Mabuti na lang dahil nadala sa pakiusap ang kaibigan ni Jack na balewalain ang lalaking kaibigan ko. Jack talked to him and he managed to calm him so they wouldn't create a scene here in the bar. Mabuti na lang talaga dahil kahit lasing ang binata ay hindi niya pinatulan ang kaibigan namin. Minsan naisip ko na sarap din batukan ni Danny, kapag galit kasi ito ay mas higit pa ito sa lasing kahit hindi naman nakainom. Mas matino pa siguro ang nakainom sa kaniya kung tutuusin. Seryoso kong kinausap si Danny at Martina pero mabilis lamang iyon dahil mukhang hindi pa sila tapos mag-usap-or more precisely, mag-away. Ngunit hindi kagaya kanina ay mahina na lang ang kanilang boses at nagtatalo sa sulok ng bar. They were still fighting over what happened. Isyu kasi kay Danny ang dirty dance na gin