26

747 Words
"May nagtangka sa buhay ni Dem. Kinailangan naming iwan ang sasakyan at takbuhin ang kasukalan." "Paano ka nakasisiguro na si Demetrius ang pakay?" tanong nito sa akin. "Wala namang nakakaalam sa trabaho natin." Tugon ko rito. "Anong oras ka nakauwi?" tanong ko rito. "K-agabi pa." Sagot ni Teri saka nag-iwas nang tingin. "Bakit nakahambalang itong mga basahan dito?" tanong ko kay Teri nang magtungo sa kusina. "Malakas ba ang ulan dito?" "Oo." Mukhang pinunasan nito ang putik dahil iyon ang makikita sa mga basahan. Pero wala namang putik sa paligid nito. Lumabas ba ito? Nagtrabaho ba ito na hindi nagpaalam sa akin? "Magpahinga ka na muna." Bilin nito sa akin. "KUMUSTA NA ANG pakiramdam mo?" bungad ni Demetrius sa akin. Ako si Teri, pero tiyak na si Tori ang kinukumusta nito. "Mabuti naman." "Pwede na ba nating pag-usapan ang nangyari?" tanong nito. Anong nangyari? "'Yong pagtatangka ba sa buhay mo? Nadamay lang ako roon. Wala na tayong dapat pang pag-usapan." Sagot ko rito. "Not that…" para akong naitulos sa kinatatayuan sa sinabi nito. May iba pang nangyari rito at kay Tori? Hindi ko ipinahalata ang gulat ko. Ginaya ko ang seryosong expression ng kapatid ko bago ko ibinaling ang tingin ko rito. "Hindi naman pwedeng pagkatapos mo akong pagsawaan ay wala na tayong pag-uusapan. Hindi ako papayag." "Luging-lugi?" 'yon lang ang lumabas sa bibig ko dahil baka mahuli ako ng lalaki na ibang tao ako. "Paano kong mabuntis kita?" humigpit ang hawak ko sa host dahil sa sinabi nito. Kinumpirma lang nito ang hinala ko. Kapag nalaman ni Tori na inutusan ako ni Lady A na kumilos para sa love life ng boring kong kapatid ay malilintikan ako sa kakambal ko. So, dahil sa ginawa kong paghabol at pagpapaputok sa sasakyan nila ay may nangyari sa kanilang dalawa? Oh my gosh. Gusto kong tumakbo papasok at harapin at kausapin si Tori. Pinuwersa ba ni Demetrius ang kapatid ko? But no, kayang-kaya ni Tori na protektahan ang sarili n'ya. Impossible na may pwersahang nangyari. "Natulala ka na d'yan. Isasama ko ang Mama ko rito mamayang gabi, mag-uusap tayong tatlo." Tumalikod na ito at iniwan na ako. Nabitiwan ko ang host, buti nga ay nagawa ko pang isara iyon bago tumakbo papasok sa bahay. Inabutan ko si Tori na nakaupo sa couch, seryoso. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit naroon ka sa iniwan naming sasakyan ni Demetrius?" tanong nito sa akin. Nakakilos na agad ito. Nakapag-imbistiga na kaagad ang kakambal ko. "Bal, chill ka lang." "Ikaw ang bumaril at humabol sa sasakyan namin." "Ako nga. Inutusan lang ako ni Lady A." "Nakausap ko na si Lady A. Sinabi n'yang inutusan ka n'ya na tiyakin kung matinong lalaki si Demetrius at kung nababagay ba ang lalaking iyon sa akin. Iyon ang utos n'ya. Sa tingin mo ba papatusin ko ang lalaking iyon?" "You already did." Sagot ko sa kakambal ko na nagsalubong ang kilay. "Nakausap ko s'ya sa labas. Pupunta raw s'ya at ang nanay n'ya rito mamaya." "W-hat?" "Magiging Tita na ba ako, Bal?" mabilis nitong nadampot ang cellphone at ibinato sa pwesto ko. Pero nasalo ko lang iyon. "Shut up!" "Bal, akala ko ako ang unang makakatikim ng mighty hotdog, ikaw pala." Pambubuska ko pa rito. "Sa tingin mo sa ginagawa mong pang-aasar sa akin ngayon ay makakalimutan ko ang ginawa mo?" "Hindi naman kita ipapahamak. Tinest ko lang ang possibility na ma-attract ka sa kanya. Kung plano kitang ipahamak eh 'di sana pinaglalamayan ka na." Muli itong dumampot ng pambato. Saka pinalipad patungo sa akin ngunit muli ko ring sinalo iyon."Any regret?" nakangising ani ko na mas lalo atang ikinainit ng ulo nito. "Get out!" "Aalis talaga ako, pupuntahan ko sila Tagpi at nanay n'ya. Maghanda ka nang masarap na pagkain. Sayang hindi ko pa mame-meet ang soon to be mother-in-law ng kapatid ko." Alam ko na ang next na kilos ni Tori. Yumuko ito sabay kapa sa baril na nakadikit sa ilalim ng couch habang ako naman ay kumaripas na ng takbo. Nang maisara ko ang pinto ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Saka pagod na ibinagsak ang katawan sa kama. Kung pwede kong iwan ang kapatid ko na may kasama s'ya na tulad ni Demetrius ay makakampante ako. Sinulyapan ko ang gamot na nakapatong sa bedside table. Hindi ko nga pala iyon naitago. Tiyak na magtatanong ito kapag nakita n'ya ang mga iyon. Baka hindi n'ya rin ako mapatawad once na malaman n'ya kung para saan ang mga gamot na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD