MAGDAMAG siyang naghintay kay Ronald ng gabing iyon, gusto niya itong kausapin. Magpapaliwanag siya kung yun ang kailangan at kahit pa tanggihan na nito ang pagmamahal niya wala na siyang magagawa pa. Wag lang nito idamay si Lara, labis na naapektuhan ito sa pag-aaway nilang dalawa at hindi niya iyon kakayanin. Di baling siya ang masaktan wag lang ito. Hindi niya pa kayang aminin dito na matagal Nang patay ang tunay nitong ama.
Napatayo siya ng bumukas ang main door at iniluwa non si Ronald. Agad siyang lumapit dito upang kausapin.
“Mag-usap tayo.” Pakiuasap niya sa mababang tinig.,
“Kung mag-aaway lang tayo, ayoko na.” sagot nito.
“Hindi.” Sagot niya. Hinila niya itong umupo sa sala at nagpatiuna naman ito sa gusto niya.
“Pagod ako at kung may gusto ka mang sabihin bilisan mo na.” sagot nitong parang walang gana.
“Mahal kita Ronald at hindi ko kayang gawin na lokohin kita. Maniwala ka, walang nangyari sa amin ni Mike. Kung gusto mo puntahan natin si Mike para mapatanag ang kalooban mo.” Turan niya baka sakaling magbago ang isip nito at paniwalaan siya.
“You think maniniwala ako? Nadatnan ko kayo sa condo niya at nakadagan siya sayo, anong tingin mong iisipin ng isang tao kapag nakita kayo sa ganoong sitwasyon?” mahina ang boses na sagot nito sa kanya. Kahit na mahina iyon ay nararamdaman niya pa rin ang galit sa boses nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi nito. “Wag mong sasabihin na naglalaro lang kayo?” pauyam nitong turan.
“Hindi ko alam kung ano ang isasagot sayo at kung paano ko lilinisin ang pangalan ko sayo but believe me mahal na mahal kita Ronald. Hindi ko kayang gawin yon.” Pagmamakaawa niya pa.
“Nakita ng mga mata ko ang dapat kung makita at sapat na yon para sabihin ko sayong maghiwalay na tayo.” Sagot nito. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito dahil inaasahan niya na iyon. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi mo ba naisip na kapag nawala ako sa buhay mo posibleng ibalik ni Mama ang lahat sa inyo?” dagdag pa nito. Akmang tatayo na ito para iwan siya ng hawakan niya ang kamay nito.
“Hindi ko kailangan ang pera niya. Ikaw lang Ronald. Ikaw lang ang gusto ko.” Pakiusap niya pa.
“Ayoko na, tahimik ang buhay ko noong wala ka at tama ka ginagamit lang kita. Ginagamit kita para makuha ko ang perang iniwan sayo ni Kuya at tama ang nakita mo, binayaran ako ni Mama para layuan ka.” Amin nito sa kanya na ikinagulat niya. Pinagsasampal niya ito sa galit.
“Sa tingin mo ba papayag ako na maging ama ng anak mo kung wala akong plinaplano? At bakit naman kita mamahalin? Higit na maganda sayo si Cathy at malayong-malayo ka sa kanya dahil siya ako lang ang nagmamay-ari!” pauyam nitong turan sa kanya kaya muling dumapo ang mga palad niya sa mukha nito.
“Sino ang nagbigay sayo ng karapatan para paglaruan ako? Minahal kita Ronald, totoong mahal kita.” Punong-puno ng hinanakit niyang sumbat dito.
“Salamat sa pagmamahal but this is over. Hindi kita mahal! Tapos na ang palabas sa pagitan nating dalawa.” Tugon nito.
“Umalis ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong mapatay kita!” galit na galit niyang sigaw dito kaya nagising ang mga kasama nila sa bahay kabilang na si Lara. Narinig nito ang pagpalayas niya kay Ronald. Patakbo nitong niyakap ang ama-amahan.
“Don’t leave me Daddy!” umiiyak nitong pakiusap sa ama. Pilit niyang kinukuha dito si Lara pero matigas ang anak niya.
“Araw-araw pupuntahan kita Baby.” Sagot nito kay Lara. Iniwan niya ang mga ito at pumasok siya sa silid niya. Inimpake niya ang mga gamit ng lalaki at ibinato iyon sa labas ng bahay. Walang nagawa si Ronald kundi ang lumabas ng bahay kahit na humahagulhol si Lara.
“Daddy!” sigaw ni Lara. Tumalikod siya para hindi makita ang tuluyang pag-alis ni Ronald. Umiiyak din siya ng mga oras na iyon pero kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang tanggapin ang ginawang panloloko nito sa kanya.
MAGDAMAG nagkulong ng silid si Lara, alam niyang galit ito sa kanya dahil siya ang sinisisi nito kung bakit umalis si Ronald. Ayaw siya nitong papasukin ng silid at maging si Yaya Luz ay ganun din. Labis silang nag-aalala ditto dahil kagabi pa ito umiiyak.
“Tawagan kaya natin si Ronald?” tanong sa kanya ni Yaya Luz. Gumuhit ang galit sa noo niya ng marinig ang pangalan ng lalaki.
“Hindi natin siya tatawagan.” Galit niyang sagot.
“Paano kung may mangyari kay Lara?” nag-aalalang tanong ng matanda sa kanya.
“Lara, open the door! Galit na si Mommy!” sigaw niya sa labas ng silid.
“I hate you! Bad ka Mommy dahil pinaalis mo si Daddy!” sagot ni Lara sa kanya.
MAGHAHAPUNAN na ng magdesisyon siyang tawagan ni Yaya Luz si Ronald. Ayaw niya sanang gawin yon pero hindi tumitigil sa pag-iyak ang anak niya. Hindi rin sila makapasok sa silid nito dahil naka double locked iyon. Nagkulong siya sa silid niya ng malaman niyang darating si Ronald. Ayaw niyang magkita silang dalawa. Bumilis ang t***k ng puso niya ng marinig niya ang boses ni Ronald. Narinig niyang tinatawag nito ang pangalan ni Lara. Gusto niyang lumabas para makita ito pero nangingibabaw pa rin ang galit niya para sa lalaki.
Napapangiwi siya sa tuwing naririnig niya ang kumakalam na tiyan. Hindi siya kumain ng tanghalian kanina dahil sa pag-aalala niya kay Lara at ngayon alas diyes na ng gabi at hindi pa rin siya kumakain, paano ba naman naririnig niya pa rin ang boses ni Ronald sa labas ng silid niya. Napatingin siya sa tv, kanina pa siya nanunuod para lang malibang ang sarili pero wala doon ang atensiyon niya kundi nandun sa labas ng bahay kung saan naririnig niya ang tawa ni Ronald.
Nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niyang tahimik na sa labas ng silid niya. Nakangiti siyang lumabas ng silid niya. Agad niyang tinungo ang kusina, at naghanap ng makakain. Hindi na siya nag-abalang initin ang tirang adobo at agad iyong nilantakan sa mesa. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng bumukas ang silid ni Lara at niluwa non ang bulto ni Ronald. Natigilan siya sa pagsubo ng magtama ang mga mata nila. Tinitigan niya ito ng makahulugan. Kung sa tingin nito magpapasalamat siya nagkakakamali ito. Lumakas ang pagtahip ng puso niya ng akmang lalapit ito sa kanya.
“Bakit kailangan mong pahirapan ang bata? Siguro naman aware kang hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga?” galit nitong turan sa kanya na ikinainis niya.
“Sa tingin mo kaya kung gawin yun sa anak ko?” inis niyang tanong sabay tayo sa mesa at hinarap ito.
“Bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit kailangan mo pang paabutin ng gabi para tawagan ako?” sumbat nito.
“Sa tingin mo ba pagkatapos ng nangyaring panloloko mo sa akin tatawagan pa kita?” galit niyang tanong dito.
“This is not about us! This is about Lara. Alam mo bang nanghihina na siya ng dumating ako dahil wala siyang kain?” turan nito sa kanya kaya napahiya siya. Naumid ang dila niya dahil sa sinabi nito. “Kung niloko man kita, maging ikaw ay hindi rin naging tapat sa akin.” Dagdag pa nito.
“Kumusta si Lara?” tanong niyang hindi pinansin ang huli nitong sinabi.
“She’s okay, pinakain ko na rin at pinatulog. Next time kapag hinanap ako ni Lara tawagan mo ako. Labas sa atin si Lara, dahil anak siya ng kapatid ko.” Turan pa nito.
“Anak siya ni Leo pero hindi mo kadugo ang anak ko.” Sagot niya.
“I know, pero totoo ang pagmamalasakit ko sa kanya.” Sagot nito bago siya iniwan. Napaupo nalang siya ng makaalis ito. Nakonsensiya rin siya sa nangyari sa anak niya kaya pinuntahan niya ito sa silid nito, Mahimbing na itong natutulog pero pansin niya pa rin ang pamamaga ng mata nito sa maghapong kakaiyak. Hindi dapat madamay si Lara sa galit niya kay Ronald. Ito pa rin ang kinikilalang ama ng anak niya kaya hindi maiiwasang hindi sila magkita.
NGAYONG wala na sa buhay niya si Ronald bumalik sa normal ang buhay nila, binalik na ng Mama ni Leo ang lahat ng ari-arian na kinuha nito kabilang na ang perang nakafreeze sa bangko. Sa kabila ng kayamanang bumalik sa kanya ay ramdam niyang may kulang pa rin. Hindi siya lubusang masaya at dahil iyon kay Ronald. Ilang buwan din niya itong kasama sa iisang bubong, bilang asawa at ama ng anak niya. Inako nito ang pagmamahal na dapat sana tungkulin ng kapatid nito. Hindi niya maiwasang hindi malungkot sa tuwing maalala niya ang mga pinagsamahan nila. Napangiti siya ng mapakla ng makita ang suot niyang kwentas, iyon ang kwentas na bigay sa kanya ni Ronald at hindi niya pa iyon tinatanggal kahit pa mahigit isang linggo na silang hiwalay. Kinuha niyo iyon sa leeg. Napatitig siya sa singsing na nasa loob ng kwentas, iyon sana ang magiging engagement nito sa kanya. Napangiwi nalang siya sa panghihinayang. Panghihinayang sa pagmamahal na binigay niya pero sinayang lang nito. Napasulyap siya ng tumunog ang cellphone niya, numero ni Mike ang rumistro sa screen. Muling bumangon ang galit sa dibdib niya. Nakiusap ito sa kanya mag-usap sila sa labas kaya pumayag siya.
Nakataas ang kilay niya ng makita sa tagpuan nila si Mike, nasa isang restaurant sila at marami ring kumakain. Tumayo ito ng makita siya at dahil hindi nito inaasahan ang gagawin niya agad niya itong sinampal ng malakas na umagaw sa atensiyon ng mga tao.
“What?” nakaarko ang kilay na tanong nito habang himas ang mukhang nasaktan.
“What mo ang mukha mo! Sinira mo ang buhay ko alam mo ba yun?” sigaw niya dito.
“Just calm down, wala akong ginagawang masama at kaya kita tinawagan para ikwento sayo ang nangyari.” Sagot nito kaya pabagsak siyang umupo sa bakanteng upuan na nakareserved sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagkapahiya ng makitang nagbubulungan ang mga tao dahil sa ginawa niyang eksena. “Walang nangyari sa atin.” Simula nito.
“Bakit ako napunta sa condo mo at bakit iba na ang damit? Galit niya pa ring tanong dito nagtitimpi ang boses niyang wag itong sigawan.
“Hindi ko rin alam, nagising nalang akong katabi ka sa kama ko.” Sagot nitong sunod-sunod ang pag-iling.
“Gusto mo bang masampal ulit?” pigil ang boses na tanong niya. “Ano ang totoong nangyari?” tanong niya pa.
“Tulad mo nalasing din ako at nang magising ako nasa condo na tayo, iba na ang damit ko at ganoon ka rin.” Katwiran pa nito.
“Do you want me to believe that? Parang sinasabi mo ngayong may nagdala sa atin sa condo mo? Ganoon ba?” tanong niyang nagpipigil sa galit. Pakiramdam niya kasi pinagloloko siya nito.
“Siguro, o baka naman ikaw ang nag-uwi sa akin.” Sagot pa nitong panay ang iling. Namumula na rin ang mukha nito sa pagtanggi. Akmang aabutin niya ang mukha nito ng bigla itong nagsalita. “Bakla ako, at wala akong balak gahasain ka.” Nataranta nitong sagot sa takot na kalmutin niya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Bakla ako! Bakla!” sigaw pa nito na muling nakaagaw sa atensiyon ng iba kaya hinila niya ito palabas ng restaurant pagkatapos niyang mag-iwan ng pera sa mesa. Hila-hila niya ang kurbata nito ng lumabas sila sa naturang kainan. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa biglaan pag-amin nito in public. Dinala niya ito sa sasakyan niya, at lumipat sila sa kabilang kainan.
HINDI siya makapaniwala sa pag-amin ni Mike, bakla nga ito at nakompirma niya iyon. Ang pilantik ng mga daliri nito ay natitiyak niyang bakla nga ito, dagdagan pa sa pagtaas nito ng kilay na gawain lang isang babae. Ayon pa sa kwento nito ay kailangan nito magkaroon ng asawa para ibigay dito mamanahin, iyon ang dahilan kung bakit siya nito inaalok ng kasal.
“Binugbog na nga ako ng jowa mo pagkatapos kakalmutin mo pa.” daing nito sa kanya kaya napangiti nalang siya. “Alam mo bang nagpabelo pa ako para lang matanggal ang peklat sa mukha ko?” turan pa nito, habang hinihimas ang nasaktang mukha. Kung hindi mo ito tititigan ng mabuti hindi mo ito mapagkakamalang bakla lalo pa at gwapo rin ito.
“Ikaw naman kasi.” Paninisi niya ditong natatawa.
“Kung gusto mo kausapin ko ang jowa mo at magpapaliwanag tayo sa kanya. Ikaw lang ang nakakaalam ng sikreto ko at dahil sa takot kong makalmot kanina naisigaw ko tuloy ang matagal kong lihim.” Turan nitong nag-aalala ang mukha.
“Hindi na kailangan. Kahit pa magpaliwanag pa tayo kung hindi niya naman ako minahal wala ring saysay. Ginamit niya lang ako.” Sagot niya.
“Binugbog ako ng todo tapos sasabihin mong hindi ka mahal? Kulang na nga lang patayin ako sa selos.” Sagot pa nito.
“Hindi yun nagseselos, galit yun dahil akala niya tapat ako sa kanya at siya lang ang mahal ko. Okay na rin yun, atleast hindi niya iisipin na hindi ko kayang mabuhay na wala si-
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng makitang papasok ng restaurant si Ronald at kasama nito si Cathy, ang modelong nobya nito. Kitang-kita niya kung paano ito nakapulupot kay Ronald at maging ito ay ganoon din. Naramdaman niya ang pagkirot ng puso niya. Malayo nga siya kay Cathy dahil siya ay simple lang pero marunong siyang magmahal ng tunay. Iyon ang wala kay Ronald.
“Ang bigat ng kalaban mo te, si Cathy Perez yan.” Bulong sa kanya ni Mike. Bigla niyang nakalimutan na may kasama pala siya.
“Alam ko at isa akong tanga ng sabihin niya sa akin na hiwalay na sila.” Galit niyang sagot. “Hawakan mo ang kamay ko.” Utos niya dito. Magkatabi sila sa upuan at kahit sinuman ang makakita sa kanila ay iisiping may relasyon sila.
“Ayoko ko nga.” Tanggi nito sa pinagagawa niya.
“Utang na loob hawakan mo na.” nanlalaki ang matang turan niya dito. Tamang-tama naman ang pagdampi ng kamay nito sa kamay niya dahil nakita iyon ni Ronald. Tanging sa tabi nalang nila ang may bakanteng mesa kaya doon puwesto ang mga ito. Napansin niya ang pagtitig ni Ronald sa kamay nila ni Mike kaya lihim siyang nakangiti.
“You’re Grace, right?” tanong sa kanya ni Cathy ng dumaan ito sa harapan nila. Tumango siya dito bilang tugon. “Hon, dito nalang tayo sa sister in law mo umupo?” tanong nito kay Ronald na walang kibo.
“Sure.” Sagot nitong sa kanya nakatingin.
NAGPASALAMAT siya dahil natunugan ni Mike ang gusto niyang mangyari, asikasong-asikaso siya nito at maging sa paghihimay ng orders nilang seafoods ay ito pa rin ang gumawa. Hindi ito nagpatalo sa pagiging sweet ni Cathy kay Ronald na labis niyang ipinagpapasalamat, ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa harapan ni Ronald. Nag-excuse siya sa mga kasama para magbanyo, pakiramdam niya kasi kinakapos siya ng hininga sa tensiyon na namamagitan sa kanilang apat. Kasalukayan siyang naghuhugas ng kamay mg pumasok si Cathy. Taas-noo itong nag-apply ng make up sa tabi niya.
“Mahal mo ba si Ronald?” tanong nito kaya napatingin siya dito sa salamin. “Hindi ako bulag para hindi maramdaman ang kakaiba mong tingin sa boyfriend ko.” Nakataas ang kilay na turan nito.
“Kung ganun malabo ang paningin mo.” Sagot niyang kinakabahan.
“Hindi ako tanga at gusto ko lang sabihin sayo na hindi ikaw ang babaing gugustuhin ni Ronald.” Turan pa nito.
“Kung sa tingin mo ikaw yun, dapat panatag ka.” Sagot niya bago niya ito iniwan. Si Ronald lang ang nadatnan niya sa mesa na lalong nagpakabog sa puso niya na kanina pa nagwawala. Ang gwapo nito sa suot na polong black. Tahimik siyang umupo sa pwesto niya.
“Si Mike?” tanong niya.
“Ngayon pinatunayan mong tama ang hinala ko.” Sagot nitong sinusukat siya ng tingin. Kung nakakamatay nga lang ang tingin baka kanina pa siya nakangisay.
“Walang tayo so don’t act lika a jealous man!” makahulugan niyang sagot.
“Ano ang nangyari sa pagmamahal na sinasabi mo?” tanong nito sa kanya.
“Pagmamahal? Bakit naniwala ka ba sa akin ng sabihin kong mahal kita? Sumbat niya dito. “Naglaho na ang pagmamahal na yon, simula ng malaman ko na ginagamit mo lang ako.” Dagdag niya pa.
NATIGIL sila sa pag-uusap ng dumating si Cathy at Mike. Agad niyang niyayang umuwi si Mike ng makabalik ito. Hindi niya na kayang makipagplastikan at lalong ayaw niya ng saktan pa ang sarili. Hinatid niya muna si Mike bago siya umuwi ng bahay. Alam niyang simula na iyon ng pagkakaibigan nila, ang ipinagtataka niya lang talaga ay kung sino ang nagdala sa kanila sa condo ni Mike para magpalit ng damit at kung paano nalaman ni Ronald na nandun siya sa bahay ni Mike.
Hindi niya pa napapasok ang sasakyan sa loob ng gate nang biglang may pumaradang sasakyan sa tapat niya. Kilala niya ang naturang sasakyan at hindi na siya nagtaka ng bumaba si Ronald. Lumapit ito sa kanya at pinagbuksan siya nito ng pinto.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya dito ng makababa siya.
“Gusto ko lang dalawin si Lara.”sagot nito.
“Tulog na siya, makakaalis kana.” Sagot niya dahil nagtxt na sa kanya si Yaya Luz para sabihing tulog na si Lara.
“Kumusta kayo?” tanong nitong nakabuntot sa kanya hanggang sa loob ng bahay.
“Higit na mabuti, bumalik na kasi sa dati ang lahat. Muling binalik sa akin ni Mama ang ari-arian na binigay ni Leo at maging ang pera namin sa bangko ay okay na.” masaya niyang sagot.
“Alam kong magiging mabuti ang buhay niyo kapag umalis ako sa buhay niyo.” Sagot nito na akala mo walang namagitan pag-aaway sa kanila.
“You’re right. Higit na mabuti ang buhay namin ngayong wala ka na at kung gusto mong bumalik ulit sa buhay namin your not welcome anymore.” Mataray niyang sagot ng hinarap niya ito.
“Kayo ni Mike?” tanong nito kanya. Malakas ang loob niyang hindi si Lara ang ipinunta nito kundi siya.
“Mabait si Mike, actually I like him.” Sagot niyang nakangiti para asarin ito. “Hindi ko nga alam kung dapat ko pang pag-isipan ang alok niyang kasal.” Dagdag niya pa.
“Hindi ka dapat magpakasal sa kanya!” matigas ang boses na sagot nito. Napatitig siya sa maamong mukha nito.
“Sino ka para pigilan ako?”kunot noong tanong niya.
“Kapatid ko si Leo at bilang kapatid niya karapatan kung protektahan kayo. Ano nalang ang manyayari kay Lara kapag nag-asawa ka? You think mamahalin siya Mike bilang isang tunay na anak?” tanong pa nito.
“Mabait si Mike and I know na magiging mabuti siyang asawa at ama ni Lara.” Sagot niya pa. Pumasok siya sa silid para magpalit pero sumunod ito.
“Paano kung pera lang ang habol niya?” tanong nito kaya napatingin siya sa mga mata nito. Nagsukatan sila ng tingin.
“Pera? Hindi ba ikaw yon? Hindi ba ikaw ang lumapit sa amin dahil sa pera?” nanggigigil niyang sagot sa tanong nito.
“Si Lara ang gusto kong protektahan dito at hindi kung sinuman.”
“Sana nga.” Sagot niya. “Matutulog na ako kaya makaalis ka na.” taboy niya dito pero hindi ito kumilos para umalis.
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi malinaw na hindi ka magpapakasal kay Mike.” Matigas ang boses na sagot nito.
“Kung si Lara lang ang iniisip mo, wala kang karapatan para diktahan ang gusto ko.” Sagot niya sa mukha nito. Napansin niya ang pagdilim ng mukha nito bago lumabas ng silid niya. Naiwan siyang nanghihina. Napaupo siya sa kama ng makaalis ito. Sa kabila ng lahat hindi niya pa rin ito nakakalimutan. Ito pa rin ang lalaking pangalawa niyang minahal.