CHAPTER TWO: MIRACLE

1317 Words
CHAPTER TWO TONYROSE JAYME "Oy, anong nangyari sa'yo? Bakit isang damukal 'yang mukha mo?" tanong Gia, isa sa mga security guards ng hospital at isa rin sa mga naging kaibigan niya sa trabaho. "Ang sama ng araw ko, sobrang sama," gigil na sambit niya bago padaskol na pumirma sa log book at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng health facility. Mabilis na pumunta siya sa locker room at nagbihis ng kanyang care giver's uniform. Napakabastos ng lalaking 'yun at napakawalang modo pa. Siya na nga itong muntik nang mabangga, siya pa itong dapat umako ng kasalanan? Hindi siya si Bobbie, ano! Muntik na kaya siyang mamatay kung hindi lang ito huminto sa tamang oras. Akala ba nito na madadala siya nito sa bango, linis at kagwapuhan? SYEMPRE - este HINDI! NEVER! Aba, akala ba nito ay matatakot siya dahil mas malaki ito ng 'di hamak sa kanya at napakarami nitong tattoo? Pwes, nagkakamali ito. Hindi siya kahit kailan papayag na mabastos. Nagbuga nang malalim na hininga si Tony upang ilabas lahat ng inis at galit para sa estranghero. She needs to calm herself, she can't face her favourite patient like that. Pupuntahan niya na lang si Miracle at ang iba pang mga bata baka sakaling gumaan pa ang loob niya. "Magandang umaga, Miracle!" masiglang bati niya kasabay nang pagbukas niya ng pinto sa kwartong inuukupa nito. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay walang bumati pabalik sa kanya. Walang masiglang tinig na sumalubong sa kanya. Mabilis na nailibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Wala na ang batang nakaratay sa puting kama na sinasalubong siya ng matamis na ngiti araw-araw. Wala na ring laman ang naturang kwarto, ang mga laruan ng batang babae at ang mga gamit nito. Nilukob ng sakit ang matinding takot ang kanyang dibdib dahil sa ideyang pumasok sa kanyang isip. Hindi pwede, hindi maari.  'Ang sabi ng mga doctor ay maganda ang response niya sa chemotherapy. Anong nangyari?' nasasaktan at naguguluhang tanong niya sa sarili habang nakatayo pa rin sa harap ng kwarto. Hindi siya makakilos, hindi niya maigalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. It feels like her feet are glued on the floor together with her whole body, frozen and cold. Napukaw lang ang kanyang atensyon nang marinig ang boses ng isang nurse na napadaan sa kwarto. "Tony, sinong hanap mo?" tanong nito nang makita siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. Mabagal at mabigat ang pagkilos na humarap siya sa babae habang malungkot ang mga mata.  "Si... si Miracle ho?" kinakabahang tanong niya rito na agad lumungkot ang ekspresyon sa mukha at nasasaktang tumingin sa kanya. Alam niya na, ngunit gusto niya pa ring marinig mula rito kung anong nangyari kay Miracle kahit na buong lahat ata ng bahagi ng pagkatao niya ay hindi iyon kayang tanggapin. "I'm sorry, Tony, pero kaninang umaga lang siya binawian ng buhay," malungkot na pahayag nito ngunit nasabi nito iyon nang ganoon lang kadali. Binigyan siya nito ng isang mahinang tapik sa balikat at isang tipid na ngiti bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis. Nangatal at namanhid ang buo niyang katawan habang tila unti-unting gumuguho ang buong mundo niya dahil sa sinabi nito. Nanginginig din ang buong katawan niya dahil sa halo-halong emosyong lumulukob sa kanyang dibdib, sakit, gulat, hinagpis at pangungulila. Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang babae ay mag-uunahang kumawala ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Malakas na isinara niya ang pinto at mabilis na tumakbo sa hallway nang walang tiyak na direksyong patutunguhan. She doesn't care about the looks people are giving her when they see her. Tony's eyes were blurry causing her to bump into someone. "Hey, Tony? Ayos ka lang?" Boses iyon ni Leo, isa sa mga kapwa niya caregiver at itinuturing niyang kaibigan. Walang sabi-sabing niyakap niya ito nang mahigpit at umiyak sa mga bisig nito. He gently caressed her back to calm her down and hush her from crying. She just cried there, in the middle of the hospital hallway, in Leo's arms. Wala siyang pake kung may makakita sa kanila o mag-isip ng kung ano basta nasasaktan siya. Ayaw tanggapin ng kanyang puso't isip ang nangyari kay Miracle. "Ano bang nangyari sa'yo?" tanong nito nang medyo kumalma na siya. Tiningala niya ang mukha ng lalaki habang mahigpit pa ring nakayakap dito. "Si....si Miracle....si Miracle....wala na siya...." nahihirapang sabi niya habang patuloy ang paghikbi. Bumaba ang kamay ni Leo sa kanyang kamay, he intertwined their hands before pulling her somewhere. Pumasok sila sa caregiver's locker room at iginiya siya nito paupo bago ito tumabi sa kanya. "Alam mo Tony, ganoon talaga ang buhay. Hindi natin matatakasan ang kamatayan, kung panahon na natin, panahon na natin. Nakakalungkot mang isipin na nawala si Miracle nang ganoon kabilis at sa ganoong edad, at least sa paraisong pupuntahan niyta, hindi na niya kailangan pang lumaban at masaktan para mabuhay," mahaba at makabuluhang litanya nito bago ginagap ang dalawang kamay niyang nakapatong sa kanyang mga binti. Nag-angat siya ng tingin sa mukha ng binata, puno ng lungkot at simpatya itong nakatingin sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanyang mga kamay. "Huwag ka nang umiyak, alam kong okay lang doon si Miracle. Tahan na," dagdag pa nito bago iangat ang isang kamay sa kanyang mukha at pahirin ang kanyang mga luha. Nagtama ang paningin nila ng binata at matagal na nagkatitigan hanggang sa ilang saglit pa ay unti-unti nang lumapit ang mukha nito sa kanya. At sa hindi niya malamang dahilan ay mukha ng lalaking muntik nang makasagasa sa kanya kanina ang biglang nag-flash sa kanyang isip. Mabilis na napakislot siya dahil sa gulat at agad na nagbawi ng tingin. Bahagya niya ring inilayo ang mukha niya sa palad nito, kasabay ng pagbawi niya ng isang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. 'Mali 'to,' sambit ng isang parte ng kanyang isip. Hindi niya alam kung anong mali, gusto niya si Leo at alam niyang may gusto rin sa kanya ang binata pero nang makita niya ang mukha ng aroganteng 'yun na bigla na lang pumasok sa isip niya, tila nagbago ang lahat. "Salamat, Leo at pasensya ka na sa abala," she said quickly without making any eye contact and before she immediately stand and stormed out of the room. Humahangos na lumabas ng hospital si Tony habang ang isang kamay ay nakapatong sa dibdib dahil mabilis na kumakabog sa loob noon ang kanyang puso. Imbis na kumalma siya dahil sa pag-comfort ni Leo ay lalo lang siyang napaiyak dahil sa halo-halong emosyong umuusbong sa kanyang dibdib. Gulong-gulo siya, bakit biglang sumulpot ang lalaking iyon sa kanyang isip habang kaharap niya si Leo? May igaganda pa ba ang araw na 'to? Huminga siya nang malalim. Siguro dahil lang iyon sa stress niya ngayong araw. Una, sa bahay, dahil nawalan ng trabaho ang kanyang itay ay siya na muna ang inaasahan ng mga ito at kanyang mga kapatid. Pangalawa, muntik na siyang mabangga noong arogante at ubod ng bastos na lalaki. At panghuli, ay ang pagkawala ni Miracle na isa sa mga batang inaalagaan niya at pinakamalapit sa kanya. Siguro kailangan niya nang umuwi para magpahinga. Tama, pahinga lang ang kailangan niya. Magha-half day na lang siya ngayon at sasabihing hindi maganda ang pakiramdam niya ngunit aagahan niya ang pasok bukas. Papasok na siya ng hospital nang makasalubong niya ang papalabas na si Leo. Huminto ito sa tapat niya kaya't sinubukan niyang lagpasan na lang ito upang hindi na maging awkward pa ngunit humarang ulit ang binata at tila sila mga batang nagpapatintero. "Leo, 'yung totoo?" sumusukong tanong niya rito habang nakatingala. Pinagtitinginan na kasi sila ng ibang tao at ayaw niyang makita sila ng ibang doctors na patambay-tambay lang dahil nakakahiya iyon sa parte nila. "Kape tayo?" pag-aya nito habang malawak na nakangiti sa kanya. Tatanggi sana siya at akmang iiwasan ito ngunit hinawakan na ng lalaki ang kamay niya at walang pakundangang hinatak siya sa pinakamalapit na café sa lugar.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD