Pananaw ni Cridd "MARAMING salamat sa iyong pag hatid ng sulat, Ginoong Macario," nakangiting sabi ng ginang kay Macario ng iabot nito ang kapirasong papel ni Macario sa kan'ya. Nakatayo ako sa gilid ni Macario. Pawis na pawis dahil sa tirik na ang araw. Itong sulat na rin ang huling ihahatid namin ni Macario. "Walang ano man, Senyora," nakangiting sagot ni Macario. Humarap sa akin si Macario. "Halina at, ito na ang huling bahay ang ating hahatidan ng sulat," sabi ni Macario sa akin. Nag simula kaming mag lakad ni Macario. Nakakapapagod at masakit na rin ang paa ko dahil sa kanina pa kami palakad-lakad ng kasama ko. Ang layo na nang nilakad namin, parang wala lang kay Macario. "Sa tingin ko ay ikaw ay lubhang napagod sa ating pinuntahan kung kaya't bibili muna ako