CHAPTER ONE
CRAIG LINCOLN ZAMORA
"YOU'RE late," bored na wika ni Zac habang hawak ang relo nito at nakatingin sa kanya.
"It's just one minute," he replied before throwing his bag inside the studio.
"A rule is a rule, Craig. Now, pay up and set it up," sambit nito habang naghihintay na nakatingin sa kanya at nakalahad ang isang garapon sa harap niya. Naiinis na dinukot niya ang wallet sa back pocket ng pantalon at kumuha roon ng dalawang libo saka padaskol at hindi bukal sa loob na inilagay iyon sa garapon.
"Why the long face, Craig?" nang-aasar na tanong ni Hexelian habang may hawak na blue Gatorade sa magkabilang kamay.
"f**k off," he replied smiling kaya naman inabot nito sa kanya ang isa sa mga energy drink.
"Set it up now, Craig. We can't wait any longer. I have a date tonight," singit ni Zac bilang pagpapaalala sa kanya ng parusa ng pagiging late niya bago agawin ang hawak niyang Gatorade saka dire-diretsong bumaba. Tinignan niya si Hexelian ngunit nagkibit-balikat lang ito sa kanya.
"I'm not helping, ciao," sabi nito bago nagmamadaling sumunod pababa kay Zac.
"f**k you," sigaw niya na sinuklian lang nito ng pagtawa. Tuluyan siyang pumasok sa kwarto at sinet-up ang mga instrumentong gagamitin nila sa practice. Inilagay niya sa tono ang mga gitara para sa kanya at kay Zac, inayos niya ang drum set para kay Elixir, ang piano para kay Alixiel at ang mikropono para kay Hexelian. Ilang minuto lang ay natapos na siya at tinawag na ang mga kabanda upang magsimula. Mabilis namang nagsiakyat ang mga ito at nagsipasok ng music studio.
"Nice, maaasahan ka talaga Lincoln," pang-aalaska ni Alixiel na tinawag pa siya sa second name niyang napakabaho. Matalim na tinignan niya ang lalaki ngunit tinawanan lang siya nito gaya ng lagi nitong ginagawa. Ang iba ay takot sa kanya gaya ng mga tauhan niya sa kumpanya o ibang taong nakakasalamuha niya ngunit hindi ang mga pinsan at kaibigan niya. He's a big man with a lot- as in a LOT- of tattoos and here in the Philippines if you have those you're already considered as bad person without really knowing you. Tignan niya pa lang ang mga ito o maramdaman pa lang ng mga ito ang presensya niya ay agad na nai-intimidate ang mga ito o nanginginig sa takot. Tanging ang mga ito lang ang nakakatawa o nakakangiti kahit na titigan niya ng masama at 'yung babaeng berde ang buhok kanina na nagawa pa siyang murahin at sampalin.
'Damn,' mura niya sa isip dahil naramdaman niya ang unti-unting pagkabuhay ng natutulog niyang alaga sa loob ng pantalon niya. What the heck is happening to him? It's the first time he felt so much libido rushing to his veins and he can't handle it.
"Simula na tayo," anunsiyo ni Zac bago isinukbit ang gitara. Pumwesto na rin ang iba pa habang siya ay nanatiling nakatayo.
"Craig?" tawag ni Hexelian sa kanya ngunit okupado ni Green Hair-yes, he has a nickname for her already-ang kanyang isip.
"Craig? Tangina mo," rinig niyang wika ni Elixir ngunit hindi pa rin siya kumikibo o gumagalaw man lang sa kinatatayuan niya. Most of the time ay mumurahin niya rin pabalik ang pinsan pero iba ngayon dahil nanatili siyang tahimik at patuloy na nagpapantasya.
'I want to be inside her, always. I want to feel the deepest of her p***y and I will f**k her until she pass out. That's the right punishment. I will punish her by f*****g her hard. I will let her moan and beg for more.' His mind is filled with lustful thoughts with Green Hair and he like the idea of it.
"Craig." It was Hexelian giving him a hard smack on the back using the microphone.
"Tangina," wika niya saka gumanti ng suntok sa pinsan.
"Tangina mo kanina ka pa riyan tulala. In love ka bang hinayupak ka?" nakangising tanong ni Elixir ngunit ipinakita niya lang ang gitnang daliri rito.
Him? In love? Never. But why does his heart is beating so loud and fast with the thought of Green Hair?
'Maybe it's just lust.'
TONYROSE JAYME
MASAYANG naglalakad si Tony papunta sa hospital na pagdudutyhan niya ngayong araw. Excited na siyang makita ang mga pasyenteng inaalagaan niya lalo na si Miracle na isang cancer patient. Papatawid na sana siya nang makita niya ang isang matandang babae na nahihirapan sapagbubuhat ng mga dala nito.
"Nay, tulungan ko na po kayo riyan," she offered before carrying the excess bags.
"Saan po ba ito?" dagdag niya bago lingunin ang matanda.
"Diyan na lang, ineng. May susundo naman sa'kin," sagot nito kaya't dumiretso siya sa waiting shed at ipinatong ang mga bag na dala sa upuan.
"Grabe, nay. Napakabigat po ng dala niyo tapos kayo lang mag-isa," puna niya habang iniinat ang mga napagod na braso.
"Ganoon talaga kapag matanda ka na hindi ka na gusto ng mga anak mo," malungkot na tugon nito bago ngumiti sa kanya. "Malapit nang magpula 'yung ilaw, tumawid ka na sa kabila."
"Okay lang po ba kayo rito?" tanong niya bago dinukot ang natitirang pera sa bulsa at iniabot iyon sa matanda. Kikita naman siya mamaya sa iba pa niyang raket kaya may maiuuwi pa rin siya kahit papano.
"Nako, 'wag na," tanggi nito na isasauli pa sana sa kanya ang pera ngunit mabilis siyang tumawid sa kalsada at hindi napansin ang rumaragasang sasakyan na paparating. Malakas na napasigaw si Tony bago ipikit ang mga mata at hinihintay na bumangga sa kanya ang kotse ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala pa ring tumatama sa katawan niya. Idinilat niya ang mga mata para lang makita na iminaniobra na ng nagmamaneho ang sasakyan at iiwasan siya. Aba't! Muntik na niyang makita si San Pedro tapos aalis lang ito na parang walang nangyari. Hindi pwede 'yun. Malakas na hinampas niya ang hood ng kotse nito bago masamang tinignan ang nasa driver's seat kahit na hindi niya naman maaninag dahil tinted ang sasakyan.
"Hoy! Bumaba ka riyan hambog! Baba!" sigaw niya rito bago muling bigyan ng malakas na palo ang hood ng kotse nito.
'Mukhang wala talagang balak bumaba ang lokong 'to a,' inis na sambit niya sa isip bago muling sumigaw. Wala siyang pakialam kung may ilang motorista na ang naaabala niya. Whoever is in that car is not getting away with it.
"Hoy! Hindi mo ba ko naririnig?! Bumaba ka riyan! Muntik mo na kong masagasaan hambog ka!" malakas pa rin na sigaw ng dalaga bago ibaba ang suot na mask dahil baka hindi siya nito malinaw na naririnig dahil sa mask. Nakita niyang bumaba na ang nagmamaneho ng kotse. Nakapameywang na hinintay niya itong makalapit sa kanya at nang maramdaman niyang nasa tapat niya na ang lalaki ay agad siyang humarap dito at handa na sanang magbuga ng apoy.
"Hoy! Napaka-" naputol ang kung ano pa mang nais niyang sabihin nang magtama ang kanilang mga mata. Holy kamowte! Ang ganda ng mga mata nito at napakagwapo rin nitong tignan kahit na mahaba ang bigote at balbas nito na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. May mga tattoo rin ito sa katawan at nasasakop niyon ang dalawang naglalakihang braso ng lalaki, naamoy niya rin ang mabango at lalaking-lalaki nitong amoy. He's a mixed of mint, cigarette and men's perfume. Ngayon lang siya nakakita ng ganito ka-attractive na lalaki sa buong buhay niya. Pinagpapantasyahan niya pa sana ang lalaki nang biglang magsalita ang lalaki.
"I want to f**k you right now," he said with a straight face and a lustful eyes. Nagulat siya sa sinabi nito kaya't napasinghap siya at nanlalaki ang mga matang tinignan ito. Agad na umigkas ang kamay siya at tumama iyon sa pisngi ng binata dahilan para mapabaling ito sa kabilang direksyon.
"Hambog na nga napakabastos pa! Walang modo! Gago!" galit na sambit niya bago mabilis na tumalikod at nagmartsa palayo. Mabilis ang mga lakad niya papuntang hospital. Napakasama ng araw niya! Napakasama talaga.