KABANATA SAMPU

2014 Words
Pananaw ni Lesley "TALA, anong taon ngayon?" tanong ni Cridd kay Tala. Napatingin ako kay Tala at hinihintay ko na sagutin n'ya ang tanong ni Cridd. Ang sabi ni Macario ay eighteen ninety six, kung magkaiba sila ng babanggitin ay maniniwala na ako kay Cridd na nasa taong twenty-twenty pa rin kami at baka may sayad lang sa utak si Macario. Tumingin si Tala kay Cridd na mukhang nagtataka ito. "Ang taon ngayon ay isang libo walong daan siyamnapu't anim," sagot ni Tala. Tumalikod ako sa pagkakarinig ko noon sa kanilang dalawa. Ibig sabihin nasa panahon talaga kami ng himagsikan. "Paanong nangyar..." Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Cridd ng magsalita ako. Humarap ako kay Tala. "Alam mo ba kung saan ang bahay ni Macario?" tanong ko sa kan'ya. Hindi nga nasisiraan ng bait si Macario. Hindi naman maaring mag katulad sila nang isasagot ni Tala. Bigla s'yang natigilan ng marinig nito ang pangalan na sinabi ko. "O-oo," nauutal n'yang sagot na tila ba ay mayroong kakaiba sa pangalan ni Macario. Tinitigan ko s'ya, pero umiwas ito ng tingin sa akin. Baka mayroon silang something ni Macario or baka naman magkaaway silang dalawa ni Macario. "Pwede mo ba kaming samahan papunta doon? Nakalimutan ko na ang daan pabalik," paliwanag ko kay Tala. Tinignan ako ni Tala na para bang ina-analyze ako. "Bakit babalik ka pa kay Macario?" tanong sa akin ni Cridd. "Kung ayaw mo, wag kang sumama," inis kong sabi kay Cridd. "Anong ang kailangan mo kay Ginoong Macario?" tanong sa akin ni Tala. "Kaibigan ko s'ya," sagot ko. Mabait si Macario pati na rin si Aling Melinda. "Lesley," tawag sa akin ni Cridd. "Maari kong ituro sa inyo ang daan patungo sa bahay ng mga Burgos, subalit hindi na ako makakasama sa inyo dahil baka mapagalitan ako ng aking Ina kung magtatagal pa ako," paliwanag ni Tala. "Hindi mo na kailangan kaming samahan, ako na lang ang magtuturo kay Lesley," sabi ni Cridd. Sinamaan ko ng tingin si Cridd. Bakit hindi na lang s'ya sumama kay Tala tutal magkakilala naman sila. "Sigurado ka Ginoo?" paniniguradong tanong ni Tala. "Wag kang mag-alala, hindi mapapahamak si Lesley," sagot ni Cridd. "Mabuti naman kung ganoon," wika ni Tala. "Binibining Lesley!" Lahat kami ay napatingin ng mayroong tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko kung sino iyon. "Cridd, hindi mo na ako kailangan samahan," sabi ko kay Cridd ng makita ko si Macario na papalapit sa amin. Nagmamadali s'yang naglalakad, pero ng nalipat ang tingin nito kay Tala ay bigla s'yang huminto at bumagal ang paglalakad. Naglakad si Cridd palapit sa akin. "Masgugustuhin mo pang saman si Macario, kesa sa akin," sabi ni Cridd sa akin. "Masmatino pa s'yang kausap kesa sayo," sagot ko kay Cridd. "Les..." "Magandang tanghali, Binibining Tala," sabi ni Macario kay Tala. Nakita kong umiwas ng tingin si Tala kay Macario. "Magandang tanghali, Ginoo," sagot ni Tala. Humarap sa amin si Tala. "Ginoong Cridd at Binibining Lesley, nais kong magbigay pa ng maraming oras sa inyo ngunit kailangan ko ng bumalik sa aming bahay," sabi ni Tala. Tumango ako kay Tala bilang sagot sa kan'ya. "Mauuna na ako, Ginoo," nahihiya n'yang paalam kay Macario. "Binibini, paumanhin kung ngayon ko lang maabot ang pinapabigay na sulat ni Tinyente Miguel para sayo," sabi ni Macario sabay abot ng papel kay Tala. "Wag ka ng magselos kay Tala, sayo lang naman ako," bulong sa akin ni Cridd. Lumayo ako sa kan'ya ng maramdam kong malapit ito sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" inis kong sabi. "Nagkita na kami ni Ginoong Miguel, subalit wala s'yang nababanggit na mayroon s'yang pinadalang sulat para sa akin," paliwanag ni Tala. "Binibini, baka nakaligtaan lang ni Tinyente Miguel dahil sa kaniyang mga ginagawang tungkulin," tugon ni Macario. "Maraming salamat, Ginoo," sabi ni Tala. "Binibining Tala, kaya mo bang bumalik sa bahay na ikaw lang mag-isa? Delikado kung mag-isa kang maglalakbay pauwi," sabi ni Macario. "Wag kang mag-alala, Ginoo, ayos lang ako," tugon ni Tala. "Oo na, ihatid na natin si Tala!" singit ni Cridd. Nagulat ako ng hawakan ni Cridd ang kamay ko at hinila ako palapit sa dalawa. Pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya, pero lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakahawak n'ya. "Isa!" banta ko kay Cridd. Tumingin sa akin si Macario at Tala dahil sa sinabi ko. "Ginoo Cridd, baka mayroong makapansin sa inyo," paalala ni Macario kay Cridd. Hinila ko ang pagkakahawak n'ya sa akin. Sa inis ko ay sinipa ko si Cridd kahit pa sa harapan ng dalawa. "Ahhh!" daing nito dahil sa pagkasipa ko sa paa n'ya. "Isang hawak mo pa sa akin, hindi ka na aabutin ng umaga," banta ko kay Cridd. "Magkatipan ba kayong dalawa?" tanong sa amin ni Tala. "Dati," sagot ni Cridd. Napakunot ang noo ko. Anong tipan ang sinasabi nila. Sinamaan ko lang ng tingin si Cridd, pero ang loko ay kinindatan pa ako. 'Yung inis ka na nga, pero lalo ka pang iniinis ng isang ito. "Ginoong Macario, baka mayroon ka pang ibang gagawin, ayokong makaabala sa iyo," sabi ni Tala kay Macario. "Tapos na akong ihatid ang mga liham, kung kaya't wala na akong gagawin ngayong araw," sabi ni Macario. "Pumayag ka na, Tala," sabi ni Cridd. Paepal talaga ang isang ito eh. "Nakakahiya sa inyo. At maabala ko pa kayo," paliwanag ni Tala. "Wala naman kaming gagawin, saka gusto rin naming malibot ang lugar na ito," sagot ni Cridd. "Saan ba ang daan, dito? o dito?" turo ko sa kanila. Ang dami pa kasing pinag-uusapan kung ihahatid, ihatid na para wala ng maraming usapan. "Dito, binibini," sabi ni Tala sa akin. Tinuro n'ya ang daan na pinagmulan ni Macario. Naunang malakad si Tala, sumunod naman si Macario doon. "Makiramdam ko mayroong gusto si Macario kay Tala," sabi sa akin ni Cridd. "Sa tingin ko rin," pagsang-ayon ko sa kan'ya. Unang tinginan palang ng dalawa ay mayroon ng kakaiba kaya sa tingin ko nga ay mayroong gusto si Macario kay Tala. Hindi naman na nakakagulat iyon. Masasabi kong maganda si Tala, kaya magugustuhan s'ya ni Macario. "Mauna ka na Binibini," sabi ni Cridd sa akin. Inirapan ko lang ito at naglakad na para sundan ang dalawa. Pansin ko na tahimik sila, o sadyang tahimik lang ang mga tao sa panahon na ito. Ang kalsadang dinadaanan namin ay lupa pa ito. Nakakamangha na ang ganda sa panahon na kung nasaan kami, pero nakakatakot kung bakit kami na padpad dito. Hindi ko alam kung bakit, pero mayroon bang dahilan kaya kami napunta dito. Tinignan ko si Cridd sa likuran ko kung nakasunod ba ito sa amin. Nauuna kasi ang dalawa sa amin, sumunod ako at si Cridd ang nasa likuran ko. Pansin ko na nagmamasid si Cridd sa paligid. Umiwas ako ng tingin ng humarap nilipat n'ya ang tingin sa akin. Siguradong iniisip n'ya rin kung paano ba kami makakabalik sa panahon namin. Mayroong kastilang naglalakad ang tumigin sa akin, medyo ang tinatahak namin daan ay mayroon na ring tao. Umiwas ako ng tingin sa kastila na iyon dahil sa kakaiba n'yang tingin at hindi rin ako kumportable sa kan'ya. "Aking mahal, baka na papagod ka na?" biglang sulpot na tanong ni Cridd sa akin. Nagulat ako ng hawakan n'ya ang bewang ko at sabay kaming naglakad. Taka ko s'yang tinignan dahil sa ginawa nito. Dahil na rin sa mayroong nakatingin sa akin ay hindi ko magawang tanggalin ang kamay ni Cridd sa bewang ko. "Anong ginagawa mo?" bulong ko kay Cridd. "Hindi ko gusto ang tingin sayo ng mokong na iyun," bulong n'yang sagot sa akin. Hinayaan ko na lang si Cridd dahil hindi ko rin gusto ang tingin ng lalaking iyon. Totoo pa lang nagkalat lang ang mga kastila sa panahon na ito. Nakarating kami sa kabihasnan, mayroon kaming nadaanan may nagtitinda ng mga gulay, mga buhay na hayop, at isda. Tinignan ko si Cridd na bawat dinadaanan namin ay tinitignan n'ya kagaya ko. Napansin kong lumiko ang dalawa, napapag-iwan na kami dahil sa pagtingin namin sa paligid. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ang dalawa. "Les," tawag sa akin ni Cridd. Magkasabay na lang kaming mag lakad ni Cridd, pero hindi ko s'ya kinakausap. Ilang minutong paglalakad namin ay nakarating na kami sa isang malaking bahay. Gaya ng bahay nila Macario ay wala rin itong katabing bahay. Mayroong nakapaligid na puno sa kanila, sa likuran ng bahay mayroong malawak na lupain na wala pang tanim. "Pumasok muna kayo sa loob, upang makainom kayo ng tubig," anyaya na saad ni Tala. "Hindi na, Binibining Tala," pagtanggi ni Macario sa sinabi ni Tala. Tumango si Tala, nilipat nito ang tingin sa amin ni Cridd. "Salamat sa inyo, paumanhin dahil kayo ay napagod pa sa paghatid sa akin," sabi ni Tala sa amin. "Mauuna na akong pumasok, baka nag-aalala na ang inay sa akin," mahinahon na sabi ni Tala. Ngiti lang ang sinagot ko. Nalipat ang tingin ko kay Macario na gusto pa yatang kausapin si Tala, pero mukhang pinipigilan n'yang magsalita ang sarili n'ya. Humarap sa amin si Macario, lumapit s'ya sa pwesto namin. "Bago sana kayo umalis ay nais ko sanang magpaalam kayo kay Ina, baka mag-alala sa inyo ang Ina kung hindi kayo nakapagpaalam," paliwanag ni Macario sa amin. Oo nga naman, ang bastos namin kung hindi man lang kami nagsabi na aalis kami. "Macario, alam mo ba kung saan ang malolos?" tanong ni Cridd kay Macario. "Oo naman, Ginoong Cridd, subalit kailangan mo pang sumakay ng karwahe upang mapadali ang iyong pagpunta sa bayan ng malolos," sagot ni Macario sa tanong ni Cridd. "Nais kong malaman na doon ba kayo nakatira?" tanong ni Macario sa amin. Umiling ako sa kan'ya bilang sagot. "Sa San Marcos ako nakatira, s'ya lang ang nakatira sa Malolos," sagot ko. Tumango si Macario doon. "Maari ko kayong itawag ng karwaheng magdadala sa inyong mga tahanan," sabi ni Macario. Ang bait talaga ng isang ito. Kung gan'yan lang ugali ni Cridd, siguradong hindi s'ya mang bababae. "Wala kaming pera pang bayad sa karwahe," sabi ni Cridd. "Kung gayon, iyon pala ang inyong problema, mayroon akong dalawampung piso dito, maari n'yo itong magamit para makauwi kayo ng payapa," sabi ni Macario. Mayroong itong nilabas na mga coins mula sa bulsa n'ya. Mga lumang pera. "Kasya ba ang twenty?" bulong sa akin ni Cridd. "Ano gagawin natin sa Malolos, kung wala doon ang bahay n'yo?" tanong ko kay Cridd. "Anong gagawin natin?" bulong na tanong n'ya sa akin. Bida-bida kasi, tapos hindi naman pala alam kung ano ang gagawin. Muli naming tinignan ng tingin si Macario na naghihintay ng sagot namin. Siniko ko si Cridd, para masalita s'ya. Mukhang na-gets naman n'ya iyon. "Nasunogan kami ng bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta, ampunin mo na lang ako Macario," sabi ni Cridd. Napakunot-noo ako sa ginawa ni Cridd. Gusto kong tumawa sa kan'ya, dahil parang nagpapaawa s'ya kay Macario. Tumingin sa akin si Macario kaya umayos ako ng tayo. "Kamamatay lang ng magulang at pinalayas ako ng mga kamag-anak ko," paawa kong sabi. Sana maniwala s'ya sa kadramahan namin. Si Macario ay alam na naming mabait kaya s'ya na lang ang malalapitan namin sa panahon na ito. "Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa inyo," sabi ni Macario. "Bueno, idudulog ko kay Ina ang mga nangyari sa inyo at baka maaari n'ya kayong matulungan," salaysay ni Macario. Napangiti naman ako doon, sa sobrang saya ko ay muntik ko ng mayakap si Macario, pero biglang tumigin si Macario sa akin na para bang kung anong gagawin ko sa kan'ya. Limitado nga lang pala ang galaw ng mga babae sa panahon na ito. Sa tingin ko rin ay bawal na dalawang lalaki ang kasamahan ko, pero kung hindi sila ang sasamahan ko kanino ako sasama. "Ako na lang yakapin mo," sabi ni Cridd sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cridd. Umayos ako ng tayo at binuksan ko ang hawak kong pamaypay. Ang init dito, pero mayroon naman puno kaso mainit pa rin ang suot ko. Nakakahiya kay Macario kung nagkataon na nayakap ko s'ya sa tuwa. Nakakalimutan ko na eighteen ninety six pala ito ang hindi twenty-twenty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD