KABANATA LABING ISA

2008 Words
Pananaw ni Lesley NAGLALAKAD kami ngayon pauwi ng bahay nila Macario. Pinag gigitnaan ako ng dalawa. At sa bawat nadadaanan namin ay tinitignan nila ako. "Nais n'yo bang libutin ang aming bayan?" tanong ni Macario sa amin. Nagsimula akong magpaypay dahil sa mainit na sikat ng araw. Malalawak ang lupain na nadadaanan namin at hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito. Napatingin kami kay Cridd ng tumakbo ito kaya sabay kaming napahinto ni Macario sa paglalakad dahil kay Cridd. Ano naman kaya ang gagawin ng isang ito. Napataas ang isa kong kilay ng pumunta ito sa puno ng saging at pumutol ng isang dahon. "Ano naman kayang gagawin n'ya doon?" taka kong tanong. "Mukhang napansin ni Ginoong Cridd na naiinitan ka, Binibining Lesley," sabi ni Macario sa akin. Tinignan ko si Macario sa sinabi n'ya. "Hindi ako naiinitan, nais ko sanang pumunta sa ilog para tingnan kung gaano kaganda iyo," sabi ko kay Macario. "Sige, Binibini, ngunit hintayin muna natin si Ginoong Cridd upang makasama s'ya," sagot sa akin ni Macario. Ayoko ngang kasama ang isang iyun. "Dito ba ang daan?" tanong ko kay Macario at tinuro ang kanan namin. Mayroong mga puno doon, pero sa tingin ko ay mayroon daan doon para papuntang ilog. "Binibini, mag-ingat ka baka masugatan ka," sabi sa akin ni Macario. Masyado naman s'yang over acting para sa akin. Sanay ako sa mga ganitong daan, ang hindi lang ako sanay sa suot kong saya. Madamo ang dadaanan ko, pero pagtingin ko sa hindi kalayuan ay nakita ko ang ilog. Mukhang mahangin doon at magandang tumambay. "Macario, ayon ang ilog!" sigaw ko kay Macario ng makita ko ang ilog. "Binibini!" sigaw ni Macario sa akin. Muli akong naglakad para makapunta na sa ilog, pero biglang hindi ako maka-usad. Pagtingin ko ay sumabit sa mga halaman ang laylayan ng saya ko. "Mas mabuting hintayin muna natin si Ginoong Cridd," sabi ni Macario sa akin. Hinihila ko ang saya ko dahil sa sumabit ito. Napansin iyun ni Macario kaya agad s'yang lumapit para tingnan ang lagay ko. "Hindi kasi ito ang tamang daan, para makarating tayo sa ilog, Binibini," saad ni Macario. "Tulungan mo na lang po kaya akong tanggalin ang suot ko sa pagkakasabit sa mga halaman," saad ko kay Macario. Hindi na ito nagsalita pa, tinulungan n'yang akong tanggalin ang saya ko sa pagkakasabit sa halaman, pero masyadong maingat si Macario sa paghawak sa damit ko kaya hinila ko na lang iyon ng malakas. "Wahh!" sigaw ko, masyadong napalakas ang hila ko at hindi naman pala gaanong nakasabi saya ko kaya na-out of balance ako. "Binibini!" rinig kong sigaw ni Macario. Nakita ko s'yang lumapit sa akin at hahawakan n'ya dapat ako para hindi matumba sa lupa, pero na hila ko ang suot n'yang barong tagalog dahilan ng mapasama s'ya sa pagbagsak sa akin. "Paumanhin, Binibini!" sabi ni Macario. Agad itong umalis sa pagka nakapatong sa akin. Agad naman akong tumayo, pero ramdam ko ang sakit ng braso ko na tumama siguro sa mga sanga ng halaman. "Ayos ka lang ba, Binibini?" tanong sa akin ni Macario. Inalalayan akong tumayo ni Macario, pero hindi s'ya makatingin sa akin ng ayos. Hindi ko alam kung bakit. "Patawarin mo ako, Binibining Lesley hindi ko nais na madaganan ka," sabi ni Macario sa akin. Nagulat ako ng bigla s'yang lumuhod sa harapan ko na akala mong napakalaking kasalanan ang nagawa n'ya. Nilapitan ko ito para patayoin si Macario. "Ayos lang ako, aksidente naman ang nangyari, kaya wala kang kasalanan," paliwanag ko sa kan'ya. "Pagnalaman ito ng aking, Ina at mga kapatid ay siguradong malalagot ako," sabi pa ulit ni Macario. "Ano ka ba, aksidente lang ang lahat kaya wag ka ng mag-alala, saka kasalanan ko naman," pagpapagaan ko ng loob na sabi kay Macario. Masyado n'yang sineseryoso ang lahat. Ganito ba talaga kasensitibo ang panahon na ito. "Salamat sa inyong pagpapatawad, Binibini, pangako na hindi na mauulit," sabi pa ni Macario. Ngumiti ako sa kan'ya at hinampas ng mahina ang braso nito. "Wala kang kasalanan, saka ayos naman ako," sabi ko pa kay Macario. Biglang nalipat ang tingin ko sa likuran ni Macario at nakita ko na nandoon si Cridd nakatayo, seryoso ang mukha, mayroon itong hawak na dahon ng saging na nakatingin sa amin. Bigla n'yang binitawan ang dahon ng saging dahilan ng pagtingin ni Macario may Cridd. "Ginoo, nais ni Binibining Lesley na pumunta sa tabing ilog," sabi ni Macario kay Cridd. Wala namang sinagot si Cridd sa kan'ya. Bigla itong naglakad patungo sa akin. Akala ko ay kakausapin n'ya ako, pero bigla n'ya akong nilagpasan. Sinundan ko ng tingin si Cridd dahil sa ginawa n'ya. Ano bang problema n'ya? "Tara na, Binibini," aya ni Macario sa akin. Hinawakan n'ya ang kamay ko para alalayan ako sa paglalakad. Walang nagsasalita sa amin ni Macario na sa tingin ko ay nahihiya pa rin ito sa nangyari sa amin kanina. Napangiti ako ng tumama sa balat ko ang malamig na hangin. "Dito kami madalas maglaro ni Miguel Paez noong mga bata pa kami," sabi ni Macario na nasa tabi ko lang. Nakatingin ito sa ilog, pero nalipat ang tingin ko kay Cridd na nakatayo sa gilid ng puno ng bayabas, nakasandal s'ya doon at nakatingin din sa ilog. Nalipat ang tingin ko kay Macario sa narinig kong pangalan na sinabi n'ya. Parang narinig ko na ang pangalan na iyun. Tumingin ako sa ilog para isipin kung saan ko ba narinig ang pangalang Miguel. "Humuhuli kami ng isda, minsan ay nagtatampisaw sa ilog," dagdag pa na sabi ni Macario. "Ang Miguel ba na sinasabi mo ay ang Tinyente na kasama ni Tala kanina? Na anak ng alkalde ng lungsod ng Calumpit?" tanong ko kay Macario. Tumingin s'ya sa akin. "Nakilala mo na pala si Tinyente Miguel, Binibini," sabi sa akin ni Macario. "Mayroon kasing hindi pagkakaunawaan ang nangyari kanina, kaya saktong dumaan si Tinyente Miguel kasama si Tala," paliwanag ko kay Macario. Nang marinig n'ya ang pangalan ni Tala ay biglang umiwas ito ng tingin. "Mayroon ka bang gusto kay Tala?" diretso kong tanong kay Macario. Pakiramdam ko kasi mayroon s'yang gusto kay Tala, dahil na rin sa pinapakita n'yang kilos. "Dati ko s'yang kasintahan," sagot ni Macario. Bakas ang lungkot sa boses n'ya ng sinabi n'ya iyon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan n'ya kung bakit sila naghiwalay, pero sa tingin ko ay mayroon pa rin s'yang nararamdaman kay Tala. "Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko sa kan'ya. Huminga ito ng malalim at tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Baka isipin n'ya na tsismosa ako, pero gusto ko lang malaman, kung ayaw n'ya namang sabi okay lang sa akin. "Iniwan ka ba n'ya?" dagdag ko pang tanong. Okay, gusto ko talagang malaman, bigla akong naging interesado sa lovelife ng mga taong nasa panahon na ito. Umiling si Macario sa akin. "Ako ang nang-iwan sa kan'ya," sagot ni Macario. "Bakit? Mayroon kang ibang babae?" tanong ko agad kay Macario. Pati ba naman sa panahon na ito, uso ang babaero. Dapat pala hindi ko na rin kinakausap ang isang ito. "Mali ka ng iniisip, Binibining Lesley, mayroon akong dahilan kung bakit ko iniwan ang aking sinta," paliwanag n'ya sa akin. "Anong dahilan?" tanong ko sa kan'ya. Naglakad ito ng kaunti pa abante sa ilog. "Gusto s'ya ni Miguel Paez," sagot ni Macario. "Alam mo gusto kitang itulak sa ilog," sabi ko kay Macario. Dahil lang sa gusto ng kaibigan n'ya ang taong mahal n'ya ay binitawan n'ya si Tala. Narinig kong tumawa ng mahina si Macario. "Bakit naman, Binibini?" tanong sa akin ni Macario. Humarap s'ya sa akin na nakangiti. Sa itsura ni Macario ay mayroon itong lahing kastila, ngunit kayumanggi ang balat n'ya, pero magandang lalaki naman s'ya. "Wala, kalimutan mo na ang sinabi ko," sabi ko sa kan'ya. Kumuha ako ng bato at binato ko iyon sa ilog. "Hindi mo ba pupuntahan si Ginoong Cridd?" sabi sa akin ni Macario sabay tingin kay Cridd. "Hayaan mo s'ya doon," sagot ko kay Macario. "Nais ko ring malaman kung bakit kayo nagkahiwalay ni Ginoong Cridd," sabi ni Macario sa akin. "Manloloko kasi s'ya," walang anumang pag-iisip kong sagot. Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako kay Cridd dahil sa ginawa n'ya. Okay lang na sana na ako na lang ang napunta mag-isa dito o s'ya na lang ang napunta sa lugar na ito para hindi na kami nagkikita pa. "Mabigat nga na paratang iyan, ngunit sa tingin ko naman ay gusto ka pa ni Ginoong Cridd," saad ni Macario. Tinignan ko s'ya at binalik ulit ang tingin sa ilog. "Ako, hindi na," seryoso kong sagot sa kan'ya. "Lubhang nasaktan ka nga sa nagawa ng Ginoo," sabi pa ni Macario. Tumahimik ako saglit. Hindi lang akong nasaktan sa ginawa ni Cridd, sobra akong nasaktan. Dahil sa sakit na binigay sa akin ni Cridd, mas gugustuhin ko na lang na hindi n'ya makita pa muli. Nakita kong naglakad patungo si Macario sa pwesto ni Cridd, naiwan akong mag-isa na nakatayo dito. Umupo ako sa lupa at pinagmasdan ang tubig na payapang umaagos patungon sa kanluran. Paano na kaya kami makakabalik sa panahon namin. Hindi kaya panaginip lang ang lahat na ito? Hindi kaya nakatulog ako ng bumagsak kami sa balon na pinaghulugan ko. Kumuha ako ng bato sa gilid ko at mahina kong pinukpok sa ulo ko iyun. "Ahhh!" daing ko dahil sa naramdaman ko ang sakit noon. Ibig sabihin totoo nga ito. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Tinignan ko ang kabilang dako ng ilog, kung saan ang Iba Este. Malapit lang kami sa lugar na iyun isang sakay lang ng Jeep. "Quack! Quack! Quack!" Napatingin ako sa gilid ko at bigla akong napatayo ng mayroong dalawang pato ang lumapit sa akin. "Alis!" taboy ko sa mga pato. "Quack! Quack!" Napaatras ako ng lunalapit pa sila sa akin. "Cridd!" sigaw ko ng ayaw tumigil ng mga pato sa paglapit sa akin. "Stop!" banta ko sa mga pato. "Quack!" Tatakbo na sana ako ng bigla akong mayroon na bangga. "Ahhh!" daing ko at napahawak ako sa ilong ko dahil tumamaiyon. Naramdaman kong mayroong humawak sa likuran ko kaya agad kong tinignan iyon. Nakita ko si Cridd na nasaharapan ko. "Binibini, wala kang dapat ikatakot sa mga pato, hindi ka nila sasaktan," rinig kong sabi ni Macario. "Ayos ka lang ba, Les?" tanong sa akin ni Cridd. Hinawakan n'ya ang baba ko para tingnan kung nagkaroon ba ng sugat ang ilong ko. Bigla lumakas ang t***k ng puso ko ng hawakan ako ni Cridd. Napaayos ako ng tayo at tinulak s'ya palayo sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya, pinahid ko ang ilong ko kung mayroon bang dugo na lumabas. "Pareho kayo ni Binibining Tala na takot sa pato," nakangiting sabi ni Macario sa akin. "Hindi ako takot, nagulat lang ako sa pagsulpot nila," sabi ko kay Macario. Bakit ako matatakot sa mga pato, lutuin ko pa sila eh. "Iyan din ang sinasabi ni Binibining Tala," sabi pa ni Macario. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Hindi ako duwag sa mga pato," matapang kong sagot kay Macario. "Wag ka ng magmatapang, natandaan mo noong hinabol ka ng bibe, umiyak ka pa sa akin dahil sa takot mo," sabat ni Cridd. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Hindi ba n'ya halatang pinipilit kong hindi ako takot sa pato tapos sasabihin n'ya na iniyakan ko ang bibe. "Nagulat lang ako noon," sagot ko kay Cridd. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Naglakad ako paalis doon, dahil pinagtutulungan na nila ako na takot ako sa pato. "Binibini!" tawag sa akin ni Macario, pero patuloy lang ako sa paglalakad ko. "Les!" Babalik na ako sa bahay nila Macario, bahal sila. Diretso lang ang daan. "Paumanhin, Binibini, hindi ko nais na mainsulto ka," sabi ni Macario. "Les!" tawag sa akin ni Cridd. "Wag n'yo akong kausapin!" inis kong sabi sa kanila. Pato lang, matatakot ako? Hindi ako ganoon katuwag para natakot sa isang pato. Kung makapagsalita sila akala mo napakatatapang. Kung sira lang talaga isip ko pareho ko silang tinulak sa ilog. Binilisan ko ang paglalakad ko para maiwan sila. "Tsk, kairita!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD