CHAPTER NINE

2366 Words
HANGGANG sa nakalabas siya ng ospital ay hindi pa rin nagpapakita sa kanya si Ronald. Tinatawagan niya rin ang cellphone nito pero panay lang ang ring. Gustuhin niya mang puntahan ito sa condo nito pero hindi niya magawa. Ipinayo kasi sa kanya ng doctor ang completely bed rest dahil maselan daw ang pagbubuntis niya gawa ng pagbagsak ng immune system niya. Inip na inip na nga siya sa kakahiga kaya nililibang nalang niya ang sarili sa pagbabasa at panood. Nang magsawa siya sa mga pelikula ang showbiz naman ang pinanood niya at tamang-tama si Cathy Perez ang iniinterview. “Ang balita ko ikakasal ka na sa former boyfriend mo?” tanong ng reporter sa modelo na nagpakaba sa kanya. Ngumiti ng matamis si Cathy bago tumango kaya naghiyawan ang mga taong nanunuod maging ang nag-iinterview. Napanood niya rin sa video track ang mga litrato nito kasama si Ronald, masayang-masaya ang mga kuha ng mga ito habang naglalambingan. Hindi niya namalayang kusa na pala siyang lumuluha habang nanunuod. “Ikwento mo naman kung paano siya nag-proposed?” Excited na tanong ng nag-eenterview. “Actually hindi ko inaasahang aalukin niya ako ng kasal, nagulat nalang ako ng sabihin niyang gusto niya akong maging asawa sa susunod na buwan.” Sagot nito. Hindi niya nakayanan ang pinapanood at agad niyang nilipat ang channel na pinapanuod niya sa labis na panibughong nadarama. AGAD niyang pinuntahan ang tinitirhan ni Ronald. Kahit hindi pa malakas na malakas ang pakiramdam niya ay hindi niya iyon inisip, ang importante ngayon ay makausap niya si Ronald. Kailangan nitong malaman na ito ang ama ng anak niya. Nasa elevator palang siya ng makaramdaman niya ang pangangatog ng mga tuhod niya kaya panay ang buntong-hininga niya. Agad niya namang nakita nag numero ng condo nito. Nagtaka pa siya kung bakit bukas ang pinto kaya pinihit niya ang pinto at tuluyang pumasok. Tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Cathy at tanging underwear lang ang suot habang nakayakap sa katawan ni Ronald. Nakatayo ang mga ito habang nakalambitin si Cathy kay Ronald. Tanging boxer lang ang suot nito kaya alam niyang may namamagitan sa mga ito bago siya dumating. Hindi niya namalayang ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha niya. Kung hindi pa siya tumikhim hindi siya mapapansin ng mga ito. Agad na tinabig ni Ronald si Cathy. Hinablot nito ang robe at binalot sa katawan. “Sorry kung nakaistorbo ako, gusto ko lang sanang makausap si Ronald.” Sagot niya bago pinunasan ang mga luha. Agad na nag pantalon si Ronald at hinila siya sa labas ng condo nito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito. “Totoo bang ikakasal na kayo?” paglilinaw niya. “Oo.” Sagot nito na lalong nagpakirot sa puso niya. “Akala ko ba mahal mo ako? Dahil ba ito sa pagbubuntis ko?” tanong niya. “Buntis ka Grace at hindi ko ipagkakait sa anak mo ang makasama niya ang tunay niyang ama.” Sagot pa nito. “Iniisip mo ba talaga na hindi ikaw ang ama ng anak ko?” tanong niya dito sa malungkot na tinig. “Sana nga ako nalang pero alam natin ang totoo.” “Paano kung sabihin ko na ikaw ang ama nito?” tanong niya pa. “Hindi mo alam ang sinasabi mo pero ako alam ko. Hindi ko anak yang dinadala mo at kaya hindi na ako nagpapakita sayo dahil ayoko ng maging magulo pa ang lahat.” Katwiran pa nito. “Napakaduwag mo! Sarili mo lang ang pinaniniwalaan mo. Wag mong gawing dahilan ang pagdadalang-tao ko dahil ang totoo si Cathy naman talaga ang mahal mo!” sigaw niya dito dahil hindi niya mapigilan ang sarili. “Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan. Umuwi ka na Grace at kalimutan mo na ako.” Taboy nito sa kanya bago ito bumalik sa loob ng condo at naiwan siya sa labas ng condo nito. Luhaan siyang lumabas sa loob ng establisyemento. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kung paano niya haharapin ang isang anak na iluluwal niya na walang am. Hindi niya na kakayanin kung dalawang anak niya na ang magtatanong sa kanya kung nasaan ang mga ama ng mga ito. Its over, kailangan niyang tanggapin yun. Kailangan niyang mabuhay na wala na ito sa buhay niya, lalo pa at iniisip nitong si Mike talaga ang ama ng dinadala niya. Kailangan niyang tanngpin na hindi na muling  mabubuo pa ang pagmamahalan nila. *****************   ISANG hindi inaasahang panauhin ang dumalaw sa kanya, at iyon ang mama ni Leo. Dinalaw nito si Lara at hindi nakaligtas sa mga mata nito ang maumbok niyang tiyan. Napayuko siya ng titigan siya nito. “Alam ko ang lahat.” Turan nito dahil hindi niya magawang magsalita dito. “I’m so sorry po, hindi ko intensiyon saktan kayo ni Leo at inaamin kong kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit hindi ako nakinig sayo. Sa nakikita niyo po ngayon hindi po ako pinanagutan ni Ronald. Naniniwala siyang ibang lalaki ang ama ng dinadala ko.” Sagot niya dito. “Ako ang dahilan ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit naging bato ang puso ni Ronald at nawalan ng tiwala sa sarili. Nakalimutan niyang maniwala sa tunay na pagmamahal dahil sa akin. Buong pagkabata niya ay hindi niya naranasang mahalin at alam kung nakita niya iyon sa iyo. Alam kong nagmahalan kayo ng tunay.” Turan nito. Nabigla pa siya sa biglang pag-amo ng mukha nito na dati lang ay para itong tigre sa galit nang malaman na may relasyon sila ni Ronald. “Hindi ko matanggap na aagawin na naman ng anak ng asawa ko sa iba ang babaing minahal ng anak ko.” Turan pa nito. “Hindi po ako inagaw ni Ronald kay Leo dahil ako ang nagdesisyon na mahalin ang kapatid niya.” Sagot niya. “Si Ronald ang produkto ng pangangaliwa ng asawa ko sa akin. Hindi ko iyon matanggap at higit na hindi ko matanggap ang magkaroon ang anak ko ng kahati at sa anak pa ng kabit ng asawa ko.” Pahayag pa nito. “Hindi naman po kasalanan ni Ronald kung naging anak siya ni Papa sa iba. Alam ko pong mahal na mahal niya kayo at umaasa siyang kahit konti lang ay mahalin mo rin siya.” “Alam ko, at kahit naging napakasama ko sa kanya ay hindi niya inisip ang maghigante laban sa akin. Siya rin ang taong hindi ko inaasahang mag-aalaga sa akin ng maratay ako sa ospital.” Pahayag pa nito na ikinagulat niya, kaya pala bahagya itong nangayayat. “Bakit hindi niyo pinaalam sa akin? Ano po ba ang sakit niyo?” tanong niya sa matanda. “Muntikan akong atakihin sa puso mabuti nalang at nadala agad ako ni Ronald sa ospital.” Sagot nito. “Kumusta na po ang pakiramdam niyo? Dapat po hindi na kayo pumunta dito baka mamaya makasama pa sayo.” Sagot niyang nag-aalala. Kahit papano kasi naging mabait naman ito sa kanya. “Matanda na ako Grace pero sana bago ako mawala ay matuwid ko ang pagkakamali ko. Ayoko ring lumaki ng walang ama si Lara maging ang dinadala mo ngayon, kaya humihingi ako ng tawag sayo, sa lahat ng masamang pinakita ko.” Madamdamin nitong pahayag. Niyakap niya ito bilang pagtanggap sa pagkakamali nito. “You deserve to be happy at hindi iyon mangyayari kung hindi si Ronald ang makakatuluyan mo.” Turan pa nito. “Tanggap ko na Ma, na kahit anong gawin ko ay hindi ko na mababawi si Ronald. Higit na mahal niya si Cathy at ayaw niya ring makinig sa akin na siya ang ama ng dinadala ko.” Malungkot niyang sagot. “I talk to him. Ako ang pagpapaliwanag sa kanya ng lahat.” Sagot nito na akala mo alam ang totoong nangyari kung bakit hindi matanggap ni Ronald ang anak niya.   AFTER FIVE MONTHS   HINDI niya pa rin maiwasang hindi umasa na sana maliwanagan si Ronald kung anuman ang sasabihin ng Mama nito. Kahit na nasa malayo sila ni Lara babalik pa rin siya ng Pilipinas para dito, para sa pagmamahal niya dito. Napagpasyahan niya kasing sa America nalang manganak habang pinahihilom ang pusong nasaktan kung sakali man na tuluyan na siyang talikuran ng lalaki. Gusto niyang isipin na makukumbinsi nito si Ronald at paniwalaan siya. Napag-alaman niya ring ito ang nagpadala ng video sa kanya habang inaabutan nito ng pera si Ronald para layuan siya. Ayon pa dito edited daw ang video at wala doon ang pagtanggi nito sa perang inaalok nito at higit daw na pinili ang pagmamahalan nila. Natuwa siya ng malaman ang totoo. Kung naniwala lang sana siya sa pagmamahal na pinakita at pinaramdam nito, sana buo pa rin ang tiwala nito sa kanya dahil hindi naman siya pupunta ng disco at magpapakalasing. Sana buo pa rin sila. Sana hindi niya kailangang lumayo para makalimutan ang sakit na dulot nito. Kahit na nasa malayo siya nakikibalita pa rin siya tungkol dito. Palagi rin siyang tinatawagan ng mother in law para ibalita kung ano ang nangyayari sa buhay ni Ronald. Napag-alaman niya rin na tuloy na tuloy na raw ang kasal nina Ronald at Cathy, maliban doon ay hindi na nito alam ang nangyayari sa lalaki dahil muling naging mailap si Ronald dito. MABIGAT na mabigat ang pakiramdam niya na magising siya kinabukasan. Seven months na ang tiyan niya kaya hirap na hirap na siya sa pagkilos at pagtayo ng kama. Hindi pa man siya nakakababa ng hagdan ng marinig ang masayang tinig ni Lara. Nabigla pa siya ng makitang buhat-buhat ito ni Ronald. Muling bumilis ang t***k ng puso niya. Nagtama ang paningin nilang dalawa, pinagmasdan siya nito ng maigi maging ang umbok ng tiyan niya. Inalalayan siya nitong umupo matapos ang titigang namagitan sa kanila. “Anong ginagawa mo dito?” nagtataka niyang tanong dahil ang layo ng America sa Pilipinas para sadyain lang ito unless kung alam na nitong ito ang ama ng anak niya. “Gusto ko lang kayong makita lalo na si Lara.” Sagot nito. Napansin niya ang malungkot sa boses nito habang kalong pa rin si Lara. “Nabigla nga ako ng malaman ko kay Yaya Luz na nasa America pala kayo, mabuti nalang at alam ko itong lugar niyo dahil dito kami namamalagi ni kuya kapag masama ang loob ko.” Sagot nito. Binigay kasi sa kanya ni Leo ang bahay na napundar nito sa America kaya doon niya naisipang magbakasyon. Pilit ang ngiting pinakawalan niya sa sinabi nito. “Salamat sa pagdalaw.”turan niya. “Malapit na pala ang kasal ko at sana bago ako ikasal kay Cathy ay pumayag kang makasama ko si Lara kahit ilang araw lang.” pakiusap nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagkirot sa puso niya ng marinig ang tuloy na tuloy nitong pagpapakasal kay Cathy. Pigil na pigil niya ang sariling wag umiyak sa harapan nito. “Masaya ako para sa inyo.” Nakangiti niyang sagot. “Kung gusto mong makasama si Lara sana dito lang sa America, hindi ako papayag kung iuuwi mo siya ng Pilipinas.” Dagdag niya pa. Tumango ito bilang pagpayag sa gusto niya at higit na matutuwa siya kung dito ito mag-stay sa bahay niya. “Hindi lang si Lara ang gusto kong makasama, gusto rin kitang makasama bago man lang ako ikasal.” Sagot nito na ikinagulat niya. Parang kanina lang kasi ay dinadalangin niyang sa bahay niya ito manatili tapos ngayon higit ang bumalik sa hiling niya. Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. Binaba nito si Lara at hinayaang maglaro bago ito lumapit sa kanya. Inalalayan siya nitong tumayo para humarap sa mukha nito. Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito habang hawak ang kamay niya. Hindi niya mapigilang hindi kabahan sa mga titig nito. Nabigla pa siya ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit, bahagya pang naipit ang umbok ng tiyan niya dahil sa yakap nito pero hindi siya tumutol. Hinayaan niya itong kayapin siya at hindi niya rin napigilang ang sigaw ng pusong sagutin ang yakap nito. “I’m dying, hindi ko kayang mawala kayo sa akin.” Turan pa nito. Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin kaya tinanong niya ito. “Pinipigilan ko ang sarili kong wag kang puntahan, dahil alam kong kapag nakita kita hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Hindi ko kayang hindi ka pwedeng yakapin at sabihin na ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko at ikaw lang ang gusto kong pakasalan.” Dagdag pa nito ng kumalas sa kanya. Ang kaninang luhang pinipigilan niya ay nag-unahan ng tumulo. Hindi niya napigilang hindi ito hawakan sa mukha. Nararamdaman niya ang paghihirap ng kalooban nito dahil siya ay ganoon din ang nararamdaman. “Bakit hindi pwedeng ako nalang? Bakit kailangan pa nating pahirapan ang mga sarili natin kung mahal pa rin natin ang isat-isa? Hindi mo pa rin ba matanggap ang pagbubuntis ko?” naguguluhan niyang tanong dito. “Mahal kita at handa kong tanggapin lahat, makasama ka lang pero masasaktan si Cathy. Paano ang magiging anak namin kung hindi ko siya pananagutan?” pahayag nito na ikinagulat niya. Bakit si Cathy pananagutan nito samantalang siya na dinadala rin ang anak nito ay hindi nito pinaniniwalaan? Nanghihina ang tuhod niyang napaupo muli sa malambot na upuan. “Mahal kita Grace, mahal na mahal.” Turan pa nitong hilam ang luha. “Ayokong ito ang maging huli nating pagkikita dahil kung ako ang masusunod, gusto kong ikaw ang palagi kong kasama umaga man o gabi.” Turan pa nito. “Paano ako Ronald? Paano tayo?” umiiyak niyang tanong. Pakiramdam niya pinagkakaitan siya ng kaligayahan. Mahal nga siya nito pero hindi naman pwede. Niyakap siya nito para pakalmahin. “Kahit matuloy man ang kasal namin ni Cathy, manaatiling nag-iisa ka lang sa puso ko. Ikaw pa rin ang mamahalin ko. Gagawa tayo ng alaala na babaunin natin.” Turan pa nito. “Aalis man ako para pakasalan si Cathy pero ikaw pa rin ang babalik- balikan ko.” Pangako nito sa kanya. Hindi siya kumbinsido sa gusto nito pero anong magagawa niya mahal niya rin ito at kahit sandali gusto niya rin itong makasama.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD