CHAPTER EIGHT

2052 Words
Nakarobe lang siya ng lumabas siya ng silid niya. Wala pa siyang tulog halos dahil sa kakaisip kay Ronald kaya minabuti niyang pumunta ng kusina para magtimpla ng gatas pero hindi pa siya nakakalabas ng silid ng makita niyang nakahiga si Ronald sa maliit na sofa. Tulog na tulog ito at iwan niya kung ano ang nagtulak siya kanya para lapitan ito. Lumuhod siya sa harapan nito at pinagmasdan ang mukha nito. “Kung naging totoo ka lang sana sa akin sana masaya tayo ngayon.”  Pagkakausap niya sa sarili. Inayos niya ang buhok na nakatabig sa mukha nito ng bigla itong nagsalita. Napaurong siya sa takot na baka naramdaman nito ang paghaplos niya sa mukha nito. “Grace!” turan nito pero napansin niyang nakapikit pa rin ang mata nito. “Grace!” ulit nito na parang nanaginip. “Mahal kita, mahal na mahal.” Dagdag pa nito na ikinagulat niya. Lumpit siya dito para mapagmasdan ang mukha nito, baka mamaya gising pala ito at pinaglalaruan na naman siya. Ilang minuto pa siyang naghintay baka muli itong nagsalita pero wala ng karugtong ang sinabi nito. Hindi niya mapigipang hindi matuwa sa narinig, iyon ang gusto niyang marinig buhat dito. “Dapat ba akong maniwala sayo Ronald? Paano kung sasaktan mo lang ako ulit? Paano kung ang sinasabi mo sa panaginip ay kabaliktaran sa realidad?” tanong niya sa mukha nito. Malakas ang loob niyang tanong dahil hindi siya nito naririnig dahil humihilik pa ito sa pagkakahimbing. May ngiti sa labi siyang nakatulog ng makabalik siya sa sariling silid. Bahagya niya pa itong dinampian sa labi ng halik bago siya tuluyang pumasok sa sariling silid. Baon ang mga narinig kanina kaya hindi siya nahirapang matulog. Hindi na rin siya nakagawa ng gatas dahil ang sinabi nalang nito ang palaging bumabalik sa isip niya. Naniniwala siyang walang panaginip na nagsisinungaling. “Hindi ko pinagsisihang mahalin ka Ronald. Akala ko hindi na ako magmamahal muli pero tinuruan mo ang puso kong buksan iyon para papasukin ka. Mahal na mahal kita pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hindi mo pala akong kayang mahalin.” Sumbat niya sa lalaki sa panaginip. Nagising siyang hilam ang luha sa mga mata. Sinagot kasi ng panaginip niya ang sinabi ni Ronald sa kanya habang nagsasalita ito ng tulog. NABIGLA siya ng bisitahin siya ni Mike sa bahay niya. May dala itong chocolate at laruan para kay Lara. Magiliw niya itong binati at inalalayang pumasok. Hindi niya na mabilang sa daliri kung ilang beses silang nagkita para mag-usap. Matatawag niya na itong bestfriend dahil lahat ng problema niya ay alam nito. Natutuwa din ito  a kanya dahil hindi nito kailangan magtago ng sekreto dahil alam nitong tanggap niya ito bilang bakla. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang pasa sa gilid ng bibig nito. “Sinong may gawa niyan?” usisa niya agad dahil agad na pumasok sa isip niya sa Ronald. Simula ng makita niyang natutulog sa sala nila si Ronald at sabihin nitong mahal siya nito ay naging maayos na ang pakikitungo niya dito kapag dinadalaw nito si Lara.  Hindi niya matatawag na parang magkaibigan ang turingan nila sa isat-isa dahil kahit papano masakit pa rin ang ginawa nito. Nasaktan ang puso niya, iyon ang hindi niya matanggap dahil minahal niya ito ng totoo. “Nalaman na kasi ni Papa na bakla ako.” Sagot nito sabay himas sa nasaktan na naman nguso. “Paano ka na ngayon? Paano na ang mamanahin mo?” nag-aalala niyang tanong dito. Hindi kaila sa kanya ang gusto ng mga magulang nitong mag-asawa ito para ibigay ang mana nito. “Kaya ko naman mabuhay na wala ang pera nila. Aanhin ko naman ang yaman kung nakatali naman ako sa isang tao na hindi ko mahal.” Sagot nito kaya napalunok siya. “Paano kung itakwil ka nila?” “Bahala na. Naniniwala naman ako na walang magulang ang makakatiis sa anak at panghahawakan ko yun.” Sagot pa nito bago tumawa. “Kayo ni Ronald kumusta na kayo?” pag-iiba nito sa usapan. “Wala na kami at malabong mangyaring magkabalikan muli.” sagot niya. “Paano kung mahal ka pala niya?” tanong pa nito. “Higit na maganda sa akin si Cathy at hindi niya ipagpapalit yon.” Sagot niyang umiral ang pagka-bitterness. “Naniniwala ako sa happy ending at alam kung mangyayari ang happy ending na yon sa inyo ni Ronald.” Sagot nito. “Magdilang-anghel ka sana.” Hiling niya pero hindi niya sinabi iyon at tanging kibit-balikat lang ang naging tugon niya. AKMANG ihahatid niya sa labas ng gate si Mike ng dumating si Ronald. May dala itong teddy bear para kay Lara, napakunot noo ito ng makita si Mike. Tumango lang ito kay Mike ng ngitian ito ng kaibigan. Hindi nakaligtas kay Ronald ang ginawang pagkindat ni Mike sa kanya bago tuluyang itong pumasok sa sasakyan nito. “Ang saya mo yata?” puna sa kanya ni Ronald ng papasok na sila sa loob ng bahay. Hindi na naman madrawing ang mukha nito. “I think im love.” Sagot niya. Kung pwede lang maduwal siya sa sinasabi niya, naduwal na siya. Tiyak na babatukan siya ni Mike kung naririnig nito ang sinasabi niya. Hindi siya nakatingin sa mukha nito kaya hindi niya nakita nag reaksiyon nito. “In love? Are you out of your mind?” gilalas nitong sagot. “Hindi pa ako nasisiraan ng bait. Isang buwan na ring nanliligaw si Mike at alam ko rin na magiging mabuti siyang ama kay Lara.” Imbinto niya pa. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hilahin sa braso para tingnan siya ng mabuti. “Now tell me, mahal mo ba talaga siya?” matigas ang boses na tanong nito na ikinabigla niya. “Sabihin mo sa mga mata ko!” Dagdag pa nito. Bahagya nanginig ang katawan niya sa galit na nakikita sa mukha nito. “M-ahal ko si Mike.” Sagot niyang nangangatal ang boses. “What about me? Hindi mo na ba ako mahal?” tanong pa nito sa kanya. “Sinayang mo lang ang pagmamahal ko, kaya hindi mo ako masisisi kung bakit nawala na ang pagmamahal ko sayo.” Sagot niyang hilam ang luha. Binitiwan nito ang kamay niya dahil sa sinabi niya.  Mabuti nalang at nasa eskwelahan si Lara at Yaya Luz kaya walang nakakarinig sa kanila. Pumasok siya sa loob ng bahay at iniwan ito sa bakuran. “Hindi mo alam ang ginawa kong sakripisyo para lang sa pagmamahal ko sayo!” sigaw nito sa kanya na ikinagulat niya. Nasa loob na pala ito ng sala at nakasunod sa kanya. Hinarap niya ito. “Pagmamahal? Anong alam mo sa pagmamahal para sabihin yan? Sinaktan mo ako Ronald, pinamukha mo sa akin na hindi mo ako kayang mahalin dahil sa Cathy na yan!” bulyaw niya dito. “Pinatay ako ng selos sa inyo ni Mike ng makita kitang kasama niya sa condo niya. Akala ko ako lang ang mahal mo aside kay Kuya pero nakita kitang may kasamang lalaki. Anong gusto mong isipin ko non at sa nakikita ko ngayon mukhang pinapatunayan mo sa akin na tama ang nakita ko. ” sagot nito. “Dahil sa nangyari nagalit ako sa sarili ko dahil minahal kita. Minahal ko ang isang tao na hindi pala ako mahal dahil kaya akong ipagpalit sa iba. I thought matino kang babae pero sa kabila ng lahat nandito pa rin ako sa bahay mo at parang asong nakabantay sa bawat kilos mo!” dagdag pa nito. “Kung mahal mo ako dapat paniwalaan mo ako. Isa pa pala hindi ba pera lang ni Leo ang habol mo kung kaya ka pumayag na maging ama ng anak ko. Nagalit ka sa kapatid mo dahil wala siyang iniwan sayo, kaya pinaglaruan mo ang puso ko at ng makuha mo ang gusto mo!” sumbat niya dito. “Si Mama ba ang nagsabi sayo niyan?” tanong nito. “Wala akong galit kay kuya dahil ang totoo lahat gagawin ko para sa kanya. Lingid sa kaalaman mo binigyan ko ni Kuya ng beach resort bukod sa perang iniwan niya at alam yon ni Mama, iyon ang dahilan kung bakit ganun nalang ang galit niya ng magkaroon tayo ng relasyon. Natakot siyang mapunta sa isang anak sa labas ang ari-arian na iniwan niya kay Kuya Leo.” Paliwanag nito na ikinagulat niya. “Anong ibig mong sabihin?” gulat niyang tanong. “Anak ako ni Papa sa ibang babae kaya magkapatid kami ni Kuya Leo sa ama, iyon ang dahilan kung bakit hindi ako matanggap ni Mama. Hindi niya matanggap ang produkto ng pagtataksil ni Papa. Ito ang lihim ng pamilya namin na kahit sino ay walang nakakaalam.” Sagot nito. “Ginagawa mo ba yan para maniwala ako sayo? Porket alam mong binalik na sa akin ni Mama ang lahat ng ari-arian ni Leo bumabalik ka na naman sa buhay ko?” tanong niya. Gustuhin niya mang maniwala dito pero hindi niya magawa. “At kanino ka naniniwala kay Mama?” “Oo, sa kanya lang ako naniniwala dahil kung talagang sakim siya at gusto niyang kunin lahat sa akin, sana hindi niya na binalik ang mga kinuha niya.” Sagot niya. Nangangatog ang tuhod niya sa mga pag-uusap nila. “Kung pera ang habol ko sayo, may naalala ka bang kahit isang kusing na kinuha ko sayo? Sinabi ko lang sayo na pera ang habol ko noon dahil sa galit. Dahil akala ko pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa akin ay makakalimutan din kita pero hindi yon nangyari, I still in love with you. My whole world just falls apart without you. Alam ko na kapag nabalitaan ni Mama na wala na tayo ay ibabalik niya ang lahat sayo.” Turan pa nito. Sasagot sana siya ng biglang dumilim ang tingin niya at bumagsak siya sa braso nito. Kung hindi ito naging maagap tiyak na sa semento siya bumagsak. ************ NAGISING siyang puting-puti ang paligid niya. Mahina pa rin ang pakiramdam niya kaya hindi siya nagpumilit na tumayo sa kama. Agad niyang nakita si Mike na nakahiga sa maliit na sofa. “Mike, nasaan ako?” tanong niya. Agad naman itong nagising at lumapit sa kanya. “Nasa ospital ka. Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalala nitong tanong. “Mahina pa rin.” Matamlay niyang sagot. Dala siguro iyon ng over fatigue kung kaya siya nag-collapsed, binuhos niya kasi sa bagong tayong coffee shop ang oras niya kapag nasa eskwela si Lara. May pagkakataon din na hindi siya nakakatulog dahil sa labis na pag-iisip. “Si Ronald?” tanong niyang hinanap ito sa buong silid. Natatandaan niya kasing ito ang kasama niya ng mawalan siya ng malay at malinaw pa sa kanya nag pagtatapat nito sa tunay na nararamdaman. “Umalis siya pagkatapos niya akong tawagan.” Sagot nito. “Ano ba ang findings ng doctor sa akin?” matamlay niyang tanong dito. “Mahina ang immune system mo at mabuti nalang hindi naapektuhang ang batang dinadala mo.” Sagot nito na ikinagulat niya. “Anong bata? Naguguluhan niyang tanong. “Buntis ka Grace, two months ka na raw nag-dadalangtao.” Balita pa nito. Napangiti siya dahil sa sinabi nito. “Anong sabi ni Ronald? Alam niya bang buntis ako?” tanong niya pa. “Hindi ko alam pero sa tingin ko alam niya. Sabi sa akin ng doctor kanina sinabi niya raw kay Ronald ang kalagayan mo.” Sagot nito. “Kung alam niya bakit wala siya ngayon?” hilam ang luhang sagot niya. “I think iniisip niya na ako ang ama ng dinadala mo.” Sagot nito kaya napatingin siya sa mukha nito. “Paano mangyayari yun eh bakla ako?” tanong nito. “At isa pa hindi kita papatulan no?” maarte nitong sagot. “Hindi niya naman alam na bakla ka.” Sagot niya kaya natahimik ito. “Bakit ba kasi hindi siya magtanong? Mas matagal naman kayong nagsama kesa sa isang gabi na nakita niya tayo.” Ismid nito. “Kakausapi ko siya, sasabihin ko sa kanya na siya ang ama ng dinadala ko.” Pilit niya pa. “Paano kung hindi siya maniwala?” “Inaasahan ko naman yun pero mas mabuti ng alam niyang siya ang ama ng anak ko.” Sagot niya pang may namumuong luha sa mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD