"Ang bilis ha! Concern o tsismosa? Huhulaan ko, nakaabang ka lang sa cellphone mo!" bungad ko kay Sarry. Hindi ko mapigilang hindi mapairap dahil alam kong tsismis lang naman talaga ang habol nila sa akin. Masyado ng gabi ngayon pero ito pa rin ang concern nila. Mga lokaret talaga! "Both and yeah, you're right!" Sabay na nagtawanan ang dalawa sa kabilang linya. "So spill the beans now, girl! Hindi ako makatulog dahil sa nakita ko kanina!" tila kinikilig na sabi ni Sarry. Napataas ako ng aking kilay bago nagsalita. "Kung gusto ninyo ng explanations ko, I'm sorry pero wala akong ma-i shi-share sa inyo. I'm so tired and I want to sleep. I'm already sleepy." "Oh, don't try to deceive us!" reklamo ni Sarry na ayaw talagang maniwala. Siya lang talaga itong atat na atat sa tsismis. Lokaret ta