"Sarry, nasaan ka?" tanong ko sa aking kaibigan. Ito ang ibinungad ko sa kaniya sa cellphone nang makaalis na ako sa bahay ng lalaking 'di ko naman kilala. Kasalukuyan na akong naglalakad dito sa village ng tinitirhan ng lalaking naka-make out ko kagabi. Palingon-lingon ako sa aking likod dahil baka sinundan ako nito at ayaw ko namang magkausap pa kami! Wala akong ginusto ngayon kundi ang makalayo sa lugar na 'to. "Grabe ha! Wala man lang good morning?" reklamo ng kaibigan ko sa kabilang linya. "Sarry hindi ako nagbibiro. 'Yong kotse ko, nasaan?" "Bakit binilin mo ba 'yon sa akin? 'Di ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan? Sa pagkakatanda ko ay nauna kang umuwi sa akin, Madam!" "Hindi mo ba nakita sa parking lot ng bar bago ka umuwi kagabi?" "Actually, hindi. Ang nakita ko lang ay 'yong