Love Chance - 34

1301 Words
Napapikit nang mariin si Ren nang akmang hahawakan siya nang lalaki. Ngunit bigla siyang napamulat nang mata nang marinig na napagik ang lalaki. Nang magmulat siya nang mata Nakita niya ang mga lalaking binubugbog nang isang Binatang nakasuot nang suit. Gamit ang dala nitong tila tungkod ay pinaghahampas nito ang mga lalaki. Nang makita nang mga lalaki na tila wala naman silang laban sa Binatang iyon agad silang nagsitakbuhan. Sinundan lang nang bagong dating nang tingin ang mga tumatakbong lalaki. Habang si Ren naman ay nakatingin na may pagtataka sa bagong dating. Lalo pa siyang nabigla nang humarap sa kanya ang binata. Hindi siya makapaniwala sa Nakita niya. Ano naman ang ginawa ni Eirick doon? Sa pagkakaalam niya ay umalis ito at sabi pa ni Maria bukas pa ito babalik sa mansion. Napaatras siya nang biglang maglakad papalapit sa kanya ang Binata. “Ano sa palagay mo ang ginagawa om dito sa labas?” Tila galit na wika nang binata saka napatingin sa suot niya. “Saan ka pupunta? Babalik ka ba sa inyo? Alam mo na ba kung papaano makakabalik sa inyo?” sunod sunod na tanong nang binata sa kanya. “Hindi pa.” simpleng wika nang dalaga. “Hindi pa? eh anong ginagawa mo dito? Kung hindi kita sinundan marahil ay napahamak kana sa mga taong iyon. Wala ka bang pakiaalam sa pwedeng mangyari saiyo? Hindi ka namna siguro batang paslit para hindi mo malaman kung anong nangyayari sa katawan mo ngayon. Hindi nalang iyo ang katawan mo.” Nakita ni Ren na tila galit ang binata. Pero hindi naman niya maintindihan kung bakit ito galit sa kanya? Diba dapat ay masaya pa nga ito at umalis siya? Siya na mismo ang nagsabi sa kanya na umalis bakit pa ito tila nagagalit sa kanya. Ano namang ginawa niya na hindi nito nagustuhan? “Bakit ka nagagalit sa akin?” tanong nang dalaga kay Eirick. “Hindi ba’t ikaw na din ang nagsabi sa akin Senior na hindi na ako pwedeng manatili sa lugar niyo. Ngayong umalis ako Galit din kayo. Ano namang gusto niyong gawin ko?” asik nang dalaga. “Sinabi kong hindi kana pwedeng manatili sa bahay ko? Kailan ko naman sinabi yun?” tanong ni Eirick na tila nagugulahan sa sinabi nang dalaga. Saan naman nito nakuha ang ideya na hindi niya gustong manatili ang dalaga sa lugar nila. Sa kalagayan nito ngayon mas gusto pa niyang makita ang dalaga na malapit para mabantayan din niya. “Hindi niyo maalala? Ang bilis niyo naman yatang makalimot.” Sakristong wika nang dalaga. “Kakasabi niyo lang bago kayo lumuwas nang bayan na hindi na ako pwedeng manatili sa bahay niyo. Naiintindihan ko naman. Kaya, aalis na ako. Ayoko na rin namang maging pabigat sa inyo. Problema ko na kung papaano ako babalik sa panahon ko.” Wika ni Ren saka tinalikurana ang binata ngunit hindi siya kaagad nakaalis dahil sa biglang hinawakan ni Eirick ang kamay niya. Napatingin naman si Ren sa kamay nang binata saka sa mukha nito. “Hindi mo lang naintindihan ang sinabi. Pero hindi ibig sabihin noon pinaaalis kita sa bahay ko. Saan ka naman pupunta sa sitwasyon mong yan?” tanong nang binata. “Ako nang bahala doon serior.” Wika nang dalaga saka akmang babawiin ang kamay mula sa pagkakahawak ni Eirick. Ngunit wala naman plano ang binata na bitawan ang kamay nang dalaga. Matalim na tingin ang tinapon ni Ren sa binata. Wala na siyang pakiaalam sa sasabihin nito. “Hindi mo kailangang magalit sa akin nang ganyan. Wala akong masamang ibig sabihin nang sinabi kung hindi kana pwedeng natili doon. Ang tinutukoy ko ay ang bahay nang mga alipin.” Wika nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa binata. Lalo naman niyang hindi maintindihan ang sinasabi nito. “Pinaganda niyo lang ang tunog. Baka nakakalimutan niyo seniorito na nasa bahay niyo ang bahay nang mga alipin na sinasabi niyo.” Anang dalaga sa binata. “Saan ka pupunta?” Tanong nang binata saka muling hinawakan ang kamay ni Ren nang tangkain nang dalaga na umalis. “Aalis. Kanina pa tayo naguusap pero parang hindi naman tayo magkaintindihan.” Anang dalaga sa binata. “Sinabi ko na. Hindi kita pinaaalis sa bahay ko. Ang ibig kong sabihin nang sinabi ko iyon ay---” biglang naputol ang sasabihin ni Eirick. Napatingin naman ang dalaga sa binata at naghihintay sa magiging sagot nang binata. “Malapit nang umulan mas Mabuti pang umalis na ako kung wala ka din namang sasabihin.” Anang dalaga saka akmang aalis. Ngunit biglang hinawakan ni Eirick ang kamay niya. “Seniorito!” inis na wika nang dalaga saka humarap sa binata. “Hindi naman siguro ingles ang lenguahe ko pero bakit hindi tayo magkaintindihan. May katigasan din ang ulo Ninyo. Seniorito.” Sakristong wika nang dalaga. “Hindi ko sinabing umalis ka nang bahay. Ibig kong sabihin. Hindi ka na sa bahay nang mga alipin titira. Doon kana sa bahay.” Wika nang binata. Bigla namang natigilan si Ren dahil sa deniklara nang binata. “Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo? Baki ako titira sa bahay niyo? Hindi bagay sa bahay niyo ang isang----” “Sinong nagsabi saiyo natitira ka sa bahay ko bilang isang alipin?” agaw nang binata. Lalo namang naguluhan ang dalaga sa sinabi nang binata. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong nang binata sa dalaga. “Paano ba kita tingnan seniorito? Halata ba sa mukha ko na gulat ako sa sinabi niyo? May saki tba kayo? Bakit ako titira sa bahay niyo? Alam niyo ba kung ano----” “Alam ko hindi naman ako isang paslit na hindi alam kung anong sinasbi ko.” Agaw nang binata. “Ibig kong sabihin. Sa sitwasyon mo ngayon. Magiging---” “Sapalagay ko problema ko na iyon Seniorito. Hindi niyo kailangang mag-alala.” Anang dalaga. “Hindi ako nag-aalala saiyo.” Wika nang binata. “Pero inisip mo ba ang bata sinapupunan mo? Magiging malupit ang mundong ito sa kanya saiyo. Hindi ko alam kung paano ka pinalaki nang mga magulang mo. Pero ang mga babae sa panahong ito---” “Alam ko yan seniorito.” Agaw nang dalaga. “Pero anong magagawa ko hindi ako makabalik sa pinagmulan ko. Kung alam ko lang kung papaano makabalik.” Anang dalaga. “Kaya nga, habang hindi mo ba alam kung papaano makakabalik sa inyo. Ako na muna ang bahala saiyo at sa magiging anak mo.” Anang binata napatingin namna si Ren sa binata. Ano namang ibig sabihin nito sa siya muna ang bahala sa kanila. Bakit naman? Wala naman itong obligasyon sa kanya. Kung naaawa naman ito sa kanya. hindi naman nito kailangang gawin iyon. Sa panahong ito magkaiba sila nang antas ni Eirick at tiyak na magiging tampulan nang tukso ang binata at tiyak na hindi magugustugan nang mama nito ang iniisip nang binata. “Alam niyo ba nag gusto niyong mangyari? At isa pa ano naman ang gagawin ko sa bahay niyo?” tanong nang dalaga. “Hindi mo maikakaila na iba ka sa mga dalaga sa panahong ito. Naghahanap ako nang tutulong sa akin sa mga trabaho ko. Nakita kita. Alam kung may alam ka. Kaya naman, sabihin nalang nating tutulungan kita. Tutulungan mo din ako.” Anang binata. Lalo namang napatingin ang dalaga sa binata. HIndi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito. Pero kung iisipin niya kay bahay pa din siyang matutuluyan habang naghahanap siya nang paraan para makabalik sa panahon niya. Hindi naman siguro masama ang mungkahi nang binata. Mabait naman ito, hindi ngalang marunong ngumiti. Iyon ang nasa isip ni Ren nang mga sandaling iyon. Wala naman sigurong masamang balak sa kanya si Eirick at mukha namang talagang na-aawa ito sa kanya. Kung hindi bakit siya nito susundan hanggang doon at lilinawin ang misuderstanding niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD