Pananaw ni Lesley
"ANO ba, Cridd?!" irita kong sita kay Cridd.
Tinignan n'ya ako ng seryoso, pero hindi ito nagsalita, kinuha n'ya ang kanang kamay ko. Agad ko namang binabiwi iyon mula sa kamay n’ya at binigyan ko s'ya ng masamang tingin. Humarap ako kay Macario para humingi ng sorry sa inasta ni Cridd sa kan'ya.
Tinulungan na nga kami ni Macario, pero ganito pa ang ipapakita n’ya. Bakit kasi s’ya pa ang nakasama ko dito, or sana ay s’ya na lang ang napunta sa lugar na ito, or sana sa magkaibang lugar na lang kami na punta basta hindi ko lang sa makita.
"Pasensya ka na, Macario sa kabastusan nga inasal ng kasamahan ko," mahinahon kong sabi kay Macario.
Isang matalim na tingin ulit kay Cridd dahil kumukulo talaga dugo ko sa lalaking ito.
"Lesley, ano ka ba?!" sigaw ni Cridd.
Napapikit ako dahil sa inis sa lalaking ito, pero kailanagan kong pigilan ang sarili ko dahil ayoko ng patulan ang ganitong klaseng lalaki. Hindi ko na lang pinansin si Cridd, saka dapat talaga hindi ko na s'ya pansinin; hindi ko alam kung bakit ba magkasama pa kami dito.
"Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan, hindi ba, Macario?" tanong ni Cridd kay Macario.
"Cridd, tumigil ka na," awat ko sa kay Cridd.
Alam kong marami s’yang alam, pero wala akong pakialam kung marami s’yang alam sa history.
Tinignan ko si Macario na napakunot ang noo n'ya sa sinabi ni Cridd. Ilang saglit lang ay muli na naman itong tumigin sa paligid at kaunting lumapit kay Cridd.
"Ginoo, kasanib ka ba sa lihim na grupo ng katipunan? Isa ka bang katipunero?" mahinang tanong ni Macario kay Cridd, pero sapat na iyun para marinig ko.
Biglang tumawa si Cridd ng malakas. "Nagsimula iyon, dahil sa pagkakahuli kay Dr. Jose Rizal, hindi ba?" dagdag pang paliwanag ni Cridd kay Macario na lalong nagpagulo sa kaniyang mukha.
Biglang humakbang patalikod ang mga paa ni Macario sa narinig n'ya, gulat ang itsura nito sa mga nalalaman ni Cridd.
"Magsisimula ang himagsikan sa August nineteen sa taong eighteen ninety six," dagdag pang paliwanag ni Cridd.
Mukhang naguguluhan na talaga si Macario sa sinasabi ni Cridd kaya lumapit na ako sa kanila.
"Macario, baka masama talaga ang pakiramdam ni Cridd, kaya nasasabi n'ya ang mga salitang iyun," paliwanag ko kay Macario. "Hindi ba't ihahatid mo pa ang sulat na hawak mo? Ako na ang bahala kay Cridd," dagdag ko pang sabi kay Macario sabay ngiti.
"Tama ka, Binibini. Mauna na muna ako sa inyo," paalam ni Macario, pero bago ito umalis ay tinignan n'ya muna si Cridd.
Alam kong mayroon parang nagpapagulo sa isipan ni Macario ngayon, pero naglakad na lang ito paalis.
Napansin kong magsasalita pa ulit si Cridd kaya ko hinawakan ang kamay n'ya para patigilan ito. Marami na s’yang nasasabi.
Pagkaalis ni Macario ay agad kong binitawan ang kamay ni Cridd, dahil sa nakatingin na s'ya doon. Hinarap ko si Cridd na masama ang tingin ko sa kan'ya.
"Ano?" tanong n'ya sa akin.
"Marami kang alam sa katipunan?" tanong ko kay Cridd.
"Hindi masyado," sagot n'ya sa akin. "Les, umuwi na tayo," sabi n'ya pa sa akin.
Hinawakan muli ni Cridd ang kamay ko. Tinignan ko iyun, pero hindi ko na binawi dahil sa pag-iisip. Hindi ko na tinanggal ang pagkakahawak ni Cridd kaya nagsimula na kaming maglakad paalis sa lugar nila Macario.
Habang naglalakad kami palayo ay mayroong daan na napapalibutan ng kabukiran, isang malawak na ekta-ektaryang lupain na hindi mo makikita ang dulo nito dahil sa lawak. Napahinto kami ni Cridd dahil sa nakita namin.
Nilubot namin ang paningin namin sa paligid, maraming puno ng mangga, santol at iba pa. Malawak rin na kabukiran na mayroong mga tao na nagtatanim sa gitna noon sa gitna ng nakakapasong sikat na araw.
"Sal de mi camino, Indyo! (Get out on my way, Indyo)"
Napatingin ako sa likuran ko at kinabahan ako ng mayroong isang kabayo na tumatakbo papunta sa harapan ko. Napapikit ako at hinihintay na banggain ako ng kabayo, pero mayroong humila sa akin. Kaya agad akong napadilat para tignan kung sino iyon ang nagligtas sa akin.
Hawak ni Cridd ang braso ko, s'ya ang humila sa akin.
Ang kabayo na mayroong sakay na lalaki, na sa tingin ko ay hindi Filipino base sa itsura nito.
"Hindi kami, Indyo. Gago!" sigaw ni Cridd.
Biglang pinatigil ng lalaki na mukhang kastila, ang kabayo n’ya dahil sa binitawang salita ni Cridd.
Napahawak ako sa damit ni Cridd dahil sa kaba.
Masama ang tingin n'ya sa amin, lalo akong kinabahan ng malipat ang tingin ko sa bandang bewang n’ya na mayroon itong dalang baril na nakasabit sa kaniya.
"Cridd, anong gagawin natin?" tanong ko sa kay Cridd.
"¡¿Qué fué lo que me dijiste?! (What did you say to me)"
Wala akong idea sa sinasabi noong lalaki. Bigla itong bumaba sa kabado n'ya.
Napaatras ako ng hugutin nito ang hawak 'yang baril, balak ko na sanang tumakbo para tumakas, pero biglang humarang si Cridd sa harapan ko.
"Baka barilin tayo n'yan?" natatakot kong tanong kay Cridd.
"Edi, patay tayo," biro pa ni Cridd sa akin kaya sinamaan ko s'ya ng tingin kahit na hindi nito ako nakikita dahil nakatalikod s’ya sa akin.
Habang palapit ang kastila sa amin ay umaatras si Cridd, kaya napapaatras na din ako.
Isang yapak na naman ng kabayo ang narinig ko, pagtingin ko doon ay hindi lang kabayo kung hindi kalesa. Huminto ito sa tapat namin, kaya sobrang kinabahan na ako.
Bwisit na Cridd kasi na ito. Kung hindi n'ya pinatulan sana tahimik ang buhay ko ngayon. Ang lalaki talaga na ito ang magpapahamak sa buhay ko eh.
"Mi amigo (My friend)"
Isang lalaking mestizo ang lumabas sa kalesa. Tinignan n'ya kami ni Cridd, bago ito lapitan ang lalaking kastila.
"Migeul mi amigo (Miguel, my friend)" sabi ng lalaking kastila.
Pansin ko na pareho sila na nakaputing uniform ng isang lumang sundalo.
"Tala?!"
Tinignan ko si Cridd ng magsalita ito. Nakatingin s'ya sa kalesa kaya tumingin din ako doon. Isang babaeng nakatakip ng pamaypay ang kalahating mukha ang nasa loob ng kalesa.
Bumaba ang kutsero na nakasakay sa kabayo. Bigla n'yang inalalayan si Tala, ang tawag ni Cridd sa babae, para bumaba ito mula sa kalesa.
"Bakit ka pa bumaba, Binibing Tala?" tanong sa kan'ya ng lalaking kumakausap doon sa kastila.
"Son mi amigo miguel, (They are my friend, Miguel)" sabi ni Tala sa kasamahan n'yang lalaking mukhang sundalo.
"¡Deben estar agradecidos, son amigos de Tala! Señor Miguel páez y señorita Tala, me tengo que ir. (You must be thankful, you're Tala's friends! Mister Miguel paez and miss Tala, I have to go.)" sabi naman ng kastila sa amin.
Ang totoo ay mukhang galit ito, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya o kung ano man ang pinaglalaban n'ya sa buhay.
"Gracias mi amigo, (Thanks, my friend,) " sagot ng kasamahan ni Tala.
"Kilala ko s'ya," bulong sa akin ni Cridd.
Ang tinutukoy n'ya ang babaeng nakasuot ng puting baro’t saya, mayroong hawak na abaniko. Dalagang filipina ang peg ng isang ito.
Tinignan ko ang suot ko, light brown na baro’t saya, maganda rin ang suot ko. Binalik ko ang tingin sa lalaking kastila na sumakay na ito sa kabayo at umalis na.
"Ano ang inyong kasalanan? Bakit nakaharap n'yo si Kapitan Amato?" mahinahon na tanong sa amin ni Tala.
Sobrang hinhin naman n'yang magsalita, parang hindi sanay sumigaw ang isang ito.
"Nagagalak kong makilala ang mga kaibigan ng aking binibini na si Tala, hayaan n’yong ako ay magpakilala, ako si Tinyente Miguel Paez," pag papakilalang saad ni Tinyente Miguel sa amin.
Kinuha n'ya ang isa kong kamay at nagulat ako ng bigla n'ya iyong halikan ang likod ng aking kamay.
"Ano ang iyong pangalan, maganda binibini?" tanong nito sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa masyado s'yang maginoo, kahit na sa isang matigas at matapang nitong personalidad na pinapakita dahil sa kasuotan n’yo, pero mukhang magaling mambola ang isang ito.
"Lesley Dominguez," sagot ko na nakangiti sa kan'ya.
“Isang magandang pangalan na nararapat sa isang magandang binibini, nagagalak akong makita ka at makilala ka, Binibining Lesley," sabi n'ya sa akin.
Humarap naman ito kay Cridd. Hindi ko alam kung away ba o gulong ang gusto dahil sa nakasimangot n'yang mukha. Dahil sa ugali nito ay lagi kaming napapahamak eh.
"Tropa, ako si Cridd," informal na sabi ni Cridd sabay nakipag kamay kay Tinyente Miguel.
Akala ko ay magagalit si Tinyente Miguel sa sinabi ni Cridd, pero ngumiti lang ito. Humarap na s'ya kay Tala na nakangiti na rin ng konti sa amin.
"Binibini, ihahatid na kita sa inyong tahanan at baka hinahanap ka na ng iyong magulang," sabi ni Tinyente Miguel kay Tala.
"Paumanhin, Ginoong Miguel, mayroon sana akong nais na sabihin kay Binibining Lesley, lalo na't matagal-tagal ko na rin hindi nakakasama ang aking kaibigan," paliwanag ni Tala kay Tinyente Miguel.
Tumingin saglit sa akin si Tinyente Miguel, pero binalik rin ito kay Tala.
Tinignan ako ni Cridd dahil sa sinabi ni Tala. Anong kaibigan? Hindi pa kami nagkikita sa tana ng buhay namin.
"Sigurado ka, Binibini? Delikado ang panahon ngayon at baka ikaw ay mapagalitan ng iyung ina sapagkat ikaw ay hindi na kauwi agad sa inyong tahanan," mahabang sabi ni Tinyente Miguel kay Tala.
Halata talaga kay Tinyente Miguel na maaalahanin ito.
Umiling si Tala bilang sagot kay Tinyente. Kami ni Cridd ay nanunuod at nakikinig lang sa dalawa dahil hindi ko nga alam na mayroon pala akong kaibigan na Tala ang pangalan, pero ang katabi ko mukhang magkakilala sila dahil sinabi n’ya sa akin ‘yong kanina lang.
Lumapit sa akin si Tala at kinuha ang aking isang braso.
Hinayaan ko na lang dahil sa kanila ay hindi kami tinuluyan ng isang lalaki kanina.
"Salamat sa inyong pag-aalala, Ginoong Miguel, maari ka na lumisan sapagkat baka ikaw ay hinahanap na ng iyong ama, alam kong napakaabala mo sa panahon na ito," mahinhin na paliwanag ni Tala.
"Tama, abala nga kami para sa pangkapayapaan ng ating lungsod, iyan ang aking tungkulin bilang isang Tinyente at tungkulin ng aking ama na Alkalde ng ating lungsod," sabi naman ni Tinyente Miguel.
Napataas ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi ni Tinyente Miguel, ibig sabihin anak pala ng mayor ang kaharap namin.
"Ano ang pinamumunuan ng ama mo?" tanong ni Cridd kay Tinyente Miguel.
"Ang lungsod kung saan ka nakayapak, Ginoo, lungsod ng Calumpit," sagot ni Tinyente Miguel.
"Mauna na ako sa iyon mga binibini, at ginoo" nakangiting paalam ni Tinyente Miguel sa amin.
Hinalikan ni Tinyente Miguel ang kamay ni Tala, ganoon rin sa akin. Humarap si Tinyente Miguel kay Cridd.
"Inaasahan ko na ligtas na makakauwi ang mga binibini sa kanilang mga tahanan," paalala ni Tinyente Miguel kay Cridd.
Sana ganito rin ang mga lalaki sa panahon namin.
"Kahit hindi mo sabihin ang bagay na iyan ay ligtas silang makakauwi," sagot ni Cridd.
Pa-gentleman pa ang isang ito, hindi naman bagay sa kan'ya.
"Bueno. Yo iré primero, tengo algo que hacer. hasta luego, Tala, (Okay. I'll go first, I have something to do. see you later, Tala,)" sabi ni Tinyente Miguel.
Hindi na naman namin naintindihan dahil sa ibang lenggwahe ang ginamit nito.
"Tenga cuidado en el camino, señor miguel, (Be careful on the road, Mister Miguel,)" sabi naman ni Tala sa tabi ko.
Tumango na lang si Tinyente Miguel, bago ito sumakay sa kalesa. Nagsimula ng maglakad ang kabayo hanggang sa tuluyan ng lagpasan kami ng kalesa.
"Magandang araw sa inyo," bati sa amin ni Tala.
"Tala, Spanish language ba ang ginagamit n'yo kanina?" tanong ni Cridd kay Tala.
Lumapit pa ito dahil mukhang interesado s'ya sa ibang salita o baka naman interesado rin s'ya kay Tala.
Hindi n’ya ba maiwasan ang pagkababaero n’ya maski sa panahon na ito?
"Usamos el idioma español. ¿No sabías hablar español? (We used spanish language. You didn't know how to speak Spanish?)"
Nagkatinginan kami ni Cridd dahil sa hindi namin naintindihan ang sinasabi ni Tala. Bigla itong tumawa ng mahina.
"Paumanhin, ang sabi ko ay espanyol ang wikang ginagamit namin," sagot n'ya sa akin.
"Nice!" masayang sabi ni Cridd.
"Paumanhin subalit hindi pa ako makakapag pakilala sa inyo ng wasto , ako nga pala si Tala Buenaventura," pagpapakilala ni Tala sa amin.
"Cridd Francisco," agad na sagot ni Cridd.
Hyper n'ya ngayon ah. Tumingin sa akin si Tala na mukhang naghihintay ng sagot sa akin.
"Lesley Dominguez," sagot ko.
"Bago lang ba kayo sa aming lugar?" tanong ni Tala sa amin.
"Ako sa Malolos nakatira, si Lesley sa Calumpit," sagot ni Cridd.
Tumingin sa akin si Tala. "Anong bayan ka, Binibining Lesley?" tanong sa akin ni Tala.
"San Marcos," sagot ko sa kan'ya.
Iniba ko ang tingin ko sa bukid. Medyo mainit na sa pwesto namin, lalo pang uminit dahil sa balot na balot kong suot.
"Paano kayo na padpad sa aming bayan? Ang San Marcos ay kailangan n'yo pang tumawid ng ilog para makarating sa aming bayan," paliwanag ni Tala.
"Mayroon na daw tulay na ginawa ang alkade ng lungsod," sagot ni Cridd na hindi naman sigurado sa sinabi n'ya.
"Nais n'yo ba na libutin ang aming lugar?" tanong ni Tala sa amin.
"Hindi kami masyadong pamilyar sa lugar ninyo," sagot ni Cridd.
Mukhang hindi naman na ako kailangan dito kaya ano pang ginagawa ko. Nagsimula akong maglakad, tutal hindi rin namin alam kung anong panahon kami o anong lugar ito kung nasa taong twenty-twenty kami. Mas maganda kung babalik na lang ako kila Macario at s'yang ang tatanungin ko.
Hinawakan ni Cridd ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad. "Les, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Cridd.
Tinignan ko ang pagkakahawak n'ya sa braso ko.
"Pake mo?!" irita kong tanong sa kan'ya.
Muli akong naglakad pabalik, malayo-layo na rin ang nalakad namin ni Cridd kaya ngayon, hindi ko na alam kung paano ako babalik sa bahay nila Aling Melinda.
Bwisit na Cridd kasi na iyun. Daming alam sa buhay.
"Maari ko kayong matulungan, kung saan kayo tutungo," masayang offer sa amin ni Tala.
Humarap ako sa kanilang dalawa. Kilala n'ya kaya si Macario?