Pananaw ni Lesley Nagising ako dahil sa tilaok ng manok. Idinilat ko ang mata ko at tinignan ang paligid, medyo madilim pa ang labas. Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa ang lamig ng paligid dito. August palang ngayon, pero ang panahon ay parang ber months na. Muli kong pinikit ang mata ko para matulog ulit, pero nawala na ang antok ko. Binaba ko ang kumot na hanggang leeg ko para tignan si Cridd na natutulog sa lapag. Nakabaluktot s'ya, nakayakap sa sarili n'ya na halatang nilalamig ito. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko. Tinignan ko ang hawak kong kumot at hinagis iyon sa kan'ya para naman hindi na s'ya lamigin kahit kaunti. Hindi naman akong sobrang sama para panuorin ang isang tao na nanginginig na sa lamig. Hindi naman nagising doon si Cridd. Bumalik ako sa pagkakahiga ko, medyo