"Ano pa bang ginagawa mo di-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Ramdam ko ang mata niyang nakatusok sa akin nang bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Tiningnan ko ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Sarry na siyang nakarehistro sa screen ng cell phone ko. "Sweety, ba't hindi ka na nagpakita last night. May problema ba?" Naramdaman ko naman ang pag-aalala sa kaniyang boses. Siyempre, big deal iyon sa kaibigan ko dahil alam niyang palagi akong nagba-bar. "Hindi lang nagpakita ay may problema na agad?" Natatawa kong tanong sa kaniya. "Yeah, dahil problema talaga 'pag hindi ka nakainom!" natatawa niyang sabi sa kabilang linya na halatang inaasar ako. Ang sarap talaga niyang sabunutan! Hindi ko rin naman siya masisi dahil nas