CHAPTER TWO

2448 Words
HINDI siya nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa naging sagutan nila ni Ronald. Sa tuwing binabalikan niya ang mga masasakit na sinasabi nito tungkol sa pagkatao niya ay hindi niya mapigilang masaktan kung tutuusin hindi naman dapat siyang magpaapekto pero hindi niya makontrol ang sariling magalit at hanggang sa nagising siya binabalik-balikan pa rin siya ng mga sinasabi nito. “Good morning!” nakangiting bati sa kanya ni Ronald na labis niyang ipinagtataka. “Ang sarap pala matulog sa kama mo, ang lambot.” Pang-aasar nito sa kanya porke’t alam nito na sa maliit na sofa lang siya natulog. “Mabuti naman at nakatulog ka sa kama ko. Alam mo bang simula ng mamatay ang kuya mo ay hindi ko pa nalalabhan ang kobre kama namin? Gusto ko kasi naaamoy ko pa rin ang katawan niya sa kwarto ko.” Pagsisinungaling niya dito. Napansin niyang natigilan ito at tila nagising ang diwa. “You mean after five years?” nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya. “Wala naman sigurong masama diba? Asawa ko siya.” nakataas ang kilay na tanong niya habang inaayos ang hapag kainan. “My God Grace, ang tagal ng wala si Kuya! Are you out of your mind?” sigaw nito sa kanya. “Pag-aari ko ang kamang yon, kaya ako ang may karapatan kung ano ang dapat kung gawin at isa pa asawa ko si Leo at kapatid mo siya! What’s wrong with that?” nanlalaki ang mata niyang tanong nito. Kahit hindi nito sabihin nakita niya sa mga  mata nito ang takot. NAPANGITI siya ng tawagin nito si yaya at nakiusap na palitan ang bedsheet sa kwarto niya. Gusto niyang ngumiti sa naging reaksiyon nito pero nagpigil siya. Tahimik itong kumain sa hapag. Maging ang galitin siya ay hindi nito ginawa kaya lihim siyang napangiti. Hindi na siya nag-abalang ihatid sa school si Lara dahil nag-volunteer si Ronald na ito ang maghatid. “Hindi ka pa ba sasabay sa amin?” tanong sa kanya nito dahil nakatingin lang siya sa mga ito. Bihis na rin siya papunta sa ka-meeting. “Magtataxi nalang ako.” Sagot niya dahil ang kotse niya ang gagamitin nito. “Delikado ngayon ang magtaxi ng mag-isa.” Turan pa nito bago siya hinila at agad na pinasakay sa kotse.  Nagulat pa siya dahil ito mismo ang naglagay ng sealtbelt niya. Napatingin siya sa mukha nito habang nilalagay ang sealtbelt niya. Bahagya silang nagkakatitigan kaya bumilis ang pagtibok ng puso niya. “Uy! Si mommy nagblushed.” Puna sa kanya ng anak kaya lalong pinamulahan ang mukha niya. “Oo nga baby, kinikilig si Mommy.” Dagdag pa ni Ronald sa anak niya kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Tahimik siya hanggang sa maihatid nila si Lara. “Bakit wala kang kibo?” usisa sa kanya ni Ronald ng maihatid na nila si Lara. Silang dalawa lang sa loob ng kotse kaya inaasahan niya ang away sa pagitan nilang dalawa. “Don’t be innocent Ronald. Pwede ba don’t be flirt kapag kaharap natin si Lara!” bulalas niya sa lalaki. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. “Flirt? Nilagay ko lang ang sealtbelt mo flirt na agad? Wow ha!” alma nito kaya parang napahiya siya. “Kahit na, flirt pa rin sa kin yon! Lalo na’t alam kung kulang nalang itaboy mo ako sa pandidiri. Hindi mo naman kailangan pigilan ang sarili mo. Kung ayaw mo sa akin, so be it. Ayaw ko rin sayo!” ismid niya. “Nagtataka lang ako ha, ano kaya ang nagustuhan sayo ni Kuya? Ang daldal mo, sobra! Nilagyan ka lang ng sealtbelt flirt na agad?” naiinis nitong sagot. Kulang nalang hampasin niya ito sa inis. Kung hindi lang malayo ang pupuntahan niyang client bababa nalang siya ng sasakyan maiwasan lang ito. “Bakit hindi mo tinanong ang kapatid mo?” mataray niyang sagot. “By the way, sino pala ang kameeting mo?” usisa nito. “It’s none of your business!”panunupla niya. “Hihintayin kita.” Turan pa nito na ikinagulat niya. “No need. Matatagalan ako. This client wants to franchise kaya matatagalan ako. Kailangan ko pang idisscuss ang lahat ng proposal na kailangan niya.” Paliwanag niya dito na kanina lang ay tumanggi siyang malaman nito kung sino ang kausap niya.. “Kapag sinabi kong hihntayin kita hihintayin kita.” Matigas ang boses na sagot nito kaya hinayaan niya nalang. Nagulat pa siya ng bigla itong bumaba ng sasakyan ng huminta sila sa isang Chinese restaurant. “Anong ginagawa mo?” pigil niya dito. “Gusto kitang samahan. Baka nakakalimutan mo, pamilya kami ng mga business man?” turan pa nito. “Pero engineer ka right? Ang pagtayo ng gusali ang kaya mong intindihin, hindi ito.” Pahiya niya sa sinabi nito. “Kahit na.” nakabusangot nitong sagot.  “Hindi ko kailangan ng tulong mo Ronald. Kung gusto mo talaga akong hintayin doon ka lang sa loob ng sasakyan.” Turan niya pa sabay turo sa sasakyan. “Ok fine pagbibigyan kita but after thirty minutes at wala ka pa papasok ako sa loob.” Turan pa nito kaya ikinumpas niya nalang ang kamay para tumigil na ito. Hindi niya malaman kung ano ang drama nito at biglang naging concern ito sa mga ginagawa niya. Si Mike Escueta, a businessman. Ito ang gustong mag franchise sa kanyang coffe shop. Nameet niya na ito before at alam niyang may gusto ito sa kanya dahil sa mga sulyap at titig nito sa kanya. Minsan na itong nagtapat sa kanya ng pag-ibig pero hinayaan niya lang. “I have a proposal Mrs Abayon and I hope na pag-isipan mo.” Panimula nito ma ikinagulat niya. Siya itong magbibigay sana ng proposal tapos bigla-bigla may proposal din pala ito. Hindi naman ito katandaan. Sa tingin niya nasa mid thirties na ito and still bachelor. Matangkad ito at may itsura ring ipagmamalaki. “What is it Mike?” tanong niyang nakangiti. “Be my wife.” Sagot nito na ikinagulat niya, kung hindi lang siya nakahawak sa kanyang upuan  tiyak na bumagsak siya sa kinauupuan niya. “Kapag pinakasalan mo ako tinitiyak ko sayong hindi ka na mag-iisa pa. Mamahalin ko ang anak mo at ituturing kong tunay na anak. Gusto kita Grace at hindi kaila sayo yon.” Dagdag pa nito. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi nito, nanatiling nakaawang ang bibig niya dahil sa mga sinasabi nito. “Kaya kong buhayin ang anak ko at alam mo naman siguro na may perang iniwan sa akin si Leo at tinitiyak ko sayo na kahit hindi ako magtrabaho ay mabubuhay kami ng maayos.” Sagot niya sa mahinahong salita. Kung pwede lang talaga magwalk-out gagawin niya talaga. “Wag mo sanang masamain ang proposal ko sayo. Tulad ng sanabi ko kanina pag-isipan mo ang alok ko sayo.” Nakangiti nitong pahayag sa kanya. “Sa tingin ko hindi ko na kailangan pang pag-isipan dahil wala na akong balak mag-asawa pa.” sagot niya dito. Naisip niya bigla si Ronald na naghihintay sa labas ng restaurant tiyak niyang bagot na bagot na ito sa paghihintay sa kanya lalo pa at lumampas na sa thirty minutes ang palugit na binigay nito sa kanya. Hiling niya lang sana na wag siya nitong sundan. Tiyak na hindi nito magugustuhan ang sinasabi ni Mike. “Tinitiyak ko sayong magbabago ang pananaw mong yan.” Pangungulit pa nito kaya hindi nalang siya sumagot. Mabait naman ito sa kanya at wala naman itong pinakitang pambabastos simula ng makilala niya ito.  “Tingnan natin.” Tanging sagot niya. Sinimsim niya ang orange juice bago siya nagsimula ng proposal dito. Agad itong pumirma sa proposal niya ng nilahad niya ang proposal. Ayon pa dito handa itong mag-invest kung sakaling man na balak niyang palakihan ang ilang coffe shop niya.  Hindi na siya tumanggi ng sabihin nito na ihahatid siya. Nasa kalagitnaan sila ng daan nang maalala niya si Ronald, naghihintay pala ito sa labas ng restaurant at nakalimutan niya.  Napangiti siya sa nakikitang galit sa mukha nito kapag nadiskubre nitong wala na siya sa loob ng restaurant. Nagtagal pa si Mike sa bahay niya. Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng makarinig sila ng malakas na pagsara ng gate. Bumundol ang kaba sa dibdib niya samantalang napatingin naman sa kanya si Mike. “Pinagmumukha mo ba akong tanga?” bungad agad sa kanya ni Ronald. Maging si Mike ay nagulat sa inasal nito. Napansin niya ang pamumula ng mukha nito sa tindi ng galit. “Nakalimutan kong naghihintay ka pala.” Sagot niyang nanatili sa pagkakaupo. “By the way si Mike nga pala, ah Mike siya si Ronald kapatid ng asawa ko.” Pakilala niya sa dalawa pero bigla nalang ito umalis sa harapan nila. Naiwan siyang napahiya sa bisita. “Bakit dito nakatira ang kapatid ng asawa mo?” usisa ni Mike na napapailing. “Mahabang kwento pero Mike pasensiya kana sa inasal niya, ako na ang humihingi ng paumanhin.” Nahihiya niyang turan. Kahit alam niyang magagalit ito sa pang-iiwan niya dito hindi niya naman inaasahan na babastusin siya nito sa harapan ni Mike. “Wala yon, pano mauna na ako.” Nakangiti nitong sagot. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hinalikan sa pisngi. Hinatid niya ng tanaw si Mike, nagulat pa siya ng biglang may humila sa siko niya. Nabuwal siya sa dibdib ng lalaking may hawak sa siko niya. “Ano ba itong ginagawa mo? Akala ko ba business ang pinag-uusapan niyo? Bakit parang may relasyon kayo?” usig nito sa kanya. “Ano ba ang problema mo? Diba matagal mo na akong pinagbibintangan? So what kung pinapatunayan ko ngayon?” sagot niyang hindi matagalan ang mga titig nito. Nagpupumilit siyang kumawala pero likas itong malakas sa kanya. “Hangga’t nandito ako sa bahay niyo hindi ko hahayaan na niloloko mo si Kuya! Kung gusto mong manlalaki wag sa bahay ng kapatid ko. Dalhin mo sa impyerno yang lalaki mo!” sagot nitong nanggigil sa galit. “Pamamahay ko itong tinirhan mo at karapatan ko kung sinong tao ang dadalhin ko dito!” galit niyang sagot dito. “Akala ko nagkamali ako sa iniisip ko pero sa nakikita ko ngayon pinapatunayan mo lang kung anong klase kang babae.” Galit nitong turan sa kanya. “Kung hindi ka nahihiya, mahiya ka naman sa anak mo. Ano nalang ang sasabihin niya kapag nakita niya ang nanay niya na hinahalikan ng ibang lalaki.” Pauyam nitong turan. “Hindi malisyosa ang anak ko! Hindi tulad ng isip mo, napakarumi! Wala ka pang ginagawa daig ko pa ang bibitayin na kaya pwede ba bitiwan mo na ako!” sabay tulak niya ditto sa pag-aakalang mabibitawan siya nito. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong tinulak. Napasalampak siya sa upuan dahil sa ginawa nito, maging ito ay nabigla sa aksyong ginawa. Agad siya nitong tinulungan makatayo pero hindi siya pumayag. Malakas niya itong tinulak palayo sa kanya kahit na bahagyang sumakit ang likod niya. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito! Si Leo na asawa ko hindi niya man ako nasaktan ng ganito pero ikaw na hindi naman kita kaano ano nagawa mo ito!” mangiyak-ngiyak niyang turan. “I want to protect you.” Mahina ang boses na sagot nito dahil sa pagkabigla. “Protect? Hindi mo kailangan gawin yon dahil alam natin pareho na si Lara lang ang sinadya mo sa bahay na ito. Wag kang umakto na parang asawa!” “Ginagawa ko ito para kay kuya. Nasa bahay mo ako at bilang lalaki responsibilidad kita.” Sagot nito sa kanya. “Matanda na ako at hindi kita kailangan!” sagot niya bago niya ito iniwan. Padabog niyang sinara ang dahon ng pintuan sa tindi ng galit na nararamdaman para dito. HINDI siya lumabas ng silid habang hindi pa nakakauwi si Lara, ayaw niyang makita si Ronald baka hindi na naman maging maganda ang paghaharap nila, daig pa kasi nila ang aso at pusa kapag nagkikita at ayaw niyang mangyari yun. Kung kinakailangan na umiwas siya dito gagawin niya. Nakauwi na si Lara pero hindi niya pa rin nakikita si Ronald kaya hindi na siya nakatiis at nagtanong siya kay yaya Luz, nagplaplantsa ito ng mga damit ni Lara ng makita niya. “Ya, si Ronald?” tanong niya dito. Mahigit singkwenta na ito, yaya pa ito ni Leo noon kaya ng magkaroon ng asawa si Leo ay sinama ito ng asawa niya sa magiging bahay nila, para na daw kasi itong ina ni Leo at maging siya ay tinuring nitong anak. Nagkaroon siya muli ng ina sa katauhan nito lalo pa at bata pa siya ay ulila na. Mamuhay siyang mag-isa hanggang sa nakilala niya si Leo. Ito ang tumupad sa pamilya na matagal niyang pinangarap pero agad din namang binawi sa kanya. “Kanina ko pa nga rin hinahanap. Ang paalam niya sa akin may pupuntahan lang siya pero maghahapunan na wala pa rin.” Sagot nito sa kanya. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala para sa lalaki. “Pasensiya kana ya kung narinig mo ang naging sagutan namin kanina, hindi ko lang talaga napigilan.” Hingi niya ng paumanhin ditto. “Alam ko naman yon pero anak sana bigyan mo ng pagkakataon si Ronald. Tulad ni Leo mabait din si Ronald, siya kasi ang tipo ng tao na walang tiwala sa kapwa.” Sagot nito na ikinagulat niya. Napatingin siya sa matanda nakakunot ang noo. “Hindi tunay na anak si Ronald ng mga Abayon at tanging si Leo lang ang tumanggap sa kanya. Nang mamatay si Leo hindi niya matanggap lalo pa at si Leo lang ang tumanggap sa kanya sa pamilya at sa tingin ko kaya siguro hindi ka niya matanggap noon dahil alam niyang kapag nag-asawa si Leo ay maiiwan siya sa bahay nila. Iiwan siya ni Leo ng dahil sayo.” Kwento nito sa kanya na ikinagulat niya. “Hindi ko po alam ang tungkol dito, wala naman sinabi si Leo tungkol kay Ronald.” Sagot niyang hindi makapaniwala sa nalaman. “All the time ang alam ko tunay silang makapatid lalo pa at hindi ko naman nakikitang iba ang trato ni Mama kay Ronald.” Dagdag niya pa. “Dahil mahal niya si Ronald, gusto niyang iparamdam kay Ronald na kakampi siya nito pero hindi sa lahat ng oras magkasama sila dahil dumating ka sa buhay ni Leo.” Sagot pa nito. Nakaramdam siya ng awa sa lalaki, kahit papano naiintindihan niya na ito. Kung bakit ganun nalang ang galit nito sa kanya simula ng maging asawa niya si Leo. Iyon ay dahil nawalan ito ng kakampi.                                                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD