KABANATA LABING TATLO

2167 Words
Pananaw ni Lesley TAHIMIK kami na kumakain sa hapagkainan. Maraming nakalagay na iba't ibang putahe ng ulam sa ibabaw ng lamesa, dahil nandito ang pangalawang anak ni Donya Melinda na si Juana. Katabi ko si Cridd, kaya hindi ako makakilos ng ayos. Si Cridd ang nasa kanan ko at si Macario ang nasa kaliwa ko, kaharap naman namin si Donya Melinda, si Binibining Juana at ang anak nitong kasama na si Juanito. "Nais ko sanang malaman kung paano n'yo nakilala ang aking bunsong kapatid na si Macario," basag sa katahimikan sa paligid ni Juana. Tumigil ako sa pagsubo ng pagkain ko, tumingin ako kay Juana. Napakaamo ng mukha n’ya na parang hindi gagawa ng masama sa kapwa na parang si Macario. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa tanong n’ya sa amin. "Ate Juana, nakita ko sila sa ilog na mayroong humabahol sa kanila na gwardya sibil kung kaya't tinulungan ko silang makatakas doon." Si Macario na ang nagsalita para sa amin dahil mukhang napansin nito na wala kaming balak na sumagot. Hindi naman sa walang balak, pero hindi ko lang alam kung ano ang isasagot ko. Tumango-tango si Juana sa sinabi ng kan’yang kapatid na si Macario. Lumipat ang tingin nito kay Cridd. Saglit kong binigyan ng tingin si Cridd na seryoso na kumakain. "Ginoo, kasintahan mo ba si Binibining Lesley?" tanong ni Juana kay Cridd. Kumuha ako ng tubig para uminom doon. Sana maayos na sagot ang sabihin n'ya. "Hindi," diretsong sagot ni Cridd. Napatigil ako sa pag-inom ko, napansin ko na tumingin sa akin si Macario kaya nginitian ko s'ya para sabihin na okay lang ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Hindi naman ako makakain ng ayos dahil sa anak ni Juana na si Juanito na panay ang tingin sa akin. "Mayroon ka na bang kasintahan, Binibining?" tanong bigla sa akin ni Juanito. "Ano ka ba, Juanito! Usapan ng matanda ito, hindi ka dapat nakikisali," suway ni Juana sa anak n'yang thirteen years old na lalaki. "Paumanhin, Ina," sabi ni Juanito. "Sa tingin ko, Ina ay bagay sila ni Tiyo Macario," sabi pa ni Juanito. Napatingin ako kay Juanito. Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi n'ya sa akin. Malabong mangyari iyon dahil ang gusto n'ya ay si Tala, hindi rin kami pwede dahil hindi ko s'ya gusto, hindi rin akma ang panahon namin para maging bagay sa isa’t isa. "Juanito, tumigil ka na. Ipagpatuloy mo na lang ang iyong pagkain upang makatulog ka na ng maaga at lumaki ka agad," sabi ni Macario sa kaniyang pamangkin. "Opo, Tiyo Macario," magalang na sabi ni Juanito. "Ina, nais ko po sanang sabihin sa inyo na nangangailangan ng tulong si Binibining Lesley at Ginoong Cridd, nagkaroon ng sunog sa bayan kung saan nakatira si Ginoong Cridd, si Binibining Lesley naman ay pinalayas ng kaniyang Tiya," paliwanag ni Macario. Napahinto ako sa pagkain ko dahil sa biglang pagsabi ni Macario iyon. Nakakahiya naman na sa harapan pa ng Ate Juana n'ya iyong sabihin. Tinignan kami ni Donya Melinda. Bigla akong nahiya sa kan'ya, ka kakilala n'ya pa lang sa amin, pero eto kami humingi ng tulong. Hindi rin kasi namin alam kung saan kami pupunta ngayon, sobrang layo ng panahon namin at wala kaming idea kung paano kami makakabalik. Sige nga, paano ka makakapaniwala na nasa panahon ka ng twenty first century tapos nahulog ka lang sa isang butas pagdilat mo nasa nineteenth century ka na? Napakahirap isipin, pero nandito na kami. "Mayroong bakanteng kwarto sa aming likuran, ngunit iisang kwarto lang iyon," mahinahon na sagot ni Donya Melinda. Agad na pumorma ang ngiti sa labi ko dahil sa saya ng marinig kong tinatanggap kami ni Donya Melinda sa bahay nila. Tunay ngang mabait talaga sila, napatunayan ko naman na iyon dahil sa kabaitan ni Macario at ganoon din kay Juana na isang mainit na pagbati sa akin kanina, nasa dugo na siguro nila ang maging mabait. Napatayo ako sa saya ko, nag-half bow ako sa kanila. "Salamat po, Donya Melinda. Hindi po talaga namin alam kung saan kami pupunta, simula ng mapadpad kami sa panahon ninyo," masaya kong saad. Bigla silang tumingin sa akin. "Panahon ninyo?" takang tanong ni Juanito. Nalipat ang tingin ko kay Juanito. "Mayroon ba akong sinabi sa panahon ninyo?" pagmamaang-mangan ko. Bumalik ako sa pagkakaupo ko. Masyado yata akong na-excite doon kaya mayroon akong na sabi na hindi dapat. "Hayaan na natin si Binibining Lesley, baka siya ay lubos lang na nasisiyahan dahil sa pagtulong ng Ina," nakangiting sabi ni Juana. Tumango na lang ako para sa pagsang-ayon ko kay Juana. "Ang pagtulong sa nangangailangan ay isa sa naiwan ng inyong Ama, wag matatakot na tumulong sa iba dahil iyon ang tama at iyon ang nararapat," paliwanag ni Donya Melinda sabay ngiti sa amin. "Magmatawad kung nagsisisi, at magbigay kung mayroong sobra, iyan ang dapat n'yong tandaan, dalhin n'yo ang pangaral ng inyong Ama sa kahit anong lugar kayo mapadpad," dagdag pang sabi ni Donya Melinda. "Opo, Ina, hinding-hindi po namin makakalimutan ang mga paalala ni Ama," sabi ni Macario. "Macario, dapat hindi mo rin dapat kalimutan ang laging sinasabi ni Ina," singit naman ni Juana. Nakikinig na lang ako sa kanilang pag-uusap. Nakita ko si Cridd na kanina pa tahimik aa gilid ko, ni hindi ko nga s'ya narinig na magsalita. Pero sa akin ay okay lang iyon, ayoko rin naman marinig ang boses n'ya. "Natatandaan ko, Ate Juana," sagot ni Macario. Mukhang malapit silang magkakapatid sa isa't isa. Ganoon rin kami ni Kuya Tyler, pero walang kuya Tyler sa panahon na ito. Naging tahimik na ang lahat. Wala ng nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Nandito kami ngayon sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan namin. Kasama ko si Juana para tulungan ako. Wala silang gripo dito kaya galing sa balon ang tubig ang ginagamit namin ngayon sa paghuhugas na mga pinggan. "Binibining Lesley, nais ko lang malaman kung ano ang ugnayan n'yo ni Ginoong Cridd, kung hindi kayo magkasintahan, bakit kayo magkasama?" puno ng curiosity na tanong ni Juana sa akin. Uso rin pala ang pagka chismosa ng mga tao sa panahon na ito. Tinignan ko si Juana habang hawak ko ang plato na hinuhugasan ko. Si Juana ang tigabuhos ng tubig para malinis ang paghuhugas namin, ako naman ang nagsasabon. "Magkaibigan kami," sagot ko na lang kay Juana. Iyon lang naman ang pinakamadaling sagot para paniwalaan n'ya ako. Tumango si Juana doon, mukhang napaniwala ko naman s'ya. Ipinagpatuloy na namin ang paghuhugas ng pinggan. "Nagpapahinga ang Ina, kaya ako na lang ang madadala sa inyo kung saan kayo mananatili," sabi sa akin ni Juana. Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. Ngayon ay patapos na kaming punasan ang mga pinggan at ilalagay na lang namin ito sa lalagyanan. "Ayos lang ba sa iyo kung kasama mo sa iisang kwarto si Ginoong Cridd?" tanong sa akin ni Juana. Gusto kong sagutin ay hindi, hindi ako sanay na makakasama ko na naman si Cridd sa iisang lugar, pero kung sasabihin ko iyon parang ang selfish ko naman. "Ayos lang sa akin, mayroon naman akong tiwala kay Ginoong Cridd," sagot ko na lang. Sa tingin ko ay wala namang gagawing hindi maganda ang isang iyon. Napansin ko ang pag ngiti ni Juana na kakaiba kaya taka ko s'yang tinignan. "Anong problema?" taka kong tanong sa kan'ya. Umiling ito sa akin bilang sagot, pero alam kong mayroong laman ang ngiti n’ya sa akin. Kinuha n'ya ang mga pinggan at sinimulan na ilagay sa lalagyanan. "Wala, nakikita ko kasi sa inyong mga mata na mayroon kang gusto kay Ginoong Cridd," sagot ni Juana sa akin. Napalapit ako sa kan'ya dahil baka marinig s'ya ni Cridd at kung ano ang isipin ng isang iyon. "Wala akong gusto sa kan'ya," pagtutol ko sa sinabi n'ya. Isang mahinhin na tawa ang narinig ko mula kay Juana. Humarap ito sa akin ng nakangiti. "Hindi iyan ang sinasabi ng iyong mga mata," sabi n'ya ulit sa akin. "Sa tingin ko naman na ganoon rin si Ginoong Cridd, habang kumakain tayo ay aking napansin ang mga palihim n'yong sulyap sa isa't isa kapag hindi nakatingin ang isa sa inyo," paliwanag ni Juana sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kay Juana.  Naninibago lang kasi ako na hindi s'ya nagsasalita kaya ko tinitignan si Cridd. Baka mamaya na pipe na s'ya sa panahon na ito tapos pagbalik namin sa panahon namin ay sa akin paisisi. "At sa tingin ko rin, Binibini, hindi mo hahayaan na isang ginoo ang makasama sa isang kwarto kung hindi mahalaga ang taong ito sa ‘yo o hindi mo mahal si Ginoong Cridd," dagdag pang sabi sa akin ni Juana. Ano ba ang sinasabi n'ya sa akin. Manghuhula ba s'ya o ano at bakit n'ya nasasabi ang mga iyon sa akin. Napaatras ako ng bigla n'ya akong lapitan, hindi ako makatingin sa kan'ya ng ayos dahil baka mamaya ay mayroon na naman itong masasabi tungkol sa akin pag nagtama ang aming mata. "Patawarin mo na s'ya bago pa mahuli ang lahat," bulong nito sa akin. Naglakad ako palayo kay Juana at ngumiti. "Sa tingin ko ay malalim na ang gabi, baka na pagod ka sa inyong byahe kanina," pag-iiwas ko sa topic na sabi. Ngumiti lang ito sa akin, isang kakaibang tingin ang binigay n'ya. "Tama ka doon, Binibini, ihahatid na kita sa inyong silid upang makapag pahinga ka na rin," sabi n'ya sa akin. Maglalakad na sana ito palabas ng harangin ko s'ya. "Kaya ko ng pumunta doon, Binibining Juana, nakakahiya naman sa iyo kung ihahatid mo pa ako," pigil kong sabi sa kan'ya. Sa tingin ko ay sa likuran lang naman iyon kaya madali ko ng mahahanap pa iyon. "Sigurado ka, Binibini?" paninigurado n'yang tanong sa akin. "Oo, Binibining Juana," sagot ko sa kan'ya. Tumango ito sa akin at ngumiti. "Sana ay makapag pahinga ka ng ayos," sabi n'ya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya bilang tugon. "Mauuna na ako sa inyo at baka hinahanap na ako ng aking anak na si Juanito," paalam ni Juana sa akin. Tumango ako sa kan'ya. Tumalikod si Juana sa akin, nagsimula na itong maglakad palabas ng kusina. Ako naman ay nagtungo sa labas ng kusina para puntahan ang sinasabi nilang silid na maari naming tuluyan. Hindi naman sa kalayuan dito ay mayroon akong nakitang liwanag na nagmumula sa isang maliit na silid. Siguro iyon na ang sinasabi ni Donya Melinda. Hinawakan ko ang saya ko para makapag lakad ako ng ayos. Madilim pa dito hindi pa uso ang mga poste ng ilaw o kuryente. Dahan-dahan ako sa paglalakad patungo sa silid dahil sa hindi ko naman masyadong nakikita ang dinadaanan ko. "Ginoo, isang unan at kumot lang ang nakita ko, nagtapon kasi ng lumang mga kagamitan ang Ina, biglaan kasi ang inyong pagpunta kaya hindi nakabili," rinig kong sabi ni Macario. Pagpunta ko sa tapat ng silid ay nakita ko si Cridd at Macario na nag-uusap. "Magandang gabi, Binibining Lesley," bati sa akin ni Macario ng makita n'ya ako. Ngumiti ako bilang sagot sa kan'ya. Nakita ko ang isang kumot at unan na nakalagay sa papag na gawa sa kawayan. "Bukas ng umaga ay magtutungo ako sa pamilihan upang makabili pa ng isa," sabi ni Macario. "Ayos lang ako, si Lesley na lang ang gagamit ng mga ito," sabi ni Cridd. Tinignan ko si Cridd na nakatingin kay Macario. Seryoso pa rin ang mukha ni Cridd. Alam kong galit s'ya sa akin dahil sa mga sinabi ko, pero wala akong paki-alam kung magalit s'ya sa akin o hindi, dapat nga ako ang magalit sa kan'ya. "Pasensya na kayo, simula kasi ng umalis ang aking mga kapatid ay kinuha nila ang kanilang gamit, kaya wala akong maibigay sa inyo," paliwanag ni Macario. "Ayos lang," sabi ko kay Macario. "Sige, Ginoo at Binibini, aalis na ako para makapag pahinga na kayo," paalam ni Macario. Lumabas s'ya sa kwarto at naglakad na paalis. Naiwan kami ni Cridd dito na walang imik. Pumasok ako sa loob, tinignan ko ang paligid. Walang ibang gamit doon kung hindi ang papag na kawayan para higaan at isang upuan. Mayroong nakasabi na lampara para magbigay liwanag sa madilim na paligid. Sobrang tahimik, mayroong mga kuliglig sa labas na nag-iingay. "Ikaw na humiga doon," sabi ni Cridd. Tinuro n'ya ang isang papag na sa tingi ko naman ay sakto lang iyon para sa pang dalawang tao. "Ikaw?" tanong ko kay Cridd. Tinignan n'ya ako. "Hindi ba ayaw mong hawakan kita?" tanong n'ya sa akin. "Sana, bukas nasa panahon na tayo ng twenty-twenty, para simulan na naming kalimutan ang isa't isa, hindi bagay sa ‘yo ang manlolokong kagaya ko," malamig na boses na paliwanag sa akin ni Cridd. Tinignan ko si Cridd na seryoso ang mukba n'ya, pero umiwas s'ya ng tingin sa akin.  Bakit parang kasalanan ko naman ngayon, na nagsabi lang ako ng totoo. Kung sana dati n'ya pa naisip na kalimutan namin ang isa't isa sana hindi kami mapupunta sa panahon na ito. Simula ng maghiwalay kami ay kinakalimutan ko na s'ya, pero s'ya lang naman ang lumalapit sa akin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD