Love Chance - 28

1238 Words
Hindi natinag si Eirick nang biglang sumugod sa kanya si Nathan at hinawakan ang kuwilyo nang damit niya at akmang susuntukin siya. Nakatingin lang siya nang derecho sa binata he has no plan in backing down. Sa pagkakaalam niya wala siyang ginagawang masama at alam niyang may asawa na ang binata kaya naman alam niyang wala itong karapatang umasta na para bang siya pa din ang kasintahan ni Ren. “Nathan.” Wika ni Anica saka hinawakan ang kamay nang binata para pinigilan ito sa gustong gawin. Kung hindi nito nahawakan ang kamay ni Nathan baka nasuntok na nito si Eirick. Napatingin naman si Anica sa binatang nakatingin lang nang derecho kay Nathan. “Stop this.” Wika ni Anica saka bumaling kay Nathan. “Pero Mama Anica. This Guy---” tila nagmamaktol na wika nito kay Anica at bumaling dito. “Bakit niyo pinapasok ang lalaking ito dito. Nakalimutan niyo ba ang ginawa niya kay Ren?” galit na wika nito saka bumaling sa binata. “Yeah, you are to talk. Hindi rin namin nakakalimutan ang ginawa mo kay Ren. Leaving her infront of the Altar and them marry her friend. Something we can’t forget even if we want.” Wika ni Xander na dumating. Lahat sila napatingin sa bagong nagsalita. Nang makita ni Nathan si Xander agad niyang binitiwan si Eirick at ibinaba ang kamay niya. “Lakas nang loob niyong dalawa na pumunta dito.” Wika ni Xander na ngumisi at naglakad papalapit sa kanila. “Ikaw lakas din nang loob mong mag amok sa silid nang kapatid ko. At bakit ka nandito. Hindi ka ba hahanapin nang asawa mo. Sa halip na nandito ka hindi ba dapat ang asawa mo ang iniintindi mo?” Asik ni Xander kay Nathan. “Kuya Xander-----” “Pwede ba. Naririndi ang tenga ko kapag tinatawag mo akong kuya. Simula nang lokohin mo ang kapatid ko nawalan ka na nang karapatan na tawagin akong kuya.” Agaw ni Xander sa iba pang sasabihin nang binata. “Bakit ma?” tanong ni Xander nang makitang napahawak sa ulo niya si Anica agad namang inalalayan ni Xander ang mama niya nang makitang tila sumasasakit ang ulo nito. “Mama A---” putol na wika ni Nathan na tangkang lalapit kay Anica pero natigilan nang tapunan nang mabalasik na tingin ni Nathan. “Maupo muna kayo.” Wika ni Xander saka inakay ang ina niya sa sofa. “Pwede ba iwan niyo muna kami. Hindi ito ang panahon na ginugulo niyo kami.” Baling ni Xander sa dalawang binata. “Kung may dapat mang umalis it’s this guy. He is an outsider.” Wika ni Nathan at tumingin kay Eirick. “Good Idea. Mas mabuti pang umalis kana.” Wika ni Xander saka tumingin kay Nathan. “You are also an outsider.” Wika pa nang binata. “Xander.” Wika ni Anica na hinawakan ang kamay ni Xander na pinipigilan itong makipagaway sa mga binata. Sumasasakit ang ulo niya sa pag-aalala kay Ren at heto pa ang anak niya nakikipag away kay Nathan at Eirick. Ayaw talaga niyang nang gulo lalo na at hindi pa rin nagigising si Ren. Pero hindi rin naman niya mapipigilan si Xander dahil ipinagtatanggol lang nito ang kapatid niya. “Pero bakit ako ang paaalisin. Siya dapat.” Wika nito at itinuto si Eirick. “Don’t be such a child.” Wika ni Eirick na hindi na nakatiis na wika nito at bumaling kay Nathan. “Ano---” “Nathan!” biglang nag taas nang boses na wika ni Xander. Bigla namang natigilan si Nathan nang marinig ang boses ni Xander. Hindi lang siya takot kay General kundi kay Xander din. Alam niyang pareho nang ugali ang mag-ama. “I think I should better go. Babalik nalang ako sa ibang araw.” Wika ni Eirick saka tumingin kay Ren. Sinundan naman siya nang tingin ni Anica at Xander. “Ma’am pasensya na sa abala. And if hindi naman kalabisan---” “Kalabisan kahit ang presensya mo dito.” Wika ni Nathan na inagaw ang iba pang sasabihin ni Eirick. Napatiim bagang naman si Eirick at napatingin kay Nathan. Para itong isang bata kung mag-isip sinong mag-aakalang may asawa na ito sa inaasta nito ngayon? Iyon ang nasa isip ni Eirick. Kung hindi lang nakakahiya sa kapatid ni Ren at sa Ina nito baka pinatulan na niya ang isip batang binatang ito. Pero naisip niyang hindi pa siya absuelto sa mga atraso niya. Habang nakatingin siya sa kuya ni Ren pakiramdam niya parang bibitayin siya. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” Wika ni Xander at tumingin kay Eirick. Ito na ba ang oras para tumakbo ako? Daig ko pang lilitisin. Wika nang isip ni Eirick habang nakatingin kay Xander. Noong nakaraang araw hindi rin siya halos nakapagsalita at hindi pa din handa ang mga magulang nito na pag-usapan ang nangyari. Sa palagay ni Eirick si Xander ang klase nang kapatid na talagang hindi palulusutin ang mga nanakit sa kapatid niya. Kahit ang binatang ito na dating fiance ni Ren parang gustong ilibing nang buhay nang binata. “Don’t tell me. You are asking me to leave and ---” “Yes. Do I have to repeat myself? Dapat ba ipagtulakan ka palabas o kaya mong magkusang umali?” asik ni Xander kay Nathan. Napatingin naman ito kay Eirick ang klase nang tingin na galit na galit dahil sa nangyari. Siya ang kaibigan at dating kasintahah ni Ren pero bakit siya pa ang nawalan nang lugar ngayon at itong binatang hindi mo alam kung saan galing bigla nalang parang tinatanggap nila sa pamilya nila? Masyado naman yatang malalim ang tinatanim na galit ni Xander sa kanya. Para namang hindi sila lumaki nang magkasama ni Ren. “That’s unfair.” Wika nito. “Sino ba siya? He is just nothing but a man na naka one night stand ni Ren!” bulalas ni Nathan. Iyon lang ang pinakinggan ni Xander at walang pasabing lumapit kay Nathan at isang malakas na suntok ang ibinigay sa binata dahilan para bumulagta ito sa sahig. BIgla namang napatayo si Anica sa nakita. “Xander!” saway ni Anica sa anak. Bigla namang natiglan si Xander na akma pa sanang susugurin si Nathan. Napahawak si Nathan sa gilid nang labi niya at sargo ang dugo mula doon dahil sa ginawa ni Xander. “Leave.” Wika ni Xander habang nakakuyom ang kamao. “Huwag mong hintaying maubos ang pasesnya ko saiyo. Kung may natitira kang respeto sa sarili mo. Aalis ka na ngayon.” Wika pa ni Xander. “Nathan. Just go.” Wika ni Anica sa binata. “Pero Mama A---” “Please.” Ani Anica. Napatiim bagang naman ang binata saka tumayo at tinapunan nang masamang tingin si Eirick. Hindi naman tinanggal ni Eirick ang tingin niya dito. Hindi naman niya kasalanan kung bakit ito na suntok. Talaga lang na matabil ang dila niya at hindi nag-iisip bago masalita. Inihatid nila nang tingin ang binatang papalabas nang silid. Nang makalabas ito isang malalim na buntong hininga naman ang pinawalan ni Xander bago tumingin kay Eirick. “Do you do boxing?” tanong nito out of the blue. “Y-Yes.” Alangang wika ni Eirick na halatang nabigla sa tinanong nang binata. Sa isip ni Eirick mukhang siya ang magiging round two nito. Hindi pa yata nito lalabas lahat nang sama nang loob nito sa suntok na ginawad kay Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD