CONTINUATION...
TONYROSE JAYME
"Saan ba tayo pupunta, aber?" tanong niya rito kalaunan nang sa palagay niya ay malayo na ang daang natahak nila mula sa hospital. Wala siyang dalang kahit na anong gamit, siguro'y kahit singkong duling ay wala sa kanyang bulsa. Isa pa, hindi siya nakapagpaalam nang maayos at iniwan niya lang basta ang post ni Gia.
'Hay, ano bang ginagawa mo, Tony?' kunsumidong tanong niya sa sarili saka isinampal ang palad sa kanyang noo. Tiyak na hahanapin siya ni Gia at ng iba pa, may tsansa ring matanggal siya dahil sa ginawa niyang ito. Ilang beses na siyang umaalis ng walang paalam o pasabi man lang. Kapag nawalan siya ng trabaho, tiyak na mas lalo silang mahihirapan. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi iyon sumagi sa isip ni Tony, may kung anong nag-uudyok sa kanyang sumama sa binata. Bakit ba kasi hindi niya naisip ang mga bagay na ito bago siya magdesisyong sumama sa gwapong estranghero na 'to?
"We're going to my grandmother's house in Cavite," he answered before giving her a brief look using the rearview mirror.
"Bakit? Ano bang kinalaman ko rito?" naguguluhang tanong pa rin niya sa binatang nakatuon na ang mga mata sa kalsada. Ipapakilala sa lola? Wait, is she being kidnapped and will be forced to get married?! Oh no! Hindi pwede, ayaw niya pang ikasal dahil marami pa siyang pangarap para sa sarili at sa pamilya niya. Isa pa, baka naman hindi siya tratuhin ng tama ng ipapakasal sa kanya. Napatitig siya sa binata nang matagal kaya't hindi naglaon ay nilingon siya nitong muli upang tapunan ng mabilis na tingin.
"What are you looking at?" he asked while she exaggeratedly gasped.
"Bakit ayaw mo kong sagutin? Siguro tama 'yung hinala ko, ano?!" malakas na wika niya.
"What? I don't know what you're talking about," may inis sa tinig na sambit nito.
"Please, 'wag mong sabihing kaya ako nasa kotse mo sa mga oras na ito ay dahil kinidnap mo ko at ipapakasal sa kung sino," eksaheradang litanya niya na ikinasalubong nga makakapal nitong kilay.
"The hell are you saying? Of course, not. You're over reacting these things. Isa pa, I didn't kidnap you, you're the one who willingly gets into my car," tugon nito. Pinakawalan niya ang malalim na hiningang kanina niya pa pinipigil.
'Hay nako, Tony, kaka-Dreame at Yugto mo 'yan,' sambit ng kanyang isip sa nakukunsuming tinig.
"E, bakit ba kasi ako nandito?" pangungulit niya.
"You'll be taking care of my grandmother from now on. Hindi naman kita kakarayin kung hindi ikaw ang ni-request niyang mag-alaga sa kanya," paliwanag nito na mas lalong ikinalalim ng gitla sa kanyang noo at nagpagulo ng kanina niya pang magulo at kalat na isip.
"Teka, teka, teka nga muna. Ni-request? Nino? Bakit ako? Sino ba 'yang lola mo?" tanong niyang muli. Wala siyang pakialam kung makulitan na ito sa kanya dahil sa katatanong niya. Sabi naman nito kanina ay ipapaliwanag nito sa kanya ang lahat sa kotse, at ngayong nasa kotse na sila siguro naman ay sasagutin na nito ang lahat ng katanungan niya.
"Marcela Lopez is my grandmother. Does that ring a bell?" he said full of confidence, but she just gave him a more confused look.
'Marcela Lopez? Marcela Lopez? Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? May kilala ba kong Marcela Lopez?!' Seryoso niyang iniisip kung sino ang babaeng tinutukoy nito. Hinalukay niya na ata ang isip niya pero hindi niya pa rin maalala kung sino si Marcela Lopez. The name sounds familiar yet she can't even remember who she is exactly.
"Wala akong kilalang Marcel-AH!" Kasabay ng pagsigaw niya ang malakas ding pagkauntog ng noo niya sa unahang upuan ng sasakyan.
"Hoy! Bakit ka ba bigla-biglang pumepreno?" asik niya sa binata habang nakahawak ang isang kamay sa nasaktang noo at ang isa ay ipinanghampas niya sa uluhang bahagi ng upuan nito.
"E bigla-biglang kang sumigaw, e," katwiran nito saka siya nilingon. Sinimangutan niya lang ito habang himas-himas pa rin ang noo. Tiyak na namumula iyon dahil sa lakas ng pagkakatama.
"Why the heck are you shouting in the first place?"
"Naalala ko na kasi kung sino 'yung lola na tinutukoy mo kaya ako napasigaw," sagot niya saka umayos ng upo at ikinabit ang seatbelt sa bewang. Mahirap na baka bigla na naman nitong maisipang magpreno at tumama na naman ang ulo niya sa matigas na upuan. Ang sakit kaya!
"Bakit kailangan mong sumigaw?" he asked before returning his gaze to the road.
"Ganoon talaga ako kapag may naaalala! Huwag ka ngang pakialamero riyan. Magmaneho ka na para makarating na agad tayo sa bahay ni Lola Cela at malagyan ko na 'tong noo ko ng yelo. Ang sakit kaya," she said before fishing out her cell from her jean's pocket. Binuksan niya ang front camera niyon at tinignan kung nagbukol ang noo niya. Luckily, hindi naman siya nagkabukol ngunit tila nagiging isang malaking pasa iyon, namumula na may kulay ube sa gilid.
"Don't ever shout again kung ayaw mo nang mauntog ulit," sambit ng binata bago muling paandarin ang kotse. A few minutes later, they are back again on the road.
"Oo na, oo na," napipilitang sagot niya saka itinuon na lamang ang atensyon sa hawak na cellphone. Medyo mahaba pa ang magiging biyahe kaya't aaliwin niya na lang muna ang sarili gamit ang cellphone. She was busy scrolling on her f*******:'s newsfeed when Leo's message pop out. Agad niyang tinap ang chat head nito at binasa ang mensaheng ipinadala ng binata.
Leo: Tony, where are you? Totoo ba?
Tony: Ang alin?
Leo: Umalis ka raw kanina kasama ng apo ni Mrs. Marcela Lopez?
Tony: Ah, oo. Gusto raw ni Lola Cela na ako ang mag-alaga sa kanya. Hindi ko naman matanggihan dahil napakalaki ng naitulong niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ko siya aalagaan pero sumama na rin ako kasi ang kulit nitong apo niya.
Leo: Sige, mag-iingat ka riyan.
Tony: Salamat.
Leo: Please do update me.
Tony: Sure, Leo. Sa Cavite nga ang punta na'min ngayon, hindi ko alam na roon na pala namamalagi si Lola Cela.
Leo: Take care always 'cause I care. *heart emoji*
Leo knows about Marcela Lopez because he's her friend. Matagal na silang magkaibigan ni Leo at ultimate crush niya pa ito kaya't halos kalahati ng buhay niya ay alam ng binara. Nitong mga nakaraang araw lang sila hindi masyadong nagkakasama at nitong umaga lang ulit sila nagkasama nang matagal dahil sa pagsama nito sa kanya sa puntod ni Miracle. Which is, hindi niya masyadong nagustuhan at nakapagpa-turn off sa kanya ng bahagya.
"Well, how did you met gradma?" tanong ni Archer sa kanya. Napakurap-kurap siya bago mag-angat ng tingin mula sa screen ng cellphoneng hawak. Ibinalik niya iyon sa bulsa saka bumaling sa binata.
"Outreach program. I'm one of the volunteers from our school and Lola Cela was also there, she's the sponsor. Hangang-hanga ako sa kanya noon, hindi ko alam na hanga rin siya sa'kin at kinuha pa akong isa sa mga scholars niya," kwento niyang may himig pasasalamat.
"And even at her age, she's still beautiful. Sabagay, mukhang nasa lahi niyo naman ang pagiging magaganda at gwapo," komento at puri niya pa na talaga namang totoo at makikita sa pisikal na aspeto ng mga ito. Napatango-tango ito bago sumilay ang magandang ngiti nito sa labi.
"Grandma's really a great woman," bulong nito ngunit narinig niya pa rin iyon dahil ilang pulgada lang naman ang layo nito sa kanya. Napangiti rin siya, yes, Lola Cela is indeed a great woman. Kung hindi dahil sa babae ay tiyak na masyado siyang nahirapan noong kolehiyo. She's working three jobs a day for her college degree before Lola Cela made her one of her scholars.
Marcela Lopez or Lola Cela as she calls her is one of her sponsors way back in college. She helped her pay her tuition and other school expenses and sometimes, she even gives her extra allowance for the whole month. Malaki ang utang na loob niya sa babae kaya't nahihiya siya dahil nakalimutan niya kung sino ito kanina. Kung wala siguro ang babae ay hindi siya makaka-graduate at makakakuha ng degree, wala siya kung wala ito. Lola Cela is the most kind-hearted woman she ever met. Nakilala niya ito sa isang reach out program kung saan isa siya sa mga volunteer at isa ito sa mga sponsor. Ayon dito, una pa lang ay magaan na ang loob nito sa kanya. Kokonti lang daw kasi ang apo nitong babae at nasa kung saang-saang panig pa ng mundo upang magtrabaho o manirahan kaya't hindi nito madalas na nakakasama. Itinuring siya nitong tunay na apo kaya't para tuloy nagu-guilty siya dahil hindi niya ito natandaan kanina at hindi pa niya ito nadalaw sa nakalipas na mga taon simula nang makapagtapos siya. Hihingi talaga siya ng tawad at magpapasalamat dito kapag narating na nila ang bahay nito.
TO BE CONTINUED...