Love Chance - 25

1230 Words
Napasinghap ang dalaga saka napalingon nang maramdaman ang paglapag nang isang coat sa likod niya. Nang makita nang dalaga kung kanino galing ang coat na iyon bigla siyang napatayo dahil sa labis na gulat. “Seniorito Eirick.” Wika nang dalaga nang makatayo saka napatingin sa coat na nasabalikat niya saka muling tumingin sa binata. “Anong ginagawa mo dito sa labas?” Tanong nang binata habang nakatingin sa kanya. “Nagpapahangin lang seniorito.” Wika nang dalaga. “Nagpapahangin?” Tanong nito na tila hindi na niniwala sa dalaga saka tumingin sa mukha nito. “Ano yung nakita ko kanina?” tanong nang binata. Bigla namang natigilan ang dalaga. Papaano niya sasabihin sa binata na nakita niya ang kamukha nang lalaking nang-iwan sa kanya sa altar. At sa panahong ito ang kapatid naman nito ang pakakasalan nang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit siya dinala sa panahong ito. Ano ba ang dapat niyang makita o bakit siya nandoon. “Hindi ka naman siguro iiyak nang walang dahilan.” Wika nang binata. “Naalala ko lang ang pamilya ko.” Wika nang dalaga. “May naalala kana sa nakaraan mo?” Tanong nang binata. “Wala pa Seniorito.” Wika nang dalaga. “Naisip ko kung may pamilya ako katulad din ba ninyo sila na buo.” Wika nang dalaga. Napatitig naman ang binata sa dalaga at napatingin sa mukha nito na tila inaalam kung gaano katotoo ang sinasabi nang dalaga. “Bumalik kana sa loob. Malamig ang gabi ngayon.” Wika nang binata at tumalikod. Hahabulin sana nang dalaga ang binata para ibigay ang coat nito pero hindi na siya nito nilingon. “Oh well.” Anang dalaga at tinanggal sa ang coat nang binata sa balikat niya. Babalik na sana siya sa loob nang bahay nang biglang makita ang dalawang anino sa likod nang bahay. Malapit ang anino sa pinto nang kusina kung saan siya lumabas. Hindi siya agad lumapit dahil masyadong malapit ang dalawa sa Pinto. Marahan siyang lumapit sa may halaman para magkubli saka napatingin sa dalawang anino. Ganoon na lamang ang gulat nang dalaga nang makilala ang may-ari nang anino. “Pati ba naman sa panahong ‘to.” Bulalas nang dalaga nang makilala ang dalawang anino. Tila nagtatalo ang dalawa. Pero maya-maya nakita niyang biglang nayakapan ang mga ito. narinig niyang may tumawag sa mga ito kaya agad na naghiwalay ang dalawa. Naunang pumasok sa loob nang bahay ang dalaga. “Ikaw?!” gulat na wika nang binata nang bigla siyang lumabas sa pinagkukublihan niya. “Anong narinig mo sa pinagusapan namin?” tanong nang binata habang nakatingin kay Ren. Nakatiim bagang naman na nakatingin ang dalaga sa binata. Hindi siya makapaniwala na maging sa panahong ito manloloko pa din ang binatang nasa harap niya. “Kahit hanggang dito talagang nakikita ang tunay mong kulay.” Wika nang dalaga habang nakatingin sa binata. “Anong sinasabi mo?” Nagtatakang wika nito. “Hindi mo alam Senior? Ang dalagang kasama mo hindi siya ang kapatid ni Senior Eirick hindi ba?” anang dalaga. Biglang natigilan ang lalaki dahil sa sinabi niya. “Huwag niyong sabihing niloloko niyo ang kapatid nang -----” biglang natigilan ang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya. Gulat namang napatingin si Ren sa braso niyang hawak nang lalaki saka tumingin sa binata. “Wala kang nakita.” Wika nito sa kanya. “Wala akong nakita? Hindi ako bulag Senior.” Sakristong wika nang dalaga saka binawi ang kamay sa binata. Halatang nagulat ang binata sa ginawa niya napatingin ito sa kanya na para bang iyon ang unang beses na may nagtangkang sumagot dito. “Bakit ba sa palagay ko ang init nang dugo mo sa akin? Ngayon lang tayo nagkita. At mukhang nakuha ko na agad ang inis mo.” Anang binata sa dalaga. You don’t have an idea? Inis na wika nang isip nang dalaga saka napatingin sa binata. Naiinis siya kay Nathan dahil sa ginawa nito sa kanya. At ngayong nakita niyang kahit sa ibang panahon manloloko parin ito parang na dagdagan lang ang inis niya sa binata. “Seniorito. Bakit naman ako maiinis sa inyo? Gaya nang sabi niyo ngayon lang tayo nagkita. Walang dahilan para mainis ako sa inyo.” Anang dalaga. “Kaya lang seniorito. Hindi magandang tingnan na niloloko niyo ang anak nang pamilyang pinagsisilbihan ko.” Anang dalaga. “Sabihin mo anong gusto mo para lang manahimik ka.” Wika nito sa dalaga. “Gusto niyong bayaran ang pananahimik ko?” tanong nang dalaga. “Lahat nang bagay may kapalit. Lalo na sa mga alipin na gaya niyo.” Wika pa nang binata sa kanya. Napatingin ang dalaga sa binata saka napatiim bagang. Ang liit nang tingin nito sa kanila. Napakuyom ang kamao si Ren. Gusto niyang sapakin ang lalaking nasa harap niya pero pinipigilan niya ang sarili niya. “Saan ka pupunta.” Wika nang binata nang walang paalam na tumalikod si Ren at akmang papasok sa pinto. Natigilan pa ang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang braso niya. Napatingin siya dito saka tumingin sa mukha nang binata. “Papasok na senior. Marami pa akong gagawin.” Wika nang dalaga saka binawi nag kamay niya sa binata saka hindi na hinintay ang sasabihin nito. Tigalgal naman ang binata na sinundan nang tingin ang dalaga. Ito ang unang beses na ganoon ang trato sa kanya nang isang Alipin. Hindi niya akalaing may maglalakas nang loob na sumagot sa kanya. Ang mga kakabaihan sa panahong iyon ay walang lakas nang loob na sumagot sa mga lalaki kahit sa mga magulang nila. Sunudsunuran sila sa lahat nang sabihin nila. Kaya naman bago sa kanya ang naging asta nang dalagang alipin. “Nakapanginig siya nang laman. Lahat nang bagay may Kapalit? For petes sake. I don’t need your money.” Gigil na wika nang dalaga saka uminom nang tubig. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi mangigil dahil sa naging takbo nang usapan nila nang binata. “Anong sabi mo?” wika nang baritonong boses sa likod ni Ren. Bigla namang humarap si Ren sa nagsalita. Muntik na niyang maibuga ang tubig sa bibig niya nang makita ang binatang nasa pinto. Bigla siyang napaubo nang makita ito sabay lapag nang baso. Hindi niya akalaing nasa likod niya ang binata. Wala namang tao sa kusina kaya napabulalas siya dahil sa inis. Taka siyang napatingin sa binata. Mukhang narinig nito ang sinabi niya. Paano naman siya lulusot ngayon? “W-wala ho akong sinasabi seniorito.” Tanggi nang dalaga. Ha, sinong niloko ko. Halata namang narinig niya ang sinabi ko. Anang dalaga sa sarili niya saka napatingin sa binata hindi sumagot bagkus ay napatitig lang sa kanya. “Gusto mo bang maniwala akong wala kang sinabi?” tanong nang binata sa dalaga habang seryoso ang mukha nito at nakatingin sa kanya. “Pwede ba?” wika nang dalaga saka pilit na ngumiti. Pero napalis din ang ngiti niya nang makitang hindi natinag ang seryosong mukha nang binata. “Hindi ko gustong may sakit sa pag-iisip ang mga tao sa bahay ko.” Wika nito. Wh-what? Bulalas nang isip nang dalaga dahil sa hindi makapaniwala sa narinig mula sa binata. Sakit sa pag-iisip? Ano namang tingin mo sakin. Dagdag paniya habang lihim na napatiim bagang. Mukhang hindi lang ang kamukha ni Nathan ang nagpapainit nang dugo niya ngayon. Naging ang gwapong binatang ito sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD