MAGHAHATING-GABI na ay wala pa rin si Ronald, labis na siyang nag-aalala sa lalaki. Nakatulog na nga si yaya Luz sa paghihintay dito kaya siya nalang ang naiwan mag-isa para hintayin ito. Napabalikwas siya sa pagkakahiga sa sofa ng marinig niya ang busina ng sasakyan. Gusto niya sana itong salubungin pero nagdalawang-isip siya. Hinintay niya itong makapasok sa loob ng bahay. Napatayo siya sa pagkakaupo ng makita niya itong pasuray-suray sa paglalakad. Agad niya itong tinulungan na makapasok. Kahit mabigat ang katawan nito pinilit niya pa rin itong dalhin sa kwarto niya kung saan ito tumutuloy
“Paano ka nakauwi?” usisa niya ng maihiga niya ito. Delikado dito ang magmaneho dahil lango ito sa alak.
"I’m sorry Grace, sorry kung nasaktan kita at kung napagsalitaan man kita ng hindi maganda. Iba ka sa ibang babae tulad ng iniisip ko." turan nito sa kanya. Nakaupo ito sa kama niya habang tinatanggal niya ang sapatos nito. Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ito. Namumula ang mga mata nito dala ng kalasingan. Nabigla siya ng hinaplos nito ang mukha niya. Naramdaman niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Tinabing nito ang mukha na nakaharang sa mukha niya.
"Magpahinga kana, bukas na tayong mag usap." Turan niya dito dahil sa sobrang pagkailang sa namamagitan sa kanilang dalawa. Nabigla pa siya ng ginagap nito ang kamay niya. Naramdaman niya ang biglang magbilis ng t***k ng puso niya. Ngayon lang muli may lalaking humawak sa kamay niya at ngayon lang muli tumibok ang puso niya ng ganito kabilis na akala mo may nagtatambulan sa loob ng dibdib niya. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.
Yumuko ito at bahagyang nilapat ang mukha sa kanya. Halos magkadikit na ang ilong nila. Hindi siya humihinga dahil sa kabang nararamdaman. Gusto niyang umiwas pero hindi niya magawa. Natutunaw siya sa mapagkit nitong mga titig. Alam niya kung ano ang gusto ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinihintay niyang tuluyan nitong ilapat sa labi niya ang labi nito. Habang hinihintay niyang maglapat ang mga labi nila ay bigla itong bumagsak, kung hindi siya nakahawak sa pader tiyak na bumagsak sila pareho. Nadaganan siya nito.
"Ronald!" pukaw niya sa lalaki pero tulog na tulog na ito, ang masakit sa ibabaw niya ito nakatulog.
******************************
Simula ng mawala ang asawa niya ngayon lang ulit siya nagising na may ngiti sa mga labi. Pilit niya mang ikubli ang mga ngiting yon pero kusang lumalabas ang pagiging masayahin niya ng araw na iyon. Ordinaryong araw lang iyon pero daig niya pa ang may lakad dahil bihis na bihis na siya.
"Masaya ako dahil nakita ko muli ang mga ngiting yan." puna sa kanya ni yaya Luz. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Iniwas niya ang tingin sa butihing matanda. Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin alam niyang may kakaiba sa kanya at iyon ay dahil sa nangyari kagabi. Iyon ay dahil muntik na siyang mahalikan ni Ronald. Hindi siya tumigil kabagi hanggat hindi niya ito nailipat sa kama.
Naramdaman niya ang muling pagtibok ng puso niya nang may tumikhim mula sa likuran nila. Napansin niya ang mapanuksong ngiti ni yaya luz. Pakanta-kanta pa ito ng umalis kaya lalo siyang pinamulahan ng mukha.
"Kumain kana." alok niya sa lalaki. Kahit ang titigan ito ay hindi niya magawa dahil pakiramdam niya mauulit at mauulit ang nangyari kagabi.
"Si Lara?" tanong nito bago dumulog sa mesa.
"Tulog pa, sabado naman ngayon kaya okay lang." sagot niya habang gumagawa ng kape nito.
"About sa nangyari kagabi, ako ng despensa." turan nito.
"Naalala mo ang lahat?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya dahil sa alaalang iyon. Kung hindi lang ito nakatulog tiyak na nahalikan siya nito at hindi yata iyon katanggap-tanggap dahil iisipin nitong pinagsamantahan niya ang kalasingan nito.
"Anong lahat?" blangko ang mukha nitong tanong sa kanya kaya nakahinga siya ng naluwag.
"Pinapatawad na kita." tanging sagot niya. Nanatili siyang nakatayo habang pinagmamasdan itong kumakain. Nabigla pa siya ng hilahin nito ang katabing silya at inakay siyang umupo.
“Kumain ka na, hindi ako sanay na pinagsisilbihan ng isang maganda.” Nakangiti nitong sagot na ikinagulat niya. Bigla-bigla naman yata ang pagiging mabait nito samantalang hindi naman nito naaalala ang nangyari kagabi. Nilagyan siya nito ng kanin sa pinggan at sinalinan ng juice sa baso. “Pagpasensiyahan mo na ako kung naging magaspang ang pag-uugali ko sayo. You don’t deserve that kind of treatment, mahal ka ni Kuya kaya dapat lang na tanggapin kita. Dapat lang na alagaan ko ang prinsesa niya.” Dagdag pa nito.
“Salamat.” Tugon niyang hindi makatingin sa mga mata nito. Daig niya pa ang teenager na hindi maka get-over sa nangyari kagabi. Pakiramdam niya kasi hanggang ngayon naamoy niya pa rin ang hininga nito.
“Magsimula tayo muli, bilang isang pamilya.” Turan pa nito.
“Walang problema sa akin yon.” Tugon niya. Hanggang sa natapos silang kumain hindi na siya muling umimik. Para siyang nakikiramdam kung ano ang susunod nitong gagawin samantalang kumakain lang naman ito.
“May lakad ka ba ngayon?” tanong nito sa kanya. Nililigpit niya ang mga kinainan nila ng magsalita ito.
“Wala naman bakit?”
“May lakad kasi ako ngayon, at kung wala ka namang gagawin baka gusto mong sumama.” Yaya nito sa kanya. Ano sa tingin mo? Para naman malibang ka at hindi bahay at trabaho ang ginagawa mo.” Dagdag pa nitong nakangiti.
“Paano si Lara?” tanong niya. Simula ng mamatay si Leo nakalimutan niya ng lumabas with friends.
“Ibibilin lang natin kay Yaya Luz. Tinitiyak ko sayong hindi mo pagsisihan ang pagsama sa akin.” Turan pa nito.
HINDI niya mapigilang hindi maexcite habang hinihintay ang oras ng pag-alis nila ni Eric. Hapon palang ay umalis na ito dahil may pupuntahan lang daw itong trabaho at susunduin nalang dawn g alas sais ng gabi. Tiniyak niya munang maayos ang isusuot niya sa magiging lakad nila. Ang mga damit na hindi niya na sinusuot ay iyon ang sinuot niya. Nag-apply din siya ng make-up sa mukha bago nag-ayos ng buhok.
“Ano ba ang nangyayari sayo Grace? May asawa ka na. Ano nalang ang sasabihin ni Leo kapag nakikita niyang kinikilig ka sa kapatid niya?” saway ng isip niya dahil sa kilig na nararamdaman.
Napalingon siya ng bumukas ang silid niya, iniluwa non ang nakangiting mukha ni Ronald. Tulad niya bihis na bihis din ito.
“Ready?” tanong nito. Tumango siya dito bilang sagot. Kinuha niya lang ang shoulder bag at isinukbit bago siya tuluyang lumabas ng silid. Nadaanan niya si Yaya Luz sa sala, may lihim na ngiti ang mga labi nito habang binibilin niya si Lara. Nakaalalay sa kanya si Ronald ng pumasok siya sa sasakyan nito. Ito rin ang naglagay ng sealtbelt sa kanya na lalong nagpapabilis ng t***k ng puso niya. Napabuntong-hininga siya ng malakas nang makita niya ang isang bungkos ng bulaklak sa likuran ng sasakyan. Nalunok niya ang sariling laway sa pag-aakalang sa kanya ibibigay ang naturang bulaklak.
“Sana mag-enjoy ka sa pupuntahan natin.” Nakangiti nitong turan sa kanya ng simulan nitong paandarin ang sasakyan.
“I think so, matagal na rin akong hindi nakakalabas ng bahay. Kapag gabi kasi nasa bahay nalang ako.” Sagot niya. Nagtataka lang siya kung bakit hindi pa rin nito binibigay ang bulaklak samangtalang nakikita nitong panay ang sulyap niya sa mga bulaklak sa likuran ng upuan niya.
Nang mamatay si Leo akala niya hindi na siya muling sasaya pa pero bakit iba ang nararamdaman niya ngayon? Muli niyang nararamdaman ang tunay na kasiyahan at iyon ay dahil sa kapatid nito.
“May susunduin lang tayo.” Turan sa kanya ni Leo kaya tumango nalang siya bilang tugon. Nabigla pa siya ng bigla itong huminto sa isang kilalang building sa Makati. Nagpaalam lang ito sa kanya at pumasok na sa loob ng building. Saglit lang siyang naghintay dito sa loob ng sasakyan ng makita niyang papalabas na ito at may kasama itong magandang babae. Kilala niya ang naturang babae dahil palagi niya itong nakikita sa mga magazine. Si Cathy Perez, isa itong modelo at hinahangaan ng kahit sinuman at kahit siya ay iniidolo niya ito. Nakangiting lumapit sa kanya si Ronald at kabaligtaran iyon sa mukha ni Cathy. Nakaarko kasi ang kilay nito ng makita siyang nakaupo sa harapan ng sasakyan. Sininyasan siya ni Ronald na bumaba kaya napilitang siyang bumaba ng sasakyan at lumapit sa mga ito.
“Grace, meet my girlfriend.” Pakilala nito sa kanya na ikinagulat niya. Ang kaninang excitement na nadarama niya dahil makikilala niya rin ang isang Cathy Perez ay biglang naglaho. Biglang nawalan siya ng gana sumama sa lakad ng mga ito. Chaperon lang pala siya. Nagpakilala siya ditto at kusang nakipag beso-beso pero wala itong naging reaksiyon at alam niyang napipilitan lang ito. Nagulat pa siya ng bigla itong umupo sa unahan ng sasakyan kung saan siya nakaupo kanina.
“Sa likuran ka nalang.” Bulong sa kanya ni Ronald. Kahit inis na inis siya sa nangyayari pinilit niya pa ring ngumiti. Wala siya karapatan para magalit. Siya na nga itong sinama siya pa itong mag-eenarte. Umikot si Ronald at pinabuksan siya ng pinto sa likuran na hindi ginawa nito kay Cathy. Muli niyang napansin ang nakakunot na noo ni Cathy at tila naiinis sa ginagawang pag-alalay sa kanya ng nobyo nito. Napansin niyang kinuha ni Ronald ang bulaklak sa tabi niya at binigay kay Cathy na kanina lang ay iniisip niyang ibibigay sa kanya. Napansin niya ang pagkislap ng mga mata ni Cathy ng abutin nito ang bulaklak. Nahiling niya bigla na sana siya nalang si Cathy pero ano ba naman ang laban niya dito? Height palang nito talbog na siya at bakit ba kailangan niyang makipagkumpetensiya samantalang wala naman silang relasyon ni Ronald? Assuming lang siya dahil sa nangyari kagabi na muntikan siya nitong halikan. Sa tingin niya 5’9 ang height nito samantalang siya ay di hamak na 5;6 lang. Higit na matangos ang ilong niya dito at kung itsura naman ang pagbabasihan kaya niya itong labanan. Sa pagkakaalam niya German ang ina nito kaya may pagkamestisa ito pero kahit na pure Pilipino siya maganda pa rin siya kung ihahambing dito.
Hindi niya maiwasang hindi mainis habang nagmamaneho si Ronald. Panay kasi ang halik ni Cathy dito na alam na nagmamaneho ito at lalong nagpapainis sa kanya ang makitang tuwang-tuwa din si Ronald sa ginagawa nito. Napatingin siya sa rear view mirror, tamang-tama naman ang pagtingin doon ni Ronald at nagtama ang mga mata nila. Umiwas ito sa paghalik kay Cathy at muling itinuon ang atensiyon sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa pupuntahan.
“Napahiya siguro.” Sa loob loob niya.
Sa Resort World siya dinala ni Ronald. May nagcoconcert sa stage habang naghihiyawan ang maraming tao at dahil sikat si Cathy marami itong nakitang kakilalang na celebrity kaya nagpaalam ito kay Ronald at lumipat sa vip chair. Napansing niya na malungkot na mukha ni Ronald ng makaalis ang nobya.
“Okay ka lang?” pasigaw niyang tanong dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao. One Direction ang nagcoconcert ng mga oras na yun at kahit hindi niya kilala ang mga nag peperform sa stage nakikihiyaw na rin siya para hindi siya magmukhang tanga.
“Sanay na ako.” Sagot nito. Lumipat ito sa upuan na inupuan ni Cathy kanina kaya malapit na ito sa kanya. Nakadikit na ang mukha nito sa tenga niya dahil hindi sila magkaintindihan. Nabigla nalang siya ng bigla siya nitong hinila palabas ng resort world at tinungo nila ang parking lot. Kinuha nito ang kotse at agad siyang pinasakay. Pasibad nitong pinatakbo ang sasakyan. Hanggang sa makarating sila sa Roxas Boulevard. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan siya. Nagustuhan niya ang ambience ng Roxas, kahit malalim na ang gabi marami pa rin ang namamasyal at karamihan ay mga magkasintahan. Humanap sila ng mauupuan, sa isang gotuhan sila nakahanap ng mauupuan. Nag-order si Ronald ng tag-isang goto para sa kanilang dalawa.
“Ganitong buhay lang ang gusto ko. Yong tipong kahit saan ako pumunta may privacy ako at kahit anong gawin kong isakandalo hindi magiging viral, na malabong mangyari kapag si Cathy ang kasama ko.” Napabungtong-hininga nitong kwento sa kanya ng makainom ito ng tubig. Bumili rin ito ng mineral water at agad na tinungga. Nakatitig lang siya sa maamo nitong mukha. Hindi niya maiwasang hindi ito ikumpara sa namatay na asawa. Hindi niya kasi akalain na kumakain ito sa mga pipitsuging kainin tulad ng kinakainan nila ngayon. Si Leo kasi kahit simple lang ito ay hindi niya pa naranasang kumain kasama ito sa mga turo-turo.
“Ganyan talaga kapag nagmahal ka ng sikat.” Sagot niya. Nagugustuhan niya ang nangyayari sa kanila ngayon dahil hindi na sila parang aso at pusa na palaging nagbabangayan kapag magkasama. Nakakapag-usap na sila na hindi kailangan mag-away.
“Ang totoo wala naman akong hilig sa mga concert na yan. Kapag nasa condo ako bibili lang ako ng libro at mga palabas, ang bahay ang gusto kong tambayan.” Kwento pa nito.
“Pareho pala tayo. Ako kasi hindi rin mahilig sa mga ganyan. Mas gusto ko pang maglinis ng bahay kesa ang gumastos sa mga mahal na ticket na yan.” Sagot niya rin.
“Ngayon ko naiintindihan kung bakit minahal ka ni Kuya, napakasimple mo lang at wala kang reklamo. Lahat ng oras mo ay para lang sa kanya. Sana ako nalang siya.” Turan nito naikinagulat niya. “Sana ako nalang si Kuya. Sana tulad mo ang babaing mamahalin ko.” Paglilinaw nito.
“Sana ako nalang.” Bigla niyang hiling. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla niyang nahiling n asana siya nalang ang mahalin nito.
“Mahal mo ba talaga siya?” tanong niya na ang tinutukoy ay si Cathy.
“Siguro, dahil kung hindi ko siya mahal hindi ako magtitiis sa kanya. Kahit na iwan niya ako sa gitna ng maraming tao siya pa rin ang pinupuntahan ko sa huli. Sa tingin mo pagmamahal na bang matatawag yun?” tanong nito sa kanya.
Napangiti siya sa naging sagot nito. “Akala ko hindi ka marunong magmahal si Ronald Abayon.” Nakangiti niyang sagot.
“Bakit sino ang nagsabing hindi ako marunong magmahal?” tanong nitong nakakunot ang noo.
“Ang kwento kasi sa akin ni Leo babaero ka raw at walang pinalalagpas na babae.” Nakangiti niyang sagot.
“That was before.” Sagot nitong napapailing. “Akala kasi ni kuya wala akong sineseryoso, ang hindi niya alam masarap akong magmahal.” Sagot nitong sinabayan ng malutong na halakhak. Hindi niya maintindihan kung bakit pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. “Yan kasi si Kuya torpe yan, kahit na gusto niya ang isang babae hahayaan niya lang samantalang ako kapag gusto ko ang isang babae, agad kong pinapakita na gusto ko siya. Ayokong mag-aksaya ng panahon. Gusto ko kasing malaman kong kaya ko bang magmahal.” Dagdag pa nito.
“Nagmahal ka na nga ba?” tanong niya dito kaya napatingin ito sa kanya. Tinitigan siya nito bago nagsalita.
“Hindi ko alam pero oras na maramdaman ko yun lahat ibibigay ko basta’t mahal niya rin ako.” Matalinhaga nitong sagot habang nakatitig sa kanya. Kung hindi pa dumating ang order nilang goto baka kung saan na nakarating ang kwentuhan nila.
MADALING araw na silang nakauwi ng bahay dahil napasarap ang naging usapan nila at hanggang sa pagbaba ng sasakyan panay pa rin ang tawanan nila. Nauna siyang pumasok ng gate dahil siya ang may dala ng susi nang tawagin siya nito. Napalingon siya dito. Nagulat pa siya ng makitang may dala itong isang bungkos na bulaklak. Iba iyon sa binigay nito kay Cathy.
“Para sa akin?” paninigurado niya pa sabay turo sa sarili.
“Kanina ko pa gustong ibigay ito sayo nahihiya lang ako.” Sagot nitong napapakamot sa ulo. Inabot nito sa kamay niya ang bulaklak. Nagtaka lang siya kung bakit hindi niya nakita ang naturang bulaklak sa sasakyan.
“Para saan naman ito?” usisa niya pagkatapos niyang magpasalamat.
“Naisip ko lang kasi na hindi na ito nagagawa sayo ni Kuya, kaya kita binigyan ng bulaklak. I hope you like it.” Sagot nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maiyak.
“Isa ito sa mga namiss ko sa kapatid mo. Wala kasing araw na hindi niya ako binibigyan ng bulaklak.” Sagot niyang pinupunasan ang mga luha. Nabigla pa siya ng bigla siya nitong niyakap.
“Kung kaya ko lang pawiin ang sakit na nararamdaman mo gagawin ko.” Bulong nito sa kanya.
Magkasabay silang pumasok sa silid niya para magpahinga. Nang gabi niyang makakasama ito sa iisang kama.
“Gusto mo sa sahig nalang ako?” tanong nito sa kanya ng maramdaman nitong alumpihit siyang umupo ng kama. Nakaupo na kasi ito sa kama habang nagtatanggal ng sapatos.
“Hindi na, kailangan na nating masanay sa ganitong set-up. Diba sabi mo nga hindi mo naman ako gagahasain?” natatawa niyang turan dito kaya napahalakhak ito ng malakas.