30

900 Words
"Napaka-insensitive mo talaga." Cold ang boses ni Demetrius sa akin. Kasasakay lang namin sa kotse nito, kasalukuyan pa rin kaming nasa mansion ni Alforte Magalones. "I don't care." "Sobrang tagal na naming naghahanap. 'Yong taong 'yon ang dami nang pinagdaanan sa buhay. Tapos kung pagsalitaan mo ay hindi mo man lang naisip 'yong nararamdaman no'ng tao." "Tapos ka na bang mag-lecture? Uuwi na ako. Kung plano mong talakan lang ako ay maglalakad na lang ako pauwi." "Bakit masyado kang cold? Bakit naging ganyan ka?" "Ganito na talaga ako, Demetrius. Walang makapagbabago na sa akin. Husgahan mo ako, I don't care. After all wala ka namang alam sa mga pinagdaanan ko." Akma na akong bababa nang pausarin na nito ang sasakyan. "Mabuti pa nga sigurong huminto na ako." Parang labag naman sa loob nito ang pagsabi ng gano'n. Nakarating kami sa bahay nito dahil hindi naman nito inihinto sa tapat ng bahay ko ang sasakyan. Ipinasok pa nga nito sa mismong garage. "Where are you going?" takang tanong ni Demetrius nang dumeretso ako nang pasok sa bahay nito. "Stress ako, gawin mo ulit 'yong ginawa mo sa akin gamit ang dila mo." Dinig na dinig ko ang pagsinghap nito sa labis na gulat sa narinig na sinabi ko. Lihim akong napangisi. Weak! Gano'n kadali kong nabago ang mood nito. Umupo ako sa couch. Hindi na hinintay na magsalita ito, basta ko na lang na hinubad ang suot kong pang-ibaba at bumukaka sa couch. "Use your tongue." Demanding na ani ko. Ini-lock ni Dem ang pinto bago ito lumapit sa harap ko. Bagsak ang panga na nakatitig sa akin. "Unbelievable…" usal nito. Bored na isinandal ko ang ulo sa sandalan ng couch habang ang mga hita ay ipinatong sa arm rest ng upuan. Walang saplot kaya naman nakatambad na sa binata ang aking gitna. "Are you for real?" hindi pa rin nagbabago ang tingin ko rito. "Gusto mo bang humanap na lang ako ng ibang gagawa nito?" tumalim ang tingin nito sa akin. Sabay luhod at inilapit ang mukha sa p********e ko. "Gusto ko talaga ng mga kalbo…" nakangising ani nito. Tinignan ko ang p********e ko. "Kalbo 'yan, galingan mo." Seryosong ani ko rito. Stress lang ito, promise. Mananawa rin ako sa lalaking ito. "MAY PROBLEMA ka ba, Teri?" puna ko rito. Namumutla kasi ito at parang kulang sa tulog. "Wala naman. Tori, kailan ba natin sisimulan ang trabaho kay Damien Bataler. S'ya rin naman ang target ko sa pinapatrabaho ni Lady A. Bakit hindi pa natin tapusin ito." "Nagmamadali ka na naman." "Dahil gusto ko nang makilala ang magulang natin. Gusto ko na silang makasama." Natigilan ako sa biglaang burst out nito. "G-ano'n ba? Makikipag-coordinate ako kay Lady A." "Pwede bang lahat ng involved sa kidnapping at sunog ay pagbayarin natin? Wala tayo sa posisyong ito kung hindi tayo kinuha sa pamilya natin." "Wala namang makakaligtas sa kanilang lahat. Maghanda ka, pagkatapos kong i-inform si Lady A ay kikilos na tayong dalawa." "Thank you." "Pero hindi tayo kikilos kung ganyan ang itsura mo." Seryosong ani ko rito saka tumalikod na at nagtungo sa secret room. Nag-email lang ako kay Lady A, saka nagsimula nang magtrabaho. Nababagabag ako sa itsura ni Teri. Pero kung may problema naman ito ay tiyak na magsasabi ito sa akin. Isang oras ang nakalipas. Tipid na 'okay' ang reply ng boss namin sa email na ipinadala ko rito. Kaya dali-daling nagtungo ako sa silid ng kapatid ko para sabihin ang sagot ni Lady A. Para pa itong nataranta nang buksan ko ang pinto nang hindi man lang kumatok. "Anong ginagawa mo?" nakasimangot na ani ko rito. Para itong nakakita ng multo. "Matutulog sana ako, bigla ka na lang sumulpot." Nanatili itong nakadapa na waring may itinatago sa gitna ng kama nito. Mabilis din nitong hinila ang cover saka umikot. Sa bilis ng kilos nito ay hindi ko man lang nakita kung ano ba ang tinatago nito roon. "Okay raw sabi ni Lady A. Ayusin mo ang sarili mo dahil ito na ang huling misyon natin. Kung gusto mong makapiling ang magulang natin ay galingan mo sa misyon. Ayaw kong humarap sa kanila na abo na lang ang karay-karay ko roon." "Ay, bad. Oo na po. Magpapalakas na." Lumipas ang mga araw na sa computer ako naka-focus habang si Teri ay sa gym. Napag-aralan na namin ang plano na binuo ko. Papasukin namin ang mansion ni Damien Bataler at tatapusin ito. Hindi na kami maglalaro pa ng matagal. Kung kailangan baunan ng bala ang ulo para matapos agad ay iyon ang gagawin naming dalawa. "Teri!" sunod-sunod ang doorbell ni Demetrius. Nagkatinginan kaming magkapatid dahil doon. "Ikaw 'yong Teri na hinahanap n'ya. Mukhang baliw na baliw na sa 'yo 'yang lalaking 'yan." Bumungisngis ito."Paano kaya kapag nalaman n'yang ikaw ang humaharang sa mga attempts n'ya noon sa paghahanap sa mga impormasyong kailangan n'ya sa mga naging misyon n'ya?" "Tsk, paano mo nalaman?" seryosong tanong ko rito."Hindi ka interested sa ibang pinapatrabaho sa akin. Never kong nabangit na naging trabaho ko na rin si Demetrius." "May nakapagsabi lang," sabay iwas nito nang tingin. "Sino?" "Si Cristo." "May contact ka kay Cristo?" takang ani ko rito. "Aksidente lang ang pagkikita namin." Muling nag-iwas ito nang tingin. Napaangat pa ang kilay ko habang nakatitig dito. "Labasin mo na si Demetrius. Baka may kailangan sa 'yo. Ikaw naman 'yong Teri na hinahanap n'ya eh." "Mag-uusap tayo mamaya. Hindi ka pa ligtas sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD