KABANATA LABING APAT

2136 Words
Pananaw ni Cridd   UMIWAS ako ng tingin kay Lesley. "Sige na, matulog ko na," sabi ko sa kan'ya na hindi s'ya tinitignan. Naramdam kong nag lakad s'ya pupunta sa higaan, kaya umupu ako sa upuan. Wala ng ibang gamit dito kung hindi ang isang higaan at isang upuan.   Tinignan ko ang batong sahig sa harapan ko. No choice naman ako kung hindi doon matulog, hindi naman ako makakatabi kay Lesley. Siguradong bugbog lang ang abot ko kung nag kataon.   Sinilip ko si Lesley, pero agad kong iniba ang tingin ng makita kong nakatingin rin sa akin.   "Bakit?" tanong ko sa kan'ya, seryoso ang boses ko ang gamit ko. Tama, na-offend ako ng kaunti sa sinabi n'ya sa akin kanina sa harapan ni Macario mismo. Ititigil ko muna ang paglapit kay Lesley at pagkausap sa kan’ya, baka mas’yado ko talaga s'yang nasaktan kaya ganoon na lang ang mga na sabii n’ya sa akin.   "Saan ka matutulog?" tanong nito sa akin.   Huminga ako ng malalim, tinuro ko ang malamig at matigas na floor. Maganda na rin siguro na doon ako matulog para sasanayin ko na ang sarili ko na kapag nag pakasal na kami ni Lesley at nag away kami ay sa floor din ako matutulog, dahil kung ipipilit ko ay sakit lang ng katawan ang makukuha ko.   Hindi ko lang talaga alam kung matitiis kong hindi pansinin si Lesley, pero kaya ko ito.   "Okay," sagot n'ya sa akin.   Tinignan ko si Lesley na humiga na at naka talukbong ng kumot. Hindi man lang ako inaya na tumabi sa kan'ya. Kaya n’ya talaga kong tiisin, samantala ako ay hindi ko s’ya matiis.   Tumayo ako para patayin ang apoy ng gasera. Napakamot ako ng ulo ko ng wala na talaga akong magagawa kung hindi sa malamig at matigas na bato na ito ako matutulog.   Humiga na ako doon at ramdam na ramdam ko ang lamig sa likuran ko. Inilagay ko sa ilalim ng ulo ko ang kanan kong kamay para iyon ang gawin kong unan.   Madilim na dito at tunog lang ng mga insekto sa labas ang naririnig ko. Hindi pa ako inaantok dahil siguro ay alas otso pa lang ng gabi. Mas’yado pang maaga mag pahinga ang mga tao sa panahon na ito.   Pinikit ko ang mata ko para pilitin na lang na matulog kahit ay sobrang gising pa ang diwa ko. Inaya ako ni Macario na sa kwarto n'ya na lang ako matulog, p’wede naman na tabi kami doon, pero ayokong iwanan si Lesley mag isa dito.   Hindi ko lang s'ya papansinin, pero nangako ako sa kan'ya na hindi ko s'ya pababayaan sa panahon na ito hanggang sa makabalik kami sa panahon namin.   Tumagilid ako, paharap sa higaan ni Lesley, dinilat ko ang mata ko para tignan kung tulog na ba si Lesley, hindi ko s'ya makita masyado dahil madilim.   Muli kong pinikit ang mata ko ng makaramdam na ako ng antok.   "Ahh!" daing ko ng maramdaman ko ang pagkamanhid ng kamay ko.   Dinilat ko ang mata ko ng makarinig ako ng tilaok ng manok. Tinignan ko ang paligid, madilim pa, pero sa tingin ko ay umaga na. Bumangon ako sa pagkakahiga.   Napahawak ako sa likod ko ng maramdaman ko ang sakit noon. Bigla akong napasinghot ng mayroong tumutulong sipon sa ilong.   Ang lamig kasi ng higaan ko. Tinignan ko si Lesley na mahimbing na natutulog. Napangiti ako ng napaka amo ng mukha n'ya pag tulog. Inayos ko ang kumot n'ya dahil ang isa n'yang kamay ay nakalabas sa kumot.   Lumabas ako ng mayroon akong marinig sa labas na kumakaluskos.   Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng paligid. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Macario na mayroong hawak na gasera at kumukuha ng tubig sa balon.   Nag lakad ako palapit sa kan'ya. Madilim pa ang paligid, pero gising na si Macario.   "Ginoo," bati n'ya sa akin ng makita ako.   Bigla akong napaubo, at napasinghot ng sipon.   "Masama ba ang iyong pakiramdam?" tanong ni Macario sa akin.   Umiling ako sa kan'ya. "Mawawala din ito mamaya," sabi ko sa kan'ya. "Tulungan na kita," prisinta kong sabi.   Kinuha ko ang tali, inangat ko iyon na mayroong timba sa dulo para makakuha ng tubig.   "Maayos ba ang tulog ng Binibini?" tanong ni Macario sa akin.   "Sa tingin ko naman," sagot ko.   "By the way, saan ka pupunta? Mukhang aalis ka?" tanong ko kay Macario.   Bagong ligo ito at nakabihis, ang agad naman n'yang gumala.   "By the way?" takang tanong ni Macario sa akin.   Natawa naman ako sa kan'ya. Hindi pa ba nag tuturo ng english sa panahon na ito. Oo nga pala kastila muna bago ang amerikano.   "Wala iyon, bigla ko lang naisip ang salitang iyon," paliwanag ko sa kan'ya.   "Ganoon ba, mag hahatid ako ng mga sulat ngayon, Ginoong Cridd," sagot sa akin ni Macario.   Humarap ako sa kan'ya. Wala naman akong gagawin sa panahon na ito at sa tingin ko ay ligtas naman si Lesley sa bahay nila Macario.   "Gusto kong sumama sa iyo," sabi ko kay Macario.   Malilibot ko ang lugar na ito. Makikita ko rin na paano ba tumatakbo ang panahon na ito. Lalo na't pag dating sa ekonomiya ng lugar na ito.   "Sigurado ka, Ginoo?" tanong sa akin ni Macario.   "Oo," sagot ko agad.   "Kung gayon ay magpalit ka ng iyong kasuotan," sabi ni Macario sa akin.   Tinignan ko ang suot ko at mukhang ayos pa naman ito. Masyado nga lang formal, pero gwapo pa rin ako.   "Ayos naman ang suot ko," sagot ko sa kan'ya.   "Maraming Binibi ang makakakita sa ‘yo," sabi sa akin ni Macario.   "Si Lesley lang ang binibini ko," mahina kong sabi sa kan'ya.   Baka magising si Lesley pag narinig n'ya ang pangalan n'ya. Topakin pa naman ang isang iyon.   Ngumiti si Macario sa sinabi ko. Masyado naman s'yang kinilig sa sinabi ko.   "Tama, wag mong sukuan ang Binibini, dadating din ang panahon na lalambot ang puso n'ya para sa ‘yo," sabi ni Macario.   Alam ko naman iyon, kaya hindi ko s'ya titigilan hanggang hindi n'ya ako napapatawad, pero mag papa-miss muna ako sa kan'ya ng kaunti.   Dahil sa pag uusap namin ni Macario ay napuno ko na pala ang timba na nilalagyan ko ng tubig.   "Tama na iyan, Ginoo, mamaya ay pag gising ni Ina ay magagamit na n'ya iyan para ipanglinis ng bahay," sabi ni Macario sa akin.   Tumalikod sa akin si Macario at mayroon itong kinuha na bag, sinuot n'ya iyon bago humarap sa akin.   "Halika na't baka abutin pa tayo ng mainit na araw sa daan," aya ni Macario sa akin.   Tumango ako sa kan'ya. Nag simula na kaming mag lakad paalis. Malamig ang panahon.   "Hindi ba mayroon kayong lupain?" tanong ko kay Macario habang nag lalakad kami sa isang daan na napapalibutan ng mga puno gilid.   Kung ikaw lang mag isa ang madadaan dito sa gabi ay mapapaatras ka na lang, pero sa umaga ay magansa ito.   "Tama ka doon, Ginoo," sagot n'ya sa akin.   "Bakit nag papakapagod ka pang mag hatid ng sulat kung gayon ay mayroon naman kayong mga lupain na pwede mong pamahalaan," sabi ko kay Macario.   Kung isa sila sa pinaka mayaman sa lugar na ito bakit kailangan n'ya pang mag hatid ng mga sulat ng iba.   "Mahal ko ang ginagawa ko, ang mga sulat na inihahatid ay nag papagaan ng aking kalooban, nais ko ring maging isang manunulat ngunit tutol ang aking Ama doon," paliwanag ni Macario.   "Wala na ang Ama mo, hindi ba?" tanong ko sa kan'ya.   Ano pa ang kinakatakot n'ya, wala ng pipigil sa gusto n'ya.   "Tama ka, pero bilang isang lalaki sa aming pamilya ang naiwan ng aking Ama ay reposibilidad ko bilang nag iisang lalaki," sagot ni Macario. "Subalit, wala akong interes sa pagpapatakbo ng negosyo," sabi pa ulit ni Macario.   "Ibigay mo sa akin ang lupain n'yo, baka hindi lang sa buong Calumpit kayo ang pinaka mayaman kung hindi sa buong lunsod ng Bulacan," sagot ko sa kan'ya.   "Anong ibig mong sabihin, Ginoo?" tanong sa akin ni Macario.   Ngumiti ako sa kan'ya. "Pagdating sa negosyo, utak ko mataba sa alige ng alimago na sobrang naalagaan," sagot ko sa kan'ya.   "Kung ganoon ay tama lang pala na ikaw ay ipinatuloy ka namin sa aming tahanan," nakangiting sabi ni Macario.   Mag sasalita pa sana ako ng mayroong kaming narinig na pagtakbo ng kabayo. Tumingin ako sa likuran namin at mayroon nga paparating na kalesa.   Akala ko ay dadaan iyon, pero bigla itong huminto sa harapan namin. Sumilip ang tao sa loob noon sa amin.   Si Tinyente Miguel, ang kasama ni Tala kahapon noong mayroong ungas na kastilang nasisiraan ng bait dahil nainggit sa kapogian ko.   "Saan ang iyong punta, Macario?" tanong ni Tinyente Miguel kay Macario.   Tinignan ko si Macario, mag kakilala pala sila.   "Ginoo, ikaw ang kasama ng kaibigan ni Binibining Tala kahapon, hindi ba?" tanong ni Tinyente Miguel sa akin.   Tumingin ako kay Tinyente Miguel at tumango sa kan'ya bilang sagot. "Ako nga," sagot ko pa.   "Tinyente Miguel, mag hahatid lang ako ng mga sulat," sabi ni Macario kay Tinyente Miguel.   "Nais ko sanang malaman kung tumugon na ang aking sinta sa aking pinadalang sulat para sa kaniya?" tanong ni Tinyente Miguel.   "Hindi pa, ngunit maaari ko pong puntahan si Binibining Tala para malaman kung mayroon siya sulat para sa iyo," sagot ni Macario.   Ngumiti doon si Tinyente Miguel. "Maasahan ka talaga aking matalik na kaibigan, bueno, kung gayon ay mag tutungo ka na rin sa bahay ng mga Buenaventura ay maari mo bang ipahatid ang aking inbetasyon sa aking nalalapit na kaarawan sa ika-sampu ng agusto," mahabang sabi ni Tinyente Miguel.   Mayroong itong inabot na dalawang papel kay Macario na agad namang kinuha ni Macario.   "Ang isa ay inbetasyon sa aking mabuting at matalik na kaibigan, maaasahan kong makakarating ka sa ispesyal na araw sa akin, maari mo ring isama ang iyong kaibigan at ang Binibining kaibigan ng aking mahal na si Tala," aniya ni Tinyente Miguel.   "Makakaasa kang makakarating ang iyong sulat kay Binibining Tala," tugon ni Macario.   "Nais mo bang sumabay sa aking karwahe, upang mapabilis ang iyong paghatid ng mga sulat?" alok ni Miguel.   Bigla akong napangiti dahil sa panahon na ito ay makakahabilo ako ng isang Tinyente. Mag lalakad na sana ako papunta kalesa.   "Paumanhin kaibigan, ngunit baka maabala ko pa ang iyong lakad," sabi ni Macario.   Tinignan ko si Macario dahil sa pagtanggi n'ya. Hindi pa ako nakakasakay ng kalesa, gusto ko rin naman ma-expreince lalo na sa panahon na ito.   "Tama ka doon, kaibigan, ang Tinyenteng kagaya ko ay maraming tungkulin para sa ating bayan at hindi maaring masayang dahil sa paghatid ng mga sulat," salaysay ni Tinyente Miguel.   Napaatras ako ng hakbang at tinabihan si Macario, mukhang mahangin pala ang loob ng kalesa kaya wag na lang. Tama lang na tumanggi si Macario sa offer ng Tinyente na ito.   "Beuno, mauuna na ako sa inyo, mayroon pa akong gagawin," sabi ni Tinyente Miguel.   Pinatakbo na ng kutsero ang kabayo kaya umalis na sila sa harapan namin. Mayabang pala ang isang na iyon. Hindi porket Tinyente s'ya sa bahayan na ito ay mamaliitin na n'ya ang trabaho ni Macario.   "Mayabang pala ang isang iyon," sabi ko kay Macario.   Nag simula na ulit kaming mag lakad, nakita kong ngumisi si Macario na parang alam naman n'ya ang ugali ni Miguel.   Miguel lang ang itatawag ko sa kan'ya, kung sa panahon namin itatawag ko sa kan'ya pulis patola.   "Sa tingin ko pa naman ay wala pang nalulutas na kaso ang isang 'yun," sabi ko pa.   Akala mo kung sino. Mayroon lang s'yang position na mataas eh, hindi naman gaano kataas.   "Hayaan mo na iyon, Ginoong Cridd," sabi pa ni Macario.   "Hindi sila bagay ni Tala," sabi ko pa.   Tumahimik si Macario kaya tiniganan ko s'ya. Kahapon napansin ko ang tingin ni Macario kay Tala kaya sa tingin ko mayroon s'yang gusto doon. Alam kong napansin din iyon ni Lesley, ganoon din kasi ako makatingin sa kan'ya minsan.   Inakbayan ko si Macario, tinignan ako ni Macario, pero ako ay tumango lang sa kan'ya. Taka naman s'yang napatingin sa akin.   "Mayroon bang problema, Ginoo?" tanong n'ya sa akin.   Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. Patuloy lang kami sa paglalakad. Humarap ako kay Macario na nag tataka sa akin.   "Gusto mo si Tala," sabi ko sa kan'ya.   Kahit hindi n'ya sabihin sa akin ay alam ko naman na. Pareho lang kaming hindi mahawakan ang taong minamahal namin.   "Si Binibining Tala ay para kay Ginoong Miguel," matamblay na sagot ni Macario.   Pumunta ako sa harapan n'ya at napahinto ito sa paglalakad. Tinignan ko s'ya ng diretso sa kan'yang mata.   "Si Lesley ay para sa akin, si Tala ay para sa ‘yo, alam iyon ng puso ko," sabi ko. Tinuro ko ang dibdib ko. "At kita ko sa mata mo," nakangisi kong sabi.   Muli kaming nag patuloy sa paglalakad, para naman maihatid na namin ang mga sulat agad.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD