KABANATA LABING DALAWA

1998 Words
Pananaw ni Lesley "IJA!" Napaayos ako ng mukha ng marinig ko ang boses ni Aling Melinda. Napahinto ako sa paglalakad, saglit na napasilip sa likuran ko para makita si Cridd at Macario na nakasunod sa akin. Binalik ko ang tingin kay Aling Melinda na naglalakad patungo sa akin. Nakangiti s'ya habang papalapit sa akin, kaya ngumiti rin ako kay Aling Melinda para naman hindi ako pagkamalan na masungit. Huminto ito sa harapan ko, napakunot ang noo n'yang tignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganiya ang iyung bikas, tila ikaw ay sumabak sa isang digmaan sa iyong dungis ng suot na saya," sabi ni Aling Melinda sa akin. Naglakad ito paikot sa akin kaya kaunting hiya ang naramdaman ko dahil sa ginawa n'ya. "Ina, saan po ang iyong lakad?" tanong ni Macario kay Aling Melinda. Tinignan ko si Macario at Cridd na kakarating lang. "Macario, anong nangyari sa binibini bakit ganiyan ang kaniyang bigas, nakakahiyang makita ang isang binibini na ganiyan karumi ang kasuotan," sabi ni Aling Melinda kay Macario. "Patawad po, Ina," mahinahon na sabi ni Macario. Napakamot ako sa ulo ko, kung sa panahon namin ito ay wala naman kaso kung ganito karumi ang suot ko. "Samahan mong maligo at magpalit ang binibini ng kaniyang kasuotan," utos ni Aling Melinda. Nanlaki ang mata ko, napayakap ako sa sarili ko dahil sa narinig ko kay Aling Melinda. Humarap sa akin si Aling Melinda, sabay ngiti. Anong ngiti iyan, akala ba n'ya ganoon lang ako kadali, para ibigay sa anak n'ya. "Mali ang iyong pagkakaunawa, Binibining Lesley, nais kong ipabatid na sasamahan ka ng aking unico ijo para makapagpalit ka ng iyong kasuotan at makapaglinis ka ng iyong katawan," paliwanag ni Aling Melinda sa akin. "Ako na lang po ang sasama," prisintang sabi ni Cridd. Sinamaan ko ng tingin si Cridd, mukhang mayroong balak na hindi maganda ang isang ito. "Hindi maaaring," matigas na sabi ni Aling Melinda. "Delikado ang binibini sayo." Natawa ako sa sinabi ni Aling Melinda. Mabait naman si Cridd, mukha lang hindi. "Sige na, Macario, ipasuot mo kay Binibining Lesley ang mga sayang naiwan ng iyang mga kapatid," utos pa ni Aling Melinda. "Masusunod po, Ina," sagot ni Macario. "Ina, saan po pala ang iyong tungo?" tanong ni Macario sa kan'yang Ina. "Pupunta muna ako sa Tiya Nena mo upang pag-usapan ang pagbayad ng buwis sa ating lupain," sagot ni Aling Melinda sa tanong ni Macario na kan'yang anak. Nakita kong naging interesado si Cridd ng marinig n'ya iyon. Ang pangarap ni Cridd ay isang matagumpay na entrepreneur, kaya ganoon na ang kalaki ang interes n'ya pagdating sa negosyo. "Mag-ingat po kayo, Ina sa daan, kung maari ay wag po sana kayong magpapaabot ng dilim," paalala ni Macario sa kan'ya Ina. Isang ulirang anak si Macario. Napangiti ako dahil sa nasaksihan ko kung paano mag-alala si Macario sa kan'yang Ina. Bigla ko tuloy na miss sila Papa, Mama at Kuya Tyler. "Sige na, asikasuhin mo na ang iyong panauhin, at ako ay magsisimula ng maglakbay," sabi ni Aling Melinda. Ngumiti sa akin si Aling Melinda bago ito tuluyang umalis. "Mag-ingat po kayo," sabi ni Cridd. "Salamat, Ginoo," sabi ni Aling Melinda. Naglakad na ito paalis. Nakatingin kami sa kan'ya hanggang sa mawala na ito sa aming paningin. "Mayroon kayong lupain?" tanong ni Cridd kay Macario. Tumango si Macario bilang sagot sa tanong ni Cridd. "Ang lupain na naiwan ng aking Ama," saad ni Macario. "Bakit nasaan ba ang iyong Ama?" tanong ni Cridd. Tinignan ko si Macario, nagsimula itong maglakad at sumunod naman kami patungo sa loob ng bahay nila. "Pinaslang ang aking Ama, dahil sa mayroon itong nalaman na kataksilan," sagot ni Macario. Nagkatinginan kami ni Cridd dahil doon. Umiwas din agad ako, hindi ko alam kung bakit bigla akong naiilang kay Cridd. "Don Dante Burgos, ang isa sa mayroong pinakamalaking lupain sa bayang ito, isa rin sa pinakamayaman, marangya ang pamumuhay namin noong mga bata kami, dahil sa lahat ng nais namin ay nabibigay ng amin Ama," kwento ni Macario. Tinignan ko si Macario, isa palang maharlika o dugong bughaw ang kaharap namin. Wala namang duda sa desinyo palang ng bahay nila ay malalaman mo na mamahalin ang mga materyales, bukod doon ay mayroon din silang mga gamit na mukhang mahal. "Nasaan ba ang lupain ninyo?" tanong ni Cridd. Binuksan ni Macario ang pintuan ng bahay nila, pinauna akong pumasok sa loob. "Salamat," sabi ko, naglakad na ako papasok sa loob. "Natatandaan mo pa ba ang dinaanan nating mga lupain?" tanong ni Macario kay Cridd. Umupo si Macario habang nakatingin kay Cridd. Umupo din ako, napaisip ako sa sinabi ni Macario. Mayroon akong natatandaan na malawak na lupain na mayroong nagtatanim na mga palay. "Doon ba sa nagkita-kita tayo nila Tala?" tanong ko kay Macario. Tumango s'ya sa akin bilang sagot. "Ibig sabihin sa inyo iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Cridd. "Oo," sagot ni Macario. "Naiwan iyon ng aking Ama, ang Ina na ngayon ang namamahala noon, pero dahil walang alam sa negosyo ang Ina ay unti-unti ng nalulugi ang aming sakahan," kwento pa muli ni Macario. "Idagdag mo pa ang malaking singil sa buwis, hindi pa kami nakakabangon sa pagkawala ng aming Ama at nangangaba ang aking Ina na baka ang mga naiwan ng aking Ama ay mawala at mapunta lang sa mga sakim na mga politiko," paliwanag ni Macario. Ang mga politiko nga naman walang pagbabago kahit na sa panahon na ito. "Ang pagkakaalam ko ay masmatalino ang negosyante kesa sa mga politoko," sabi ni Cridd. Nakatayo lang ito, pero seryoso ang awra ng kaniyang mukha. Seryoso talaga si Cridd pag ang usapan ay negosyo na. "Tama ka doon, Ginoong Cridd, ngunit maraming nalilinlang dahil sa kapangyarihan na hawak ng mga nakaupo sa pamahalaan," sagot ni Macario. "Kayang paikutin ng mga politiko ang mga tao sa mga pangako at mabulaklak na lumalabas sa kanila, lalo na kaya nilang baliktarin ang tama," dagdag pa ni Macario. "Pero ang mga negosyate ay dakilang manloloko," sabat ko sabay tingin kay Cridd. Tumingin sa akin si Macario. "Anong ibig mong sabihin, Binibini?" takang tanong sa akin ni Macario. Tinuro ko si Cridd. Nalipat ang tingin n'ya kay Cridd. "Sabi mo sa akin kanina, Binibini na manloloko si Ginoong Cridd," sabi ni Macario. "Hindi ako manloloko! Hindi lang pagkakaunawan iyon, mali ang nakita mo," sabi ni Cridd. "Hindi ba entrepreneurship student ka?" tanong ko kay Cridd. "Bakit masyado kang naaapektuhan pagsinasabihan ka ng manloloko, totoo naman na manloloko ka," seryoso ko pang sabi kay Cridd. "Kung ayaw mong bumalik sa akin, hindi na kita pipilitin!" seryosong sabi sa akin ni Cridd. "Pilitin mo man ako o hindi, hindi na ako babalik sayo," sagot ko sa kan'ya. "Ayaw mo ngang pakinggan ang side ko, paano mo lalaman ang totoo," seryosong sabi sa akin ni Cridd. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Kalokohan lang kasi ang lalabas sa bibig mo kaya bakit ko pa papakinggan," medyo inis ko ng sabi kay Cridd. "Ginoo, Binibini, huminahon kayo," awat ni Macario sa amin. Masama ang tingin ko kay Cridd. Bigla itong lumabas ng bahay. "Ginoong Cridd!" tawag ni Macario kay Cridd para pigilan ito sa pag-alis. Naramdaman ko ang tulo ng luha ko sa mata ko kaya pinunasan ko na rin agad iypn. "Binibini," tawag sa akin ni Macario. "'Yung ginawa n'ya sobrang sakit pa rin lahat ng iyon sa akin," sabi ko kay Macario. Patuloy ang pagluha ng mata ko. Wala na akong paki-alam kung makita pa ni Macario na umiiyak ako. Hindi ko lang talaga mapigilan sa tuwing naalala ko iyon. Ilang oras lang ang nakakalipas ng mangako na naman s'ya sa akin na hindi n'ya ako papabayan sa lugar na ito. Isang kasinungalingan na naman ang sinabi n'ya kaya hindi na ako naniniwala sa sinasabi n'ya. "Binibini, tumahan ka na baka hindi lang kayo nagkakaintindihan ni Ginoong Cridd," sabi sa akin ni Macario. "Gusto ko ng umuwi," sabi ko kay Macario. Taka n'ya akong tinignan na para bang naguguluhan ito sa akin. "Maghahanap ako ng kalesa upang ihatid ka sa inyo," sabi ni Macario sa akin. Tumalikod s'ya sa akin, para lumakad. "Taong twenty-twenty ang panahon ko at hindi ito," sabi ko dahilan para tumigil ito sa paglalakad. "Binibini, hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin," takang sabi sa akin ni Macario. Napaupo na lang, napatakip sa mukha ko. Anong gagawin ko, gusto ko ng umalis aa panahon na ito. "Binibini, mayroon ba akong maaring gawin? Para maibsan ang iyong lungkot?" nag-aalalang tanong ni Macario sa akin. Umiling ako sa kan'ya. "Gusto ko na lang mapag-isa, mawawala din ito mamaya," sagot ko kay Macario. "Kung iyan ang iyong hiling, Binibini," sabi ni Macario sa akin. "Sana ay magkaayos na kayo ni Ginoong Cridd," huling sabi ni Macario sa akin bago ito umalis sa harapan ko. Hindi ko alam kung magkakaayos pa kami ni Cridd. Tinaas ko ang paa at niyakap ko ang tuhod ko. Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko, tinignan ko iyon, mayroong sugat. Dinukdok ko ang ulo ko sa tuhod ko. Sabrang bagal ng oras sa panahon na ito, ilang oras pa lang simula ng mapagpag kami sa panahon na ito, pero sa tingin ko ay ilang taon na akong na-stuck sa lugar na ito. Pinikit ko ang mata ko, hindi ko na malayan na unti-unti pala akong nakatulog. Naalipungatan ako dahil pakiramdam ko ay mayroong nakatingin sa akin. Pagdilat ko mata ko ay agad akong napabangon. Tinignan ko ang paligid ko kung nasa panahon na ba ako ng twenty first century, pero pagtingin ko sa paligid ay nadismaya ako dahil sa nakita kong lumabang desenyo ng silid kung nasaan ako. Tinignan ko ang hinihigaan ko, nasa malambot na kama ako. Pagtingin ko sa suot kong saya ay iba na rin ito. Nanlaki ang mata ko ng maisip kung sino ang nagpalit sa akin ng suot ko. Napayakap ako sa sarili ko ng maisip ko na baka si Macario ang may gawa noon. Agad akong bumangon. Baba na sana ako ng mapansin ko ang labas ng bintana. Madilim na sumilip ako doon at bumungad sa akin ang malamig na hangin. Tinignan ko ang langit na puno ng bituan. Nalipat ang tingin ko sa ibaba at nakita ko na doon si Cridd na nakatingin sa akin. Umiwas s'ya ng tingin ng tumingin ako sa kan'ya. Iniba ko rin ang tingin ko. Isinara ko ang bintana dahil sa nakaramdam ako ng lamig. Pagkaharap ko ay muntik na ako matumba dahil sa gulat ng mayroong babaeng lumitaw sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. "Nagulat ba kita, Binibini?" tanong sa akin ng babae. Ngayon ko pa lang s'ya nakita dito. "Ako si Juana, ang kapatid ni Macario," pagpapakilala ni Juana sa akin. Nakangiti s'ya, para s'yang girl version ni Macario. Magkamukha sila ni Macario, medyo kulot ang buhok nito at mestiza s'ya. Siguro ay na mana n'ya kay Aling Melinda. "Ako si..." "Binibining Lesley?" sabi n'ya sa akin. Tumango ako sa kan'ya, siguro ay sinabi na ni Macario ang tungkol sa akin. Napaayos ako ng tayo ng tignan n'ya ako. "Nagagalak akong makilala ka, Binibining Lesley, ako ay agad na nagtungo sa Calumpit ng nalaman ko na mayroong mga panauhin ang aking bunsong kapatid, bukod doon ay nais ko rin na madalaw ang akin kapatid na si Macario at ang aking Ina na si Donya Melinda," nakangiting mahabang saad ni Juan sa akin. Mali pala ang tawag kong Aling Melinda, isa pala sila sa pinakamayaman sa lugar na ito. "Masaya rin akong makita ka, Jua... Binibining Juan," sabi ko sa kan'ya. "Halika na't bumaba, nakahanda na ating hapunan, pinapunta ako ni Ina dito sa taas para gisingin ka at makakain na tayo ng sabay-sabay," paliwanag ni Juana. "Sige, susunod na ako," sagot ko kay Juana. Tumalikod na s'ya sa akin at nagsimulang maglakad. Napahinga ako ng malalim, siguradong magkikita na naman kami ni Cridd doon. Wala naman akong magagawa kung hindi ang magkita kami. Inayos ko lang ang sarili ko at nagsimula ng malakad pasunod kay Juana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD