Pananaw ni Lesley Naglalakad kami sa mataong lugar kung saan maraming nagtitinda ng kung ano-anong bagay at pagkain. Nauunang maglakad si Donya Melinda at Cridd sa akin. Si Cridd ang may hawak ng bayong na mayroon ng iilang gulay na nabili si Donya Melinda. Tinignan ko si Cridd na patingin-tingin sa mga paninda dito sa pamilihan ng Calumpit. Gumamit nga pala kami ng kalesa sa pagpunta dito. Unang beses ko palang makasakay sa kalesa at masasabikong maganda nga, kaso mabagal. Tinignan ko ang paligid, hindi gaya ng pamilihan sa panahon namin. Ito maganda, maayos at hindi gaanong mabaho ang amoy. Patuloy lang ako sa paglalakad at patuloy sa pagmamasid ko sa palikid ng... "Ouch!" sabi ko ng tumama ako sa hindi ko alam na bagay. Napahawak ako sa noo ko, tinignan ko kung saan ako tumama at