"Jack?" Akmang lalapitan ko na sana si Jack para e-check ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay bigla na lang ako pinigilan ni Khazer sa aking braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin sa braso na para bang isang malaking kasalanan ang paghawak ko sa binata upang suriin kung ayos lang ba ito. How dare him to stop me? Sino ba siya sa akala niya? Akala niya ay mapapasunod niya ako! Hindi pa rin siya nagbabago. Bossy pa rin! Dapat lahat ng gusto niya ay masunod! At nagtataka ako kung bakit siya pa itong galit na galit sa akin. Ano ba ang ikinagagalit niya? "Bitawan mo nga ako!" naiinis kong ani pero hindi niya ako pinakinggan. Kaya inulit ko ang aking sinabi. "Bitaw!" Pasigaw na utos ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay mas diniinan pa niya ang pagkakahawak sa ak