Love Chance - 29

1305 Words
“That’s good then.” Wika nito na tumingin sa binata. “Hindi ka naman siguro nagmamadali?” tanong pa nito sa binata. Napatingin naman si Eirick sa binata. Mukhang may binabalak ito. Tiyak na ipon ang lahat nang galit at sama nang loob nito at kapag hindi siya naging maingat baka mabalian siya nang boto. “N-No not really.” Sagot naman ni Eirick. Mukhang wala din naman itong balak na tumanggap nang pagtanggi mula sa kanya. At bukod doon libre naman ang schedule niya ngayon. “Xander anong binabalak mong gawin?” tanong ni Anica sa anak. “Don’t worry ma. Just a little sparing.” Wika nito at hinalikan sa noo ang ina niya saka bumaling kay Eirick. “Hindi ka naman siguro takot sa konting sparing.” Wika pa ni Xander sa binata. “Hindi.” Ani Eirick. “Good then let’s go.” Wika nito saka nagpatiunang lumabas. “I’ll ----” putol na wika ni Eirick nang magpapaalam sana siya kay Anica natigilan siya nang biglang hawakan ni Anica ang kamay niya. “Pagpasensyahan mo na sana Ang anak ko.” Wika nito. “Don’t worry. I understand.” Ngumiting wika nang binata. “Mauuna na ako, Ma’am.” Wika pa nang binata. “Ah.” Wika ni Anica saka binitiwan ang kamay ni Eirick saka naglakad sa bag niyang nasa sofa. Napatingin naman si Eirick dito habang tila may kinukuha ito. Nang tila makuha na nito ang hinahanap sa bag. Naglakad ito papalapit kay Eirick. “You can contact me through this.” Wika pa ni Anica. “Thank you.” Wika ni Eirick saka kinuha ang business card na inaabot ni Anica. Bahagya siyang natigilan nang mabasa ang nakalagay doon. Saka napatingin sa ginang. Hindi niya akalaing abogado pala ang ina nito. Ang alam niya. Sikat ang pailyang Bryant dahil sa mga business nang mga ito dito sa bansa at sa ibang bansa din. “Tawagan mo ako kung gusto mong dalawin si Ren. Pasensya kana sa nangyari kanina.” Wika pa ni Anica. “Hindi niyo kailangan humingi nang despensa. Salamat dito.” Wika nang binata na ang huling tinukoy ay ang Business card ni Anica. “Hey Mr. Idol. We don’t have the whole day.” Wika ni Xander. Napatingin naman sina si Anica at Eirick sa binata na sumilip sa pinto. “Ikaw nang bahalang umintindi sa kanya.” wika ni Anica sa binata. “He is a good man.” Dagdag pa nito. “I can see that. And He is also a good brother.” Wika pa ni Eirick saka nagpaalam kay Anica. Nang papalabas si Eirick sa pinto saka naman niya nakasalubong si Ashmaria na nabigla pa nang makita siyang papalabas nang silid ni Ren. “Saan sila papunta?” tanong ni Ashmaria matapos halikan sa pisngi ang mama niya. “Ewan ko ba diyan sa kapatid mo.” Wika ni Anica. “Baka gusto niyang makilala nang mabuti ang future brother-inlaw niya.” Pabirong wika ni Ashmaria sa ina. Napatingin naman si Anica sa anak niya. “Wala namang masama sa sinabi ko.” Nakangiti wika nang dalaga. “Isa pa, isipin mo Ma, kapag nagkaroon ka nang manugang na gaya niya---” “Tumigil ka na nga.” Agaw ni Anica sa sasabihin nang dalaga. “Ikaw muna magbantay dito. Kailangan kung punatahan ang lolo Alfredo mo.” Wika pa nito sa anak. “Alam na ba nila ang nangyari?” tanong ni Ashmaria. Hindi naman lingid sa kanila na masyadong concern ang pamilya nang ina ni Anica. Kahit nga noong iwan si Ren ni Nathan sa altar. Gusto pa nilang sisihin si Ren dahil hindi nito iningatan ang relasyon nila at hinayaang ipagpalit siya ni Nathan sa iba. Kahit na noong ikasal si Nathan lalo namang naging dahilan iyon para lalo silang hanapan nang gusot nang pamilya nang ama ni Anica lalo na si Melissa at Daniella na tila hanggang ngayon ay galit pa din kay Anica. “Alam na din ba nila ang tungkol kay Eirick?” tanong ni Ashmaria sa mama niya. “Anong sinabi nila? Galit ba sila?” tanong pa nito. “Let’s talk about it later.” Wika ni Anica saka hinalikan sa noo ang anak saka nagpaalam. Nang makaalis naman ang ina niya napatingin si Ashmaria sa kapatid niya. Though wala naman itong major injuries hindi pa din ito nagigising. Naisip niyang mas mabuting matulog na muna ito. Dahil kapag gising ito tiyak na buong angkan nang mama niya kukuyugin si Ren lalo na at alam na nang mga ito na buntis ito. Marami na namang sasabihin ang mga ito tungkol sa kanila. Naawa siya sa kapatid niya. Iniwan na nga ito sa altar ngayon naman mukhang magiging dalagang ina pa. Sa isip ni Ashmaria gusto rin niyang malaman kung anong intensyon ni Eirick sa kapatid niya. He is a well-known artist and idol. Hindi naman siguro nito pag-kakaabalahan na puntahan ang kapatid niya dito kung isang one night stand lang ang tingin nito sa kapatid niya o kung na gi-guilty lang ito sa nangyari. ***** Umakyat ka sa ring.” Wika ni Xander kay Eirick nang dumating sila building nang security agency nito. Ang lolo ni Xander sa side ni Anica ay isang dating Mafia boss. Nang mamatay ito. Ipinamana nito kay Andrew ang organisasyon nito pero dahil isang alagad nang batas si Andrew. Ginawa niyang isang security agency ang dating Mafia Group nang mga De Luna. Nasa Italy ang main office nila at ngayon ay nakapagpatayo na sila nang Branch sa bansa at si Xander ang namamahala noon. Nang dumating sila sa building nagulat pa ang mga trainees nang agency habang nakatingin sa master nilang may kasamang binata. Sa unang tingin palang nila sa Binatang kasama ni Xander masasabi nilang hindi ito isang ordinaryong binata sa tindig palang nito. Hanggang sa isa sa kanila nakilala si Eirick at sinabing Nakita na nito ang binata sa isang palabas sa TV. Nang marining nila ang sinabi nang kasamahan agad nilang ni research ang tungkol sa binata at may Nakita silang isang poster na nakalagay ang mukha nang binata. Lahat takang napatingin at labis ang pagtataka. Bakit naman dadalhin nang amo nila ang binata sa headquarters nila? Hindi naman siguro ito bagong recruit? Bakit naman nito iiwan ang pagaartista at sasali sa kanila. “Use this.” Wika ni Xander at at inihagis kay Eirick ang isang paris nang boxing gloves. Agad namang sinalo nang binata ang gloves. “Alam mo naman siguro on how boxing works.” Wika ni Xander at umakyat sa ring matapos hubarin ang suot niyang polo shirt. Nakita din ni Eirick na nag suot ito nang training gloves. Mukhang seryoso ito sa gustong gawin. Inilapag naman ni Eirick ang training gloves saka tinanggal ang sout niyang polo shirt saka isinuot ang training glove at umakyat sa ring. Nang makita nang mga tauhan ni Xander na tila may mangyayaring laban agad nilang iniwan ang training nila at lumapit sa ring para makita ang mangyayari. Saktong pagakyat ni Eirick sa ring nang magsimulang umatake si Xander. Pero naging mabilis ang reflexes nang Binatang artista at agad na nakakaiwas sa atake ni Xander. Sunod-sunod ang naging atake ni Xander sa binata at puro iwas lang ang ginagawa ni Eirick hanggang sa ma corner ito sa may net. Tila napansin naman ito nang binata dahil nilingon nito ang net. Isang sipa ang pinakawalan ni Xander kahit hindi ito nakatingin nasalo pa rin nito ang paa nang lalaki. Bagay na ikinalugat nilang lahat maging si Xander ay nagulat din sa ginawa nang binata. ISang tingin ang ibinato ni Eirick sa binata. Agad namang binawi ni Xander ang mga paa at umatras. Bigla siyang kinilabutan sa tingin nang binata tila ba para itong mabangis na nilalang na hindi siya bubuhayin kapag nahuli siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD