MULING sumaya ang bahay nila sa pagkakaayos nila ni Ronald. Napuno iyon ng tawanan at pagmamahalan na akala niya hindi niya nararanasan pa simula ng mawala si Leo. Napabungisngis siya ng kilitiin siya ni Ronald sa may tagiliran. Nakaupo siya sa lap nito ng mga oras na iyon. Nag movie marathon sila kaya nakatulog na sa kabilang upuan si Lara samantalang sila ay panay pa rin ang kwentuhan. Alas onse na ng gabi pero gising pa rin sila.
“Ano ka ba, mamaya magising si Lara.” Saway niya dito. Hinalikan siya nito sa leeg kaya muli siyang napabungisngis, impit lang iyon baka magising din si Yaya Luz. Tuwang-tuwa ito ng mawalan na may relasyon na sila ni Ronald. Ang totoo nga niyan gusto nitong magpakasal silang dalawa.
“Paano kapag nalaman ng Mama ang relasyon natin?” tanong niya kay Ronald ng tumigil na ito sa pangingiliti.
“May magagawa ba siya kung nagmamahalan tayo? Isa pa sanay na ako sa kanya, alam kung magagalit siya dahil mahal niya si Leo. Iisipin nila niloko natin ang tunay niyang anak kahit hindi naman totoo.” Sagot nito sa kanya. Alam niya na rin ang lahat dito dahil sinabi na nito kahit pa alam niya na ang totoo. Kinumpirma nga nito na ampon lang ito at kailanman ay hindi tanggap ng mga magulang ni Leo.
“Kapag ba sabihin nilang iwan mo kami? Susundin mo ba sila?” tanong niya pa. Nakatingin siya sa mukha nito at hininhintay ang magiging tugonn nito.
“Kahit pa hilingin nila ang lahat gagawin ko wag lang kayo. Ikaw at si Lara lang ang pamilya ko.” Tugon nito kaya napangiti siya. Alam niyang kahit tumutol ang lahat sa relasyon nila ay ipaglalaban siya ni Ronald. Kampante ang puso niya dito.
NAGISING siyang may humahaplos sa pisngi niya. Napangiti siya ng makita si Ronald. Bagong ligo ito at halatang bihis na bihis. Napakunot-noo siya.
“Happy first monthsary my lovely girl.” Turan nito na ikinagulat niya.
“Monthsary natin ngayon?” nanlalaki ang matang tanong niya. Hindi niya namalayan ang panahon. Isang buwan na silang may unawaan, parang kailan lang kasi at nagmamakaawa siyang wag iwan nito tapos ngayon nasa tabi niya at kahit anong oras ay pwede niyang yakapin. “I forgot.” Palatak niyang natampal ang noo. Gumuhit ang lungkot sa mukha nito.
“Nakakatampo naman, parang napipilitan ka lang sa relasyon natin.” Sagot nitong nagtatampo.
“Ako napipilitan? Ang sabihin mo nababaliw ako sa pagmamahal mo. Lahat nakakalimutan ko kapag ikaw ang kasama ko. Alam mo ba yun?” turan niya pa.
“Totoo ba yan?” Paniniguro pa nito. Kulang nalang yata magtaas siya ng kanang kamay at manumpa para lang maniwala ito. Kinantilan niya ito ng halik bilang tugon. Nagulat pa siya ng may inabot itong maliit na kahon. “Open it.” Utos nito sa kanya, kaya dahan-dahan niya iyon binuksan at tumambad sa kanya ang isang mamahalin kwentas na may pendant na diamond ring na halatang nilagay lang. Binuksan nito ang kwentas upang isuot sa kanya.
“Engagement ring ito at dahil hindi pa pormal ang pagsasama natin, hindi mo muna aalisin ito sa kwentas. Gusto ko ako ang maglalagay nito sa mga daliri mo kapag malapit na tayong ikasal.” Pahayag pa nito pagkatapos maisuot sa kanya ang kwentas. Hawak hawak niya pa niya ang singsing kahit nakasabit na iyon sa leeg niya. Napaganda kasi non at tiyak niyang mamahalin.
“Nahihiya ako dahil wala man lang akong maibigay sayo.” Turan niya.
“May hiling ako at sana pagbigyan mo ako.” Turan nito.
“Ano yun?” tanong niya.
“Sana alisin mo na yang wedding ring niyo ni Kuya sa daliri mo. Kapag kasi nakikita ko yan pakiramdam ko pangalawa lang ako sa buhay mo. Kung ayaw mo naman okay lang.” hiling nito. Napangiti siya habang inaalis ang wedding ring nila ni Leo.
“Hihintayin ko ang pangako mong kasal. Sana sa susunod na ilalagay kung singsing dito ay galing na sayo.” Turan niya. Kinantilan siya nito ng halik dahil sa ginawa niya. Lahat gagawin niya mapatunayan niya lang na mahal niya ito.
“Hindi man ako kasing yaman ni Kuya sisikapin ko namang maibigay sayo ang desenteng kasal na kahit sinumang babae ay hihilingin.” Pahayag nito.
“Mahal na mahal kita Ronald. Thank you for the second chance na nagmahal ako. Kung hindi dahil sayo tiyak na malungkot ang buhay ko ngayon.” Pahayag niya.
“Thank you for both of us. We are destined to each other. Mahal na mahal rin kita at walang sinuman ang pwedeng pumatay sa pagmamahal ko sayo.” Sagot nito.
“Kahit si Cathy?” paniniguro niya pa.
“Kahit siya pa. Tanging nag-iisa ka lang sa puso ko, ikaw ang bukas ko. Sayo ko nakikita ang hinaharap ko. Sa piling mo ako gustong tumanda at hanggang mamatay.” Pahayag pa nito.
“Wag mo akong iiwan, Ronald. Hindi ko na makakaya pa.” sagot niya. Yumakap siya dito ng mahigpit.
******************************
NABIGLA silang dalawa ni Ronald sa biglaang pagsulpot ng ina ni Leo. Atubili siyang lumapit dito at ganoon din si Ronald. Iniwas nito ang mukha sa kanilang dalawa ni Ronald ng akmang hahalikan nila. Pinasadahan sila nito ng kakaibang tingin. Inikot nito ang mga mata sa kabuuan ng bahay.
“Si Lara?” hanap nito sa apo.
“Nasa school po kasama si Yaya Luz.” Sagot niya.
“Bakit hindi ikaw ang kasama niya? Kung ganun kayong dalawa lang ang naiiwan sa bahay kapag nasa paaralan si Lara?” usisa nito na tila may tinutumbok. Hindi nagsalita si Ronald at muling bumalik sa upuan kung saan ito nakaupo kanina. Maging siya ay hindi nakakibo sa sunod-sunod na tanong nito. “Baka naman totoo ang sinasabi ng mga amiga ko na may relasyon daw kayo?” dagdag pa nito. Pinagpawisan siya ng malagkit dahil sa sinabi nito. Napalingon siya kay Ronald.
“Mahalaga pa ba ang sasabihin ng ibang tao sa nararamdaman namin?” sagot ni Ronald dito.
“Kung ganun may relasyon nga kayo?” galit nitong turan sa kanila. “My God Grace, of all people bakit si Ronald pa? Wala na bang ibang lalaki?” baling nito sa kanya.
“Bakit Ma dahil na naman ba kay Kuya?” hindi mapigilang sagot nito sa kinikilalang ina.
“Ma? bastard!” bulyaw nito sa mukha ni Ronald. Namula ang mukha nito dahil sa sinabi ng ina-inahan. “Hindi kita anak, at lalong wag mo ng tawaging kuya si Leo! Mahiya ka sa ginawa mo! Tinuhog mo ang asawa ng kapatid mo!” duro nito kay Ronald. “Pinakain kita at binihisan pagkatapos ito pa ang ginawa mo?” tanong nito.
“Kung ganun, salamat dahil pinakain niyo ako at binihisan. Hindi ko yon hiningi sa inyo, alam ko naman na kahit kailan hindi niyo ako minahal. Simula pagkabata pinagsilbihan ko kayo dahil sa pangalang binigay niyo sa akin. Kung hindi dahil kay Kuya Leo siguro matagal na akong lumayas sa inyo! Hindi ako hihingi ng pagmamahal sa inyo na kahit kailanman hindi niyo kayang ibigay!” puno ng hinanakit na turan ni Ronald.
“Kung ganun naghihigante ka at ginagamit mo lang si Grace?” tanong pa nito sa lalaki kaya napatingin siya kay Ronald. Tiningnan siya nito at muling nagsalita.
“Mahal ko si Grace.” Sagot nito kaya napangiti siya. Nabigla pa siya ng tumama ang mga palad nito sa pisngi ni Ronald.
“Salamat sa lahat.” Tiim ang bagang sagot ni Ronald bago ito tuluyang umalis at pumasok sa silid nila. Naiwan siya kasama ang ina ng namayapang asawa. Nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
“Sinira mo ang tiwala ko sayo. Hindi ko maintindihan kung bakit si Ronald pa. Hindi mo man lang ba naisip si Leo? Kung ano ang mararamdaman niya sa ginagawa niyo?” tanong nito sa kanyang nagngingitngit sa galit.
“I’m sorry Ma, hindi ko sinasadyang mahalin si Ronald. Kahit kailan hindi ko nakakalimutan ang anak ninyo dahil siya ang una kung minahal at alam kong kahit nasaan man ngayon si Leo ay maiintindihan niya ako.” Sagot niya dito.
“I’m telling you Grace, hindi mo kilala sa Ronald. Malakas ang kutob ko na ginagamit ka lang niya dahil sa perang iniwan ni Leo sayo. Ginagamit niya lang ang kahinaan mo para sa sarili niyang interes. Open your eyes!” turan pa nito.
“Mahal ako ni Ronald Ma, nararamdaman ko yon. Kung ang iniisip niyo po ay nagpapagamit ako kay Ronald nagkakamali ka po.” Pagtatanggol niya sa lalaki.
“Bulag ka nga sa lalaking yon. Gusto ko lang linawin sayo na ang perang iniwan ng anak ko ay para lang sa apo ko.” Dagdag pa nito.
“Alam ko po.” sagot niya.
“Mabuti kung ganun. Simula sa araw na ito si Lara nalang ang nag-uugnay sa ating dalawa. Lahat ng meron si Lara ay sisiguraduhin kong hindi mapupunta sa inyo ng lalaki mo!” paniniguro pa nito bago tuluyang umalis. Napaupo siya ng makaalis ito.
TAHIMIK si Ronald ng madatnan niya sa loob ng silid. Nagbabasa ito pero alam niyang wala sa libro ang isip nito.
“Kumusta ka?” usisa niya. Lumapit siya dito at dinantay ang mga palad sa braso ng lalaki.
“Okey lang ako. Ikaw? Nabago ba ang pagmamahal mo dahil sa sinabi ni Mama?” tanong nito sa kanya pagkatapos ibaba ang librong binabasa sa side table.
“Higit na naniniwala ako sa sasabihin mo. Alam kong mahal mo ako at yun ang panghahawakan ko.” Sagot niya. Lumapit siya dito at yumakap sa dibdib nito. Walang sinuman ang pwedeng magpapahiwalay sa atin.” Dagdag niya. Hinagod nito ang likod niya pagkatapos siyang halikan sa noo.
“Iba ako kay Kuya Leo, lahat kaya niyang ibigay hindi tulad ko na walang maipagmamalaki sayo kundi ang pagmamahal ko. Sana hindi ka magsawang paniwalaan ako dahil isa lang akong hamak na engineer.” Sagot nito.
“Hindi ko kailangan ng mga materyal ng bagay. Ikaw ang gusto ko Ronald. Tanging ikaw lang at walang makakapagbago dun.” Turan niya.
HINDI naapektuhan ang relasyon nila ni Ronald dahil sa sinabi ng ina. Nagpadala rin ito ng attorney sa bahay nila para ayusin ang perang iniwan sa kanya ni Leo. Kung dati ay siya ang namamahala sa perang minana ni Leo sa mga magulang nito ngayon ay muling kinuha ng ina nang asawa at wala siyang planong maghabol. Kaya niyang palaguin ang ari-arian na iniwan ni Leo at lalong hindi niya kailangan ng yaman para maging masaya.
“Tulad ng sinabi ko sayo noon, ibang klase si Mama. Si Leo lang ang palagi niyang pinaniniwalaan at wala siyang tiwala sa ibang tao. Alam kung hindi lang ito ang gagawin niya sa atin para mapaghiwalay tayo kaya ngayon palang sinasabi ko na sayong magpakatatag ka at wag maniwala sa sasabihin ng ibang tao.” Pahayag sa kanya ni Ronald.
“Basta kasama kita lahat kakayanin ko.” Sagot niya. Humilig siya sa balikat nito.
TULAD nga ng inaasahan niya marami pang ginawa ang Mama ni Leo para lang maghiwalay sila ni Ronald. Malaki talaga ang galit nito sa relasyon nila. Napag-alaman niya rin na naghahabol ito sa ari-arian na naiwan sa kanya ng asawa na labis niyang pinoproblema ngayon.
“Kung hindi dahil sa akin wala ka sanang problema ngayon.” Turan sa kanya ni Ronald.
“Walang may kasalanan sa nangyayari at lalong hindi mo kasalanan ang lahat ng ito. Kung manalo siya sa kasong ito ibibigay ko sa kanya lahat. May pera pa naman ako.” Sagot niya.
“Alam kong importante sayo ang mga properties na iniwan sayo ni Leo at isa pa conjugal yon. Lalaban tayo, hahanap tayo ng magaling na abogado. Hindi ko papayagang manalo si Mama.” Sagot nito.
“Salamat.” Tanging tugon niya.
DAIG niya pa ang binuhusan ng malamig na tubig ng malaman niyang nakafreeze ang joint account nila Leo. Dati kay Leo lang ang naturang account na yun pero ng kalaunan naging joint account nilang mag-asawa. Halos lahat ng pera niya ay doon niya nilalagay kaya hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin niya. Napag-alaman niya sa bangko na iyon daw ang gusto ng Mama ni Leo. Sinubukan niyang magreklamo sa manager at natugan niyang malakas doon ang ina ng dating asawa, kaya wala ring napala ang pagrereklamo niya. Dinala siya ng mga paa niya sa bahay ng mother in law niya.
“Kung nakinig ka lang sana sa sinabi ko sayo, hindi ka sana naghihirap ngayon.” Taas noong turan nito.
“Hindi lang pera ni Leo ang pina-freeze ninyo dahil may pera rin ako dun.” Hindi niya mapigilang sagot sa pagpapahirap nito.
“Pera? O pera ng anak ko na ngayon ay binibigay mo sa lalaki mo?” galit nitong tanong sa kanya.
“Asawa ko si Leo, kaya wala kayong karapatang kunin ang lahat sa akin.” Sagot niya pa.
“Ang simple lang naman kasi ang sinasabi ko, hiwalayan mo si Ronald at lahat ay babalik sa normal.” Utos nito sa kanya.
“Kahit maghirap man ako, hindi ko iiwan si Ronald dahil lang sa pera.” Sagot niya bago niya ito tinalikuran.
“Kung ganun magdusa ka!” pahabol pa nitong pasigaw. Nagsayang lang siya ng panahon sa pagpunta ditto sa pag-aakala niyang magbabago ang isip nito.