CHAPTER THREE: BUDOL-BUDOL GANG

1913 Words
TONYROSE JAYME NAKAPANGALUMBABA siya habang hinihintay ang lalaking nasa counter na matapos sa pag-order ng napili nilang inumin. Pagal na inilibot niya ang paningin sa lugar saka isinandig ang likod sa upuan. She lets out a loud and tired breath before harshly slamming her head on the table causing some of the customers look at her direction. "Baliw na ata." Kahit na pabulong ay rinig niyang wika ng isa. "Nurse pa naman ata, sayang," sagot naman ng isa pa. Nag-angat siya ng ulo at bumaling sa mga babaeng nasa kabilang mesa kung saan nagmumula ang usapan. Binigyan niya ang mga ito ng bored na tingin na agad namang tumikom ang mga bibig at nagsi-iwas ng tingin. "Here it is," masayang sambit ni Leo habang inilalapag sa harap niya ang isang chocolate milkshake. "Thanks, Leo," she said with a little smile before sipping into her drink. "Are you okay? Yung kanina hindi ko-" Hindi niya na pinatapos pa ang sasabihin ng binata. Alam niya na kasi kung anong tinutukoy nito. "I'm fine. Okay lang ako, Leo. Salamat sa concern at iyong kanina... kalimutan na lang na'tin. Let's just pretend it didn't happen," diretsang wika niya bago muling lumagok sa iniinom na milkshake. Nakita niyang dumaan ang sakit sa mga mata nito na agad din namang nawala nang ngumiti ito. "Of course, maaasahan mong hindi ko gagawing big deal iyon," he replied not letting go of his smile. "Salamat," sambit niya na itinuon ang pansin sa iniinom. "Siya nga pala, baka gusto mo puntahan si Miracle mamaya, pwede kitang samahan," Leo offered, but she just shakes her head. Hindi niya pa kaya ngayon na makita ang paslit sa isang puting himlayan o baka kahit nga ilang araw pa ang lumipas ay hindi niya pa rin kakayanin. Masyado pang masakit at sariwa sa kanya ang sugat ng pagkawala nito. "I understand and I think you should call it a day. Ako nang bahala, ipagpapaalam kita at sasabihing masama ang pakiramdam mo," malumanay na dagdag pa ng binata bago hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Muling nagtama ang kanilang paningin at muli na naman siyang napakislot dahil nakita na naman niya ang mukha ng lalaking iyon. Mabilis na binawi niya ang kamay saka tumayo. "Maraming salamat, Leo. Mauuna na ko," wika niya bago tuluyang tumayo at dire-diretsong lumabas ng café habang si Leo ay naiwan sa loob na tulala at naguguluhan sa mga ikinikilos ni Tony. "MANONG, para po," malakas na sambit niya kasabay ng paghinto ng jeep na sinasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Agad na bumaba si Tony at naglakad patungo sa tapat ng kanilang pinto. Makailang ulit siyang kumatok bago iyon buksan ng bunso niyang kapatid na si Trevor. "Ate!" Agad na yumakap ito sa kanya. "Nasaan 'yung iba?" tanong niya bago pilit na padapain ang tayong-tayo nitong buhok kaya naman nakatanggap siya ng malakas na pag-angal mula sa kapatid. "Ate naman," wika nito bago ayusin ang nagulong buhok at sagutin ang tanong niya. "Wala si papa, umalis, maghahanap daw siya ng trabaho. Si mama ay ganoon din. Kami lang ang naiwan dito nila kuya Theo at ate Tiana." "Ganoon ba? Kumain na ba kayo?" tanong niya sa kapatid na sunod-sunod namang tumango. "Mabuti naman. Sige na maglaro ka na ulit diyan." Tony went straight to her room. There are three small rooms in their house, her room, her parents room and her siblings room. Their house is big enough to accommodate a family of six and small enough to accept other guests. Pabagsak siyang humiga sa maliit na kama saka itinakip ang magkabilang braso sa mga mata. Wala naman siyang ginawa o natapos na trabaho sa araw na iyon ngunit pakiramdam niya'y pagod na pagod at hinang hina siya. Pinikit niya ang mga mata, ilang saglit pa ay nilamon na siya ng antok at dinala siya sa isang panaginip kung saan mukha na naman ng aroganteng lalaki ang sumalubong sa kanya. ONE WEEK LATER.... TONYROSE JAYME "HERE," napaangat ang tingin niya sa lalaking nag-aabot sa kanya ng panyo. Nakaupo siya sa damuhan habang pinagmamasdan ang puntod ni Miracle. Ilang araw siyang malungkot at balisa dahil sa pagkawala nito na maging ang mismong libing nito kahapon ay hindi niya nagawang puntahan. "Thanks, Leo," she said nearly a whisper because of the lump on her throat forming again. Masakit at mainit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil ng hikbing nais na namang kumawala sa kanyang labi. "Tony, I know how hurt you are. I know how much you care and love Miracle like your own sibling, but it's time to let her go. Sa tingin mo ba, masaya siyang nakikita ngayon ang kondisyon mo? Isang linggo ka nang iyak nang iyak at hindi makausap nang maayos. Tito calls me everyday saying you're not eating and the only rest you can get is that of sleeping while crying your eyes out," litanya ni Leo ngunit wala ni isa sa mga sinabi nito ang pumasok o tumatak man lang sa kanyang isip. Humugot siya ng malalim na hininga saka pinahid ang butil ng luhang umalpas sa kanyang mga mata bago tuluyang tumayo. Humarap siya kay Leo at walang buhay itong tiningnan saka inabot dito ang panyong ibinigay nito sa kanya kanina. He doesn't really know how hurt she is, sinasabi lang nito iyon para gumaan abg pakiramdam niya ngunit sa kasamaang palad ay hindi naman iyon nakatulong. She moved closer to him to tap his shoulders as a sign of thanks, but Leo—assuming that she will hug him—extends his arms wide in front of her. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ginawa nito kaya't mabilis siyang umatras palayo. "Salamat sa pagsama mo sa'kin dito ngayon at sa pag-aalala. Halika na, baka ma-late pa tayo. Maraming pasyente ang nag-aantay na maalagaan na'tin," sambit niya bago tuluyang talikuran ang binata at maglakad. Tony shakes her head. Yes, she has a huge crush on Leo, but right now, it doesn't feel right and she hates that he's taking advantage of her dramas just to get through her. She feels like he's not genuinely feeling and comfroting her, and that there's an agenda beneath it. NARATING nila ang hospital na pinagtatrabahuan nang halos kalahating oras lang dahil na rin gamit nila ang kotse ni Leo. Minsan kasi ay nagko-commute rin ang binata gaya niya upang makatipid sa gas lalo na kung petsa de peligro na. Naghiwalay sila ng landas ng binata nang magpaiwan siya upang makipagkwentuhan muna kay Gia. Okay na rin iyon dahil si Gia ang isa sa mga taong totoong nakaiintindi ng pinagdadaanan niya ngayon. Tony was busy scanning the log book when a huge shadow somehow dim her source of light. Sa pag-aakalang isa iyon sa mga empleyado ng hospital ay mabilis niyang kinuha sa ilalim ang log book upang makapirma na ito at makapasok. "Pumirma na lang po kayo rito at rito," paliwanag niyang hindi tinitignan ang taong nasa harap saka itinapat dito ang log book at ipinatong doon ang ballpen. "Good morning, I am Archer Drakos Lopez and I am looking for a caregiver named Tonyrose Jayme, is she around?" the man in a black suit said with so much formality and respect in his voice while looking at her. She blinked multiple times to confirm that she's not dreaming because the man in front of her looks like a god damn Greek God straight from Mount Olympus. Naiwan siya sa post ni Gia dahil may bibilhin lang daw ito saglit sa katapat na convenience store at dahil hindi pa naman oras ng trabaho niya ay nagpresinta siyang magbabantay doon hanggang sa lumapit itong lalaking ubod ng gwapo sa kanya. "I... I am... her. I mean, I am Tonyrose Jayme, sir," kandautal-utal na sagot niya sa binata dahil na-starstruck siya sa taglay nitong kagwapuhan. "Let's go. I need you to come with me," diretsang sambit nito bago tumalikod. Nagsalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan lang itong lumapit sa magarang sasakyang dala nito. Papasok na sana ito sa kotse nang mapansin siguro nitong hindi pa siya sumusunod kaya't lumingon ito sa kanya at sumenyas. "Do I have to repeat myself, Miss Jayme?" tanong nitong magkasalubong na rin ang kilay gaya niya. She shakes her head, but didn't walk towards him. Hindi siya sasama rito hangga't hindi niya alam kung ano ba ang pakay nito sa kanya. Naku, mahirap na, marami pa namang mga taong magpagsamantala sa panahon ngayon at baka isa itong si Mr. Archer sa budol-budol gang. "What part of my sentence you didn't understand? I am more than willing to explain it to you," tanong muli nito na binibigyan siya ng kakaibang tingin. Tingin na para bang siya na ang pinakatangang tao sa buong mundo ngunit may halong pagkaaliw. 'Teka, bakit ganto makatingin ang isang 'to? Iniisip niya bang bobo ako at wala akong naintindihan sa sinabi niya?' inis na sambit niya sa isip bago lumapit sa binata. "Sir, naintindihan ko po ang sinabi niyo. Ang hindi ko lang po maintindihan ay kung bakit ko kailangang sumama sa inyo?" she said emphasizing the words, "sir" and "naiintindihan." His lips curved up into a half smile before taking off his glasses and then, looked at her with evident amusement in his eyes. "Good to know, so let's go?" he replied before turning his back again on her and opening the car's backseat door. Tinignan niya lang ito at hinintay na pumasok ngunit hindi iyon nangyari dahil bumaling na naman ito sa direksyon niya. 'Ano bang problema niya? Hindi nga ako sasama hangga't hindi ko alam kung bakit ako dapat sumama. Hindi niya naman sinasagot ang tanong ko kaya hindi rin ako gagalaw dito sa pwesto ko. Magpatigasan tayo,' litanya niya sa isip habang nakatingin lang din sa lalaking nasa tapat pa rin ng nakabukas na pinto. "Miss Jayme, please." Ipinilig nito ang ulo saka napipilitang inilahad ang isang kamay sa harap niya. "I will explain it in the car," dagdag pa nito na bakas naman sa boses ang kaseryosohan kaya't inabot niya na rin ang kamay sa binata. "Hindi ba ka naman siguro member ng budol-budol gang, ano?" seryosong tanong niya rito na pinandilatan pa ito ng mga mata ngunit sinuklian lang siya nito ng malakas na pagtawa. "Bakit ka tumatawa riyan? Seryoso ako," sambit niya saka nahihintakutang binawi ang kamay at lumayo sa binata. "Siguro budol-budol ka talaga 'no?" Doon lamang ito tumigil sa pagtawa at muling sumeryoso ang mukha. "No, I am not part of any group or syndicate. And, do I look like one? Look at me, does a face like this have something to do with dirty business? Here, here's my business card and if you have doubts, you can search me up on Google later. But for now, I need you to go inside," he said before handing her a black card and pointing inside the car. Tony looked down at the business card on her hand, the name "Archer Drakos" was delicately imprinted using a gold ink. Napatango-tango siya, mukha namang legit ang binata at kung parte man ito ng isang sindikato ay tiyak na wala naman itong mapapala sa kanya. Okay, she's convinced, sasama na siya. "Sakay na," sambit nito saka siya hinawakan sa likod at marahang itulak. "Oo na, ito na nga kailangang manulak?" reklamo niya bago tuluyang sumakay sa loob ng sasakyan. Mabilis na isinara nito ang pinto saka sumakay sa driver's seat. Wala na itong sinayang na panahon at pinatakbo na agad ang kotse patungo kung saan. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD