Naramdaman ko ang isang bagay na malambot at malamig sa ilalim ko, marahil ay isa itong kutson. Nanatilong nakapikit ang aking mga mata pero gising na ang aking diwa. Sadyang tinatamad lang ako dahil sa sobrang pagod. Naramdaman ko na lang na pinatakan ako ng isang halik sa noo habang natutulog ako pero hindi pa rin 'yon naging rason para magising ako. Naramdaman ko na lang na umuga ang aking kama pero inignora ko na lamang ito at natulog. Masyado akong pagod para imulat pa ang aking mga mata. Hanggang sa isang masuyong halik ang ginawa nito sa aking labi at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang huminto saglit ang t***k ng aking puso. Nakikiliti ako at hindi ko maipaliwanag kung ilang mga kuryente ang dumaloy sa aking sistema para mahibang ako at mawala sa aking sarili. Napasingh