Love Chane - 24

1268 Words
Saan ka galing?” tanong ni Maria na sinalubong ang dalagang bumalik. Nasa kusina ang dalagang anak ni Susima at tumutulong sa iba pang kasambahay. Sa nakikita ni Ren, mukhang isang malaking handaan ang mangyayari dahil labis ang pagkaabala nang mga kasambahay doon. Napatingin siya sa paligid at hindi niya makita ang ina ni Maria. “May pagdiriwang ba?” tanong ni Ren sa dalaga. “Hindi mo alam? Darating ngayon ang pamilya nang mapapangasawa ni Seniorita Clara.” Wika nito kay Ren na halatang hindi makapaniwala dahil tila walang alam ang dalaga. “Seniorita Clara?” tanong nang dalaga. Ngayon lang ata niya narinig ang pangalang iyon. Ilang araw na siya sa mansion nang mga Carillo. Ang nakita palang niya ay ang mga magulang ni Eirick at ilang ang kasintahan nitong si Juana. Ngayon lang din niya narinig ang pangalang iyon na banggit ni Maria. “Si Seniorita Clara. Kapatid ni Senior Eirick. Darating siya galing espanya. Kasama ang kasintahan niya. Kaya sa halip na nakatayo ka diyan tulungan mo nalang kami.” Wika ni Maria at lumapit sa mesa. “May sakit si Inay kaya hindi siya makakatulong ngayon.” Wika nito saka tumitig sa dalaga. Napatingin naman si Ren sa dalaga. Iniisip niyang nasa isip nito na baka pumalpak siya. Tiyak na importante ang mga bisita na darating sa itsura palang nang mga inihahanda nila mukhang hindi pwedeng magkaroon nang kahit na isang maliit na pagkakamali. “Ren Athea dalhin mo ito sa komedor.” Wika nang isang ginang na lumapit kay Ren. Nasa loob na nang bahay ang mga bisita nang mag-anak. Sa dinig ni Ren Mukhang dumating na din ang dalagang anak nang mga Carillo kasama ang kasintahan nitong mula sa Espanya. Kakauwi lang nang dalawa. Narinig din niya mula kay Maria na dumating din Si Juana kasama ang Kapatid nito na kaibigan ni Clara. Hindi siya tumulong sa pagsisilbi nang dumating ang mga bisita dahil sa takot nang mga kasambahay na gumawa siya nang kapalpakan. Hindi naman siya tumutol sa gusto nang mga ito at gusto niyang sa kusina nalang at hindi rin niya makikita si Eirick. O ang ina nito na hanggang ngayon naka blacklist pa rin siya dahil nagawa niya noong nakaraan. Kung hindi siguro dahil kay Eirick baka pinalayas na siya nito. Kaya naman kung pwede niyang iwasang makita ito hanggang sa makabalik siya sa panahon niya gagawin niya. “Oh, bakit ka nakatingin lang. Dalhin mo na ito doon ay naghihintay sila Senior.” Wika pa nang ginang. “Maraming ginagawa si Maria. Ikaw na ang magdala nito doon.” Wika pa nito. Inilagay nang ginang ang tray nang pagkain sa kamay niya at bahagya siya itinulak papapunta sa Komedor. Walang magagawa si Ren, Kaya naman napabuntong hininga siya at naglakad papalapit sa Mesa. Ngunit, ilang hakbang bago siya makalapit sa mesa. Biglang natigilan ang dalaga nang makita ang binata at dalagang nasa mesa. Katabi ni Juana ang kasintahan ni Eirick ang isang dalagang pamilyar sa kanya. At katabi naman nang isang magandang dalagang nakasuot nang magarang damit na Maria Clara ang isang binatang pamilyar na pamilyar sa kanya. Halos hindi siya makakilos mula sa kinatatayuan niya nang makita ang dalawa. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Biglang bumilis ang t***k nang puso niya at tila nanlamig siya. Totoo ba ang nakikita niya ngayon? Hindi kaya siya pinaglalaruan lang nang mga mata niya? “Nandito na pala ang panghimagas natin.” Wika nang ama ni Eirick nang makita siyang nakatayo sa di kalayuan nang Mesa. Napatingin sa kanya ang mga bisita nang mag-anak. Bahagya siyang napaatras nang tumingin sa kanya ang Binatang katabi nang kapatid ni Eirick. Napatingin naman si Eirick sa kanya nang makita ang naging reaksyon niya. Napakunot pa ang noo nito dahil sa pagkakapako nang dalaga mula sa kinatatayuan niya. Nang mga sandaling iyon gustong tumalikod nang dalaga at lumayo sa mesa pero ang dala niya. Ano nalang ang sasabihin nang pamilya ni Eirick. Pero kahit iniisip niyang maglakad papalapit sa mesa ayaw kumilos nang mga paa niya. Napahawak siya nang mahigpit sa dala niya. Nakatingin sa kanya ang lahat at tila naghihintay sa kanya na lumapit siya sa mesa. “May Problema ba ang kasambahay nito, Senior?” tanong nang dalagang nasa tabi ni Juana. Napatingin naman si Ren sa dalagang nagsalita. “Eirick.” Wika nang ina ni Eirick saka tumingin sa binata. Tumayo naman ang binata mula sa kinauupuan nito. Nakita ni Ren na naglakad ang binata papalapit sa kanya. “Ano sa palagay mo ang ginawa mo?” tanong nang binata habang nakatayo sa harap niya. Bahagya naman siyang napatingin sa binata. Sa hindi inaasahan biglang pumatak ang luha sa mata niya. Dahil sa nangyari nabitiwan niya ang dala niya mabuti na lamang at nahawakan na ni Eiricka ng dala niya kaya hindi ito bumagsak. Agad niyang pinunasan ang luha niya at agad na tumalikod sa binata saka nagmamadaling bumalik sa kusina. Nagulat si EIrick maging ang kasambahan na nakasalubong niya ay nagulat din dahil sa naging reaksyon nang dalaga. Ni hindi ito huminto nang makita ang kasambaha dere-derecho lang ito sa paglabas habang naiwang nakatayo si Eirick at gulat. “Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Clara sa kapatid niya nang lumapit ito sa mesa na dala ang panghimagas nila. Taka namang napatingin ang lahat sa binata lalo na at ito ang may dala nang panghimagas nila. Nagkibit balikat lang si Eirick saka inilapag sa mesa ang dala. Pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung ano ang nangyari sa dalaga lalo na at nakita niyang umiiyak ito. “Ngayon ko lang yata nakita ang kasambahay na iyon. Bago ba siya?” tanong nang binatang nasa tabi ni Clara. Napatingin naman si Eirick sa binatang kasintahan nang kapatid niya. “Nasa Espanya ka nang matagal. Di nakakapagtakang ngayon mo lang nakita ang kasamhabay namin.” Wika ni Eirick na may tono nang pagiging sakristo ang boses. “Siya nga naman.” Wika ni Clara at ngumiti saka tumingin sa kasintahan niya. “Kakaiba ang kasambahay na iyon kung ako ang tatanungin.” Wika ni Juana. Napatingin namna sa kanya si Eirick at Clara. “Bakit ba ang kasambahay na iyon ang pinag-uusapan niyo.” Wika nang ina ni Eirick na tila may halong inis sa boses saka tumingin sa binata. Mukhang hindi parin naaalis sa isip nito ang nangyari noong nakaraan at hindi parin nito napapatawad ang dalaga sa kasalanan nito. “Just what happen?” Wika ni Ren na tumakbo palabas nang bahay. Nang makalayo saka siya napalingon sa mansion. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Did her just saw Nathaniel? And Shane? “Pati ba naman sa panahong ito hindi nila ako lubayan?” dagdag pa nang dalaga. “Mama.” Wika ni Ren Saka napaupo habang yakap ang sarili niya. Labis-labis ang pangungulila niya sa mama niya. Lalo pa ngayon na tila kahit sa panahong ito sinusundan siya nang nakaraan niya. “Ren!” biglang napabalikwas nang bangon si Anica. Dahil sa biglaang pagbangon ni Anica bigla ding nagising si Andrew na nasa tabi niya at natutulog. “Why? What happened?” tanong ni Andrew na nag-aalala. “Nanaginip ka ba?” tanong nito sa asawa. “Si Ren. I think I heard her voice. She seemed to be in distress.” Wika ni Anica saka napatingin sa asawa. Naiintindihan naman ni Andrew kung anong nararamdaman nang asawa niya. Isang araw nang nasa hospital si Ren at hindi parin ito nagkakamalay. Base sa mga examination okay naman ito bukod sa mga galos na tinamo wala iyong major injuries at ligtas din ang bata sa sinapupunan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD