Hindi ako makapaniwalang mas magaling pa itong maglinis sa akin. Ang alam ko lang ay lumaki itong marangya sa buhay at pinagsisilbihan ng mga katulong, mas mayaman pa nga ito sa amin. Pasimple ko siyang tiningnan habang nililinis niya ang sahig. Magaling ito at parang sanay na sanay sa kaniyang ginagawa. Kahit nga siguro sino ay mapapahanga sa kaniya kapag may nakakita sa kaniya. Sino bang mag-aakala na ang isang Khazer Leonardo ay magaling pa lang maglinis. "Baka maubos na ako niyan kakatitig mo!" mayabang niyang sabi kaya kaagad ko siyang inarapan. "Tapos ka na? Pwede ka ng umuwi!" matigas kong sabi pero hindi siya nakinig sa akin. "Tumigil ka na nga! 'Di mo naman kailangan 'yang gawin dahil may tagalinis naman ako. Mabuti pa ay umuwi ka na!" pinal kong sabi. "Uwi agad? Hindi pa