Pananaw ni Lesley Inayos ko ang suot ko saya, medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa nanyari kanina. Tinignan ko ang ensaymada na tipay at sariwang kalamansi juice na ako pa ang nagpiga. Wala namang yelo sa panahon na ito kaya maligamgam na tubig lang ang nilagay ko. Kinuha ko ang plato at baso para ihatid na kila Donya Melinda at Heneral. Tumingin ako sa paligid kung nandoon ba si Cridd, pero buti na lang ay wala na s'ya. Naglakad na ako papuntang sala dala ang pagkain at maiinom. "Mayroon pong okasyon ang aking nakakabatang kapatid na si Tinyente Miguel sa aming tahanan, sana po ay makarating kayo," rinig kong sabi ni Heneral Paez kay Donya Melinda. Dumating ako sa sala at inilapag ang pagkain sa mini table sa harapan nila. "Alam mo namang mayroon na akong edad at hindi na masyad