"Malapit na ba tayo?" tanong sa akin ni Khazer habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Nasa loob pa rin kami ng kotse at hinahanap ang tinutuluyan ko. Naidilat ko ang mga mata ko dahil sa tanong niyang iyon. Subalit, hindi ko pa rin siya magawang sagutin. Wala na rin kasi akong lakas para sagutin siya. Ilang sandali ay napapikit na naman ako dahil sa bigat ng talukap ng aking mga mata. Antok na antok ako. Hindi ko tuloy matingnan ang paligid para bigyan siya ng kasagutan. Naramdaman kong binalingan niya ako nang tingin ng hindi ako makasagot. "Aarya, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi ko masasabing nagpapanggap siya dahil nahihimigan ko ang pagiging concern niya sa isinatinig niyang tanong. Naramdaman ko na lang ang kaniyang mainit na palad sa aking noo. "s**t! Ina