Love Chance - 31

1243 Words
“Ano bang nangyayari sa akin.” Wika nang dalaga nang makalabas saka pahawak sa tiyak niya. Iniisip tuloy niya kung may upset stomach ba siya. I lang araw na siyang nandito sa panahong ito. Iba pa ang kultura nang mga ito dito Kumpara sa sibilisasyon niya. Pero hindi naman iyon ang dahilan para sumama ang pakiramdam niya. “Anong ginagawa mo dito sa labas?” tanong ni Eirick na lumapit sa dalaga. Bigla namang napatingin si Ren sa nagsalita nang nilingon niya ang binata. Biglang napahawak sa ulo niya ang dalaga dahil pakiramdam niya biglang umikot ang paningin niya at bigla siyang nahilo. Napansin naman ni Eirick ang reaksyong iyon nang dalaga. “May dinaramdam ka ba?” tanong nang binata at nag-aalalang lumapit sa dalaga na wika ni Eirick. Napansin din niyang tila mapuntla yata ang dalaga. Habang nakatitig si Ren sa bigla nalang tila nanlabo ang paningin niya. “Ren Athea!” narinig niyang sigaw ni Maria habang tila unti-unti dumudilim ang paningin niya. Bago bumagsak ang dalaga naramdaman niya ang kamay na humapit sa bewang niya. Nang masalo ni Eirick ang binata nang mawala ito nang malay agad niya itong pinangko at inutusan si Maria ang punatahan ang doctor sa bayan. Nakatayo si Eirick sa pinto nang silid nina Ren habang nakatingin sa dalagang ini-examine nang doctor. Agad niyang pinatingnan ang dalaga sa doctor nang dumating ito kasama ni Maria. At dahil din sa nangyari kay Ren, hindi nakasama sa bayan sina Eirick at Maria na labis naman ikinagalit nang mama niya. Lalo nan ang malaman kumuha pa ito nang Doctor para sa alipin nila ngunit hindi naman binigyang pansin ni Eirick ang sinabi nito. Napatitig nang maigi si Eirick sa doctor habang kinukunan nang pulso ang walang malay na dalaga. Maya-maya sa kalagitnaan nang ginagawa nito biglang nagising si Ren na tila nagulat pa dahila naabutang doctor at si Eirick. Matapos ang ginawa nito. Lumapit ang doctor sa binata at sinabing mag-usap sila sa labas nang Silid. “Ano bang nangyari saiyo Ren Athea. Naku siguro dahil maliit lang ang kinain mo kagabi tapos hindi kapa nag-aalmusal ngayon.” Wika pa nang dalaga sa kanya. Hindi naman sumagot si Ren. Madalas naman siyang nalilipasan nang gustom sa panahon niya minsan nga isang buong araw nakakalimutan niyang kumain dahil sa mga ginagawa niya pero hindi naman siya nahilo nang ganito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. “Gusto mo bang ikuha kita nang makakain?” tanong ni Maria sa kanya. Umiling naman ang dalaga. Nanghihina siya pero wala siyang ganang kumain. “Ayaw mo ding kumain? Kapag ganyan ka nang kanyan lalo kang magkakasakit.” Wika pa ni Maria at tumayo mula sa papag. “Ikukuha kita----” wika nito saka naputol ang sasabihin nang biglang tumayo sa pinto si Eirick. Madalim ang ekspresyon nang mukha nito at tila seryoso ang mukha biglang natigilan si Maria dahil bigla siyang natakot. Alam niyang seryoso naman palagi ang binata pero ang mukha niya ngayon parang sinasabing hindi nito gustong may humarang sa kanila. “Maria. Pwede mo ba kaming iwan.” Wika nang binata. Hindi naman agad nakapagsalita si Maria at napatingin lang sa dalaga. Sa ekspresyon nang mukha nito parang nakikinikinita na niyang mapapagalitan si Ren. Ano kaya ang sinabi nang doctor sa binata at biglang nabago ang ekspresyon nang mukha nito. “Sa mansion na muna ako at maglilinis.” Wika ni Maria. “Hindi na kailangan. Lumuwas ka sa bayan at bilhin mo ang mga nakasulat dito.” Wika ni Eirick at iniabot kay Maria ang isang maliit na papel. “Masusunod Senior.” Wika ni Maria saka kinuha ang papel na inabot ni Eirick saka nagpaalam sa binata. Nang makalabas si Maria nanatiling nakatayo si Eirick sa may pinto habang nakatingin sa dalaga si Ren naman na napansin ang titig nang binata ay hindi alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung may ginawa siya dito at tila galit ito. Hindi naman siguro niya kasalanan kung may sakit siya hindi rin naman niya gustong magkasakit siya. Bigla tuloy niyang naisip ang mama at papa niya. Unang beses niyang magkasakit na wala ang dalawa sa tabi niya. Siya ang bunso nang nang tinaguriang Demon General. Marami ding nagsasabing sa kanilang tatlo tila siya ang paborito nang General. Iyon ang napapansin nang mga tao pero ang totoo pantay ang pagtingin nang mga magulang nila sa kanila. Simula nang maliit siya. Tuwing nagkakasakit siya para tumutigil ang mundo nang mga tao sa paligid niya at nakatutok lahat sa kanya. Kahit ang demon General ay hindi natutulog para lang bantayan siya. Iniisip tuloy niya kung ano nang nangyayari sa kanila ngayon. “Sabihin mo---” Panimula ni Eirick habang nakatingin sa dalaga. Napatingin naman si Ren sa binata. “Nagsasabi ka ban ang totoo nang sinabi mong wala kang maalala sa pagkatao mo o Saan ka galing?” tanong nang binata habang nakatingin nang derecho sa dalaga. Hindi naman agad nakapagsalita ang dalaga at nakatingin lang sa binata. Natutungugan na kaya nito na hindi siya nagsasabi nang totoo? “May tinatakasan ka ba? Umalis ka ba sa inyo dahil may pinagtataguan ka?” Tanong pa nang binata. “Hindi—wala Senior.” Wika nang dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dami nitong tanong ngayon. “Alam mo ayoko sa lahat ang pinagsisinungalingan ako. Kaya kita tinatuloy sa bahay ko dahil Nakita kong nangangailangan ka nang tulong. At ayaw na ayaw kong pinagsasamantalahan ang kabutihang ipinapakita ko.” Wika nang binata. “Kung nagsisinungaling ka sa akin mas Mabuti pang sa ngayon palang ay sabihin mo na sa akin. Saka ako magpapasya kung anong dapat kung gawin saiyo.” Wika nang binaa. Napatingin naman si Ren sa binata. Ano namang sinabi nang doctor dito at bakit ganito ito magsalita ngayon. Alam niyang hindi Magandang maglihim siya sa binata lalo na at Mabuti naman ito sa nakikita niya hinid nga lang ito marunong ngumiti parang pinagsakluban nang langit at lupa ang mukha nito. “Hindi ako nagsisinungaling sa inyo Senior.” Wika nang dalaga. “Hindi ko talaga alam kung papaano bumalik sa amin.” Wika nang dalaga. Totoo naman iyon dahil hindi naman talaga niya alam kung papaano bumalik sa panahon niya. “Alam mo ba ang nangyayari saiyo ngayon?” tanong nang binata sa dalaga. “Nalipasan lang ako nang gustom kaya ako nawalan nang malay. Salamat sa ----” “Sa palagay mo maniniwala ako sa sinasabi mong nalipasan ka nang gutom?” agaw nang binata. “Hindi ba iyon ang sinabi nang doctor?” tanong nang dalaga. “Hindi naman sa nagiging mapili ako sa pagkain. Pero---” “Ayoko sanang sa akin mangagaling ito Pero Para yatang wala kang alam sa nangyayari sa katawan mo.” Wika nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa binata ano bang sinasabi nito? Palaisipan ba ang sinasabi nito wala yata siyang maintindihan. “Sabi nang manggagamot, possibleng nagdadalang tao ka. Kaya tinatanong ko kung hindi ka nagsisinungaling sa amin nang sinabi mong wala kang alam sa pagkatao o kung papaano ka babalik sa inyo. Sa sitwasyon mo. Possible ding umalis ka sa inyo o may tinatakasan ka hindi ba?” tanong nang binata. Hindi kaagad nakapagsalita ang dalaga sa narinig niyang sinabi ni Eirick. Tila hindi nagre-register sa utak niya ang narinig niya. Siya Buntis? Paano? Tanong nang isip nang dalaga. Habang nagiisip at sinusubukang intindihin ang sinabi ni Eirick bigla niyang natuptop ang bibig niya nang maalala ang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD