Love Chance - 30

1251 Words
Agad namang binawi ni Xander ang mga paa at umatras. Bigla siyang kinilabutan sa tingin nang binata tila ba para itong mabangis na nilalang na hindi siya bubuhayin kapag nahuli siya nito. “He is in advantage bakit siya umatras?” tanong nang isang Binatang miyembro nang agency nila nang makita ang ginawa ni Xander. Hindi nila maintindihan kung bakit ito biglang umatras. Nakikita din nilang hindi rin basta-basta ang Binatang kalaban nito. “Baka nandito siya para mag training. Diba ang isang sikat na artista kailangan nang bodyguard dahil maraming mga death threats. Balita ko sikat siya hindi lang dito kundi sa ibang bansa din. Kaya siguro siya nagpapaturo nang martial arts kay Master.” Wika pa nang isa. Saka napatingin sa binata. Maging ang iba na naroon ay kapareho din ang tanong sa isip. Ilang sandalo lang Nakita nilang muling sumugod si Brendon. And to their surprise sinalubong nang sipa ni Eirick ang atake nang Binatang si Xander. Bumagsak sa ring si Xander sa isang sipa lang ni Eirick. Napaawang ang labi nila dahil sa labis na gulat. Maging ang bumulagtang si Xander ay nabigla din dahil sa biglang pagbaligtad nang sitwasyon. Upang ipakita na okay lang ito nag back flip pa si Xander upang tumayo. Pumalakpak pa ang mga naroon para ipakita ang paghanga kay Xander. Alam naman nilang talagang magaling itong martial artist. Ang alam nila, CEO si Xander nang Bryant Enterprise at ito din ang CEO nang security agency nila. Hindi nila maiwasang hindi humanga sa binata dahil sa dami nang ginawa nito ngayon naman ay tinutulungan pa nito ang isang artista na matuto nang self-defense. Muli nitong sinugod ang binata ngunit hindi pa man ito nakakalapit. Sunod-sunod na umikot sa ere ang binata, Sa bawat pag ikot nito tumatama ang paa nito sa mukha ni Xander. Walang ibang nagawa si Xander kundi ang umatras. Huminto ang palakpakan dahil sa ginawa ni Eirick sa bawat sipang binibitawan nito ramdam ang bigat nang bawat sipa. Hindi sila makapaniwala sa nakikita. Akala nila isang baguhan ang binata pero sa nakikita nila para itong hindi baguhan. He can actually keep up with their boss. Kahit pinakamagaling na martial artist sa kanila walang laban kay Xander. Pero ito, Talagang pinabibilib sila nang binata. Sa huling sipa nito. Lumipad sa ere ang malaking katawan ni Xander bago ito bumagsak sa labas nang ring walang malay at sargo nang dugo ang bibig. Agad na tumakbo ang isang dalaga papalapit sa Binatang bumulagtang walang malay. “He is okay. But I think kailangan natin siyang dalhin sa infirmary.” Wika nang dalaga. Nakita niya ang gulat na mukha nang mga nandoon lalo na ang nasa baba nang ring. Hindi nila inaasahan na mawawalan nang malay ang boss nila. This was the first time na Nakita nilang bumulagta ito and out cold. Napatingin naman si Eirick sa binata. Gosh. What did I do. He is going to kill me. Wika nang isip ni Eirick. “Are you okay?” Tanong ni Eirick kay Xander nang puntahan niya ito sa infirmary nang headquarters nila. Nang pumasok siya Nakita niya si Xander na nakaupo sa kama habang may hawak na icepack at inilalapat sa pasa nito sa labi. Habang nakatingin si Eirick sa binata saka niya napagtanto na napasobra yata ang sparing nila. “I meant to beat you; you know. I am pissed with what happen between you and my little sister.” Wika ni Xander saka tumingin sa binata. “You are not an ordinary Idol, are you?” “Mukha ko ang puhunan ko. Hindi naman ako papayag na basta-basta nalang mabugbog.” Wika nang binata. “Is that so.” Ani Xander. “So, what’s your plan with my sister?” tanong ni Xander. “Hindi naman ang tipo mo ang pananagutan ang nangyari sa inyo an besides you have your name to take care of.” “That didn’t cross my mind just yet.” Wika ni Eirick. “I was looking for her because I was huntd by dreams of her. I think we are somehow connected. I want to know what it is. I didn’t expect na magbubunga ang nang---” “Bullshit!” Agaw ni Xander sa iba pa ng sasabihin ni Eirick. “Hindi ka naman siguro Naïve para hindi mo malaman ang pwedeng maging resulta nang mga actions mo. I am not telling you this dahil gusto kong panagutan mo ang kapatid ko. We can take care of her and her child.” “Then why are you telling me this?” tanong ni Eirick. “Hindi mo kailangan guluhin ang kapatid ko. I would appreciate kung hindi kana pupunta sa Hospital. Kapag nagising si Ren at kapag Nakita ka niya She will just be reminder of her past pains.” Wika ni Xander saka tumayo. “I think it’s not for you to decide.” Wika ni Eirick. “What?” Hindi makapaniwalang wika ni Xander saka humarap sa binata. “I will decide kung anong gusto kong gawin. I think for myself.” Sagot ni Eirick. Ren Athea. Halika kumain na tayo. Aalis ngayon ang Senior at pamilya niya dahil magsisimba sila. Kailangan din nating sumama dahil dadalaw sila sa bahay nang Gobernador.” Wika ni Maria nang pumasok si Ren sa kusina. Inabutan niya ang mag kasambahay, si Aling Susima at Maria na kumakain nang agahan. Papalapit na sana siya sa hapag nang bigla siyang naduwal. Agad niyang tinakpan ang bibig niya dahil sa nangyari ang mga kasambahay naman na kumakain ay napatingin sa kanya dahil sa kanyang naging reaksyon. Napatingin naman si Maria sa pagkaing nasa hapag. Wala namang nabago sa kinakain nila. Ganito naman ang almusal nila araw-araw. Naalala din ni Maria nang nakaraang gabi kaka-unti lang din ang kinain ni Ren, at nagrereklamo itong tila hindi Maganda ang pakiramdam niya. “Bakit Ren Athea? Hindi mo ba nagustuhan ang almusal?” tanong ni Susima at tumingin sa dalaga. Napapansin niya na simula nang dumating ang dalaga kahit hindi nito sabihin nakikita nilang hindi ito sanay sa mga kinakain nila. Minsa ang mga alipin, Kamote at saging lang ang pagkain sa almusal. Napapansin niya konti lang ang kinakain nito at halatang hindi sanay sa ganoong pagkain. Ngayon naman kahit na may ulam sila tira nang mga amo nila noong nakaraang gabi, mukhang hindi rin nito gusto ang nasa hapag. Pasimpleng inilagay ni Ren ang kamay niya sa pagitan nang bibig at ilong niya. Hindi niya alam kung bakit pero ang kinakain nang mga kasama niya ay parehong pagkain naman kahit noong nakaraang araw hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya nagugustuhan ang amoy nang pagakain at parang bumabaliktad ang sikmura niya. Nang nakaraang gabi pa masama ang pakiramdam niya hindi niya akalaing sa harap pa nang mga kasambahay siya tila maduduwal baka isipin nang mga ito namimili siya nang kakainin. Nakikita naman niyang tila hindi komportable ang mga ito sa kanya. “Hind mo ba gusto ang pagkain? Kapag nalaman nang senior na namimili tayo nang makakain tiyak na magagalit iyon.” Wika nang isang babae kay Ren. I know that. Pero--- wika nang isip nang dalaga saka napatingin sa pagkaing nasa hapag nang tumingin siya dito tila biglang muling bumaliktad ang sikmura niya at aktong maduduwal. Dahil sa hiya agad siyang lumabas nang kusina. Maging ang amoy doon ay hindi rin niya magustuhan. “Maria. Sundan mo baka may dinaramdam siya.” Wika ni Susima sa anak niya. “Oho.” Wika nito saka tumayo sa kinauupuan saka naglakad papalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD