CHAPTER ONE

3094 Words
At the age of twenty five nabiyuda na agad si Grace Abayon. Nadipressed siya sa maagang pagkawala ng asawa. Nangarap silang magsasama habangbuhay pero agad itong kinuha sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin. Ayaw niya ng mabuhay pa pero may anak sila ng asawa niyang si Leo. Lara, her daughter needs her. Isang taon palang ito simula ng mawala ang asawa, lingid sa kaalaman niyang may sakit pala ito puso. Atake sa puso ang ikinamatay nito. Si Lara nalang ang tanging alaala nito sa kanya at hindi niya hahayaan na maranasan nitong mabuhay ng mag-isa. Kailangan niyang maging matatag para kay Lara. ISANG taon ng wala si Leo, pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ito nakakalimutan lalo na kapag tinititigan niya ang anak na si Lara, halos carbon copy ito ng ama nito. Hindi niya mapigilang hindi maiyak kapag naaalala ang pinagdaanan nila ni Leo. She's a very simple woman, with an innocent personality, iyon daw ang nagustuhan sa kanya ng asawa. Ayon pa sa asawa niya siya daw ang pinakamagandang babae na nakita nito.  Dalawang taon din silang magnobyo bago nila binalak na magpakasal. Mayayaman ang angkan ng asawa niya at tinanggap siya ng pamilya nito ng buong puso, kahit na mahirap lang ang pinagmulan niya, maliban sa nag-iisang kapatid nitong si Ronald. Ronald treated her like others. Isa daw siyang golddigger na gustong makaapak sa langit. Isang babaing mataas ang pangarap at tanging pera lang ni Leo ang habol niya. Kahit nasaktan siya sa mga sinabi nito hinayaan niya nalang itong mag- isip ng kung anu-ano. Mahal siya ni Leo at yon lang ang panghahawakan niya. Hindi niya kailangan ang permeso nito para sa pagmamahalan nila ni Leo.   “HAPPY birthday my princess" bati niya sa anak. Ikalimang kaarawan na nito. Naghanda siya ng isang children party sa isang restaurant para sa anak. Gusto niyang maging masaya ito kaya naman pinagkaabalahan niyang ayusin ang naturang party nito. "Mommy, darating ba ngayon si Daddy?" Tanong nito sa kanya. Simula ng magkaisip ito wala na itong bukang bibig kundi ang hanapin ang ama nito. Hanggang ngayon wala pa rin siyang lakas ng loob para sabihin na wala na ama nito. Ayaw niya itong masaktan kaya sinabi niya nalang na nasa ibang bansa ang ama nito at nagtratrabaho. Alam niyang mali ang paasahin ito pero wala siyang magawa. Tulad ng nararamdaman niya, ayaw niya rin na maging miserable ang buhay ng anak niya. "Nasa malayo si Daddy dahil nasa work siya. Bakit hindi pa ba ako sapat sayo?" Malungkot ang boses na sagot niya. Hindi siya nahirapang palakihin ito kahit mag-isa lang siya. Bibo ito at matalinong bata. Alam niyang darating ang araw na malalaman nito ang totoo. "You're enough Mommy but I love Daddy too." Sagot pa nito kaya natahimik nalang siya. Ayaw niyang mabigo ito sa araw ng kaarawan nito. ********** "Happy birthday apo!" Bati ng Mama ni Leo sa anak niya. Niyakap nito ng mahigpit ang anak niya. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi. Matagal ng patay ang asawa nito kaya ng mamatay si Leo labis itong nasaktan. "Kailan pa kayo dumating Ma?" Tanong niya. Nanatili kasi ito sa ibang bansa dahil sa pagkawala ni Leo. Tulad niya nahirapan din ang mga ito sa biglaang pagkawala ng asawa niya. Dinamdam nila iyon dahil napakabata pa ni Leo para mamatay. Thirty palang ito ng mawala sa buhay niya. "Dapat noon pa ako umuwi Grace. Sarili ko ang inisip ko. Nakalimutan namin na may anak na naiwan si Leo at asawa. I’m so sorry Grace. " sagot ng Mama ni Leo sa kanya. Ginagap nito ang kamay niya samantalang nakakalong dito si Lara. "Si Daddy po Lola kailan siya uuwi?" Singit ni Lara. Nagkatinginan silang dalawa si tinuran nito. "Busy si Papa, Lara. "Maagap niyang sagot. “Bakit wala siya ngayon?” umiiyak nitong  tanong kaya kinuha niya ito sa abuela para patahanin. Kung ano-anong pagsisinungaling niya ang ginawa para lang matahimik ito. "Hindi pa ba alam ni Lara na wala na ang ama niya? Usisa sa kanya ng ina ni Leo ng mag-umpisa ang party. Nasa isang sulok sila at nag-uusap. "Ayoko ko siyang masaktan Ma, sa tamang panahon sasabihin ko rin sa kanya ang lahat." Sagot niya. "Naiintindihan ko. Ako man ay ayaw kong masaktan ang bata. Habang lumalaki si Lara ay nagiging kamukha niya ang ama niya. Ikaw kumusta kana?” tanong nito sa kanya. “Mahirap kalimutan si Leo, pero kailangan kong magpakatatag para kay Lara. Sa kanya ko nalang muna binubuhos ang oras ko.” Malungkot niyang sagot habang pinagmamasdan ang anak. “Bata ka pa Grace, you can find another man. You deserve to be happy. Matagal na rin wala si Leo, hindi kami magagalit kung sakali man na magmahal ka muli.” Turan pa nito bago ginagap ang kamay niya. “Salamat Ma pero hanggang ngayon si Leo pa rin ang mahal- Natigilan siya sa pagsasalita ng makita si Ronald sa harapan nila, buhat-buhat nito si Lara habang bitbit nito ang regalo na bigay ng lalaki. Kahit matagal silang hindi nagkikita natatandaan niya pa rin ang mukha nito. Ang mukha nitong palaging nakakunot. “Mommy, nandito na si Daddy.” Turan ng anak niya. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng anak. Maging ang Mama ng asawa niya ay hindi rin nakapagsalita. Itatama niya sana ang sinabi ng anak ng biglang magsalita ang biyenan niya. “Mahal ka ni Daddy kaya nandito siya ngayon sa party mo.” Nakangiting sagot nito. Nagkatinginan sila ni Ronald, maging ito ay hindi makapaniwala sa sinabi ng ina nito at hindi siya bulag para hindi malaman ang pagkadisgusto nito sa sinabi ng ina. “Mahal mo ba talaga ako Daddy?” tanong pa ni Lara kay Ronald. Todo ang ngiti nito kay Ronald sa pag-aakalang ito ang ama niya. “Ha? Eh oo mahal kita, anak.” Napipilitan niyong sagot. Pinugpog ito ng halik ni Lara sa mukha. Bigla siyang naramdaman ng awa sa anak. Hindi man lang nito naramdaman ang mahalin ng ama nito. ************** Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa sinabing solusyon ng biyenan niya.  Sinama sila ni Lara sa bahay ng mga ito sa Makati pagkatapos ng party. Malaki ang bahay ng mga ito, hindi tulad sa bahay na pinagawa nila ni Leo. Siya kasi ang nasunod na ayaw niya ng malaking bahay kaya bungalow type lang ang pinagawa nila. “Ayokong lokohin ang pamangkin ko, Ma.” Alma agad ni Ronald ng sabihin ng ina nito na magpanggap itong ama ni Lara. “Hindi porket bata lang si Lara ay pwede na natin siyang lokohin.” Dagdag pa nito. “Hindi natin lolokohin ang bata, gusto ko lang na maramdaman niyang may ama siya. Gusto ko siyang maging masaya Ronald at ikaw lang ang tanging solusyon.” Sagot ng ina nito sa mahinahong tinig. “At the expense of others?” nagugulantang nitong tanong. “Tama si Ronald, Ma.” Tanging nasagot niya. “Hahayaan niyo bang maging malungkot ang bata? At isa pa Ronald, alam na ni Lara na ikaw ang ama niya, please iho gawin mo ito para sa kapatid mo. Wag mong ipagdamot kay Lara ang pagmamahal ng isang ama.” Pakiusap ng ina nito kaya hindi na nakaimik pa si Ronald kahit pa masama ang loob nito sa nangyari. Tulad ng palaging sinasabi ng asawa niya noong nabubuhay pa ito ay napakabait daw na kapatid ni Ronald na talaga namang hindi niya pinaniniwalaan. Kahit saang anggulo niya kasi tingnan si Ronald hindi niya ito makitaan ng kabaitan.  Tulad ni Leo matangkad din si Ronald, may kaputian ito at higit sa lahat gwapo ito. Napag-alaman niyang isa itong engineer at kasalukuyang may tinatayong building. Isa pa sa ayaw niya sa lalaki ay ang pagiging babaero nito. Masyado itong babaero, kahit sino gustong patulan. Kwento pa nga ng asawa niya noon, araw-araw daw itong may babae pero wala naming sineseryoso. “Kung labag sa loob mo ang pakiusap ng Mama mo, okay lang sa akin. Ako na ang bahala kay Lara.” Turan niya kay Ronald nang iwan sila ng ina nito. “Anong gagawin mong solusyon? Maghahanap ka ng lalaki para lang may maipakilalang ama sa pamangkin ko?” usig nito sa kanya na ikinainis niya. “Kung kinakailangan!” galit ang boses na sagot niya dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Tatalikuran niya sana ito pero hinila nito ang kamay niya para bumalik sa upuan. “Magpapakaama ako kay Lara pero hindi para maging asawa mo!” matatalim ang matang turan nito sa kanya. “Hindi ko sinabing maging asawa ka sa akin dahil hindi ikaw ang lalaking pinangarap ko!” sagot niya bago niya ito padabog na iniwan. Hingal na hingal siya ng makapasok siya sa silid na pinagamit sa kanya ng biyenan. Tiyak niyang hindi magiging madali ang buhay niya kapag si Ronald ang palagi niyang makakasama, kung pwede lang na sabihin niya sa anak na hindi ito ang  ama nito, gagawin niya wag lang makasama ang lalaki pero ayaw niyang masaktan ang anak, tatanggapin niya ang lahat alang-alang dito. ************** KAHIT ang huminga hindi niya magawa dahil pakiramdam niya ang sikip-sikip ng dibdib niya, si Ronald kasi ang nagmamaneho ng sasakyan niya pauwi ng bahay nila samantalang nasa likuran naman si Lara at tulog na tulog. Walang namagitang kahit anong pag-uusap sa kanila pero alam niyang masamang-masama ang loob nito. “Bakit may dala kang bag?” hindi makatiis na tanong niya dahil nakita niyang may malaking bag ito na nilagay sa compartment. “Sinusunod ko lang ang gusto ni Mama na sa bahay niyo tumira.” Sagot nito sa kanya. “Kung ayaw mo pwede kong kausapin si Mama, ako na ang magpapaliwanag kay Lara.” Turan niya pa. “Stop! Nandito na ito so please tigilan mo na ako!” madiin ang boses na sagot nito kaya tumahimik nalang siya. Nakarating sila ng bahay ng walang imikan. “Komportable ba si Lara sa bahay niyo?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Pagkatapos nitong pagmasdan ang bahay niya. Naunang pumasok si Lara sa loob kaya naiwan sila sa maliit na bakuran niya. “Hindi namin kailangan ng malaking bahay para lang maging komportable, masaya kami kahit maliit lang ang bahay namin.” Pambabara niya dito.  “I think hindi mo gusto ito.” Pasaring nito. “Ako ang nagplano sa bahay namin, hindi ang kapatid mo!  Kung sakali man na mansion ang bahay na pinagawa namin wala kang pakialam. Hindi mo pera ang ginamit namin.” Inis niyang sagot. Pakiramdam niya susunod na siya sa asawa dahil sa konsumisyon. “Pero pera ng kapatid ko right?” “Ano ba talaga ang gusto mong palabasin? Na pera lang ang habol ko sa kapatid mo?” galit niyang tanong nito. “Hindi sa akin nanggaling yan!” sagot nito sa kanya bago siya iniwan. Tumuloy ito sa bahay niya samantalang naiwan siyang galit na galit dito. Unang araw niya palang itong makakasama sa bahay pakiramdam niya, aatakihin siya sa puso sa galit. Nadatnan niya itong karga ang anak niya sa sala, kung pagmamasdan mo ang dalawa iisipin mong totoong mag-ama ang mga ito dahil may ilang pagkakaahawig si Lara sa lalaki. Pinamulahan siya ng mukha ng biglang nagtaas ng ulo si Ronald, nakita siya nitong matamang nakatitig dito. Inabala niya nalang ang sarili sa pagluluto ng kakainin nila sa hapunan. Wala siyang ganang makisali sa mga ito lalo pa at maliit ang pasensiya niya sa kagaspangan ng ugali ni Ronald. “Gutom na raw si Lara.” Untag sa kanya si Ronald. Hindi namalayan ang paglapit nito sa kanya. “Sige, hintayin niyo nalang ako sa mesa.” Sagot niyang hindi tumitingin sa lalaki. “Hindi ka ba sanay na may ibang lalaki sa bahay mo? Kanina pa kasi kitang napapansin na hindi mapakali.” Tanong nito sa kanya. “Correction, bahay ko ito kaya bakit hindi ako mapakali? Umiiwas, oo dahil ayokong magsagutan tayo sa harapan ni Lara.” Mahina ang boses na sagot niya. “Okay, kung ganun padala naman ng gamit ko sa kwarto mo.” Utos nito sa kanya. Aalma pa sana siya pero nakaalis na ito. NANLAKI ang mga mgat mata niya ng malaman niyang sa silid niya ito matutulog. “Sa kwarto ko ikaw matutulog?” nanlalaki ang mata niyang sagot. “Saan pa ba? Alangan naman sa kwarto ni Lara? Alam mo naman na kasama ni Lara si Yaya Luz sa kwarto niya di ba?” turan pa nito. Maliit lang ang kama ko at isa pa hindi tayo kasya.” Malakas ang boses na sagot niya. “Kahit na. Baka nakakalimutan mong para ito kay Lara kung kaya ako nandito?”nakangisi pa nitong turan sa kanya. Naiwan siyang tigalgal sa kusina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung ganito nga na may distansiya pa ang pag-uusap nila nag-aaway na sila ngayon pa kayang magkadikit sila sa kama niya? Gusto niyang mabaliw. “Anong klaseng nilalang itong kapatid mo Leo? Malayong-malayo kayo sa isat-isa.” Hindi niya mapigilang pakikipag-usap sa sarili. Kahit pagod na pagod na siya hindi niya naman magawang tumutol ng yayain siya ng anak na manood muna ng palabas. Family bonding daw nila kasama si Ronald. Ito ang nasa gitna nila ng lalaki habang nanonood. “Daddy, hindi mo ba na miss si Mommy kasi ako alam kong miss ka ni Mommy dahil palagi ko siyang nakikitang umiiyak.” Turan ng anak niya na ikinagulat niya. Napatingin siya kay Ronald na hindi makasagot sa tanong ni Lara. “O-o naman. Kapag nga nasa malayo ako ang mama mo lang ang palaging laman ng isip ko.” Nauutal nitong sagot kay Lara. “Bakit hindi ko nakikita na miss niyo talaga nag isat-isa?” tanong pa nito. Kapwa pa sila nagulat ng biglang umalis ito sa upuan at pinagdikit silang dalawa. “Yakapin mo Daddy si Mommy.” Utos pa nito kay Ronald kaya walang nagawa ito kundi ang sundin si Lara. Napakislot siya ng maramdaman ang mga bisig ni Ronald sa katawan niya. Muli niya rin naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya kaya kinabahan siya. Hanggang sa matapos ang palabas ay nakaakbay sa kanya si Ronald, dinaig pa nila ang tunay na mag-asawa. Sinamahan niya muna ang anak sa silid nito bago siya lumipat sa sariling silid. Nadatnan niyang nakahiga na si Ronald habang nagbabasa. Muling bumangon ang kaba sa dibdib niya. Simula ng mamatay ang asawa niya hindi na siya nasanay na may katabing lalaki sa iisang kama. Kung pwede lang talagang tumabi nalang siya kay Lara gagawin niya pero ayaw niyang magtaka pa ang bata. Alumpihit siyang pumasok sa sariling silid. “Huwag kang mahiya wala akong balak na gapangin ka.” Inis nitong sabi kanya na ikinainis niya. “Hindi ko naman kailangan mahiya dahil pamamahay ko ito.” Sagot niyang nakataas ang kilay. “Bakit ayaw mo pang pumasok?” tanong nito sa kanya dahil nanatili siya sa labas ng pintuan. “Hindi lang ako sanay na may katabing lalaki.” Rason niya. “Simula ngayon kailangan mo ng masanay.” Wala sa loob na sagot nito. Tama ito kailangan niya na talagang masanay sa presensiya nito. Sa presensiya nitong nagpapakulo sa dugo niya. Tahimik siyang tumabi sa tabi nito, nilagyan niya ng unan ang pagitan sa kanilang dalawa bago siya tuluyang humiga. Nanatili pa rin itong nagbabasa habang siya ay makikiramdam. “Matagal na ring wala si Kuya, bakit hindi mo pa iuwi ang lalaki mo?” pauyam nitong turan sa kanya kaya napaupo siya sa kama at napatingin dito. “Hindi mo ba talaga ako titigilan?” bulaw niya dito. Matutulog na sana siya pero muling bumangon na naman ang dugo niya sa sinabi nito. “Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko. Bata ka pa, alam kong kailangan mo ng lalaki sa buhay mo.” Turan pa nito. “Kung kailangan ko man ng lalaki wala ka ng pakialam dun. Pwede ba tigilan mo na ako! Pakiusap lang!” sagot niya pa sa naiiritang boses. “Kung magkakaroon ka ng lalaki kailangan kong makasigurado na mamahalin niya si Lara at isa pa hindi ako papayag na mapunta sa ibang lalaki ang pera na para kay Lara. Hindi ako pumayag na maging ama ni Lara kung wala akong dahilan at iyon ay ang pangalagaan ang pera ng pamangkin ko.” Sagot nito kaya na natigilan siya. “Hindi ka pa rin nagbabago. Pera pa rin ang palagi mong nakikita. Simula nang maging asawa ako ng kuya mo hindi mo pa rin ako matanggap. Kung diyan ka masaya bahala ka, wala akong kailangan patunayan sayo at ito ang tandaan mo, mahal ko si Lara. Hindi ko hahayaan na mahirapan siya.” Bulyaw niya sa mukha nito. “Hindi ko pa rin nakakalimutan kong saan ka nakilala ni Kuya. Hindi ba tauhan ka lang sa coffee shop niya? Niligawan ka lang pinatulan mo agad, sabagay malaking isda si Kuya sa tulad mo!” pang-iinsulto pa nito sa kanya kaya hindi niya napigilan ang sarili. Bigla niya itong sinampal sa galit bago siya lumabas sa silid niya.     Napabuntong-hininga siya ng makalabas ng silid. Galit pa rin ang nasa dibdib niya dahil sa sinabi ni Ronald sa kanya. Mahal niya si Leo, iyon ang totoo at hindi dahil sa pera nito. Nang inalok nga siya nitong magkapasal siya pa ang pumilit na pumirma siya ng pre-nup agreement pero hindi  ito pumayag. Sapat na sa asawa niyang mahal niya ito. Masaya ang naging pagsasama nila ni Leo. Si Leo ang happy ending niya pero ang happy ending na iyon ay agad na nawala dahil kinuha na agad ang asawa niya sa kanya.  Nang mawala ito laking gulat niya na sa kanya iniwan ang mga ari-arian nito kasama ang ilang brach nilang coffee shop kaya hindi niya pinabayaan ang negosyo nila, kung dati apat lang ang coffe shop nila ngayon ay anim na. Doon niya kasi itinuon ang buong atensiyon niya para makalimutan ang asawa kahit panandalian lang. Muli siyang napaiyak sa pagbabalik ng nakaraan. “Ang daya-daya mo Leo. Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Pati ang anak mo namamalimos ng pagmamahal sa kapatid mong walang kwenta.” Pagkakausap niya sa sarili. Simula ng mamatay ito, nasanay na siyang kinakausap ito kahit na matagal na itong wala. Naniniwala kasi siyang nasa paligid lang ito at nakabantay sa kanya. “Sana naman kausapin mo yang kapatid mo, wala naman akong ginagawang masama para magalit at mainis siya sa akin ng ganito.” Inis niyang pagkakausap sa namayapang asawa.                                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD