ni Tala, rinig kong tawag sa kan'ya kaya sa tingin ko ay iyon ang kan'yang pangalan. Si Tala ay maputi ito, hindi ganoon kaputi, siguro kasing kulay n'ya si Lesley. "Ginoo, ipagpaumanhin n'yo po ang kilos ng aming kaibigan." Tumingin ako sa babaeng wavey ang buhok, s'ya ang nasa kanan, straight naman ang buhok ng nasa gitna at si Tala naman ay medyo wavey din ang buhok n'ya. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kan'ya. "Walang problema sa akin," sabi ko sabay ngiti kay Tala. Mukhang nahihiya pa ito sa akin dahil nakayuko ito. Ngayon lang ba s’ya nakakita ng gwapo? "Tala, magsalita ka at humingi ka ng despensa sa ginoong kaharap natin," sabi ng babaeng nasa gitna. "Paumanhin sa aking hindi pag-iingat, Ginoo. Nagusot ko pa tuloy ang iyong kasuotan," mahinang sabi ni Tala. Lahat naman sila ay mahina magsalita, maski si Aling Melinda ay mahinhin din ang salita. Natawa ako sa sinabi nila. Masyado naman nilang sineseryoso ang ginagawa, pakiramdam ko tuloy isa akong bayani sa paningin nila. "Mayroon ba akong nasabing mali, Ginoo?" takang tanong ni Tala sa akin. Umiling agad ako sa kan'ya, nalipat ang tingin ko sa hawak nilang damit. "Saan n'yo dadalhin ang mga iyan?" tanong ko sa kanila. Baka ibebenta or ipapamigay nila ang hawak nilang damit. "Lalaban namin ito sa ilog," sagot ng babae na nasa dulo. Napatingin ako sa ilog at sa kanila. Nagtataka man, pero agad akong tuumango sa kanila. Tinitigan ko ang tingin si Tala, parang narinig ko na ang pangalan n'ya, hindi ko lang malaman kung saan. "Tama na ang pag-uusap!" Lahat kami ay napatingin sa likuran ng mayroong sumigaw. Isang matandang babae na kasing edad lang siguro ni Aling Melinda. Masama ang tingin sa akin ng matanda kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "Mauna na kami, Ginoo," paalam sa akin ng isang babae. Ngumiti ako sa kanila, kumaway pa ako, nilipat ko ang tingin kay Tala, pero umiwas din s'ya ng tingin sa akin. Nagsimula na silang maglakad papuntang ilog, ako naman ay biglang hinintuan ng matandang babae. Tinignan naman n'ya ako mula ulo hanggang paa. Binuksan n'ya ang pamaypay nitong hawak sabay takip sa kalahating mukha n'ya. Agad kong naibaba ang kamay ko dahil kay Manang. Isang pilit lang na ngiti ang binigay ko sa kan’ya dahil sa tingin sa akin ay balak na akong itulak sa ilog. Mayroon kayang problema sa akin si Manang. Naglakad ito paalis sa harapan ko para sundan sila Tala. Napailing ako, siguro matandang dalaga iyun kaya hindi ma-feel ang kagwapuhan ko. Bumalik na ako sa bahay nila Macario, para ayain si Lesley na umuwi na kami. Masyadong weirdo ang lugar na ito para sa akin, saka hindi maganda ang pakiramdam ko kay Macario; baka s'ya pa ang maging dahilan para hindi ako lalong kausapin ni Lesley. Kumuha ako ng tubo, sa tingin ko naman ay wala dito ang may-ari, pero parang wala namang nagmamay-ari nito. Sinimulan kong kagatin iyun, pero sobrang tigas ng balat, kaya tinapon ko na lang. Bumalik ako sa paglalakad. Sa lugar na ito ay mas marami pa ang puno, kaysa sa bahay. Napahinto ako sa paglalakad ng matanaw ko si Lesley na mukhang mayroong hinahanap. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko para lapitan s'ya. Seryoso lang ang mukhang pinapakita ko sa kan'ya para malaman n'ya na nagtatampo ako sa kan'ya. Napansin n'ya ako na papalapit sa kan'ya kaya napatigil ito upang tingnan ako. Sabi na at ako ang hinahanap n’ya, na-miss n’ya siguro ako. "Saan ka galing?" tanong n'ya agad sa akin. "Nagpahangin lang ako," tugon ko sabay iwas ng tingin sa kan'ya. Tumalikod ako kay Lesley, para iwasan ko talaga ang tingin sa kan'ya. Pinagmasdan ko ang malawak na kabukiran, mapunong paligid at malamig na simoy ng hangin. Ngumiti ako, come on Lesley, i-back hug mo na ako para naman pansinin na kita. Naghihintay ako na gawin iyun ni Lesley, pero nagulat ako ng lumitaw s'ya sa gilid ko. "Mas maganda kung magpalit na tayo ng damit, para makauwi na tayo sa atin," seryoso kong sabi kay Lesley. Tumingin s'ya sa akin, pero ako ay diretso lang ang tingin. "Paano tayo babalik? Kung nasa eighteen ninety six tayo?" tanong sa akin ni Lesley. Humarap ako bigla kay Lesley dahil sa sinabi n'ya. Pinagmasdan ko ang maganda n'yang mukha, malayo man o malapit naaakit pa rin ako sa kan'ya. S'ya lang ang babaeng nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Gusto kong matawa sa sinabi ni Lesley. "Wag mong sabihin na naniniwala ka sa mga iyon?" taka kong tanong kay Lesley. Hindi ko lubos na maisip kung paano kami maibabalik sa nakaraan na alam naman ng lahat na malabong mangyari iyon. "Cridd, tignan mo ang paligid," sabi ni Lesley, tinuro n'ya sa akin ang paligid. "Sige nga, sabihin mo kung mayroon pang gan'ya sa panahon natin," wika nito. Napakamot ako ng ulo, natawa ako ng malakas dahil kay Lesley. Hindi ko alam kung nagpapatawa ba s'ya o ano, pero ang gusto kong maging seryoso kanina ay nawala na dahil kay Lesley. "Maraming lugar sa Pilipinas na ganito ang itsura kaya, Lesley, tumigil ka na. Magpalit ka na at uuwi na tayo," paliwanag ko kay Lesley. "Masyado kang mabilis maniwala sa sinasabi nila, lalo na sa nakikita mo; hindi mo nga alam kung totoo," sabi ko pa sa kan'ya. "Bakit, ano ba ang totoo?" tanong nito sa akin. Humarap ako kay Lesley. Tinignan ko ang mata n'ya. "Na mahal kita," seryoso kong sagot ko sa kan'ya. "Psss, hindi ko dama," seryoso rin n'yang sagot sa akin. Tumalikod ito sa akin, nagsimulang maglakad palayo. Agad ko s'yang hinabol at niyakap patalikod. "Les..." mahina kong tawag sa kan'ya. Hindi ko na talaga alam kung paano ko s'ya mapapalambot, pero hindi ako susuko. Hindi ito gumalaw ng ilang segundo kaya pakiramdam ko ay okay lang sa kan'ya iyon. Tinanggal n'ya ang pagkakahawak n'ya sa akin, bigla itong humarap sabay sampal sa akin. Hindi ko inasahan na gagawin n'ya sa akin. Napahinga ako ng malalim at muli ko s'yang tinignan. Kita ko pa rin sa mata n'ya ang galit nito sa akin. "Les..." "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko na sa ‘yo? Ayoko sa manloloko!" inis n'yang saad sa akin. Muli itong tumalikod sa akin, saglit s'yang natigilan kaya tinignan ko kung saan ito nakatingin. Umiwas ng tingin si Macario ng tignan s'ya ni Lesley. Imbis na pumunta si Lesley sa bahay nila Macario ay sa ibang direction ito pumunta. "Binibini!" tawag ni Macario. Mayroong hawak na papel si Macario na tumakbo ito papunta kay Lesley. Hinawakan ni Macario ang braso ni Lesley para pigilan itong lumayo. "What?!" iritang tanong ni Lesley kay Macario. Agad na napabitaw si Macario sa pagkakahawak n'ya kay Lesley. "Paumanhin, hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan n'yo ni Ginoong Cridd, subalit delikado ang panahon ngayon kung aalis ka ng mag-isa," paliwanag ni Macario kay Lesley. "Bali-balita kasi na nalaman ng mga kastila ang lihim na pagtatag ng Suprema y Venerable Asociación de los Hijos del Pueblo ng pinamumunuan ng supremo, kaya't kung maari ang mga kababaihan ay wag ng lumabas ng inyong mga tahanan," mahabang paliwanag ni Macario ulit. Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Parang pamilyar sa akin ang binitawang n'yang salita na Suprema y Venerable Asociación de los Hijos del Pueblo. Tinignan ko ang mukha ni Lesley na mukhang naguguluhan. Maski ako ay hindi ko maintindihan ang lalaking ito, simula una naming pagkikita. "Anong ibig sabihin ng Suprema y Vene... basta ano ibig sabihin noon?" tanong ni Lesley kay Macario. Tumingin sa paligid si Macario na parang tinitignan n'ya kung mayroong bang tao sa paligid na maaaring makarinig sa sasabihin n'ya. "Katipunan," sagot ni Macario. Nanlaki ang mata ni Lesley ng marinig n'ya ang salitang katipunan. Patawa ang isang ito, sa tingin ko ay gusto n'ya lang mapalapit kay Lesley kaya n'ya ginagawa ang kasinungalingan na ito. Sira ba ang tuktok ng lalaking ito o nagpapasikat s’ya kay Lesley? Agad akong naglakad patungo sa pwesto nila. Kinuha ko ang kamay ni Lesley at hinila s'ya palapit sa akin. "Cridd, ano ba?!" inis na tanong sa akin ni Lesley, pero hindi ko s'ya pinansin. Tinignan ko sa mata si Macario. Walang reaction ang mukha n'ya, pero kung paniwalain ka ay mabilis ka talaga n'yang maloloko. "Itigil mo na ang kalokohan mo, Macario," sabi ko sa kan'ya. "Cridd, tumigil ka nga!" suway sa akin ni Lesley. Pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa akin. Binitawan ko si Lesley at hinarap ko s'ya. "Naniniwala ka ba sa sinasabi ng mokong na ito?" tanong ko kay Lesley. "Bakit alam n'ya ang katipunan?" tanong sa akin ni Lesley. "Alam ng lahat ang katipunan, ikaw lang yata ang hindi, kaya wag kang magpapaloko sa sinasabi ng isang ito," paliwanag ko kay Lesley. "Ginoong Cridd, mag-ingat ka sa binibitawan mong mga salita, ang mga gwardya sibil ay maaring nasa ating paligid lang ang mga ito," mahinahon na sabi sa akin ni Macario. "Kung si Lesley, kaya mong paniwalain, ibahin mo ako," sagot ko kay Macario. "Ano ba, Cridd?!" Tinignan ko si Lesley, hindi na ako nagsalita sa kan'ya at kinuha ko ang kamay nito para umalis na kami sa lugar na mukhang pinagloloko lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD