Love Chance - 33

1251 Words
Ren Athea. Bakit iyan ulit ang suot mo?” Takang wika ni Maria nang maabutan ang dalaga na suot ang damit nito. Ito ang damit nang dalaga nang una siyang makita ni Maria sa kasukalan. Kakarating lang ni Maria mula sa bayan matapos utusan ni Eirick at bilhin ang mga isinulat nito sa papel. Nabigla nalang ito nang makita ang dalaga sa dati nitong kasuotan. “Nandiyan na ba ang inay mo?” Tanong ni Ren sa dalaga. “Wala pa.” umiling na wika nito. “Baka sa makalawa pa ang balik nila. May malaking hapunan kasi sa bahay nang General ngayon at naimbitahan sina Senior. Bakit?” wika nito sabay tanong sa dalaga. “Magpapaalam sana ako sa kanya.” “Magpapaalam? Saan ka pupunta?” Tanong ni Maria saka huminto sa pagsasalita. “Babalik ka na ba sa inyo?” Tanong nito habang nakatigin sa mukha ni Ren. “Alam mo na kung papaano ka babalik?” tanong pa nito. “Hindi pa.” pilit na ngumiting wika ni Ren. “Hindi pa? Pero bakit ka aalis? Alam mo ba kung saan ka pupunta? Alam ni Seniorito Eirick na aalis ka?” Tanong nang dalaga sa kanya. “Alam niya. Siya din naman ang nagsabi na hindi na ako pwedeng manatili dito.” Wika nang dalaga. “Ha? Sinabi niya yun?” gulat na wika nito tila hindi ito makapaniwala na paalisin siya ni Eirick gayong alam nitong nawalan nang malay kanina ang dalaga. “Hindi na mahalaga iyon. Nandito ba siya?” tanong nang dalaga. “Naku. Kakaalis lang sumunod sa bayan. Baka bukas pa sila bumalik. Kung ngayon ka aalis hindi ka na makakapagpaalam sa kanila. Hintayin mo nalang sila.” Wika pa ni Maria. “Mas Mabuti nang hindi ko sila hintayin. Isa pa gusto rin naman niyang umalis ako. Mas maaga akong umalis mas maigi para sa kanya.” “Hindi na ba kita mapipigilan?” tanong ni Maria. “Alam mo delekado ang ngayon sa lugar natin. Maraming mga rebelde at ----” “Huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko.” Wika pa ni Ren kay Maria. Hindi naman nagawang pigilan nang dalaga si Ren dahil sa mukhang determinado naman itong umalis. Hinayaan nalang niya ang dalaga na umalis. Pero natatakot siya baka kung anong mangyari sa dalaga gayong hindi naman nito kabisado ang lugar. ***** Napapatingin si Ren sa mga taong nadadaanan niya sa kalsada. Nakatingin ito sa kanya at halatang nagugulat sa kanya. May ilang mga kadalagahan na Nakita niyang pinag-uusapa siya sa pagitan nang abanikong hawak nila. Naririnig niyang sinasabi nang mga ito nakakatwa ang suot niyang damit. Hindi niya alam kung saan pupunta. Biglang napatingala si Ren nang biglang marinig ang kulog. Mukhang nagbabadya ang malakas na ulan. “Seniorito!” gulat na wika ni Maria nang makita ang binata na dumating sa bahay. Isasara na sana niya ang mga pinto at bintana nang bigla niyang marinig ang katok. Nang buksan niya ang pinto bigla siyang natigilan nang makita si Eirick na dumating ang buong akala niya bukas pa ang balik nito kasama ang mga magulang nito at kapatid dahil sa isang salo-salo na inihanda sa bahay nang General. “Nagulat ka yata.” Wika ni Eirick at Pumasok saka tinanggal ang sombrero niya at hinubad ang suot na coat. Napatingin siya sa paligid at hindi Nakita si Ren saka bumaling kay Maria. “Nagpapahinga pa rin ba si Ren Athea?” Tanong nang Binata saka tumingin kay Maria. Bigla namang natigilan si Maria at napatingin sa binata Dahil sa titig nito nakutuban na agad ni Eirick na may hindi tama. “May nangyari ba? May dapat ba akong malaman?” Taning nang binata. “Kasi Senior. Si Ren Athea umalis na.” wika nang dalaga. “Umalis? Sa kalagayan niyang iyon? Bumalik na ba siya sa bahay nila?” takang tanong nang binata. Pero sa huling pag-uusap nila ang dalaga sinabi sa kanya ni Ren na wala itong maalala sa nakaraan niya at kung saan siya nakatira kaya saan naman ito pupunta? Iyon ang nasa isip nang binata. “Hindi niya alam senior. Pero sabi niya sinabi niyo raw sa kanya na hindi na siya pwedeng manatili dito. Mukhang ----” “Anong sabi mo?” Biglang nagtaas nang boses na wika ni Eirick nang marinig ang sinabi ni Maria. Bigla namang napaigtad ang dalaga nang marinig ang boses nang binata. “I-iyon ang sabi niya kaya siya nagmamadaling umalis. Mukhang ayaw na niyang makaabala pa sa inyo.” Sagot ni Maria. “At hinayaan mo siyang umalis?” Tanong nang binata. “Alam mong delekado ngayon lalo na at wala siyang alam sa lugar na ito.” wika ni Eirick saka tumalikod at lumabas nang bahay taka namang napatingin si Maria sa binata. Ito ang unang beses na Nakita niya itong tila nag-aalala simula nang mamatay ang asawa nito. Binibini, saan ka papunta? Bakit nag-iisa ka yata?” Tanong nang isang lalaki kay Ren nang bigla siyang harangin nang tatlong lalaki. Nasa isang eskinita noon ang dalaga. Papaalis na sana siya nang bigla pa siyang salubungin nang isa pang lalaki. Dahil sa nagsisimula nang pumatak ang ulan naisipan niyang sumilong muna kaya lang sa paghahanap niya na pwedeng masilungan ang tatlong lalaking ito naman ang nakasalubong niya. Napatingin si Ren sa mga lalaki. Nakasuot nang straw hat ang mga ito. Habang nag pang itaas ay Camesa de chino. Napansin din nang dalaga ang itak na nakataklos sa bewang nang mga ito. The Typical Filipinos noong unang napahon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot hindi niya gamay ang ugali nang mga ito kaya hindi niya alam kung dapat siyang magtiwala sa mga lalaki. “Huwag mo akong hawakan.” Biglang wika ni Ren na umiwas nang biglang tangkain nang lalaki na hawakan siya. Napatingin naman ang lalaki sa kanya at pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. “Kakaiba yata ang kasuotan mo binibini. Hindi ka ba mula dito?” tanong nang lalaki. “Baka mula sa ibang bansa yan. Tingnan mo naman ang suot.” Dagdag pa nang isa. “Hindi ka namin sasaktan. Gusto mo bang sumama sa amin? Saan ka pupunta ihahatid ka na namin.” Wika nang isa pa na tinangkang hawakan ulit ang dalaga. “I said don’t touch me!” bulalas nang dalaga. Bigla namang natigilan ang tatlo dahil sa banyagang wikang tinuran nang dalaga. “Mukhang hindi tagarito ang isang ito. Kapag binenta natin siya magkakaroon tayo nang malaking pera.” Wika pa nang lalaki. “Sabagay. Masyado na nila tayong pinahihirapan. Tayo naman ang dapat gumanti ngayon.” Wika nang lalaki na hahawakan sana si Ren ngunit biglang itinulak nang binata ang lalaki saka tumakbo. Kasabay nang pagtakbo nang dalaga ang biglang pagpatak nang ulan. Hindi alam ni Ren kung saan tatakbo. Napalingon siya sinusundan pa rin siya nang tatlong lalaki. Sa pagtakbo niya bigla siyang napunta sa eskinita na dead end na. Hintakot siyang napalingon sa mga lalaki. “Huwag ka nang tumakbo. Hindi ka rin naman makakatakas sa amin. Hindi naman kami masama eh.” Wika nang lalaki na ngumisi at lumapit sa dalaga. “Please. Huwag kang lalapit.” Nang dalaga at napaatras pero sa pag-atras niya bigla tumama sa pader ang likod niya. Wala na siyang matatakbuhan kahit pa gusto niyang tumakbo. At kahit pa sumigaw siya wala namang makakarinig sa kanya. Wala atang katao-tao sa lugar na iyon. Kaya kahit anong mangyari sa kanya walang makakatulong sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD