Love Chance - 35

1190 Words
Anong sabi mo?” Gulat na wika nang mama ni Eirick nang sabihin nang binata na sa main house na titira si Ren at sinabi nitong binabalak niyang gawing secretary niya ang dalaga. Maging si Ren ay napatingin din sa binata. Hindi lang ang mama nito ang nagulat kundi lahat nang miyembro nang pamilya nito. “Isa lang siyang aliping walang alam sa pagkatao niya kaya papaano siya magiging isang mabuting sekretarya mo? Wala ka na bas a katinuan mo Eirick.” Bulalas nang ginang sa anak niya. Alam naman ni Ren nag anito ang magiging reaksyon nang mga tao sa mansion. At kahit siya kung nasa sitwasyon nang ina ni Eirick iyon din ang iisipin niya. Bakit kaagad sila magtitiwala sa isang taong hindi manlang alam kung saan siya galing. Well, for her. Alam naman niya kung saan siya galing. Ang dilenma niya ngayon ay kung papaano siya makakabalik. Hanggat hindi niya alam kung papaano siya makakabalik sa panahon niya. She is stuck with him. Wala naman siyang mapagpipilian. Hindi nalang sa kanya ang katawan niya ngayon. May isang inosenteng nilalang na nasa sinapupunan niya. She has to protect this child. Iyon ang nasa isip niya. At ang pumayag sa gusto ni Eirick ang magiging sagot noon. Wala siyang alam sa panahong kinalalagyan niya. She has to do everything para sa kanya at sa dinadala niya. “Huwag niyo siyang maliitin dahil lang wala siyang naalala tungkol sa nakaraan niya. Alam kung iba si Ren Athea sa mga babae sa panahon natin ngayon. May mga katangian siya na nararapat lang bilang sekretarya ko. Hindi niyo mababago ang pasya ko. Ako ang magdedesisyon sa gusto kong gawin. At ang manatili dito sa bahay si Ren Athea. Iyon ang pasya ko.” Wika ni Eirick. Bago bumaling kay Maria at sa mama nito. “Samahan niyo sa Ren Athea sa bakanteng silid malapit sa silid ko.” Wika nito. “Eirick! Kalabisan na ito.” bulalas nang ginang. Napatingin naman si Clara at ang nobyo niya sa dalagang tahimik lang na nakaupo at nasa tabi ni Eirick. “Hindi ka ba ginayuma nang dalagang yan?” tanong nang Nobyo ni Clara. Napatingin naman si Eirick at si Ren sa binata. Lihim na napatiim bagang ang dalaga. Dahil kamukha nito ni Nathan talagang naiinis siyang makita ito. Bukod doon, mukhang hindi rin Maganda ang ugali nito sa panahong ito. Lalo lang kumukulo ang dugo niya sa Binatang ito. “Baka gumagamit siya nang itim na salamangka para lang mapasunod ka niya sa ano mang gusto niya.” Wika nang dalagang kaibigan ni Clara. Itim na salamangka my foot. Sinong maniniwala sa ganyan ka babaw na dahilan. Inis na wika nang dalaga sabay napatingin sa kaibigan ni Clara. “Mabuti pa bukas, isasama kita sa simbahan. Magpadasal tayo kay padre---” putol na wika nang maam ni Eirick nang tumingin sa kanya ang binata. Seriously? They would fall for that lie. Ano bang klaseng panahon ‘to. Wika nang isip ni Ren. “Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niyo. Gaya nang sinabi ko walang makakapagpabago nang pasya ko.” Wika nang binata at tumayo. “Tayo na.” wika nito saka inilahad ang kamay sa dalaga. Napatingin naman si Ren sa kamay nito saka marahang tinanggap. Kakapalan na niya ang mukha niya. Kailangan nila nang mabuting bubong na masisilungan. Napatinigin lang ang lahat nang inakay ni Eirick ang dalaga papalayo sa sala saka nagpunta sa bakanteng silid. Huminto sina Eirick at Ren sa harap nang Pinto nang bakanteng silid na sinasabi ni Eirick. “Sigurado ka ba sa ginagawa mo. Seniorito?” Tanong nang dalaga. “Eirick. Pwede mo akong tawaging Eirick.” Wika nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa binata. “Bakit mo ginawa ito? Alam mong----” “Huwag mong isiping ginagawa ko ito para saiyo. Para sa sarili kong kapakanan kaya ko ‘to ginagawa. May mga bagay na hindi natin kayang baguhin kahit ano pang gawin natin. Isipin mo nalang ginagawa ko ito dahil naawa ako saiyo and I wanted to redeem myself from that sin.” Wika nang binata. “Ha?” takang wika nang dalaga. Pakiramdam niya may malalim na pinanggagalingan ang sinabing iyon nang binata. Parang may malungkot at masalimuot itong nakaraang itinatago nito sa puso niya. “Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko.” Wika nito at binuksan ang pinto nang silid. “Matulog ka nang maaga at marami tayong gagawin bukas.” Wika nang binata. “Maraming salamat. Se—Eirick.” Wika nang dalaga sa binata. Ngumiti naman ang binata sa dalaga bago ito iwan. Napabuntong hininga si Ren bago pumasok sa loob nang silid. “Baby, kailangan mong maging matatag hanggang sa makabalik tayo okay.” Wika ni Ren saka napahawak sa tiyan niya. “I wonder kung hahanapin baa ko nang ama mo. Naalala pa kaya niya ang mukha ko?” wika nang dalaga. “Teka nga, bakit siya ang iniisip ko. Tiyak namang nakalimutan na niya ang nangyari.” Wika nang dalaga na sinaway ang sarili saka napatingin sa paligid. Hanggang sa mga sandaling iyon hindi parin siya makapaniwala na nasa ibang panahon na siya. Panahong sa mga movies at documentary lang niya napapanood. Sinong mag-aakalang mapapadpad siya doon. Anong klaseng laro naman ito nang kapalaran sa kanya. Kahit ayaw nang mama ni Eirick sa gustong mangyari nang binata wala pa din siyang nagawa. Hindi niya kayang diktahan ang gustong gawin nang binata. Gaya nang inaasahan ni Ren, may mga bagay na hindi niya maintindihan lalo na sa bagon niyang trabaho kay Eirick hindi dahil sa wala siyang alam kundi dahil sa magkaiba ang nalalaman niya sa mga nalalaman nang mga tao sa panahong iyon. Pero dahil nandoon si Eirick hindi naman naging masyadong mahirap ang trabaho niya. Inaalayan siya nang binata at pakiramdam niya mas hinahabaan nito ang pasensya sa kanya lalo na kapag may mga nasasabi siyang hindi nito maintindihan dahil na din sa magkaiba ang panahon nila. “Akala ko madaling maging secretary nang masungit na yun.” Wika ni Ren habang nakaupo sa tulay sa may ilog. Kapag natatapos ang trabaho niya madalas siyang nagpupunta doon. Lalo na kapag naalala niya ang pamilya niya. Nagbabakasakaling gaya nang nakaraan makikita niya ang ate niya o ang mama niya pero nakakailang balik na siya sa tulay na iyon wala pa rin siyang nakikita. “Bumalik na tayo. Malapit nang dumilim.” Wika nang dalaga saka tumayo. Ngunit nang makatayo ang dalaga bigla nalang siyang nawalan nang balanse. Ang pakiramdam na parang may tumulak sa kanya at dahil sa nangyari bigla siyang nahulog sa ilog. Sinubukan niyang umahon pero pakiramdam niya ang bigat nang mga paa niya at may humihila sa paa niya pailalim sa tubig kahit na anong gawin niyang pag-ahon hindi niya magawa hanggang sa tuluyang nawalan nang lakas ang mga paa niya. At nahirapan na rin siyang huminga sa ilalim nang tubig. Nagdilim ang paningin niya at unti-unti siyang nawalan nang malay. Pakiramdam niya unti-unting lumulubog ang katawan niya. “Mama!” iyan ang nausal nang dalaga habang unti-unting lumulubog ang katawan niya sa tubig. Sinong magliligtas sa kanya ngayon? Hindi niya alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD