UMUWI siyang masamang-masama ang loob sa ina ng dating asawa. Ngayon niya lang ito nakilala at tama si Ronald, masama nga ang inang kinikilala nito pero nagkakamali ito dahil kahit anong mangyari hindi niya iiwan si Ronald. Sanay siya sa hirap at kaya niyang mamaluktot sa maliit na kumot kung yun ang gusto nito.
PANAY ang tawag niya sa cellphone ni Ronald dahil wala pa rin ito pero panay lang ang ring. Nang umuwi siya ng bahay ay hindi niya ito nadatnan. Alas diyes na ng gabi at labis na siyang nag-aalala. Napapitlag siya ng marinig ang tunog ng cellphone niya, message iyon galing sa viber niya. Binuksan niya ang naturang mensahe at nagulat pa siya ng makitang video iyon. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng naturang video dahil wala namang contacts na nakalagay. Dala ng kuryusidad ay binuksan niya ang video. Si Mama Gloria ang nasa video, ang mama ni Leo at tila may hinihintay ito sa isang kilalang restaurant. Mayat-maya pa ay dumating si Ronald. Wala siyang naririnig na usapan sa pagitan ng mga ito kaya matamang niyang pinagmasdan ang video. Napansin niyang nag-uusap ng masinsinan ang mga ito at mayat-maya pa ay may nilabas na pera si Mama Gloria sa envelope at inabot iyon kay Ronald. Wala siyang nakitang pagtanggi sa kilos ni Ronald dahil agad nitong tinanggap ang pera, may mga papeles rin na kalakip ang pera. Pagkatapos nitong bilangin ang pera muli nitong binalik sa envelope ang maraming bungkos ng pera at doon natapos ang video. Hindi niya mapigilang hindi maiyak matapos niyang panoorin ang video. Kahit wala siyang naririnig na pag-uusap alam niyang may nangyayaring hindi maganda sa pag-uusap ng mga ito.
Hindi niya namalayang nakatulog siya pagkatapos niyang panoorin ng paulit-ulit ang video. Magang-maga ang mga mata niya ng magising siya kinabukasan. Hindi niya magawang ngumiti ng makita niyang nakayakap sa katawan niya si Ronald. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya at hindi niya man lang namalayan at pagdating nito. Tinanggal niya ang kamay nito sa bewang niya pero nagising ito. Hinila siya nito palapit sa bewang nito at ikinulong sa matitipuno nitong bisig.
“Good morning.” Nakangiting bati nito sa kanya. Hindi niya magawang tumingin dito ng diretso dahil sa namamaga niyang mata. Gusto niya itong tanungin tungkol sa video na natanggap pero nagpatay malisya siya. Gusto niyang kalimutan ang napanood kagabi. Gusto niyang manggaling mismo dito ang napanood niya at kusa itong magkwento sa naganap.
Inangat nito ang ulo mukha niya kaya napansin nito ang mga mata niya. “Bakit namamaga ang mga mata mo?” usisa nito sa nag-aalalang tinig, sinubsob niya sa leeg nito ang mukha dahil ayaw niya itong tingnan sa mga mata. Gusto niyang magalit dito pero hindi niya magawa. Ganoon niya ito kamahal. “Grace?” tanong pa nito sa kanya.
“Naalala ko lang kagabi si Leo.” Sagot niya kaya natahimik ito.
“Mahal na mahal mo talaga si Kuya.” Tugon nito kaya tumango siya.
“Pero wala na siya.” Dagdag niya pa.
“Nandito naman ako para mahalin ka ulit. Alam kung hindi ko mapapalitan si Kuya diyan sa puso mo pero sisikapin kong maging katulad niya para maging sapat ako sayo.” Sagot niya kaya napaingos siya.
“Minahal mo lang ako dahil sa pera, ganun ka!” sa loob-loob niya. “Hindi mo naman kailangan gawin yun. Kontento na ako kung ano ang kaya mong ibigay sa akin.” Malamig ang boses na tugon niya. Dinampian siya nito ng halik sa labi pero hindi siya sumagot sa halik nito na ngayon lang nangyari. Tumayo ito ng kama nang maramdaman nito ang panlalamig niya. Kinuha nito ang tuwalya nito sa cr bago humarap sa tokador.
“Sinabi sa akin ni Yaya Luz na nakafreeze ang joint account ninyo ni Kuya. I’m sorry, wala akong magawa. Hindi sapat ang ipon ko para matulungan kita at labanan si Mama.” Turan nito kaya hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakahiga sa kama ng mga oras na iyon.
“Tiyak na uurong ang mga investors ko kapag nalaman nila na malapit ng mabankcrupt ang coffee shop.” sagot niya.
“Nagsisisi ka na bang pinili mo ako?” tanong nito sa kanya habang nakatitig pa rin sa salamin.
“May dapat ba akong pagsisihan?” balik niyang tanong dito.
“Sa nakikita ko kasi sayo ngayon pakiramdam ko, ako ang sinisisi mo sa lahat ng nangyayari.” Sagot nito.
“I’m sorry kung yan ang nararamdaman mo.” Sagot niya at hindi na muling sumagot. Umalis si Ronald ng hindi sila nag-uusap kaya naligo na rin siya at pumunta sa ipapatayong coffee shop. Tulad ng inaasahan niya nabalitaan na agad ng mga investor na bankcrupt na ang coffee shop at isa na si Mike sa nag back-out para mag-invest. Kung gusto raw niyang mag-invest ito ay pakasalan niya ito para higit na makilala ang coffe shop niya.
DINALA siya ng mga paa niya sa isang disco bar dahil sa problemang nagpatong-patong. Madali lang sana ang lahat kung kakampi niya si Ronald sa lahat ng ito pero hindi eh, pera lang nito ang habol niya at ang masakit hindi niya ito kayang mawala sa kanya. Hindi niya magawang magalit dito at ipagtulakan. Paano nalang si Lara kapag pinaalis niya ito? At lalong hindi kakayanin ng puso niya kapag nawala ito sa kanya. Tanga na kung tanga pero mahal niya talaga si Ronald, mahal na mahal. Handa siyang magpakatanga dahil sa pagmamahal niya dito kahit pa harap-harapan niyang nakikita ang pagkuha ng pera nito sa Mama ng dati niyang asawa.
Nagpakalunod siya ng alak sa loob ng disco bar. Iyon lang ang nakikita niyang solusyon sa problema niya ngayon. Nagulat pa siya ng makita sa loob ng disco si Mike, may mga kasama itong barkada kaya niyaya siya nito. Hindi siya nagpapigil sa pag-inom ng alak kahit panay ang pigil sa kanya nito. Hanggang sa mawalan siya ng malay at hindi niya na alam ang sumunod na nangyari.
******************************
Naalimpungatan siya ng makarinig siya ng sigawan at sinundan iyon ng malakas na kalabog. Napahawak siya sa ulo ng bahagya iyong kumirot. Muli niyang narinig ang malakas na sigawan kaya pilit siyang bumangon at tumambad sa kanya ang duguang mukha ni Mike. Napasigaw siya ng makitang inuundayan ng suntok ni Ronald si Mike. Naguguluhan siya sa mga nangyayari at lalo lang kumirot ang ulo niya ng makitang hindi niya silid ang tinutulugan. Napahiyaw din siya ng makitang iba na ang suot niyang damit. Hindi siya nakakilos ng bigla siyang hilahin ni Ronald pababa ng kama, napag-alaman niyang nasa condo siya ni Mike. Kung hindi siya nakahawak sa elevator tiyak na bumalandra ang mukha niya sa elevator. Ngayon niya lang nakitang magalit ng sobra si Ronald, pulang-pula rin ang mukha nito sa galit kaya hindi siya makatingin ng diretso dito. Muli siya nitong hinawakan sa kamay at muling kinaladkad papuntang parking lot. Hindi ito nagsasalita pero nararamdaman niya ang galit nito sa mahigpit nitong paghawak sa kanya. Napasigaw siya sa tuwing hinahawakan nito ng malakas ang kamay niya. Hanggang sa makarating sila ng bahay ay galit na galit pa rin ito. Nagtataka ang mukha ni Yaya Luz ng pagbuksan sila ng gate, mabuti nalang at tulog pa si Lara kaya hindi sila nakita.
“Kung hindi pa ako tnxt hindi ko alam kung saan ka nagpalipas ng gabi!” bulyaw nito sa kanya. “So, ano may nangyari ba?” duro pa nito sa kanya. Hindi niya malaman ang isasagot dito lalo pa at wala siyang maalala.
“Hindi ko alam kung bakit ako nakarating sa condo niya.” Sagot niyang nalilito.
“Do you want me to believe you?” bulyaw nito na kulang nalang ay kainin siya sa galit. “Magdamag kang kasama ng lalaking yun tapos sasabihin mong hindi mo alam?” dagdag pa nito.
“Lasing ako kagabi sa isang disco bar at doon kami nagkita pagkatapos non ay hindi ko na alam.” Maluha-luha niyang paliwanag.
“Gawain ba yun ng matinong babae? Bakit kulang pa ba ako at naghanap ka ng iba?” tanong nito sa kanya kaya hindi niya napigilan ang sariling sampalin ito.
“Kahit lasing ko hindi ako marunong magsinungaling. Bakit ikaw hindi ba kumuha ka ng pera kay Mama? Bakit para saan ba yun?” sagot niya dito.
“Wag mong baliktarin ang pinag-aawayin natin. Akala ko matino kang babae hindi pala! Nakakadiri ka!” turan pa nito sa kanya kaya napahiya siya sa sarili. Kahit siya hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili dahil wala siyang alam sa nangyari kagabe.
“Naglasing ako dahil sayo! Madali lang sana ang lahat kung naging tapat ka sa akin. Sapat na sa akin ang mahal mo ako at lahat kakayanin ko, kahit pa maghirap ako! Pero ano ang ginawa mo? Malinaw pa sa sikat ng araw nandito ka lang sa amin dahil sa pera na iniwan ni Leo.” Turan niya.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo!” kaila pa nito.
“Alam ko at dahil nabigo kang kunin ang gusto mo sa amin, kay Mama mo hiningi ang pera!” bulyaw niya pa. “Masaya ka na ba ngayon na wala ng natira sa akin? Kung ganun nagtagumpay ka!” umiiyak niyang turan ditto.
“Hindi ko inaamin ang lahat ng yan, the point is ang pagsama mo sa lalaki mo magdamag. Nagtiwala ako sayo dahil sabi mo mahal mo ako, tapos mahuhuli lang kitang may kasamang lalaki? Ganyan ka ba noong kayo pa ni Kuya?” sigaw nito sa kanya.
“Wag mong idadamay dito si Leo dahil hindi mo alam kung gaano namin kamahal ang isat-isa. Wala kang alam!” umiiyak niyang bulyaw ditto.
“Wala nga akong alam pero ngayong alam ko na kung ano ka, hindi lang pera mo ang mawawala sayo dahil kapag umalis ako sa bahay na ito, isasama ko si Lara. Hindi ko hahayaan na mkita ni Lara kung anong klase kang babae!” Turan nito sa kanya.
“Wala kang karapatang gawin yun, anak ko si Lara. Akin lang siya! Wala kang karapatan sa anak ko!” sigaw niya sa mukha nito sa labis na galit. “Ngayon alam ko na kung para saan ang natanggap mong pera kay Mama. Para yun sa pagkuha mo sa akin kay Lara, hindi ba?” umiiyak niyang tanong dito.
“Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin, kukunin ko sayo si Lara dahil alam kung hindi ka mabuting ina.” Sagot nito sa kanya kaya nagdilim ang mukha niya. Pinaghahampas niya ito ng kamay sa galit.
“Alam mong mabuti akong ina, saksi ka sa pagmamahal ko kay Lara kaya wag mo akong husgahan.” Humahagulhol niyang turan dito. Tinabig siya nito na naging dahilan kung bakit siya nawalan ng balanse. Napaupo siya sa sahig, kahit ang itayo siya nito ay hindi nito ginawa. Lumabas ito ng silid nila at malakas na sinira ang pinto. Naiwan siyang labis na nagdurugo ang puso.
Bakit kailangan ito ang magalit sa kanya gayong ito ang may kasalanan sa kanya. Kahit naman nawalan siya ng malay kagabi alam niya sa sarili niyang walang namagitan sa kanila ni Mike. Tiyak na mararamdaman niya iyon sa katawan niya kung sakaling mang pinagsamantalahan siya nito pero kahit anong senyales wala siyang makita sa sarili na nakipagsiping dito. Maliban kasi sa iba ang suot niyang damit ay may suot pa siyang panty at bra na pag-aari niya.
TANGHALI nang lumabas siya ng silid niya. Agad niyang nakita si Lara sa mesa at si Yaya Luz. Malungkot na nakatingin sa kanya ang anak. Kung hindi naman sana dumating sa buhay nila si Ronald di sana sila magkakaganito. Hindi siya masasaktan at hindi aasa si Lara ng isang ama. Ang ikinatatakot niya pa ngayon ay ang balak na pagkuha ni Ronald sa anak niya. Alam niyang nasa likod nito ang Mama ng namayapang asawa. Anong laban niya sa mga ito kung pera ang paiiralin?
“Mommy, aalis na ba talaga si Daddy?” tanong ni Lara sa kanya ng makalapit siya dito. Nakamasid lang sa kanya si Yaya Luz at tila gusto siyang kausapin.
“Hindi ko pa alam anak pero diba sanay naman tayong wala siya?” malambing niyang tanong ditto.
“Ayoko Mommy, sasama ako kay Daddy. I want my Daddy.” Palahaw nito ng iyak na ikinagulat niya. Sa inasal nito alam niyang sasama agad ito sa kinikilala nitong ama.
“Hindi ka sasama sa Daddy.” Pigil ang galit niyang sagot dito kaya lalo itong nagwala. Umiiyak itong tumakbo sa sarili nitong silid. Naiwan siyang umiiyak sa mesa. Ito na nga ba ang ikinatatakot niya, tanggap niyang mawala ang pera niya wag lang ang anak niya.
“Hayaan muna natin si Lara, tiyak na hindi yun sasama kay Ronald.” Turan sa kanya ni Yaya Luz, hinahimas nito ang likod niya.
“May pera sila Ya, lahat ng iniwan ni Leo sa akin kinuha na nila at ngayon ang anak ko naman.” Umiiyak niyang pahayag sa takot na pati ang anak ay mawala rin.
“Wag kang mawalan ng pag-asa, galit lang ngayon si Ronald at bukas tinitiyak kong malinaw na ang pag-iisip niya.” Kalma nito sa kanya pero ayaw maniwala na puso niya. Alam niyang sa nangyayari sa kanila ngayon ay hindi na maibabalik pa sa dati ang pagsasama nila
“Galit siya sa akin ya, hindi ko alam kung bakit napunta ako sa condo ni Mike pero I swear walang nangyari sa amin. Tiyak na mararamadan ko sa sarili ko kung sakali man na may nangyari sa amin.” Paliwanag niya dito, kahit man lang dito gusto niyang linisin ang pangalan niya.
“Kilala kita Grace at naniniwala ako sayo.” Sagot nito kaya natuwa siya. “Tama na ang pagmumukmok at kailangan ka ng anak mo.” Dagdag pa nito kaya kahit masamang-masama ang loob niya ay pinilit niyang ngumiti.
“Salamat ya, sana tulad ng tiwala mo ay may tiwala rin si Ronald sa akin.” Turan niya.
“Nasaktan lang yon pero maniwala ka sa akin. Mahal ka ng batang yun.”