"S'ya si Damien Bataler." Sumunod ang tingin ko sa lalaki na kabababa ng sasakyan, kasalukuyan akong nasa kapitolyo. Masama raw ang pakiramdam ni Teri, hindi naman ito mukhang nagdadahilan. Namumutla ito at nanghihina. Kapupuyat n'ya raw siguro iyon.
"I know." Tipid na ani ko kay Teri."Magpahinga ka na, ako na ang bahala rito."
Natural lang ang kilos na lumakad ako pasalubong. Nang malapit na ay kunwari'y sumapo ako sa aking noo at nagpanggap na nahihilo.
"Hija, ayos ka lang?" kumapit pa ito sa braso ko at waring inaalalayan ako.
"Y-eah." Sagot ko rito. Pero dahil opportunity na ito ay nagpanggap na akong nawalan nang malay.
"Excuse me, she's my girlfriend." Bubuhatin na sana ako ng target ay narinig ko si Demetrius. Tang*na, panira nang plano.
"Are you sure?" waring hindi kumbinsidong ani ni Damien Bataler sa lalaki.
"Tsk. Kunin mo 'yong phone ko sa bulsa." Utos ni Demetrius sa lalaki."Tignan mo 'yong wallpaper ko." Demanding ang boses ng gago.
"Okay." Nakita na siguro nito ang tinutukoy kaya naman narinig ko na ang yabag nito paalis.
"Buntis ka na ba agad kaya ka nahilo? Ang bilis naman."
Gusto kong sapakin ang gagong ito.
Panira talaga s'ya ng plano. Pero hindi pwedeng basta na lang akong magising tapos sabihing okay na ako. Tiyak na makakahalata ito.
Nang maisakay ako nito sa sasakyan at masuutan ng seatbelt ay saka ako tinapik-tapik.
"Are you okay?" tanong nito nang marahan akong nagmulat ng mata.
"W-hat happened?" cold ang tinig na ani ko rito.
"Bigla ka na lang kasing nawalan ng malay. May masakit ba sa 'yo?" tanong nito sa akin.
"Wala."
"Huwag kang lumapit sa taong iyon." Seryosong ani nito. Takang tinignan ko ito.
"Sino?" pakunwaring ani ko rito.
"Wala. Iuuwi na kita." Mabilis na itong umikot sa kabilang side. Wala, sira naman na rin ang plano kaya tama lang na umalis na rin kami nito.
Panaka-nakang sinusulyan ako nito.
"Anong ginagawa mo sa kapitolyo?" tanong ni Demetrius. Hindi ko alam, may iba sa boses nito na waring naghihinala.
"May kinausap lang ako roon."
"Okay na ba ang pakiramdam mo? Bakit nahilo ka?"
Hindi ako sumagot.
"Tsk, gaano ba kahirap sumagot? Pinag-alala mo ako. Delikadong tao 'yong umalalay sa 'yo kanina." Ngayon ko lang ito nakitang seryoso ng ganito.
"Malay ko ba." Tipid na ani ko rito.
"Kung okay na ang pakiramdam mo ay magpunta muna tayo kay Mayor." Ang tinutukoy nitong mayor ay si Alforte Magalones, ang tatay namin ni Teri.
Hindi pa nito dapat malaman na anak n'ya kami. May misyon pa kami ni Teri, ngayon nga ay alam na namin na si Damien Bataler ang nagpautos upang sunugin ang palengke. Kapag inilabas namin ang video na nakuha namin ay tiyak na maiipid din si Alforte dahil itinago nito ang totoo. Ginawa lang naman nito iyon dahil sa pananakot ni Damien.
Nang makarating kami sa mansion nito ay agad itong sumalubong sa amin. Kahit alam nitong negative ang lumabas sa DNA test ay magiliw pa rin nitong sinalubong kami ni Demetrius.
"Nakausap ko ang Mommy mo, magpapakasal ka na raw? Kayo?" ngiting-ngiti na ani ng matanda.
"No/Yes, Sir." Sabay naming sagot ni Dem. Bored lang na tinignan ko ang binata na napangiwi sa nakitang reaction ko.
Natawa naman si Alforte saka sumenyas na pumasok na muna kami sa loob.
"Nasaan po ang asawa n'yo?" tanong ko rito.
"Nasa silid n'ya. Kakakalma lang, nagwala kasi s'ya at hinahanap na naman ang mga anak namin."
"Wala pa rin akong maibigay na sagot sa bagay na 'yan, Sir." Malungkot ang tinig ni Demetrius."Lahat na ng pwedeng paghanapan ng impormasyon na makatutulong sa 'yo sa paghahanap sa mga anak mo ay tinignan ko na. Ibinaon na talaga sa lupa ang lahat."
Hindi talaga nito malalaman. Ang mga impormasyon tungkol sa amin noong ampunin kami ni Nanay Lenny ay sinunog at tiniyak na walang ibang makapagtuturo pa sa tunay naming pinangalingan. Saka planado ang kidnapping noon.
Lahat ng tao na nasa listahan ay konektado sa pagkawala namin ni Teri sa poser ng pamilya namin.
Ang ilang nakalusot na impormasyon ay nalinis ko na rin.
"I think kaya hindi maka-move on ang asawa ko dahil pinanghawakan nito 'yong pangako ko na hahanapin ko pa rin sina Jewel. Siguro kaya hindi rin effective ang mga doctor dahil nakakapit pa rin ang asawa ko na maibabalik ko sa kanya ang kambal."
"Maging tapat ka na sa kanya, Alforte Magalones. Masyado ng matagal ang mga taong lumipas, malabo mo nang mahanap pa ang mga anak mo. Saka baka nga noon pa ay tinapos na talaga ng mga dumukot ang buhay nila."
Ginagap ni Demetrius ang palad ko. Bahagyang pinisil waring way nito para pahintuin ako.
"Huwag kang makinig sa kanya, Mayor. Ipagpatuloy natin ang ginagawa natin."
"She's right. Siguro nga dapat itigil na ito, hijo." Kitang-kita ko ang pagtutol sa mukha ni Demetrius.
"Bumalik ka na sa tunay mong trabaho. Malaki na ang abalang nagawa ko sa inyo ng ama mo. Maraming salamat."