Love Chance - 27

1317 Words
Halatang nagulat si Anica nang pagbuksan niya nang pinto si Eirick. Nasa silid siya noon nang kwarto ni Ren sa Hospital. Pangalawang araw na simula nang dalhin ang dalaga sa Hospital. Ang sabi ni Claire at nang mga doctor nito, ligtas na ang dalaga at ang sanggol sa sinapupunan nito, she can wake up anytime soon. Bukod sa mga galos nito sa katawan walang major injuries ang dalaga. Habang pinupunasan ni Anica ang Braso at kamay ni Ren bigla niyang narinig ang mahinang katok sa pinto nang hospital. Agad naman niyang binitiwan ang bimpong hawak saka naglakad patungo sa pinto. Nang buksan niya ang pinto natigilan si Anica at nabigla nang makita si Eirick ang binatang artista na may dalang bulaklak. Napatingin si Anica dito lalo na nang tanggalin nito ang suot na sunglasses. Noong isang araw lang nagpunta sa hospital ang binata hinahanap si Ren. And then they’ve found out na ito ang ama nang dinadala ni Ren. Nagtatalo ang isip niya kung pakikitunguhan ba niya nang maayos ang binata. Pero wala din naman siyang rason na pakitaan nang di magandang trato ang binata. Kung hindi maganda ang intensyon nito kay Ren hindi na ito magaaksaya nang panahon para hanapin ito at aminin sa kanila na siya ang ama nang dinadala ni Ren. He has no reason to do so. Kung one night stand lang iyon gaya nang mga ginagawa nang iba maraming rason para hindi nito panagutan ang nangyari kay Ren. He is a public figure at tiyak na mahalaga para dito ang mga sasabihin nang ibang tao. Kung malalaman nang iba ang tungkol sa koneksyon nito kay Ren. Pwedeng masira ang career nito. Sa katunayan, matapos nilang makausap ang binata. She did some research about him. Napag-alaman niyang bukod sa isa itong sikat na artista mula din ito sa isang mayamang angkan. Kaya naman naisip ni Anica na pwede naman nitong balewalain si Ren. At pangalagaan ang reputasyon nito. “Good morning po. Pasensya na, hindi ako nagkapagpaalam na pupunta dito.” Magalang na wika ni Eirick kay Anica. Habang nakatingin si Anica sa binata. Nakikita naman niyang mabait ito at magalang magsalita. Pero hindi niya alam kung totoo ang pinapakita nito. Nagtatalo din sa isip niya kung nandoon ito dahil sa nag-aalala ito sa kalagayan ni Ren o dahil sa guilt at gusto nitong masiguro na hindi siya lalamunin nang konsenya niya. “Hindi ko alam kung papaano kayo makokontak kaya naman naglakas na ako nang loob na pumunta dito. Gusto ko sanang makibalita kung kumusta na -------” wika nang binata saka napatingin sa dalagang nakahiga sa hospital bed. Napagtanto nang binata na hindi pa niya na hihingi nang personal ang pangalan nang dalaga. Gusto niyang matawa sa sarili niya. They will have a child soon. Mauuna silang magkaroon nang anak bago pa niya malaman ang pangalan nito. Though, sa research na ginawa niya alam niya ang pangalan nang dalaga. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa bunsong anak nang Dating Demon General. Kahit alam niya ang pangalan nang dalaga he hesitate to utter it lalo na sa harap nang ina nito. Baka isipin nitong umaakato siyang close sa dalaga eh, isang gabi lang naman ang pinagsaluhan nila. At sa nakikita niya mukhang hindi pa din siya pinagkakatiwalaan nang ina nito. Sino ba naman ang magulang na matutuwa kapag nalaman mong magkakaanak ang anak mo sa lalaking hindi niyo kilala. Siyempre, alam niyang nagdududa ito sa intensyon niya kay Ren. Wala naman siyang masamang intensyon sa dalaga. Kung tutuusin pwede niyang tratuhin ang nangyari sa kanila bilang isang one night stand. At wala siyang responsibilidad na panagutan ang nangyari sa kanila. Iyon ang nasa isip nang binata. Pero hindi iyon ang iniisip niya ngayon. He saw something sa dalaga na hindi niya magawang makaiwas. It’s like they are connected for some reason. It’s their fate to meet. Even his dreams even it if weird for some reason it is telling him that he and this girl is connected. Hindi niya kayang balewalain ang presensya nito. “Ren Athea.” Wika ni Anica saka tumingin sa anak niya bago bumaling kay Eirick. Napatingin naman si Eirick kay Anica nang marinig ang sinabi nito. “You can call her Ren.” Dagdag pa ni Anica. “Tuloy ka.” Wika nito saka bahagyang umalis sa mag pinto para makapasok ang binata. Simple namang napangiti si Eirick. “Thank you.” Wika nang binata saka pumasok. “May dala akong bulaklak. I am not sure if---” wika nang binata at bahagyang iniunat ang bulaklak kay Anica kasalukuyang isinara ni Anica ang pinto saka tumingin sa binatang may inaabot na bulaklak. “Thank you.” Wika ni Anica saka kinuha ang bulaklak saka naglakad patungo sa isang mesa kung saan may isang vase nang bulaklak. Napatingin naman si Eirick kay Anica saka tumingin sa dalagang nakahiga sa hospital bed. May mga galos ang mukha nito at may benda ang kamay dahil sa tinamong injuries. Naglakad siya papalapit sa dalaga saka tumigil sa tapat nang higaan nito at napatingin sa mukha nang dalaga. Napatingin si Anica sa binata nang hindi ito marinig na nagsalita saka niya nakita na nakatayo ito sa gilid nang hinihigaan nang anak habang nakatingin sa mukha nito. “Sabi nang doctor niya. She is safe and the baby. Walang major injuries at pwede na siyang magising anomang oras.” Wika ni Anica na muling itinuon ang inaayos sa inaayos na bulaklak. Napatingin naman si Eirick kay Anica. “I am curious. I hope you don’t mind me asking.” Wika nang binata saka humarap kay Anica. Bigla namang natigilan si Anica Ilang saglit din bago ito lumingon sa binata. “Hindi ko pa din maintindihan kung anong nangyari sa inyo ni Ren. O kung anong relasyon niyo. But you showing up, only means you are not a bad person nor you have ill intention with her.” Ani Anica saka tumingin kay Ren. “I think it was partly my fault kung bakit nangyari ito kay Ren.” Wika ni Anica habang nakatingin sa anak. Iniiisip niya kung hindi sana siya pumayag na ikasal si Ren kay Nathan. Kung sana tumutol siya. Hindi sana ito masasaktan at hindi sana ito maaaksidente. Pakiramdam niya nagkulang siya bilang isang ina. “I am really sorry for what happen.” Wika ni Eirick. “I think. Ren will not think it was your fault. I don’t know her that much. But I think-----” biglang naputol ang sasabihin nang binata nang may marinig silang katok ni Anica mula sa pinto sabay pa silang napatingin doon. “Ako na.” wika ni Anica nang tangkang maglakad si Eirick papalapit sa pinto. Bigla namang huminto ang binata saka hinayaan si Anica na lumapit sa pinto para buksan iyon. Ganoon na lamang ang gulat ni Anica nang makita si Nathan na may dalang basket nang prutas at bulaklak. “Mama Anica. Dadala--” wika nito na biglang naputol ang sasabihin nang makita si Eirick sa loob nang silid. “Anong ginagawa mo dito?” inis na wika nito saka pumasok nang hindi manlang pinapansin si Anica. Napatingin naman si Eirick sa binata at kay Anica na tila na bigla sa inasta ni Nathan. “Please. Don’t be so rude. Wala ka sa bahay niyo.” Wika ni Eirick na sinalubong nang tingin ang binatang padabog na lumapit sa kanya. “Rude? Ako ba? Anong tawag mo sa sarili mo? At isa pa anong ginagawa mo dito? Pamilya lang ang pwedeng pumunta dito. Sino ka ba?” Asik nito sa binata. Saka naglakad patungo sa mesa saka inilapag ang dalang basket nang prutas at bulaklak napatiim bagang din ang binata nang makita ang bulaklak sa Mesa sa hinala niya dala ito nang binata napakuyom ang kamao nito saka walang pasabing bumaling sa binata at sinugod ito. Hinawakan nito ang kuwelyo nang damit ni Eirick saka akmang susuntukin ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD