Love Chance - 26

1257 Words
Biglang natigilan si Ren nang mapansina ng titig sa kanya nang isang opisyal. Sa dinig niya kaibigan ito ni Eirick dinalaw nito ang binata. Wala noon si Maria sa bahay nang mga Carillo at may sakit pa din ang ina nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang maging tagasilbi nang mga ito. Nasa harden ang opisyal at nakikipag-usap kay Eirick. Dahil sa utos nang isang kasambahay dinalhan niya nang inumin ang bisita ni Eirick. Papalapit palang siya napansin na agad niya ang titig nang opisyal sa kanya. “Eirick, hindi mo naman sinabing may bago pala kayong kasambahay.” Wika nito saka tumingin sa kanya. Saktong kakalapag lang niya nang inumin sa mesa. Nang marinig ni Eirick ang sinabi nang kaibigan napatingin naman ito sa dalaga. Maging siya ay napatingin din sa binata. “Napapansin kong mukhang marami yata kayong mga alipin sa bahay niyo. Alam ba nang gobyerno ang tungkol dito.” Wika nito na nakatingin pa rin sa dalaga. Hindi niya nagugustuhan ang tingin nang binata sa kanya iyon ang nasa isip ngayon ni Ren. “Ano namang kinalaman nila sa pribado naming buhay.” Wika nang binata at iniiwas ang tingin sa dalaga. Napatiim bagang ang dalaga dahil sa tinuran nang binata. “Ang pamilya niyo ay sumusuporta sa gobyerno at alam mo ang mga nangyayari ngayon.” Wika nito na hindi parin maalis ang tingin sa dalaga. “Wala akong nakikitang masama kung magdaragdag kami nang kasambahay.” Anang binata. “Wala nga.” Wika nito at tumingin kay Eirick. “Sa nakikita ko. Hindi basta-basta ang kasambahay niyong ito. Mukhang hindi siya lumaki dito.” Anito at tumingin kay Ren. “Tama ba ako?” Tanong nito kay Ren. Hindi naman nakapagsalita ang dalaga. Habang si Eirick naman ay napatingin sa dalaga saka ngumiti bago muling tumingin kay Eirick. “Kung hindi naman kalabisan saiyo. At magkaibigan naman tayo.” Wika nito. “Alam ko unang kita ko palang dito sa kasambahay niyo. Agad na akong nahumaling. Gusto ko sana----” putol na wika nito nang ilapag ni Eirick ang tasa sa mesa. Natigilan ang kaibigan nito dahil sa tila sinadya nang binata na ibagsay ang tasa nang ilapag ito ni Eirick. Maging si Ren at napatingin din sa binata dahil sa gulat. Para ba itong nainis dahil sa narinig mula sa kaibigan niya. Napatitig ang opisyal sa binata lalo na at seryoso ang mukha nito. “Ano pang tinatayo mo diyan? Bumalik kana sa loob nang bahay.” Wika ni Eirick sa dalaga na tila may halong inis ang boses. Tumango naman ang dalaga saka nagmamadaling umalis. Sinundan naman nang tingin nang opisyal ang dalaga habang pabalik ito sa loob nang mansion habang si Eirick ay nakatingin sa kaibigan niya. “Wala ka na bang ibang pakay?” tanong nang binata sa kaibigang opisyal. Napatingin naman sa kanya ang kaibigan niya. “Hindi talaga ako makapaniwala na may ganyang klase kayong kasambahay wala sa mukga niya ang isang kasambahay. Kung bibihisan siya nang magarang damit. Masasabi kong isa siya sa pinaka magandang dilag sa bayan na ito. Halatang may dugong bayaga. Saan ka nakakuha nang ganyang klaseng alipin. Gusto ko ring magkaroon nang isa.” Wika nito saka muling tumingin sa dalaga. Napatiim bagang naman ang binata dahil sa sinabi nang kaibigan. Kilala niya ito mahilig ito sa babae at walang relasyong nagtatagal dahil sa kung kani-kaninong babae tumitingin. Ayaw din nitong mag-asawa dahil sa para dito magiging sagabal lang ito sa kasiyahan niya. “Kung wala ka nang sasabihin. Ihahatid na kita sa labas.” Wika nang binata at tumayo. Taka namang napatingin ang opsiyal kay Eirick. Mukhang natunugan nito na tila inis ang binata sa kanya. Matagal na silang magkaibigan ni Eirick at alam niya kung naiinis ito. Simula nang mamatay ang asawa nito. Alam niyang naging bugnutin ang binata naiitindihan naman niya ito. Simula din nang mamatay ang asawa nito ngayon lang niya ulit tila narinig na parang galit ang boses nang binata. Seryoso ito at hindi ngumingiti simula nang mamatay ang asawa pero hindi naman ito nagsalita sa tono na parang galit ngayon lang ulit. “Bakit tila galit ka yata?” Tanong nang opisyal. “Hindi ako galit. May mga gagawin pa ako.” Wika nang binata at tumalikod. “Magpapadala ako nang perang pang suporta sa mga proyekto niyo.” Wika pa nito saka tumalikod at naglakad papasok sa bahay nila habang naiwang tigalgal ang kaibigang opisyal. “The nerve of that man. Ano namang akala niya---” inis na wika ni Ren habang naglalakad nang padaskol at dahil sa pagiging abala nang dalaga sa mga sinasabi niya at sa galit sa opisyal hindi na niya napansin ang nilalakaran niya hindi rin niya napansin ang isang ginoo na naglalakad papalapit sa kanya. “I’m Sorry I didn’t-----” biglang usal ni Ren nang bumangga siya sa isang lalaki. Natigilan din ang lalaki na tila na gulat sa reaksyon nang dalaga. “Oh, I didn’t realize.” Wika nang lalaki nang mabangga ni Ren. Napatingin ito sa dalaga na may halong pagtataka ang ekspresyon nang mukha. Lalo na nang marinig nito ang dalagang nagsalita nang isang banyagang lenguahe. Ngayon lang niya narinig ang isang dalaga mula sa bansang ito na nakakapagsalita nang wikang ingles napansin din niya ang kasuotan nito at sa hinala niya. Hindi ito kabilang sa mga nakakaangat na pamilya. Kaya naman lalong nakakapagtaka na marinig niya ang sinabi nito. Natuptop naman ni Ren ang bibig niya nang mapagtanto ang sinabi niya saka napatingin sa lalaki. Nakasuot ito nang marangyang suit. Nakita naniya ang binatang ito noong kamakailan nang maghapunan sa bahay nang mga Carillo ang mga kasosyo nang ama ni Eirick sa negosyo. “Ah----”nauutal na wika nang dalaga. Hindi niya alam kung papaano babawiin ang sinabi niya. “Anong nangyayari dito? Senior Pablo dumating pala kayo?” wika ni Eirick na dumating. Agad namang napatingin si Ren sa binatang nagsalita. “Eirick.” Ngumiting wika nito. “I didn’t realize. May Kasambahay ka palang marunong magsalita nang Wikang ingles.” Wika nito saka bumaling sa dalaga. Napatingin naman si Eirick kay Ren. Napakagat labing tumingin si Ren sa binata papapano siya lulusot ngayon? Eh noong nakaraang gabi narinig din siya ni Eirick na nag salita nang ingles. Nakalimutan niyang nasa ibang panahon siya at napapabulalas dahil sa labis na inis. Dapat siguro mag-ingat na siya simula ngayon. Iyon ang nasa isip nang dalaga. “Marunong magsalita nang ingles.” Kunwari hindi makapaniwala na wika ni Eirick at tumingin sa ginoo. “Yes.” Ngumiting wika nito. “Sa nakikita ko hindi rin mula sa bayan na ito ang kasambahay niyo.” Wika pa nito at tumingin kay Ren. “Baka nagkakamali ka Senior. Alam mong ang mga Indio sa bansang ito ay hindi tinuturaang bumasa. Ang magsalita pa kaya nang wikang ingles.” Wika ni Eirick. Napahawak naman nang mahigpit si Ren sa Saya niya. Naiinis siya sa tono nang pananalita nang binata. Hindi niya alam kung tinutulungan siya nito o minamata. “Pero narinig ko---” “Tiyak na bigla lang kayo.” Agaw nang binata. “May kailangan kayo sa papa. Sasamahan ko na kayo.” Wika nang binata at hindi bigyan nang pagkakataon ang lalaki makapagsalita at inakay papalayo sa dalaga. Sinundan lang nang tingin si Ren ang dalawa na papalayo. HIndi niya alam kung naniniwala ba ito sa sinabi ni Eirick pero kahit papaano nakahinga din siya nang maluwag dahil nakaiwas siya sa isang malaking sakuna. Dapat talaga magdahan-dahan na siya sa mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD